Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-16 ng Oktubre 2020
Pitong buwan na nakakaraan mula nang kumalat mula Wuhan corona virus, tayo ay nag-lockdown nang lumaon pinagaan quarantine COVID-19 pasakit pa rin sa atin. Nguni't huwag din namang masamain maraming aral ipinamulat sa atin itong COVID-19: pananalangin at pananalig sa Diyos, pagpapahalaga sa pamilya at kapwa, pangangalaga sa ating kalusugan. Gayon din naman maraming katatawanan katuwaan ating naranasan lumipas na mga buwan kaya mga ito ating pagparoonan kesa pabigatan ating mga isipan, puso at kalooban.
Sa dami at tagal nang hirap ating naranasan minsan marahil iyong inaasam-asam makapagpahinga at magbakasyon at saka sasagi sa isipan na hindi ba gayon itong COVID-19 ngayon? Bakasyon at pahinga kaya nakapagtataka kapag walang pasok sa eskuwela at opisina dahil sa piyesta upisyal gayong wala namang papasyalan ni pupuntahan lahat ng araw pare-pareho lang!
Nang magsimula ang lockdown karamihan hindi naman nahirapan ni kinabahan bagkus naging engrandeng bakasyunan kantahan at inuman kung saan-saan hanggang magkahawahan nang mabatid katagay sa inuman walang panlasa, walang pang-amoy nang maglaon akala mo'y aping-api, kinawawa at pinabayaan pinag-aagawan lahat ng uri ng ayuda pera at de lata habang ang iba naman ay saganang-sagana.
Ang Pinoy nga naman maski saan man basta may kalamidad hindi pababayaan kumalam kanyang tiyan; aminin ang katotohanan parusa nga ba at kahirapan ang lockdown bakit tayo nagtabaan? Hindi lamang iyan: sa bawat tahanan mayroon isang tiyak natutuhan bagong libangan at pagkakitaan pagluluto at pagbe-bake.
Isang pangunahin kabutihan nitong lockdown luminis mga lansangan umaliwalas kalangitan kalikasan nabigyan kapahingahang kailangang-kailangan; magagandang tanawin muling nasilayan mula kalayuan habang sa mga tahanan laganap na luntian ng mga halamang inaalagaan at pinagkakakitaan ng mga tinaguriang plantitos at plantitas.
Mayroon pang ibang mga katatawan nangyari sa gitna ng lockdown at quarantine ng COVID-19 ngunit huwag nang pag-usapan baka lamang pagmulan labis na hapis at kalungkutan mga kabalastugan sa pamunuan, sakim sa kapangyarihan katanyagan at kayamanan ngunit walang pakialam sa bayang nahihirapan nagsisikap lampasan mga pagdurusa dinaraan sa katatawan katuwaan upang mapanatili katinuan ng isipan kesa tularan mga baliw at hunghang na payaso sa gobyernong ito.
*Mga larawan sa itaas mga kuha ni G. Jay Javier, Mayo 2020; habang ang mga nasa ibaba ay kuha ng may-akda maliban sa ibong dilaw at puting bulaklak na kuha ni Dr. Mylene A. Santos, MD.