That most sweet 4-letter word, “Dear”

Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 02 August 2022
Photo from https://krugsstudio.blogspot.com/2016/07/does-anyone-write-letter-anymore.html

Two amusing anecdotes happened with me recently that reminded me of this four-letter word rarely used these days that is so powerful yet very endearing and lovely, and so touching too. It is the word dear we often use in writing letters, at least for my fellow 57 year-olds and above.

Let’s begin with the more recent incident that happened yesterday when I went walking again after a one week break due to toxic schedules. I felt funny walking yesterday while stretching my arms and moving my head with everyone asking me what have happened that I was absent for so long. When I returned to the parish for a break, I met our Rector Fr. Elmer and told him to write me an “excuse letter” that says, “Dear Everyone: Please excuse Fr. Nick for not being able to walk last week due to pastoral reasons” which I would show whoever would ask me again of my long absence.

Photo by Eva Bronzini on Pexels.com

That was how I remembered – while still walking – something so stupid when I was in grade 3 after I had asked my dad to write me an excuse letter to my teacher after being absent due to a fever. Despite my failing memory at times, I vividly remembered yesterday that scene of how my dad took his yellow pad and removed the blue cap of his Bic Orange FINE BILLE CARBURE ball pen to write my excuse letter in just a minute which he asked me to read aloud.

That’s when problem arose: I protested to my dad why he wrote the word “Dear” in addressing my teacher!

Hindi ko malaman kung anong katangahan o kalokohan pumasok isip ko nung umagang iyon at hindi ko ma-take sinulatan ng daddy ko yung Grade 3 adviser namin ng “Dear Ms. Legaspi”? Kasi, akala ko noon yung “dear” ay para lang sa asawa at kasintahan. Akala ko nanliligaw daddy ko kay ma’am… Gara ano?

My dad, who has always been so cool, simply took off his glasses, grinned at me, impishly smiled and explained that “dear” was the standard salutation in letters. But I was adamantly holding on to my conviction that “dear” had romantic undertones that should not be used in writing excuse letters as I remained seated on our sofa, not touching my excuse letter and making face until my mom came to explain things to me, assuring me that it was ok with her for my dad to write my teacher with “Dear”.

Corny? Weird?

Yes, I am both corny and weird but as I matured – getting more corny and more weird than ever – I have come to keep that love affair with the word “dear” so alive and well with me. I use it to address not only friends and relatives, colleagues and acquaintances, but most especially God in my daily prayer blogs as I have learned that it expresses a special kinship, a special relationship that is so honorable and dignified.

Maybe it is no coincidence that dear is also a synonym for expensive, a direct opposite of cheap. It is very interesting that in Filipino, the words dear and expensive are translated as “mahal”, the opposite of cheap or “mura”. Mahal is love. From mahal comes mahalaga, equivalent to English as valuable and important. Things that are dear and expensive are always valuable.

Photo by Suzy Hazelwood on Pexels.com

The same is true when you address anyone with the salutation “Dear” – he or she is loved and valued with respect and honor.

Maybe, one reason we have lost the art of letter writing is not just due to computers and text messages but because we no longer value persons that much unlike before. There is something so special, so touching inside when one receives a letter or a card or even a postcard that makes you feel so good inside because you were thought of, remembered and cared for.

Gladden the heart of someone today by writing him/her with a short note saying hi or anything by starting with the word “Dear”. Try it. It feels good too to the letter writer.


Now, the very first incident that reminded me of the word “dear” happened the other Monday afternoon when I was called to our hospital for an Anointing of the Sick by the family of a patient who was transferred from the ICU to a regular room. Actually, I have visited the patient that Sunday before at the ICU, anointed him with Holy Oil and even gave communion to his family.

Photo by Daan Stevens on Pexels.com

When I arrived at the hospital room and saw again the wife seated on a wheelchair, crying like when I saw her at the ICU a day earlier, I realized it was not really the patient who needed me but his wife who could not accept the hard truth her husband was dying. So, I asked the other family members to leave the room as I counseled the wife to let go of her husband, to speak to him and tell him how much she loved him, not to worry about her, and most of all, to forgive him and say sorry as well for her sins to him.

The patient was 80 years old, so thin and pale, dependent on life-support system while the wife was 78 years-old who could barely walk except for very short distances. After a while of crying, the wife told me she was ready to speak to her husband to tell him those words we have rehearsed: “I love you”, “I forgive you”, “I am sorry” and “I now give you to Jesus, go and don’t worry about me.”

While assisting her to the bedside of her husband, I asked her how they called each other and, before answering me, she bowed her head, wiped her nose, and softly said, “dear”.

“Ah, dear po pala tawagan ninyo” as I led her closer to him.

Please forgive me… when I heard the woman told me how they called each other as “dear”, I felt the mischievous child in me giggling, so tickled with joy as I heard the woman almost whispering to her husband, “Dear… I love you”, “Dear…I forgive you for your sins against me”, “Dear… I give you back to God. I’m ok now.” What a kilig moment!

I felt like in a movie with two elderly couples together, the husband at the threshold of eternity with his loving wife calling him perhaps for the last time as “dear”. What a precious moment indeed when the patient responded by opening his eyes, making me wonder how he would say the word “dear” to his wife too!

