Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-04 ng Setyembre 2026
Kuha ni Bb. Bernadette Reyes ng GMA News, Sto. Domingo, QC, 29 Agosto 2026.
Paano nga ba ilalarawan ating kalagayan bilang isang sambayanan sa ngayon?
Lubog sa baha, lubog sa utang, lubog sa hirap ng kabuhayan, lubog sa bulok na sistema, lubog sa red tapes at bureaucracy ng gobyerno, lubog sa mga walang malasakit at mga sakim na politiko, lubog sa mga walang pakialam na kababayan, lubog sa kawalan ng kahihiyan. Saan pa tayo nakalubog?
Ngunit hindi lamang tayo lubog kungdi tayo man ay baon na baon sa marami pang suliranin at problema, mga siste at gawi naglilibing sa atin ng buhay!
Sadsad at baon
na ekonomiya,
salapi wala nang halos halaga;
sadsad at baon
sa korapsiyon
lahat ay pera pera
na lang talaga;
sadsad at baon
sa mga hirap at sakit
taumbayan walang magawa
kungdi magtiis
umasa sa ayuda,
ayaw nang mangarap,
tila nahirati na sa
pagtunganga.
Maglakad sa lansangan
lalanghapin hangin
kasama mga usok ng sasakyan
habang iniiwasan dumi
at lubak sa daan;
mga mukha ay sambakol
karamihan ay litang ang isipan
nakatingin sa kawalan
wala nang panahon pag-isipan
ating kinasasadlakan
maliban sa gawan ng paraan
kumakalam na sikmura
mga paang inaalipunga.
Sino sasaklolo
sa ating pagkalubog
o mag-aahon sa ating pagkakabaon?
Mga halal na upisyal
mga manhid at walang alam
sariling kapakanan at kaluguran
tanging pakialam:
nang sumigaw ng tubig,
sumbat ang naging tugon,
nang puntahan mga sinalanta
pinangalandakan kanilang
mamahaling damit
sa postura at ayos
hindi madapuan ng insekto
mga palatandaan ng kanilang
kakaibang sakit
kleptospirosis -
yumaman sa pangungurakot.
Sino ang daramay sa ating kapighatiang dinaranas kung ulit ulit lamang din nating ihahalal mga sumalaula sa ating bayan?
Nasa ating mga kamay ang kapangyarihan upang umahon sa pagkalubog, bumangon sa pagkabaon sa mga bulok at gahamang politiko na di na dapat iboto at iba pang mga bulaang propeta na puro pangako ng kaunlaran hatid naman ay kapahamakan; higit sa lahat, suriin nating mabuti ating puso at kalooban kung tunay ating pananampalataya sa Diyos na lumikha ng lahat baguhin makasariling pag-uugali iwaksi gawaing mapanglamang dahil tunay ang sinabi ng binibining tagapagbalita, hindi pala baha ang magpapalubog sa ating bayan kungdi kasakiman.
Lord My Chef Sunday Music by Fr. Nicanor F. Lalog II, 30 August 2026
Ang aking tokwarts kagabi, brownout, 29 Agosto 2026.
We go OPM (Original Pilipino Music) this last Sunday of August, our Buwan ng Wika – kaya dapat nga pala isulat ko ito sa wikang pambansa.
Kakaiba sa ating nakagawian na pag-uugnay ng mga makabagong musika sa ebanghelyo ng bawat Linggo, walang kinalaman itong napili nating awitin ngayon sa Ebanghelyo na inyong napakinggan sa mga Misa ngayong Linggo.
Kagaya ng karamihan kahapon bunsod ng malalakas na ulan at pagbaha, wala din kaming kuryente sa parokya sa Fatima, Valenzuela mula alas-sais ng gabi hanggang kinabukasan ng alas-dos ng madaling araw.
Mag-isa lamang ako sa ibaba ng aming simbahan, katabi ng garahe. Binuksan ko ng lubusan aking pintuan upang pumasok malamig na hangin habang balot ng kadiliman buong silong ng simbahan maliban sa aking munting kandila na sinindihan.
