Awit para sa Paminggalang Pampamayanan (Community Pantry)

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-21 ng Abril 2021
Mula sa Facebook ni Jean Palma noong ika-18 ng Abril 2021 na nilagyan niya ng caption: β€œAll these community pantries in four days, and counting. What a powerful movement.” #CommunityPantry

Tila magpapasko, presko at mahangin ang panahon noong Lunes ng umaga dito sa Pambansang Dambana ng Birhen ng Fatima sa Valenzuela.

Natutuwa ako noon sa napakabuting balita ng paglaganap nitong tinaguriang mga “community pantry” na nagsimula sa kalye Maginhawa sa Quezon City noong a-kinse lang ng Abril. Wala pang isang linggo ay kumalat na sa buong kapuluan ang kilusan na kung isasalin sa ating sariling wika ay “paminggalang pampamayanan”.

Sa mga kagaya ko na inabot ang singko sentimos na de bote ng Cosmos, bago dumating ang pridyider ay paminggalan ang puntahan ng lahat lalo na sa bahay na matanda kung saan nakatira ang mga impo at lola.

At ang turo sa aming mga bata noon, maaring kumuha ng pagkain sa paminggalan pero huwag uubusan ang ibang kasama sa tahanan.

Higit sa lahat, magsabi lagi upang mapalitan o mapunan sakaling mauubusan lalo na ng kape at asukal.

Kaya naman napakagandang makitang muli itong mga paminggalan hindi na sa tahanan kungdi sa lansangan na tila baga bawat pamayanan naging isang malaking pamilya pinamamayanihan ng pagkakapatiran.

Iyon ang pinaka-buod at kahulugan nitong mga paminggalang pampamayanan na siya rin namang ipinahayag ni Bb. Ana Patricia Non: hindi aniya ito pagkakawanggawa o “charity” kungdi pakikipagkapwa-tao o mutual aid upang matulungan ang bawat isang nangangailangan.

Sa Banal na Kasulatan ay ating natunghayan kamakailan paglalarawan ng pamumuhay ng mga unang Kristiyano:

At nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at para sa lahat ang kanilang ari-arian. Ipinagbibili nila ito at ang pinagbilhan ay ipinamamahagi sa lahat ayon sa pangangailangan ng bawat isa.

Mga Gawa ng Apostol 2:44-45
Larawan mula sa inquirer.net.

Isinaysay sa atin ni San Lucas ang naturang bahagi sa buhay ng mga unang Kristiyano upang muling mahimok sa atin ang pagkakapatiran, ang magising ating mga kaisipan at kamulatan na sa buhay hindi pinag-uusapan at batayan ang ano mang kakayahang gawin kungdi ang pagkakakilala sa bawat isa bilang ka-patid, ka-dugtong, at ka-putol. Alisin mo ang unlaping “ka”, ika’y patid at putol. Hiwalay at nag-iisa, walang karugtong.

Kapatiran, samahan ng magkakapatid, hindi ng mga gawain.

Kung babalikan natin yung tagpo matapos mag-ayuno at manalangin ang Panginoong Hesus sa ilang, ang unang panunukso sa kanya ng demonyo ay gawin niyang tinapay ang mga bato.

Ganyang-ganyan pa rin ginagawa ng diyablo at kanyang kampon sa ating panahon na ang palaging tanong ay “ano ba ang nagawa mo?” o “mayroon ka bang naambag?”: para sa kanila, pinakamahalaga yung nagagawa kesa makipag-kapwa.

Hindi nila batid na ang sino mang tunay sa pakikipag-kapwa, laging kasabay ang gumawa ng mabuti.

Kaya hindi rin kataka-taka sa kanila na ang mga addict at kriminal ay patayin dahil para sa kanila walang nagagawang mabuti mga ito sa lipunan.


Isang magandang pagkakataon itong pag-usbong 
ng maraming paminggalang pampamayanan 
na muli nating mapagtanto dangal ng bawat tao 
na dapat mahalin at igalang bilang larawan 
at wangis ng Diyos na lumikha sa tanan.

Larawan mula sa Dr. Yanga’s Colleges Inc. sa kanilang “community pantry” sa Bocaue, Bulacan, 20 Abril 2021.

Isang magandang pagkakataon itong pag-usbong ng maraming paminggalang pampamayanan na muli nating mapagtanto dangal ng bawat tao na dapat mahalin at igalang bilang larawan at wangis ng Diyos na lumikha sa tanan.

Inyong pagmasdan, madalas mga taong mapagbilang at mapaghanap ng mga nagawa ay siya ring mga mapanaghili, binibilang mga gawain na tila lahat dapat tumbasan o mayroong kapalit.

At ang pinaka-masaklap, sila din yaong mga wala ring ginagawa, puro salita kaya sila’y katawa-tawa parang sirang plaka katulad ng kanilang pamumula at “red tagging” sa mga nasa likod ng paminggalang pampamayanan o community pantry.

Ayaw nila sa paminggalang pampamayanan dahil doon ang batayan ay pagtuturingan bilang magkakapatid; walang ganid at sakim, nasa isip palagi ang kapwa na maaring mas kawawa kaysa sarili.

Kaya heto ang aking awit na handog sa mga nagpasimuno at nagpapalaganap nitong community pantry.

Kasama na rin ang mga hindi naniniwala, namumula.