The following day, the patient died peacefully. Most likely, after hearing again that lovely and assuring word, “Dear” by his wife. How I felt so dearly loved and blessed by God in answering his call to counsel the wife and return to anoint the man with Holy Oil for his final journey back home.

Thank you, my dear friends for bearing with me! Have a blessed, dearly loved week!

Photo by Mr. Chester Ocampo, springtime in Japan, 2017.

Liwanag ng pananalangin sa makulimlim na panahon

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-15 ng Hulyo, 2022
Larawan kuha ni Greg sa Pexels.com
Tatlong linggo nang maulan,
makulimlim at mapanglaw ang
kalangitan habang dumaragsa naman
mga kahilingan ng pananalangin sa akin 
para sa maraming may sakit at karamdaman
ngunit, wala isa man sa kanila ang humiling 
na gumaling maliban sa pangalan nila ay
aking sambitin sa Panginoong butihin.

Madalas mga nagpapadasal
hiling lang naman ay panalangin -
hindi sinasabi kung para saan o
marahil ipinapalagay naunawaan na
kanilang ibig sabihin; gayon pa man,
sa aking paningin maganda itong gawain
tulad ng matutunghayan natin sa unang
pagbasa sa Misa kaninang umaga: 

Noong mga araw na iyon, nagkasakit nang malubha si Ezequias, kaya siya’y dinalaw ni Isaias na anak ni Amoz. Sinabi niya sa hari ang utos na ito ng Panginoon: “Ipatawag mo ang iyong sambahayan at gawin mo na ang iyong mga huling habilin, sapagkat hindi ka na gagaling.” Pagkarinig nito, humarap siya sa dingding at nanalangin. “O Panginoon, alam mo kung paano ako namuhay sa iyong harapan. Naglingkod ako sa iyo nang tapat at ang ginawa ko’y pawang nakalulugod sa iyong paningin.” Pagkatapos, nanangis siya nang malakas.

Isaias 38:1-3
Pagmasdan at pagnilayan 
panalangin ni Haring Ezequias:
wala siyang hiniling na gumaling
maliban sa alalahanin ng Diyos
kanyang naging buhay na matapat
at masunurin sa mga banal na alituntunin
kaya siya ay pinagaling
pati buhay niya ay napahaba din!
Maraming biyaya ang Diyos 
na binibigay sa atin na hindi
naman natin hinihiling dahil
batid Niya ang mabuti sa atin
bukod sa alam niya ating saloobin;
sa pagdarasal hindi mahalaga ating
mausal kungdi maranasan Kanyang
kapanatilihan at mapakinggan Kanyang kalooban.
Batid ng Diyos 
lahat ng ating pinagdaraanan
lalo ng mga may sakit at karamdaman
kaya sa ating pananalangin
damhin natin Siya ay kapiling
sarili ay maihain, tanggapin ating sasapitin
dahil sa pagsuko ng sarili natin
doon nagsisimula ating pag-galing!
Larawan kuha ng may-akda, 2020.
O Diyos Ama namin,
dama mo hirap at dusa namin
pati mga takot at pagaalinlangan
lalo na kapag may nagkakasakit sa amin;
tulungan po Ninyo kami sa Iyo
aming sarili ay maisuko,
manalig na kami ay hindi madaraig
dahil nagtagumpay na si Hesus sa
sakit at kamatayan upang kami ay
mabuhay magpakailanman.
Amen.

Ulan

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-13 ng Hulyo 2022
Larawan kuha ng may-akda, 2016.
Itong ulan
ay kay buting paalala
sa atin ng kalikasan  
na kailanma'y hindi tayo nalilimutan
ng Panginoong Maykapal
sa ating mga pangangailangan;
dinidiligan nanunuyot na kapaligiran
maging ating katauhan, minsa'y
nagwiwilig lamang upang maibsan 
ang alinsangan at kung tag-ulan, 
bumubuhos upang lubluban 
labis nating karumihan!
Larawan kuha ng may-akda, 2020.
Itong ulan
maraming kahulugan
kadalasa'y pagpapala at
biyaya, tubig mula sa kalangitan
bagaman kung minsan
ay parang sumpa o parusa
tila mga patak ng luha 
tayo ay binabaha ng hirap
at hilahil, nalulunod sa pighati
at kalungkutan na tila walang katapusan.
Larawan mula Pixabay sa Pexels.com.
Itong ulan
mayroong taglay na katangian
wala sa ibang kalikasan
ang mangusap at magparamdam
dampian buong katawan tulad
ng isa pang kapwa nilalang
upang maranasan kalinisan at
kadalisayan nitong buhay
luntiang mga dahon, damdaming naaantig 
ng magkasabay na lamig at halumigmig!
Larawan kuha ni Peter Fazekas sa Pexels.com.

Pag-ibig sa paglisan

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-03 ng Hunyo, 2022
Larawan kuha ng may-akda sa Bolinao, Pangasinan, ika-20 ng Abril 2022.

Habang tayo ay nagbulay-bulay sa pagpapala at biyaya ng bawat paglisan noong kamakalawang araw, noon din naman nag-trending sa social media ang hiwalayan ng mag-asawang Jason Hernandez at Moira dela Torre, dalawang sikat daw na mga mang-aawit na ni hindi ko alam ni kilala.