Ma-drama ang eksena.
Basla ng aking tokwarts sa may garahe, kagabi pa rin.
At doon ko naalala ang kantang Ang Himig Natin ng Juan dela Cruz Band na binubuo nina Joey “Pepe” Smith, Wally Gonzales at Mike Hanopol. Isa ito sa mga awitin ng una nilang album na pinamagatang Himig Natin na kanilang inilabas noong 1973. Itinuturing ito ang hudyat ng simula ng Pinoy Rock music na pinalaganap noon ng estasyong DZRJ-AM.
Elementary pa ako noon. Narinig ko na inaawit at tinitipak sa gitara ng isang barkadahan ng mga kabataan malapit sa amin bahay noon. Sila nagturo sa akin na makinig palagi sa DZRJ dahil nga sa Pinoy Rock at iba pang mga magagandang tugtugin.
Bagay na bagay sa panahon ngayon itong awiting ito na maituturing na isang panaghoy sa kriminalidad na umiiral, hindi kalamidad.
Ako’y nag-iisa at walang kasama di ko makita ang ating pag-asa
[chorus] Ang himig natin ang inyong awitin upang tayo’y magsama-sama sa langit ng pag-asa
Tayo tayo lang ang magsama-sama. Puwera mga walang-hiyang pulitiko at upisyal ng gobyerno na nagnakaw ng bilyones na halaga sa kaban ng bayan para sa mga palpak at karamihan ay ghost projects sa flood control kaya lumala pagbaha sa maraming lalawigan at rehiyon.
Mula sa malikhaing panulat ni Smith na siyang ring umawit, maigsi lang naman Ang Himig Natin na nagsasaysay ng dalamhati ng isang kaibigan. Marahil tinutukoy ni Smith ang musikang Pinoy na noon ay hindi pa gaanong katatag na tinatabunan ng mga banyagang musika. Paulit-ulit lang naman ang lyrics kaya masarap kantahin kapag nakainom na…..
Ako’y may kaibigan at s’ya’y nahihirapan handa na ba kayong lahat upang s’ya’y tulungan
[chorus] Ang himig natin ang inyong awitin upang tayo’y magsama-sama sa langit ng pag-asa
Simple at payak ang mga titik. Malalim.
Ngunit ang nagdala sa awitin ay ang musika.
Out of this world. Parang panaginip sa malalim na pagkatulog.
Astig ang gitara ni Gonzales. Pasakalye pa lamang ika nga e, solb ka na agad, tsong! Mayroon ding sumasaliw na tila piano at baho sa kanyang solo kaya umaabot ng lima at kalahating minuto ang awitin. Tagos hanggang buto pati kaluluwa, parang kinakalawkaw iyong kalooban upang matauhan sa katotohanan kung inyong pakikinggan at nanamnamin.
Ewan ko lang kung tablan din napaka-kapal at sagad-sagad na kasamaan ng mga upisyal sa gobyerno!
[chorus] Ang himig natin inyong awitin ang himig natin inyong awitin ang himig natin inyong awitin …
Patay na sina Gonzales at Smith. Tanging si Hanopol – ang Jeprox- na lamang ang buhay sa kanila ngunit ang kanilang musika, buhay na buhay pa rin. At habang tumatagal, lalong lumalalim at sumasarap sa panlasa. Heto sila muli sa gitna na maulan na araw ng Linggo. Ingat po, mga kapatid at magtulungan sana sa tuwina.
Isang linggo na akong masayang nagpapaulan sa aking araw-araw na walking dito sa amin.
Natutuwa ako dahil kay dami kong naaalala masasayang karanasan ng paliligo sa ulan noong bata pa kami tulad ng pagtatampisaw sa tubig, pagtapat sa mga alulod ng lahat ng mga bahay at ngumanganga ng nakatingala sa langit para inumin ang ulan.
Mula sa Instagram.