At, sumasalaula.

Humuhuni ang ibon
Nagsasayaw sa hangin
At laging masaya
Bakit kaya ang tao may isip at talino
Nalulungkot pa siya

Matutuhan lang ng bawat nilikha
Ang umibig sa tao't daigdig
Lungkot nila'y mapapawi ligaya'y ngingiti

Pagibig at pag-asa
Ang damdaming gigising sa taong mahimbing
Ang tunay na ligaya sa ating puso
Muling magniningning

Ikaw at ako
Hindi man magkalahi
Ay dapat matutong magmahal
Ituring mong tayong lahat ay magkakapatid
(New Minstrels, 1980)

Ang Mahal na Birheng Maria at corona virus

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-26 ng Nobyembre 2020
Larawan kuha ni Arch. Philip Santiago, Lourdes, France, 2016.
Sana'y inyong ipagpaumanhin
at ako ma'y patawarin
ng Mahal na Ina natin
sa aking sasabihin
na noon pa man 
hindi ko inililihim:
Ano itong pagkahumaling
ng marami sa mga kapatid natin
sa pagkokorona sa Birheng Maria?
Mayroon pa bang hihigit
sa kanyang koronasyon 
sa langit?
Hindi kaya ito kalabisan
kaartehan 
o inggitan ng iilan
na ang tanging sandigan
ng debosyon kay Maria
ay panglabas lamang
upang hilig ay mapagbigyan
kahit walang kabuluhan
at katuturan
habang sambayanan
nanonood lamang
sa isang palabas na walang laman?
Pasiklaban, pabonggahan
tanging mga katangian nitong pagkokorona 
hindi birong halaga ginagasta
sa gitna ng isang pandemya
tila baga nawala na rin
panglasa at pang-amoy
nahawahan na rin
ng corona virus
debosyon sa masintahing Ina
di nila alintana
sila-sila lang nasa eksena
wala naman ang balana.
Larawan mula sa Pinterest.
Sana'y tigilan na
itong pagkokorona
ng Birheng Maria
na lumalaganap tulad ng virus
dahil natitiyak ko
hindi rin siya masaya
sa gayong parangal sa kanya;
malamang ipapaalala
din niya tulad ni Hesus
propesiya ni Oseas:
"habag ang nais ko
hindi mga susunuging hain."
Ang higit na nakakabahala
sa ginagawa nilang pagkokorona
sa Birheng Maria bilang Reyna
wala na ring pinagkaiba
sa mga monarkiya
lalo na sa Europa
na sadyang pang-aliw
na lamang sa mga turista
walang kahulugan ni
katuturan sa takbo ng buhay
maliban sa lumipas na kasaysayan
at yaman ng kanilang kalinangan.
Hindi ba ang korona
ng Birheng Maria
 ay ang putong niyang
katapatan at kababaang-loob
sa harap ng Diyos,
buod ng kanyang Magnificat?
Siya na ating Reyna
kayamanan at korona
ay mga dukha
at mahihina,
ningning at kinang
wala sa ginto at ano mang brilyante!
Balikan, higit sa lahat pagnilayan,
pagpapakita ng Birheng Maria
sa makabagong panahon
doon sa Lourdes, Fatima at Banneux
dama kanyang pagka-Reyna
dahil kaisa niya mga bata at dukha;
higit sa lahat, si Maria
ang tinutularan, pilit inaalam
kanyang larawan
hindi tulad ng kinagagawian
kanya-kanyang larawan
malayo sa katotohanan at kabanalan! 
Ang hamon ng Birheng Maria
siya ang ating makatulad
hindi siya manika o sagala 
na inaayusan dahil sa sariling kagustuhan!
Larawan niya ay karukhaan at kababaang-loob
hindi kapalaluan na pinaglalaruan;
huwag nating ipilit ang sa atin
korona ni Maria ay sirain
at maging koronang tinik
sakit at hapis ang kapalit;
koronang putik na ang dungis sa atin babahid
o corona virus sadyang wala na si Hesus!
Larawan kuha ng may-akda, Our Lady of the Poor ng Banneux, Belgium sa retreat house ng Boys Town sa Cavite, 2007.

Bayan ng Diyos, Biyaya ng Diyos

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-20 ng Nobyembre 2020
Larawan kuha ng may-akda, 2019.

Labing-tatlong taon na akong pari nang ako ay maging kura paroko sa unang pagkakataon dito sa Parokya ni San Juan Apostol at Ebanghelista sa Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan noong 2011. Dapat sana’y anim na taon lamang ang aking panunungkulan nguni’t dahil sa maraming pangayari na ang pinakahuli ay COVID-19, halos abutin na ako ng sampung taon dito hanggang sa paglilipatan sa 2021.

Wala akong pinagsisihan at pinanghihinayangan sapagkat tunay napagyaman ang aking pagkatao at pagkapari sa parokyang ito sa loob ng siyam na taon. At maipagmamalaki ko na maganda at mabuti ang parokyang ito sapagka’t kumbinsido ako na bawat parokya bilang bayan ng Diyos ay biyaya ng Diyos.


Unang aral sa parokya:
pangalawa sa Diyos ay mahalin
at pagmalasakitan ng mga tao kanilang parokya.