Sumabay din naman kinagabihan ding iyon ang desisyon ng korte pagkaraan ng anim na linggong hearing na sinubaybayan ng marami sa social media (ako po hindi) ang demandahan ng mas sikat na mga taga-Hollywood at dating mag-asawa na Johnny Depp at Amber Heard. Magandang pagkakataon ang dalawang naturang balitang showbiz upang suriin nating mabuti ating mga ugnayan o relationships at tingnan nasaan na nga ba ang pag-ibig sa isa’t isa.

Gaya ng ating napag-nilayan noong Miyerkules, ang bawat paglisan ay biyaya at pagpapala sa kapwa umaalis at naiiwan kapag ang pagpapasiyang lumisan ay napagnilayan at napagdasalang mabuti.

At higit na lumalalim ang ugnayan ng isa’t-isa at pag-ibig sa bawat paglisan kapag ito ay humahantong sa wakas ng buhay at kamatayan.

Kaya ang aking tanong na bunsod ng awit ni Bb. Cookie Chua noong dekada 90, sa bawat paglisan, sino nga ba ang may higit na pag-ibig, ang umaalis o naiiwan?

Larawan kuha ni Bb. Jing Rey Henderson sa Taroytoy, Aklan noong ika-30 ng Abril, 2022.

Palagi ko sinasabi sa bawat kinakasal ko na hindi paligsahan ang pag-ibig. Sino mang mayroong higit na pag-ibig, siyang dapat magmahal nang magmahal, umunawa at magpatawad, unang kumibo at bumati sakaling sila ay may di-pagkakasundo o tampuhan.

Hindi rin paligsahan sa pag-ibig ang aking nais mabatid sa aking naturang tanong kungdi ito’y sumagitsit sa aking puso at isip noong ilibing ng Martes kapatid ng yumao kong kaibigan.

Unang pumanaw noong Enero si Ate Priscilla sa sakit na kanser. Simple at tahimik na nakaibigan ko siya sa dati kong parokya na pinaglingkuran. Apat silang magkakapatid na mga dalaga na iniukol ang mga sarili sa mga pamangkin at simbahan. Nitong pagpasok ng 2022, nagkasakit si Ate Illa at ako pa ang nagkumbinsi sa kanyang pumasok na sa pagamutan kasi, ayaw niyang mahirapan sa pag-aalaga sa kanya at sa gastusin ang mga kapatid.

Kuha namin noong Enero 01, 2022 nang dumalaw sa akin si Ate Illa at mga kapatid. Hindi kasama si Ditseng Baby.

Ngunit huli na pala ang lahat.

Biglang lumala kanyang kalagayan at binawian ng buhay pagkaraan ng dalawang araw sa ospital. Noong kanyang lamay, palaging sinasabi ng nakababata niyang kapatid, si Ditseng Baby, na siya man ay ayaw nang pahirapan mga kapatid niya sa kanyang pagkakasakit din ng kanser. Halos magkasunod silang nagkaroon ng kanser bago mag-COVID pandemic. Hindi nga nagtagal, noong ika-27 ng Mayo, biglang inatake sa bahay si Ditseng Baby at pumanaw.

Kaya ako ay bumalik sa kanilang tahanan at simbahan upang siya naman ang Misahan at ihatid sa huling hantungan kamakailan.

Isa na namang paglisan na biglaan ngunit napaghandaan ng mga pumanaw.

Hindi naman natakot ang magkapatid na Ate Illa at Ditseng Baby sa buhay at kamatayan; katunayan sa aking pananaw, buong tapang nilang hinarap lalo ang kamatayan. Mas mahirap sa may katawan siguro ang maramdaman na ikaw ay papanaw at buong tapang itong tanggapin at sabihin.

Larawan kuha ni Dr. Mylene A. Santos, MD, 2021.

Biyaya pa rin ng Diyos ang magkaroon ng gayong lakas ng loob sa gitna ng panghihina ng katawan. At ang pangunahing biyaya na binubuhos ng Diyos sa isang lumilisan ay pag-ibig, lalo na kung ito ay hahantong sa kamatayan. Pag-ibig ang dahilan kaya ayaw na nilang mahirapan pa mga kapatid nila sa pag-aalaga at gastusin kahit mayroon silang kakayahang magpagamot. Pag-ibig hanggang sa huling sandali ang kanilang handog at ibinahagi sa lahat.

Kaya nga kapag mayroong isang taong lumilisan – pansamantala man tulad ng pangingibang- bayan o panghabang-buhay tulad ng mga naghahabilin sa banig ng karadaman – higit ang kanilang pag-ibig na binibigay sa mga naiiwan o nauulila.

Mas marami silang pabaon na pag-ibig sa mga naiiwan kung titingnan.

"Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip, ito'y nandirito pa rin

Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig"
- Bb. Cookie Chua ng Color It Red, "Paglisan"
Larawan kuha ng may-akda sa Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 2016.

Sino man ang magpasyang lumisan batay sa maka-Diyos na pamantayan at konsiderasyon, nakatitiyak ako siya ang mayroong higit na pag-ibig dahil handa siyang iwanan ang lahat para sa mga minamahal.

Pang-apat sa walong pagpapala o beatitudes na ipinahayag ni Hesus sa kanyang sermon sa bundok ay mayroong kinalaman sa paglisan:

“Pinagpala ang mga nagdadalamhati, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.”

Mateo 5:4

Kapag mayroon umaalis, tayo ay nagdadalamhati, lumuluha kasi masakit ang maiwan, pansamantala man o pangmagpakailanman.