Isa sa mga sumagi sa aking alaala na paksa ng usapan naming magpipinsan tuwing umuulan at tirik din ang araw ay kung totoo nga na mayroon daw kinakasal na tikbalang – isang uri ng halimaw na parang tao kung maglakad ngunit mukha at anyong kabayo.
Ngayong matanda na ako, napag-isipan ko na totoo nga ito at hindi lang basta kalokohan. Nabatid ko na lamang iyan ngayong tag-ulan nang ilang ulit na umulan habang mainit ang sikat ng araw.
Unang tikbalang na tingin kong kinakasal kapag umuulan habang umaaraw ang mga local officials natin gaya ng mga mayor, tapos ang mga senador, kongresista, at mga upisyal ng DPWH. Yung mga sangkot sa ghost project flood scam noong isang taon.
Halimaw ang mga iyon.
Siyempre, sigurado mayroon ding mga tikbalang sa iba pang mga sangay at ahensiya ng pamahalaan na nagpapasasa sa kaban ng bayan habang hindi alintana hirap at pagdurusa ng mga mamamayan lalo na kapag umuulan.
Kundangan naman kasi, marami sa ating mamamayan mahilig mag-alaga at makipagkaibigan sa mga tikbalang, yung mga nakikinabang na negosyante at contractor.
Higit sa lahat, mga mamamayan mismo na bumoboto sa mga corrupt na upisyal.
Sila ang mga kabiyak – asawa – ng mga tikbalang na iyan. Partner in crime. Eka nga, it takes two to tango. Marami sila. Asawa at bisita. Ang iba ninong at ninang.
Nakakasawa nang manood ng mga reels at posts ng mga binaha at pa-shout out shout out pa kay mayor. Puro hinagpis sa social media kesyo palala ng palala na raw ang baha sa kanilang lugar, walang ginagawa mga mayor.
Ang tanong ay, ano nangyari bakit kada eleksiyon binoboto nila mga bulok na yan? Taun-taon pala silang pinahihirapan tuwing tag-ulan tapos minsan sa anim na taon tuwing eleksiyon nakakalimutan kawalanghiyaan at kawalang-silbi ng mga iyan?
Kasalan sa binaha na Simbahan ng Barasoain, kuha ni G. Aaron Favila ng Associated Press, 22 Hulyo 2025.
Walang kinakasal na mag-isa. Tayong mga mamamayan ang asawa, ang kabiyak ng mga tikbalang!
Karamihan din kasi sa atin ay tikbalang. Takot mag-isip, takot manindigan sa tama at katotohanan. At ang hirap sa atin, palaging humahanap ng ibang masisisi maliban sa sarili.
Katulad ng isang matandang ginang na kabatian ko kasi tuwing umaga sa aking paglalakad nadaraanan ko siya sa harapan ng kanyang apartment.
Noong Huwebes ng umaga sa gitna ng ulan habang ako ay naglalakad, sabi niya sa akin bakit daw ako nag-eexercise pa umuulan na?
Kumaway lang ako sa kanya at hindi na sumagot kasi nagdidilig siya noon ng halaman gamit ang lagadera.
Kawalan naman ng galang kung sinagot ko siya ng bakit po kayo nagdidilig ng halaman e umuulan?
Kulang sa pagninilay at pag-iisip? Mas malamang.
Ganyan tayo mga Pinoy, mema. Memasabi lang kadalasan na hindi pinag-iisipan.
Pero maganda at nakatutuwa sinasabi sa isang post sa Facebook buhat sa news report na nabawasan na pagbaha sa Marikina dahil sa mahusay na flood control projects doon ng lokal na pamahalaan pagkaraan ng tatlong taon.
Marami nang lungsod at bansa nagpatunay na maaring maibsan pinsala ng baha kung sadyang pag-aaralan at tunay na hahanapan ng lunas ng mga matitinong tao na may malasakit sa kapwa. At takot sa Diyos. Mangyayari lamang iyan kung boboto tayo ng mga upisyal ng pamahalaan na mayroong malasakit sa paglilingkod. Hindi suwapang. Hindi tikbalang.