Wala akong mga karanasan at kaalaman sa buhay parokya bilang pari nang dumating dito nguni’t unti-unti sa pananalangin at pagninilay, aking natutuhan ang maraming bagay. Una na rito ang tungkulin ng mga tao pangalawa sa pag-ibig at katapatan sa Diyos ay ang pagmamahal at malasakit sa kanilang parokya na kinabibilangan.

Ang mga pari ay dumarating at umaalis, palipat-lipat ng mga parokya nguni’t ang mga tao ang naiiwan at nananatili sa kanilang parokya. Kaya dapat lamang sila ang higit na bigyan pahalagahan sa ano mang usapin ukol sa kanilang katipunan bilang mga alagad ng Panginoon.

Kaya naman tungkuling din naming mga kura paroko na unang ituro sa mga tao ang pagmamahal at pagmamalasakit nila sa kailang sariling parokya, lalo’t higit sa kanilang patron at mga kaugalian kung ang mga ito naman ay tunay na naunawaan at nasa katuwiran.

Isinasaad sa Vatican II lalo’t higit sa “Gaudium et Spes” ang pangangalaga sa kalinangan ng bawat lunan sapagkat doon nangungusap at naramdaman ng mga tao ang pagparito ng Panginoong Hesu-Kristo.

Malaking trahedya kapag nakalimutan ang mayamang kasaysayan at mga tradisyon ng isang bayan alang-alang sa mga kung anu-anong naiisipang gimik at kaartehan gaya ng sari-saring debosyon na umuusbong na wala namang pinag-ugatan sa karanasan ng mga tao.

Maliwanag wala doon ang Panginoong Diyos na palaging nagpapakilala sa isang pamayanan, hindi lamang sa iilan lalo na kung ito ang nagiging sanhi ng pagkakawatak-watak sa halip na kaisahan.

Larawan kuha ng may-akda, Marso 2020.

Ang ating Patron ng Parokya,
gabay sa buhay dito sa lupa
hanggang sa kabila.

Isang bagay na nagpatingkad nito sa akin ang sariling karanasan ng aking Lola Cedeng na tiyahin ng aking Ina. Siya ang kauna-unahang may-sakit na aking dinasalan at pinahiran ng Banal na Langis matapos mag-comatose ilang linggo pagkaraan ng aking ordenasyon noong Abril 1998.

Akala noon ng aking Ina at kanyang mga kapatid ay magtutuluy-tuloy na sa kamatayan ang Lola Cedeng kaya dagli nilang inihanda lahat ng gagamitin sa libing – damit, kabaong, sementeryo nguni’t gaya ng kasabihan, humahaba pa raw ang buhay ng may sakit kapag pinaghahandaan kanyang kamatayan.

Pagkaraan nga ng isang linggo ay nagkamalay ang Lola Cedeng at tumagal pa ang buhay ng limang taon!

Dagli ko siyang dinalaw at ang unang hiniling niya sa akin ay ipanalangin siya kay San Martin ng Tours, ang patron namin sa bayan ng Bukawe (dalawa lang kaming bayan sa Pilipinas na ang patron ay si San Martin ng Tours;Taal sa Batangas ang isa pa na mas nauna).

At ito ang dahilan ng kanyang kahilingan: isinaysay sa akin ni Lola Cedeng kung paano sa kanyang NDE o “near death experience” habang naglalakad sa madilim na kalsada nang kanyang makita na dumarating si San Martin ng Tours nakasakay ng kabayo.

Sinabi raw sa kanya ni San Martin, “Cedeng… bumalik ka na sa Bunlo (ang aming baranggay). Nagkamali lamang at hindi mo pa oras,” aniya.

Pagkasabi daw niyon ay kaagad tumalikod si San Martin at umalis habang siya naman daw ay natigilan, iniisip paano siya nakilala ni San Martin?

Maya maya daw ay bumalik si San Martin at tinanong niya, “Hindi po ba kayo si San Martin ng Tours? Paano po ninyo ako nakilala at nalaman aking pangalan at tirahan?”

“Paanong hindi kita makikilala Cedeng,” paliwanag daw sa kanya ni San Martin, “hindi ba’t palagi kang nagsisimba sa Bukawe tuwing pista ng Mahal na Krus sa Wawa at sa akin tuwing Nobyembre onse? Sigue, umuwi ka na.”

Noon din daw ay natuwa ang aking Lola Cedeng, tumalikod at nagulat na lamang siya paano siya napunta sa Mt. Carmel Hospital!

Larawan mula sa Facebook ng Parokya ni San Martin ng Tours, Bocaue, Bulacan.

Naniniwala ako sa kuwento ng aking Lola Cedeng dahil pagkalipas ng limang taon, pagkaraan ng kanyang kaarawan noong ika-29 ng Hunyo 2003 bago sumapit ang Pista ng Krus sa Wawa noong ika-03 ng Hulyo ng taong iyon, siya ay aking dinalaw at mismong sa harap ko nalagutan ng hininga at pumanaw.

Habang hinihintay ko aking mga tiyo at tiya na tumawag ng duktor, kaagad ako nag-alay ng Misa sa tabi niya.

Pagkaraan pa ng ilang panahon mula noon nang aking mapagtanto mga kahulugan niyon, na kung paano si San Martin ng Tours ang gumabay sa aking Lola Cedeng habang nabubuhay, siya marahil din ang umalalay sa isang BukaweΓ±ong tunay patungo sa buhay na walang hanggan.