Nasaan ang pagpapalang sinasabi ni Hesus kung tayo ay lumuluha, nagdadalamhati dahil naiwan ng isang lumisan o pumanaw?

Naroon sa pag-ibig!

Pinagpala ang mga nagdadalamahati kasi mayroon silang pagmamahal, sila’y nagmamahal kaya lumuluha sa lumisan na kamag-anak o kaibigan; subalit, higit ang kanilang pagpapala dahil sila ay minahal ng lumisan!

Higit pa rin ang pag-ibig ng lumilisan kung tutuusin.

Kaya tayong naiiwan ay umiiyak, nasasaktan.

Subalit, lahat ng kalungkutan ating mararanasan sa paglisan ay pagbabadya ng higit na tuwa at kagalakan. Wika din ni Hesus sa kanyang mga alagad noong Huling Hapunan nila na mas mabuti na siya ay lumisan upang sa gayon ay maisugo niya ang Patnubay o Espiritu Santo (Jn. 16:7).

Gaya ng ating napagnilayan noong Miyerkules, ito yung ikalawang mahalagang bagay dapat nating pakaisipin sa pagpapasya kung tayo ay mananatili o lilisan: ang ating kaganapan at paglago ng katauhan (https://lordmychef.com/2022/06/01/pagpapala-sa-paglisan/).

Muli, ating makikita ang higit na pag-ibig na bigay pa rin ng lumilisan dahil sa bawat pag-alis, naroon din ang pagkakataong lumago ang katauhan ng naiiwan gaya ng lumilisan.

Larawan kuha ng may-akda sa Bolinao, Pangasinan, ika-19 ng Abril 2022.

Ganyan ang paraan paanong lumago ating pananampalatayang Kristiyano dahil sa paglisan ni Hesus, lalong nag-ibayo sa pagmamahal at pagsusumakit ang kanyang mga naiwan sa pagpapahayag sa salita at gawa ng ipinadama niyang pag-ibig para sa ating kaligtasang lahat.

Dahil sa pag-ibig na iyan ni Hesus, naging pagpapala ang bawat paglisan dahil hindi na lamang ito pagtungo sa isang dakong malayo kungdi pagpasok sa panibagong antas ng ugnayan. Wika nga ng mga kabataan, level up ang ating mga relationships.

Sa bawat paglisan, hindi tayo nababawasan o nawawalan kapag pag-ibig ang dahilan nito.

Kaya sana, ngayon pa lamang atin nang pakaingatan at pahalagahan bawat isa upang bawat paglisan ay maging makabuluhan. Nawa sa ating paglisan, bantayan at pagpalain tayo ng Diyos palagi. Mizpah (Gen.31:49)!

Pagpapala sa paglisan

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-01 ng Hunyo 2022
Larawan kuha ng may akda sa Bolinao, Pangasinan, ika-19 ng Abril 2022.

Mahigit isang linggo ko nang pinagbubulay-bulay ang pananatili at paglisan hanggang sa aking mapakinggan kahapon sa libing ng kaibigan itong magandang awit ni Bb. Cookie Chua dalawang dekada na siguro ang nakalipas.

"Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip, ito'y nandirito pa rin

Kung ang lahat ay may katapusan
Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa iyong paglisan, ang tanging pabaon ko
Ay pag-ibig"

Noong nakaraan, ang tanong ko lang naman ay kailan tayo dapat manatili at kailan tayo dapat umalis o lumisan?

Dahil sa awit na aking napakinggan dala ng pagpanaw ng kaibigan, napalawig ang aking pagninilay ng panibagong katanungan: sa bawat paglisan, sino nga ba ang may higit na pag-ibig, ang umaalis o ang naiiwan?

Hayaan ninyo munang aking sagutin unang tanong, kailan ba tayo dapat umalis at kailan dapat manatili?

Larawan kuha ni G. Chester Ocampo sa Japan, 2017.

Napagnilayan ko ito noong nakaraang Martes nang ang mga pagbasa sa Misa ay tungkol sa pagkakulong nina San Pablo at Silas sa Filipos nang biglang mayanig ng malakas na lindol ang naturang lungsod (https://lordmychef.com/2022/05/24/prayer-to-know-when-to-stay-and-when-to-go/). Magpapakamatay na sana ang kanilang bantay sa pag-aakalang tumakas sina San Pablo at Silas nang pigilan siya mismo ni San Pablo na naroon pa rin sa kanilang selda (Gawa 16:22-34).

Hindi ba madalas kapag tayo ay nasa mahirap na sitwasyon, napakadaling pumasok sa isip natin ang basta mawala na lamang at makaalis, gaya ng pagbibitiw sa trabaho o panginibang bansa marahil?

Iyon nga nakapagtataka kina San Pablo at Silas! Bakit hindi pa sila tumakas na lamang pagkaraan ng lindol na sumira sa kanilang kulungan?

Sa kabilang dako naman, doon sa Mabuting Balita ng araw na iyon, si Hesus ay panay ang paalam ng kanyang paglisan sa kanyang mga alagad noong kanilang Huling Hapunan. Sinabi pa niya na ang pag-alis niya ay sa ikabubuti ng mga alagad niya dahil sa pagdating ng Espiritu Santo na susuguin niya (Jn.16:7).