Iyan ang kahalagahan ng mga Patron natin sa parokya. Sila ang ating mga tagapamagitan sa Diyos. Sila ang ating mga gabay at patnubay sa buhay hanggang kamatayan.

Kung saan marubdob ang pagmamahal at malasakit sa patron ng parokya, palaging buhay ang pananampalataya. Sino mang pari mapunta roon sa kabila ng kanilang maraming kapintasan maging kakulangan, palaging buhay ang parokya sapagkat sila’y nakasandig sa Diyos at hindi sa kung sinu-sinong tao lamang.

Gayon din naman, wala sa mga gusaling bato at kung anu-anong gawain matatagpuan ang buhay ng parokya kungdi sa buhay na pamimintuho sa patron nila na nagbubuklod sa kanila bilang isang bayan ng Diyos, mga alagad ni Kristo na nagmamahal at nagmamalasakit sa bawat isa.

Sa panahong ito ng pandemya, nawa higit nating makita wala sa karangyaan at luho ng simbahan at mga pagdiriwang ang diwa ng parokya kungdi sa pagiging payak at bukas palagi sa galaw ng Banal na Espiritu patungo sa higit na makabuluhang katipunan ng mga alagad ni Kristo. Amen.

Katatawanan, katuwaan sa buhay COVID-19

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-16 ng Oktubre 2020
Pitong buwan na nakakaraan
mula nang kumalat mula Wuhan
corona virus, tayo ay nag-lockdown
nang lumaon pinagaan quarantine
COVID-19 pasakit pa rin sa atin.
Nguni't huwag din namang masamain
maraming aral ipinamulat sa atin
itong COVID-19:  pananalangin 
at pananalig sa Diyos, 
pagpapahalaga sa pamilya at kapwa,
pangangalaga sa ating kalusugan.
Gayon din naman
maraming katatawanan
katuwaan ating naranasan
lumipas na mga buwan
kaya mga ito ating pagparoonan
kesa pabigatan ating mga isipan,
puso at kalooban.
Sa dami at tagal nang hirap ating naranasan
minsan marahil iyong inaasam-asam
makapagpahinga at magbakasyon
at saka sasagi sa isipan na hindi ba gayon
itong COVID-19 ngayon?
Bakasyon at pahinga
kaya nakapagtataka
kapag walang pasok sa eskuwela
at opisina dahil sa piyesta upisyal
gayong wala namang papasyalan
ni pupuntahan
lahat ng araw pare-pareho lang!
Nang magsimula ang lockdown
karamihan hindi naman nahirapan ni kinabahan
bagkus naging engrandeng bakasyunan
kantahan at inuman kung saan-saan
hanggang magkahawahan
nang mabatid katagay sa inuman
walang panlasa, walang pang-amoy
nang maglaon akala mo'y
aping-api, kinawawa at pinabayaan
pinag-aagawan lahat ng uri ng ayuda
pera at de lata
habang ang iba naman ay saganang-sagana.
Ang Pinoy nga naman
maski saan man
basta may kalamidad
hindi pababayaan kumalam kanyang tiyan;
aminin ang katotohanan
parusa nga ba at kahirapan ang lockdown
bakit tayo nagtabaan?
Hindi lamang iyan:
sa bawat tahanan
 mayroon isang tiyak natutuhan
bagong libangan at pagkakitaan
pagluluto at pagbe-bake.
Isang pangunahin kabutihan
nitong lockdown
luminis mga lansangan
umaliwalas kalangitan
kalikasan nabigyan
kapahingahang kailangang-kailangan;
magagandang tanawin
muling nasilayan mula kalayuan
habang sa mga tahanan
laganap na luntian ng mga halamang
 inaalagaan at pinagkakakitaan
ng mga tinaguriang plantitos at plantitas.
Mayroon pang ibang mga katatawan
nangyari sa gitna ng lockdown
at quarantine ng COVID-19
ngunit huwag nang pag-usapan
baka lamang pagmulan
labis na hapis at kalungkutan
mga kabalastugan sa pamunuan, 
sakim sa kapangyarihan
katanyagan at kayamanan
ngunit walang pakialam
sa bayang nahihirapan
nagsisikap lampasan mga pagdurusa
dinaraan sa katatawan
katuwaan upang mapanatili
katinuan ng isipan
kesa tularan mga baliw
at hunghang na payaso
sa gobyernong ito.

*Mga larawan sa itaas mga kuha ni G. Jay Javier, Mayo 2020; habang ang mga nasa ibaba ay kuha ng may-akda maliban sa ibong dilaw at puting bulaklak na kuha ni Dr. Mylene A. Santos, MD.

The hiddenness of God

Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 04 September 2020
Photo by author, sunset at the Lake of Galilee (Tiberias) in Israel, May 2017.

August has always been a “ghost month” for me since elementary school. Long before I have heard these stories and words of caution against many things in the month of August, I have always dreaded this month when days are grindingly slow.

Specially this year 2020 when the whole month of August felt like the season of Lent when everything was dry and empty, even literally speaking in our churches when the five Sundays of August were like five Good Fridays.

But, for the first time in many years during this pandemic, amid the dryness and emptiness of August 2020, I felt and “found” God anew in his most unique and wonderful characteristic — his hiddenness.

Hiddenness is different from being invisible that simply means “not visible”.

Hiddenness is something both simple and complicated but beautiful and wonderful when we find God in his hiddenness.

Hiddenness of God means more than not being seen per se; it is that feeling with certainty that he is present but, just hiding somewhere. In fact, if God were not hidden, we would have not found him at all!

And the more God is hidden, the more we are able to see him and experience him!

Photo by author, April 2020.

Remember when we were kids and could not find the things that our mother had asked us to get from somewhere in the sala or kitchen or her tocador? She would threaten us with the classic line my generation have all heard and memorized, “Pag hindi mo nakita yan, makikita mo sa akin!”

It is one of our funniest memories of childhood! I am sorry for my English-speaking readers but there is no appropriate translation for this because it is very cultural and even spiritual in nature. Literally translated, it says that if you do not find what you are looking for, you would find it with me. Crazy and insane, is it not?!

I told you, hiddenness of God is both simple and complex but whenever we remember those “sweet, maternal threats”, we laugh and shrug off the experience as we were dead serious then searching for whatever thing mom had asked us because deep in us we knew too well, it must be somewhere there. Sabi kasi ni Inay! (Mom said so!)

That is how it is with God too! We know for sure he is around, he is present. But in hiding because that is how loving God is, like moms and some lovers with surprises for us his beloved.

The Prophet Jeremiah experienced it so well when he wrote:

You duped me, O Lord, and I let myself be duped; you were too strong for me, and you triumphed. All the day I am an object of laughter, everyone mocks me. Whenever I speak, I must cry out, violence and outrage is my message; the word of the Lord has brought me derision and reproach all the day. I say to myself, I will not mention him, I will speak in his name no more. But then it becomes like fire burning in my heart, imprisoned in my bones; I grow weary holding itin, I cannot endure it.

Jeremiah 20:7-9

No one can understand this without having experienced such intense kind of love of God or of another person that even if we are pained, we just cannot walk away or leave. More so with God, the most intense lover of all!

At the very center of Jeremiah’s torment is the invincible power of attraction of God. This is also the reason human love – whether for another a friend or a spouse, for the Church or any institution – must always be based on the love of Christ who told us to “love one another as I have loved you.” If our love remains in the human level, it can never go deeper or higher making it so sublime, so true, so pure.

That is how God is in his hiddenness who is like a lover who never stops looking for us, calling us, luring us, even seducing us to come to him, search him and once found, we may dwell in his great love; hence, even if we do not “see” him, we keep on following him as we also find him in his hiddenness!

Hiddenness of God, mystery and gift of Easter

This hiddenness of God is both the gift and mystery of Jesus Christ’s Resurrection. It is a gift because in his hiddenness, God has become closest to us more than ever while at the same time, a mystery because it is in his very hiddenness that we truly find and discover God.

Remember the two disciples going home to Emmaus on Easter afternoon who was accompanied by Jesus while traveling? They did not recognize him but as they talked, their “hearts were burning” as he explained the Scriptures. Then joining them at their meal at sundown upon reaching Emmaus, Jesus took the bread, blessed it and broke it — and the disciples’ eyes were opened, recognizing him as the Lord who immediately disappeared! The two then rushed back to Jerusalem to announce to the other disciples that Jesus had indeed risen.

That is the beauty of hiddenness, its giftedness and mystery that we find God even our beloved who had died or not physically present with us but deep within, we are certain of their presence as being so true and so real.

Hiddenness is a deeper level of relationship coming from one’s heart and soul not dependent on physical presence. This is the reason why upon appearing to Mary Magdalene on Easter morning, Jesus asked her not to touch him because from then on, knowing and relating with the Lord need not be physical and corporeal as he used to relate with them before his Death and Resurrection.

All these we must have experienced like when after a friend or a relative had died, that is when we felt growing closer with the person than when he/she was still alive and physically present with us. Or, when we were feeling low and down, we experienced sometimes so amazed at how we have felt the presence even the scent of our deceased loved ones comforting us, assuring us that all would be better.

This quarantine period invites us to experience and discover God anew in his hiddenness through prayers and silence so we can reflect on the many lessons this pandemic is teaching us today. In the darkness and emptiness of this pandemic are grace-filled moments with God hidden in our poverty and sadness, sickness and even deaths around us.

Photo by author, Christmas 2018.

Some people have already asked me about what or how would our Simbang Gabi and Christmas celebrations be. They are sad and worried that it must be a very bleak Christmas for everyone with so many out of work.

But, despite this gloom, I tell them that Christmas 2020 would be one – if not the most meaningful Christmas we shall ever have despite forecasts that there would be less of everything, materially speaking.

So often in life, when we have so much material things, that is when we fail to find and experience God.

Recall that in Bethlehem more that 2000 years ago when Jesus Christ was born, God came to us hidden in a stable, on a manger in the darkness of the night.

And do not forget, too, that Christmas is not a date but an event, the very person of Jesus Christ, the all-powerful God who came to us hidden in a child, who upon becoming an adult, was crucified and died. These are sad and down moments for us but for God, it is his hiddenness, his presence. Let us go and find him again for he continues to come to us in hiddenness. Amen.