Dalawang magkaibang sitwasyon, kailan nagiging mabuti at tama, ang manatili at umalis?

Mga sagot:

Una, sa manatili man o lumisan, pinakamainam palagi ay sundin banal na kalooban ng Diyos. Parehong mabuti ang manatili at lumisan ngunit nagkakaroon lamang ito ng kabuluhan o katuturan kung makikita batay sa kalooban at plano ng Diyos para sa atin.

Larawan kuha ni G. Chester Ocampo sa Japan, 2017.

Bakit nga ba hindi pa tumakas sina San Pablo at Silas nang mawasak ng lindol kanilang piitan habang nasa Filipos noon? Maliwanag nating makikita dito ang plano at misyon ng Diyos sa kanila upang masagip at mabinyagan bilang Kristiyano ang kanilang bantay sampu ng kanyang pamilya at angkan! Kung tumakas sina San Pablo at Silas, marahil ay nagpakamatay na nga kanilang bantay at hindi naging Kristiyano. Sayang!

Dito ipinakikita sa atin kahalagahan ng pananalangin upang maging maliwanag kung nasaan ang ating misyon sa buhay. Kung ika’y mananatili ngunit ibig ng Diyos ika’y lumayo tulad ni Abraham, kailanaman ay hindi ka mapapanatag sa buhay. Gayun din naman, kung ikaw naman ay magpipilit na umalis at lumipat dahil sa maraming magandang alok at pagkakataon ngunit hindi naman iyon ang layon sa iyo ng Panginoon, baka ikaw ay mabigo lamang sa iyong pupuntahan.

Minsan nais ko na liwanagin paborito nating salawikain na “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” kasi madalas, nauuna ang gawa ng tao at kapag nagkaproblema na, saka hihingi ng awa sa Diyos. Totoong nasa Diyos ang awa at nasa tao ang gawa kung bago tayo gumawa ay humingi muna tayo sa Diyos ng awa, liwanagin sa kanya ano ba ang dapat nating gawain? Hindi iyong kapag palpak na at marami nang sabit saka lalapit sa Panginoon.


Pangalawa, sa pagpapasya natin sa pananatili o paglisan batay sa pananalangin, isang bagay makikita natin palagi nangingibabaw sa Diyos ay kapakanan ng iba hindi ng sarili dahil tiyak palagi niya tayong pangangalagaan at hindi pababayaan.

Kaya, huwag matakot na manatili o lumisan, pangalawa sa Maykapal na ating batayan ng desisyon ay kapakanan ng iba, hindi ng sarili.

Batid ito ng maraming OFW at mga magulang na nangibang bansa. Mahirap at masakit ang lumisan ng bayan, iwanan mga mahal sa buhay at mahirap din naman ang maiwanan at mahiwalay sa kabiyak at magulang. Ngunit, kanilang tinitiis ang lahat para sa isa’t-isa, para sa minamahal at hindi para sa sarili.

Larawan kuha ni G. Chester Ocampo sa Japan, 2017.

Ganoon ang Diyos parati: hinihiram tayo para sa kapakanan ng iba. Ito yung katotohanan ng sinabi mismo ni Hesus na “Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan” (Jn.15:13).

Yung nanatili at lumilisan, kapwa nagmamahal at nagmamalasakit, nagiging mabunga ang buhay at pagkatao kung ang pasya ay batay sa kalooban ng Diyos.


Pangatlo, makikita natin na kapag tumpak ang proseso ng pagpapasya natin kung tayo ba ay mananatili o aalis, naroon din palagi paglago ng ating pagkatao at ng mga maiiwan natin. Sa pananatili at paglisan, higit na mahalaga ang pamumunga o “fruitfulness” at di lamang success.

May mga tao na matagumpay, successful wika nga dahil nanatili at nagtiyaga o kaya’y lumayo at nasapalaran sa ibang lugar ngunit hindi naman ganap sa buhay at tila baga mayroong kulang pa sa kanila. Kasi nga, wala namang naging lalim sa kanilang katauhan kanilang mga ginawa sa pananatili man o sa paglisan. Marahil ay sa kabila ng kayaman at katanyagan, wala silang natagpuan kahulugan sa buhay. Palaging mayroong kulang. Tulad ng Diyos na siya lamang ating kaganapan sa buhay.

Larawan kuha ng may akda sa Bolinao, Pangasinan, ika-20 ng Abril 2022.

Maituturing din ito bilang pagmamature o pagkakaroon ng gulang. May mga pagkakataon lalo na sa mga nakababata na kapag naiwanan at hinayaang mamahala sa kanilang sariling buhay, sila’y nagma-mature; gayun din naman kapag sila ay lumuwas ng lungsod upang mag-aral at manirahan ng sarili sa mga dorm, sila man ay nagma-mature.

Alalaong-baga, sa ating pananatili o paglisan, lagi ding dapat isaalang-alang paglago sa katauhan ng nanatili at lumilisan.

Kapwa puno ng biyaya at pagpapala ang pananatili at paglisan kung ito ay ating mapagpapasyahan ng mahusay at hindi ng padaskol-daskol lamang. Ito higit nating mapagtatanto kung ang usapin ng paglisan ay hindi lamang pansamantala at hindi ibang lunan na maaring marating.

Naiiba at lalong lumalalim ang kahulugan ng pananatili at paglisan kung ito ay sa larangan ng pangmagpakailanman, kapag ang paglisan ay kamatayan.