Republikula ng Pilipinas

Lawiswis Ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-24 ng Agosto 2020
Larawan kuha ng may-akda sa Pulilan, Bulacan, Enero 2020.
Ang sabi nila
buhay ay parang isang pelikula
tayong lahat ang bida at artista;
kaya lalo nang malaking pelikula
at tiyak patok sa takilya
pelikula ng ating republika!
Siyempre, lahat ay pabida
gusto umeksena
hindi lang sa Palasyo at Kongreso
pati na rin sa mga paseo basta matao.
Ang nakakatawa pero bumebenta
lalo na sa mga tanga 
mga artista nagpipilit sa pulitika
mga pulitiko umaarte, nagpapabebe!
Dating pelikula ng ating republika
makasaysayan at makahulugan
maituturing na isang sining
nababanaagan maningning na liwanag
 katulad din ng pinilakang tabing
kapupulutan ng mga ginintuang aral
mga talastasan at eksena 
mula sa mga aninong gumagalaw;
nang magdeklara ng Martial Law
nagsimula rin ang kasalaulaan
ng pamahalaan maging sa sinehan
kung saan mga hubad na katawan 
 pinagpipistahan, kunwari'y film festival
ang totoo ay karnabal.
Nagwakas din at nagsara ang tabing
ng malagim na yugto ng kasaysayan natin
bagong simula ang dokyu ng EDSA
kinalaunan naging trahedya
pelikula ng republika, naging telenovela at komedya
nang maupo tunay na artista ng masa, 
nagreyna sa media at chika
puro artista, kaya dumagsa na rin sila
naging zarzuela pelikula ng ating republika
naglabo-labo at moro-moro, gumulo nang gumulo
kaya heto tayo horror na nakakatakot 
nakapangingilabot kadiliman 
at kasamaang bumabalot parang bangungot
hugot sa isang eksena ng pelikula na sana'y matapos na.
Ngunit kung titingnan
mga pelikulang horror walang laman
puro kabobohan at katangahan
dinaraan lang sa gulatan 
hanggang maging katatawanan.
Hindi ba't ganyang-ganyan 
ating lipunan at pamahalaan
isang malaking pelikulang katatakutan
na puro kabalastugan at kahangalan?
Kaya aking payong kaibigan, 
sa susunod na halalan
tanggihan, huwag nang pagbigyan 
mga artista sa pulitika, 
mga pulitiko na payaso!
Photo by Pixabay on Pexels.com

Aral ng COVID 19, VI: disiplina ang gamot sa sakit natin

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-11 ng Agosto 2020
Larawan kuha ni Bb. Anne Ramos, Abril 2020
Habang tumatagal itong quarantine 
lalong ipinakikita hindi COVID-19
ang kalaban natin kungdi ating sarili din;
matagal nang sakit na hindi kayang gamutin
nakaugat nang malalim sa katauhan natin
kawalan ng disiplina kay hirap sugpuin.
Sa gitna ng kawalan ng maaasahan
sa pamahalaang abala sa kapalaluan
ayaw pakinggan mga paraan ng nakakaalam
disiplina nating mga mamamayan
ang pinaka-mabisang sanggalang
laban sa virus na galing sa Wuhan.
Tingnan, pag-aralan, at tularan
pamamaraan ng mga bansa kung saan
paglaganap ng COVID-19 ay nalabanan
laging matatagpuan dalawang bagay magkasabay:
mahusay at magaling na pamahalaan
disiplinadong mga mamamayan.
Masunurin ang turing sa taong may disiplina
na nagmula sa wikang Griyego na discipulos,
taga-sunod o alagad; sa wikang Latin, 
dalawang kataga ang pinagsama
"ob audire" na ibig sabihin "makinig na maigi"
kaya sa Inggles "obedient" ang isang masunurin.

Ang taong may disiplina
 masunurin sa tuwina
laging nakikinig sa mga sasabihin
upang kanyang tuparin 
mga ipinagbibilin
 ano mang atas na kanyang gawain.
Kung ating lilimihin lalim
ng kahulugan ng disiplina
ito rin ang siyang dahilan
upang ating matutuhan
kahalagahan ng pagtitiyaga
at paghihintay na atin nang tinalikuran.
Pagkaraan ng mahigit limang buwan
lahat na lamang sa atin ay dinaraan 
sa paspasan, pag-aagawan, at pagdarayaan
kaya hanggang ngayon wala tayong patunguhan;
kung bawat mamamayan mayroong disiplina
baka sakali tinablan ng kahihiyan mga kinauukulan
wala na silang dahilan sa kanilang kapabayaan 
dahil sila unang nagkulang sa disiplinang kinakailangan
hindi nila tayo maaring sisihin 
nagkulang sa pagsugpo sa COVID-19.
Larawan kuha ni Bb. Anne Ramos, Marso 2020.

Aral ng COVID-19, V: ang dapat dasalin, pagbabago natin

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-06 ng Agosto 2020
Larawan kuha ni Ezra Acayan ng Getty Images, Marso 2020.
Sa ating pananalangin,
turo ng Panginoong Hesus sa atin,
bago pa man kayo humiling,
batid na ito ng Diyos nating mahabagin;
at kung kayo ay mananalangin, wika Niya,
inyong sabihin:  Ama namin...
Gayong batid pala ng Diyos kailangan natin,
tanong ng iba, bakit tayo mananalangin pa sa Kanya?
At ito ang hindi nalalaman ng karamihan
mahalagang katotohanang dapat tandaan:
sa pananalangin ang pinakamahalaga ay
mabatid natin ibig ng Diyos mula sa atin!
Kaya naman sa tagal nitong COVID-19
sa dami ng ating panalangin, tiyak noon pa man din
alam na ng Diyos kailangan upang wakasan
pandemyang malagim na bumabalot sa atin
kumitil at nagpatigil sa takbo ng buhay natin
dulot sa lahat ay hirap maging sa iba ay hilahil.
Marahil kailangan na nating baguhin
ating panalangin sa panahong ito ng COVID-19
sapagkat wala sa gamot at medisina
sa mga botelya at siringgilya ang sa atin magpapagaling
kungdi sa pagpapanibago nitong puso at kalooban natin
na siyang laging ibig naman ng Diyos mula sa atin.
Sa gitna nitong quarantine nabuking
masasamang pag-uugali maging mga gawi natin
na sa gitna ng kagipitan at kahirapan
marami pa rin ang nagsamantala
naging sakim at makasarili
ibig ang lahat ay kamkamin, kabigin at angkinin.
Pandaraya at panggugulang, hindi patas sa mga patakaran
marami sa pamahalaan at katungkulan naghari-harian
mga inaakalang kalaban hinigpitan
malayang pamamahayag pinigilan
mga karapatan at dangal ng mamamayan
niyurakan at tinapakan, lalo na mga walang pinanghahawakan.
Larawan kuha ni Bb. Anne Ramos, Marso 2020.
Kaya aking bayan 
ating pag-isipan at pagnilayan
batid ng Diyos ating pangangailangan
ngunit hindi Niya ito kaagad pagbibigyan
dahil tanging paraan sa pagsugpo sa salot na ito
naroroon sa ating mga puso, wala sa nguso.
Harapin natin hindi ang COVID-19
kungdi ating sarili at pag-uugali na dapat gamutin
sa mga sakit na naglalayo sa Diyos at kapwa natin;
karunungang kinakailangan ibinigay na ng Diyos
noon pa man upang solusyunan virus mula Wuhan
tangi Niyang kahilingan mamuhay tayo sa kabutihan at katuwiran.
Mahigit limang buwan na tayong nagdarasal
ugali at asal nati'y makapal pa rin sa kasamaan
kaya marahil lalo pang magtatagal 
pagdurusa sa pandemyang ito na nag-ugat 
 buhat sa puso ng tao na kung di magbabago
uulit at uulit sa iba't ibang anyo.

Hindi normal ang new normal

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-30 ng Hulyo, 2020
Hindi normal sa gitna nitong pandemya
mayroong mga nagpapasasa sa kayamanan
at luho sa katawan habang karamihan 
naghihikahos at pilit idinaraos bawat araw 
maski mamalimos dahil kabuhayan nila ay naubos.
Hindi normal sa gitna nitong pandemya
nakukuha ng iba na matuwa at magsaya
kapag mga kumpanya ay naipasara o nagsara
gayong ito ang panahon kay hirap kumita
di nila alintana pighati at dalamhati ng masawi.
Hindi normal sa gitna nitong pandemya
sariling kapakanan inaatupag ng mga congressman
lahat ng panggugulang at kabalastugan
naiisipan habang buong bayan nahihirapan
ni walang masakyan sa pupuntahan at uuwian.
Hindi normal sa gitna nitong pandemya
na daanin sa biro at masasakit na salita
patutsada laban sa kapwa maging maralita 
na bantad sa banta ng gutom at kamatayan
simula umaga hanggang makatulugan na lang..
Hindi normal sa gitna nitong pandemya
kawalan ng katarungan kung saan
ang mga makapangyarihan di kakitaan ng 
kabutihan at pagka-uliran sa pagsunod sa mga
patakaran habang mga nasasakupan pinarurusahan.
Hindi normal kahit walang pandemya
ano pa mang katuwiran sabihin ninuman
ito ang panahon ng new normal dahil hindi
kailanman nababago ang normal
na siyang pamantayan ng kalakaran.
Kaya inyo nang tigilan
pagturing sa umiiral na takbo ng buhay
sa gitna ng pandemya bilang "new normal"
dahil ang karamihan kailanman 
ay hindi pa man naranasan tinuturing nating
normal na pamumuhay; 
sa tuwing ating ginigiit itong "new normal" 
lalo nang nababaon, nagigipit at naiipit mga maliliit.
Baguhin mga pananaw at kaisipan
ng umiiral na sitwasyon upang mapabuti
kalagayan ng mga kinalimutan ng lipunan
ngayon natagpuan kanilang dangal at kahalagahan.
Huwag nating hintaying dumating ang panahon
masahol pa sa sinapit natin ngayon 
na kung kailan sadyang kakalusin ang salop 
na ating napuno ng kalabisan
ng kawalan natin ng pakialam sa mga maling umiiral
sa ating lipunan at pamahalaan, simbahan at pamayanan
lalot higit sa ating tahanan at puso't kalooban.

*Mga larawan sa itaas ay mula kay G. Raffy Tima ng GMA-7 News maliban sa una at huling larawan na mula sa GMA News.

New normal is not normal

Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 28 July 2020
Photo by Mr. Raffy Tima of GMA-7 News, March 2020

Experts have been telling us since the start of this COVID-19 pandemic that our lives would no longer be the same like before 2020. Even if a new vaccine and more effective treatment are discovered to fight this disease, life on this planet is definitely changed.

But, for better or for worse?