Iyan ang ating pagninilayang susunod upang sagutin ating pangalawang tanong, sa bawat paglisan, sino nga ba ang may higit na pag-ibig, ang umaalis o naiiwan?

Pansamantala, ay halina at pakinggan, sabayan kung mas mainam, itong awiting Paglisan at baka kayo man ay mayroong ibang mapagnilayan. Hanggang sa muli.

*Wala po kaming hangad na lumabag sa karapatang-pangsipi o copyrights ng may-ari ng awit at video na ito maliban sa namnamin kagandahan ng nitong musika.

Mula sa YouTube.com.

TikTok ngayon, Tiktik Magasin noon?

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-25 ng Mayo 2022
Larawan mula sa gettyimages.com at bbc.com.
Huwag sanang masamain
aking pagkagambala
pagkahumaling sa app 
na kung tawagin ay TikTok;
batid ko ang maraming kabutihan
dulot nito sa pakikipagtalastasan
at ugnayan ngunit bakit tila
nauungusan ng mga kahalayan
at kabastusan makabagong laruan?
Nakakaaliw mga katatawanan
at kalokohang napapanood
ngunit nakakabagabag mga
kalaswaan nilalarawan at
napapakinggang usapang
natutungahayan sa munting screen
buong kamalayan ang winawasak,
murang isipan nalilinlang
habang oras at panahon nasasayang.
Hindi sa pagmamarunong
ibig ko ring itanong,
"kailangan pa bang picturan"
maski sa lansangan, dalampasigan 
at may pampang mga pasiklaban
sa pag-giling ng katawan at
suot-suot ay kakapiranggot?
"Kailangan pa bang picturan"
ipangalandakan kagandahan ng katawan?
Kung ating babalikan
sariling kapanahunan 
dekada ochenta mayroong
lathalain kung tawagin Tiktik Magasin, 
mga kuwento at dibuho pulos 
seksuwal at kabastusan 
pinararaan sa panitikan 
bilang pagsasalang-alang 
sa karamihang tao na maselan.
Ang kahalayan saan mang
paraan ipahayag ay masagwa
at masama pa rin; ngunit may
higit na banta sa lahat, lalo samga bata  
nababantad sa mahahalay na 
panoorin lalo na sa TikTok at Youtube:
mga mura nilang kaisipan at kamalayan 
nasisira at nalalason na tila ang buhay
ay puro palabas na lamang.
Kaya sana ay pagnilayan
makabagong teknolohiya 
sa pakikipagtalastasan 
ay biyaya ng Diyos upang
mga tao ay mapaglapit at
mabuklod sa kanilang ugnayan,
mapalawak ang kanyang kamalayan
sa kagandahan nitong buhay at 
sariling dangal bilang kalarawan ng Maykapal! 
Larawan mula sa pinterest.com.

New commandment, new heaven, new earth

The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Fifth Sunday in Easter-C, 15 May 2022
Acts 14:21-27 ><}}}}*> Revelation 21:1-5 ><}}}}*> John 13:31-33, 34-35
Photo by author, Bolinao, Pangasinan, 20 April 2022.

Our readings today speak a lot about being “new” – new followers of the new faith as Christianity spread during the first missionary journey of Paul and Barnabas, a vision of new heaven and new earth by John at the end of time, and a new commandment by Jesus Christ to his disciples that include us today.

What is so wonderful and so new in this “new” order of things in our readings is how they encompass the past, present, and future as expressed in the beautiful tension we all experience in life like Jesus Christ on the night before he was betrayed, after Judas had left their Last Supper.

Many times, we feel like being caught in a time warp when everything seems to be happening too fast that the past, present and future are in just one setting. It is like seeing one’s life in a flash.

“My children, I will be with you only a little while longer. I give you a new commandment: love one another. As I have loved you, so you also should love one another. This is how all will know that you are my disciples, if you have love for one another.”

John 13:33, 34-35
Photo by author, Bolinao, Pangasinan, 20 April 2022.

Most often, we feel ambivalent with anything or anyone that is new like being excited but at the same time afraid because it is always something or someone we are not familiar with. It is generally what we feel when we move into new residences or new school or new jobs; when we meet new people like new superiors, new co-workers and new classmates.

But lately, we have found something new and different with our new set of leaders after the elections last Monday: of course, followers of the winners are happy and glad while those who have lost are more than sad, wondering what have happened, and still could not accept the new developments (or retrogression, depending on which side you are with).

Perhaps it is in this recent events that we feel our readings this Sunday very relevant and appropriate to us all, to always welcome whatever and whomever is new by seeing them in the light of Jesus Christ who is ever new with us each day.

For a proper understanding of Jesus and of our faith in him, we need to experience him in that tension of the here and not yet he beautifully expressed in saying “I will be with you only a little while longer”. Remember, Jesus declared these words shortly before his arrest; notice his composure and dignity. Unlike most of us, Jesus was never caught off guard by his impending death. In fact, “when the days for his being taken up were fulfilled, he resolutely determined to journey to Jerusalem” (Lk.9:51) to face his death. As truly human, he was frightened but faced all his fears so that he was in total control with everything until he had given up his breath and spirit to the Father. That is why in this scene after he had washed their feet and Judas had left them, Jesus gathered his disciples in a “heart-to-heart” talk, calling them “my children”.