That is the most important challenge of this pandemic next to finding a vaccine and cure or treatment against it: that we seize this unique opportunity from COVID-19 to “reset” or “refresh” the world so we can all start anew by correcting the mistakes and excesses of the past to finally kickoff a true and meaningful growth and development among peoples, especially the poor and marginalized.

Photo from TurboSquid.com

This we can start – or restart – by immediately deleting from our vocabulary and consciousness that word we have been erroneously using since summer, “new normal”.

New normal is abnormal because norms or standards like morality always remain.

Washing of hands frequently, covering one’s mouth and nose when sneezing and coughing, not spitting everywhere are not new normal. Cleanliness has always been the norm since the beginning that we have that saying always true, “Cleanliness is next to Godliness”.

Praying every day, individually and as a family especially the Holy Rosary is not a new normal. Connecting with the Divine has always been the norm of man since the beginning even before Jesus Christ came to the world.

More than half a century ago, the late Fr. Patrick Peyton has been saying, “The family that prays together, stays together; and the world at prayer is a world at peace.” Praying has always been the norm in our lives.

Normal or norms do not change because they are the standard measure. Even before COVID-19 came, normal temperature has always been 37 degrees Celsius, 12-inches make a foot, and so on and so forth.

So, please forget this abnormality of referring to our new way of living as “new normal” because it is not new at all.

Worst, this usage of the term “new normal” courtesy of the media, politicians, and policy makers is a dangerous indication of unconsciously or subconsciously perpetuating our excesses of the past that the Wuhan virus have rightly exposed: too much greed especially among capitalists, materialism and consumerism, and individualism.

From vaticannews.va

Pope emeritus Benedict XVI had long been speaking against these by describing it as “dictatorship of relativism”.

Acceptance of this term or concept that was actually coined at the aftermath of the 2007 financial crisis indicates that we are miserably not learning the lessons of this global crisis.

Our sights remain myopic, even blinded in looking at this pandemic without realizing at all how this was spawned by our own excesses and sins. Long before we have been told to maintain physical or social distancing to stop spread of the new corona virus, we have long been distant from one another. We have been spending more time with our computers and smartphones, trying to connect with friends and everyone in various social media platforms unmindful of the persons seated near us. “Table for one” in restaurants is fast becoming the order of the day than the exception to the rule.

My point is, accepting everything now as the new normal is also accepting wholesale the new ordering of things going on that continues to neglect the weakest and poorest among us. We are only perpetuating an error and worst an evil among us that we have refused to examine closely in the past.

This “new normal” is a conditioning concept that pushes the marginalized and disadvantaged people deeper into misery as the daily news tells us. Unconsciously to many of us, “new normal” is an excuse even a justification for the continued poverty and slavery of the weak and disadvantaged.

What a shame that while so many countries are suffering from COVID-19 like ours, Beijing is flexing its muscles around the world economically and militarily – right in our seas!- as if they are not bothered at all by this virus that came from their own province of Wuhan.

A very interesting read I have found last month was written by Nigerian Chime Asonye who rightly claims that “the new normal” “should not be the lens through which we examine our changed world”.

The ‘new normal’ discourse sanitizes the idea that our present is okay because normal is regular. Yes, there may be public health challenges, but these are issues that can be managed. We accept life under the omnipresent threat of disease as ordinary. But what exactly is normal about this pandemic? It is not normal for society en masse to be isolated, but if this is normal, then we are supposed to have control of the situation. Even if we feel loss or despair, we are expected to get used to it β€” accepting that this morbid reality is now standard.

https://www.weforum.org/agenda/2020/06/theres-nothing-new-about-this-new-normal-heres-why/

COVID-19 can serve both as a catharsis to our past excesses and a watershed for a brighter future.

The old system, or what people refer to as “normal” before in the world had erroneously set is not working, plainly wrong and abusive; why continue or import it into this coming new period?

As the pandemic rages on it gives us a chance to reimagine the world by tracing history, not forgetting it.

We should revel in the discomfort of the current moment to generate a ‘new paradigm’, not a ‘new normal’. Feeling unsettled, destabilized and alone can help us empathize with individuals who have faced systematic exclusions long-ignored by society even before the rise of COVID-19 β€” thus stimulating urgent action to improve their condition. For these communities, things have never been ‘normal’.

https://www.weforum.org/agenda/2020/06/theres-nothing-new-about-this-new-normal-heres-why/

COVIDS-19 is definitely not a punishment from God but a result of man playing God.

And like in the past, whether in world history or in our own lives when things go wrong even worst, God ensures to make ways that anything bad happening to us would always lead to something good.

Photo by author, Christmas 2019 in our Parish.

See how providential in the sense that microscopic viruses are reminding us that true power is not in being big but in being small, not in being strong but being weak — the very example of God to us when he became human like us more than 2000 years ago.

Unfortunately, his lessons remain unheeded up to our time even among us in the Church.

It is a most welcomed change in the midst of this pandemic that the Vatican last week issued new guidelines through the Congregation for the Clergy (directed to us priests) for the world’s parishes that can help us respond adequately to the challenges of this crisis (http://press.vatican.va/content/salastampa/en/bollettino/pubblico/2020/07/20/200720a.html).

But, that will require another blog.

For the meantime, please stop using that abnormal term “new normal”.

A blessed Tuesday to everyone!