Problem with us when things or, as Pablo Coelho put it in one of his works, when the universe does not seem to conspire in our favor, we resist the change: we keep frozen in the past, spending the present thinking all possible scenarios in the future, forgetting that God is in the present as he calls himself as “I AM.” Focus on Jesus than on things around us so we may see beyond them.

Photo by Ms. Jing Rey Henderson in Taroytoy, Aklan, 30 April 2022.

First thing we recognize in the words of Jesus is what we have reflected last week in his being our Good Shepherd – his oneness with his flock, with us. There is that inner sense of belongingness of Christ in the Father, and of Christ in us. It is what that makes us embrace whatever or whomever new comes to us, regardless we like or do not like them because it is Jesus with whom we are one with first of all.

Jesus stayed only a little while with his disciples here on earth; now he is risen, Jesus is in the glory of the Father in heaven who shall come again at the end of time to establish the new heaven and new earth John was privileged to see in the second reading. It is in this tension between the here and not yet, of Jesus who had come and will come again and is come that we are challenged to witness his presence among us in love.

It is love that is truly the power the Risen Lord has and enabled him then and now to break all barriers in time and space to appear to his disciples and us to experience him today. It is a love so unique – so new unlike the “love” preached by other gurus. Christ’s love is rooted in oneness, in his being one with the Father, one in the Father. It is a love so divine yet human too because it is a love Jesus had shared with us as a gift, something we have, a love we must acknowledge for it to work in us by having that inner belongingness and oneness with him, in him and through him.

How?

Photo from gettyimages.com.

This we find in the preceding scene of the washing of the disciples’ feet: it is Jesus who cleanses us in the sacraments and in our daily encounter with him. When we allow Jesus to cleanse us daily, purifying us from all our sins and imperfections, that is when we enter into communion in him. It is only then that we are truly able to love like him – love without measure willing to offer one’s self, loving even those we consider as enemies.

This is perhaps what we need most these days following the elections. Suspend our biases and presumptions for a while and allow Jesus to work in us, to make us new.

Let us go back to Jesus Christ, allow ourselves to be cleansed by him anew so that we may enter into being-in him and being-with him like Paul and Barnabas who always acted in union with him, never on their own. Since then until now, we continue to experience this love of Christ expressed in our liturgy and most especially in the Church’s oneness and charity. It is a love we all have to recapture and continue for it a love always new because it is Jesus who works in us and through us even in the worst situations to transform every dismal picture we see to become new and wonderful.


Lord, let us come to you again
for we have been not clean;
wash our feet so that
we may listen to you
and do your work and mission;
help us to let go of our own agenda
no matter how lofty they may be
for the mission is yours, not ours;
most of all, let us come to you again
at your Cross to be able to truly love
like you, one in the Father and the Holy Spirit
found among our brothers and sisters
especially those not like us;
forgive us for our harsh words
and our lack of kindness with them;
it is only in loving like you 
can there be truly a new order in this world
that heralds a new heaven and 
a new earth.  Amen.

Have a blessed week ahead.

Photo by author, 2018.

Pang-intindi o pagiging kapwa?

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, ika-21 ng Pebrero 2022
Mula sa Facebook post ni P. Marc Ocariza, Abril 2020.
Kay daming nangyayari 
palaging panawagan sa isa't-isa
ay pang-unawa at pang-intindi
ngunit hindi sasapat at laging kapos
ating kaisipan upang isang tao
ay lubusang makilala at maunawaan.
Kapag mayroong may-sakit
mayroong nagigipit
ano ba ang ating nasasambit?
Mag-usisa at magsalita
huwag lang walang masabi
sa akalang makapagpapabuti?
Kamakailan sa mga talakayan
mainit pinag-uusapan
respeto daw ang kailangan;
tama din naman
at nararapat lang
igalang bawat nilalang.
Ngunit paano na lang
kung sa ating pag-respeto
at pag-galang mayroong
ibang nalalapastangan
o nasasaktan at natatapakan,
sasapat ba itong panawagan?
Sa ating kasalukuyan, 
marahil higit nating kailangan
kilalaning kapwa-tao isa't-isa
na katulad ko, higit sa respeto,
pang-unawa at pang-intindi
mayakap at matanggap kay Kristo. 
Larawan guhit ni P. Marc Ocariza, Abril 2020.

Salamin, sabihin sa akin

Lawiswis Ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-14 ng Pebrero 2022
Larawan kuha ni Jenna Hamra sa Pexels.com
Salamin, 
salamin sa dingding
sabihin sa akin at
ipakita rin
mga puwing 
na hindi ko pansin
ni ayaw kilalanin
ni tanggapin!
Ayoko sanang sabihin
ngunit ito binubulong
ng aking damdamin:
paano nga ba tayo humantong
at ganito ating narating
sa tuwing halalan darating
nagpapanting mga tainga natin
sa mga usaping alam na natin?
Paulit-ulit pinag-uusapan
walang kinahihinatnan
pagkatapos ng halalan
kaya paulit-ulit na lamang
walang katapusang 
mga pangakong binibitiwan
nakakalimutan, pinababayaan
pasan ng taong-bayan, di maibsan.
Tingnan nga natin
at suriin ang sarili
kung atin ding sinasalamin
magagandang adhikain
o mga paratang at
pambabatikos natin
dahil kung tutuusin
ang pamahalaan ay larawan natin.
Larawan kuha ni STANLEY NGUMA sa Pexels.com
Galit tayo sa mga sinungaling
dahil tunay nga sila'y magnanakaw rin;
nguni't paanong naaatim
ng marami sa atin araw-araw
magsinungaling sa kapwa
lalo na't nagtitiwala sa atin
maging Panginoong Diyos
pinagtataksilan natin?
Paanong diringgin
panawagan ng nagmamalinis
gayong batid kanilang
mga bahid na dungis
kaban ng simbahan
pinakialaman
para sa sariling kaluguran
maging kahalayan?
Sila ba'y naparusahan
marahil ni hindi pinagsabihan
at ang masaklap
hinayaan na lamang
alang-alang sa habag
at awa, palaging katwiran
kapatawaran
ng mga kasalanan.
Katapatan sa pangakong
sinumpaan, hindi rin mapangatawanan
kunwa'y maraming kaabalahanan
 ang totoo'y puro kababalaghan
maraming pinupuntahan
kasama'y mayayaman
mga aba at walang-wala
kanila ring iniiwan.
Larawan kuha ng may-akda, 2020.
Totoo na malaki ang papel ng Simbahan
na ginagampanan tuwing halalan
ngunit huwag sanang makalimutan
sa araw-araw na katapatan ang tunay na labanan
kung saan mga alagad at pastol ng kawan
magsilbing huwaran sa paglilingkod
kaisa ang bayan ng Diyos
sa karukhaan, kagutuman at kapighatian.
Salamin, salamin sa dingding
kami ba'y marunong pang manalangin?
Bakit tila hindi dinggin ating mga panalangin
gayong mabuti ating layunin?
Diyos pa ba pinagtitiwalaan,
pinananaligan natin o baka naman
lumalabis mga salita natin
habang salat mabubuting gawa natin?
Salamin, salamin sa dingding
kung kami ay magising
maging kasing ingay ng batingaw
katapatan namin sa araw-araw
na gampanin, hindi katiting
pinagaganda lang ng kuliling
lalo na kung mayroong nakatingin
para lang mapansin.
Ang dapat nating ipanalangin
hindi lamang ang halalang darating
kungdi makatotohanang pagsusuri
at pag-amin sa mga kasalanan natin;
pagkaraan ng limang-daang taon
pagkakanya-kanyang dinatnan ni Magellan
umiiral pa rin habang mga puna at pansin 
nina Rizal at GomBurZa nananatiling pangarap pa rin.
Larawan mula sa commons.wikimedia.org

Pagpapala ng Diyos, bumuhos sa Cana at Lourdes

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-11 ng Pebrero 2022
Paggunita sa Mahal na Birhen ng Lourdes
Isaias 66:10-14  +  Juan 2:1-11
Mga tao pumipila sa mapagpagaling na tubig ng batis sa Lourdes, France; larawan mula sa Shutterstock.
Papuri at pasasalamat sa iyo,
Diyos naming Ama sa pagbubuhos
ng iyong mga biyaya at pagpapala
sa amin sa pamamagitan ni
Hesus na iyong Anak:  kay sarap
isipin una niyang "tanda" o himala
nangyari doon sa kasalan sa Cana, 
Galilea nang gawin niyang masarap 
na inuming alak ang tubig na isinalin 
sa mga tapayan.
Sa gitna ng tanda na ito ay naroon
ang Mahal na Birheng Maria na nagkusang
namagitan sa mga bagong kasal nang 
maubusan ng alak sa kanilang pagdiriwang;
naligtas sila ni Hesus sa kahihiyan 
nang gawin niyang alak mga tubig
sa tapayan.
Makalipas ang kulang-kulang
dalawang libong taon noong 1858,
napakita ang Mahal na Birheng Maria
kay Santa Bernadette doon sa isang 
grotto sa Lourdes, France; bumukal
isang munting batis at hanggang 
ngayon, tinuturing na mapaghimala
matapos mapagaling maraming mga
maysakit.
Salamat sa biyaya ng tubig na
siya ring dumaloy sa sinibat na 
tagiliran ni Hesus doon sa Krus;
salamat sa biyaya ng tubig na
tanda ng paglilinis sa aming katauhan
sa sakramento ng binyag;
salamat Ama sa pagtupad ng iyong
pangako kay Propeta Isaias (66:10-14)
na kami ay iyong "padadalhan ng ina"
na sa amin ay "kakalinga at mag-aaruga 
tulad ng sa isang sanggol sa oras ng
pagkakasakit at kagipitan";  higit sa lahat,
salamat sa pagbibigay mo sa amin, 
Panginoong Hesus, sa iyong Ina, 
ang Mahal na Birheng Maria 
na naging daluyan ng maraming 
pagpapala at kagalingan sa mga 
may sakit at karamdaman sa 
iyong kapangyarihan.
Panginoong Hesus,
dalisayin mo kami at linisin
aming mga puso at kalooban
upang makatulad si Maria na iyong 
Ina at amin ding Ina; sa kanyang
pananalangin nawa kami ay maghatid
ng kagalingan at kapayapaan sa
mga may sakit at nahihirapan gaya
ng mapaghimalang tubig sa batis ng
grotto sa Lourdes, France lalong 
higit sa panahong ito ng pandemya.
Amen.