Sa kabila ng mga makabagong teknolohiya, parang nabobobo mga tao ngayon: noong bata kami basta signal number 2 ang bagyo, automatic wala nang klase sa elementary at high school.
Bakit gayon na lamang ang pag-asa at pagtutok lalo ng mga magulang sa LGU kung may pasok o wala?
Sapantaha ko diyan ay mas grade conscious ngayon mga magulang kesa mga anak nila na tuwang tuwa naman tuwing suspendido ang klase.
Pakiwari ko tuwing umuulan, maraming tao natatakot maninindigan na pati pagpasok sa paaralan ay inaasa sa mga kinauukulan. Kaya ang gulo ng buhay ngayon!
Noong Martes wala palang klase pero pumasok ako;kinabukasan wala ulit pasok kaya nagpaulan ako at naisip ko magkapareho ang LGU at carwash: kapag nag-announce ng walang pasok mga mayor dahil sa masamang panahon, kadalasan umaaraw, maganda ang panahon. Magpa-carwash ka, pagkaaalis na pagkaalis mo, papatak ang ulan!
Sa tuwing umuulan doon nasusubok ating pananampalataya sa Diyos at kapwa, nahahasa ating kakayanang magpasya ng wasto sa pamamagitan ng masusing pag-iisip at pagninilay ng mga bagay bagay. Higit sa lahat, sa tag-ulan lumalabas likas nating kabutihan. O kawalan nito. Walang pakialam sa iba. Kung saan-saan tinatapon mga basura. Palaging iba may kasalan liban sa sarili.
Hanga ako doon sa mga nagpapacarwash maski umuulan. Wala silang pakialam sa lagay ng panahon kungdi sa lagay ng kanilang sasakyan!
Iyon ang dapat: tingnan natin at suriin ating sarili hindi lagay ng panahon o ibang tao labas sa atin. Siguradong babagyo at uulan na kasabay nito ang mga pagbaha. Bakit tila nagugulat at nagugulantang pa tayo kapag nangyari na mga ito? Pagmasdan: kung gaano katagal sina mayor sa puwesto, ganoon katagal na rin ang baha. Kailangan pa bang i-memorise yan? Parang basura yan – babalik sa atin!
Kuha ng may-akda, Huwebes Santo, umuulan habang umaaraw sa Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan, 09 Abril 2020.
Balikan natin yung kasabihang mayroong kinakasal na tikbalang tuwing sabay na umuulan at sumisikat ang araw. Natukoy natin mga tikbalang, sino kanilang kabiyak o asawa, pati ninong at ninang hanggang sa mga bisita.
Heto ngayon: hindi ba kapag may kasalan, palagi mayroong pari?
Sino ang tumatayong pari kapag may kinakasal na tikbalang?
E di mga pari din. Mga kasama at kapatid naming pari. Ilan lang naman sila.
Noong isang taon ko pa ito gustong sabihin pero sinasaalang-alang ko aking pagkapari at mga kapatid sa kaparian. Pero, kailangang sabihin.
Isang taon makalipas pumutok ang ghost project scam sa mga flood controls na ang epicenter ay lalawigan ng Bulakan, mismong sa lungsod ng Malolos, hindi maikakaila Katoliko karamihan ng mga tikbalang.
At mga paring Katoliko nagkakasal sa kanila. Mayroon din ilang mga pastor at ministro nagkakasal sa mga tikbalang tuwing umuulan habang umaaraw. May ibang sekta nga nag-aalaga talaga ng mga tikbalang.
Larawan mula sa Facebook post ni Dr. Tony Leachon, “KLEPTOPIROSIS: When Corruption Becomes a Public Health Crisis”, 08 Agosto 2025.
Ilan ang mga pari na humingi ng donasyon sa mga corrupt na upisyales para sa kung anu anong mga pagawain sa simbahan? Hindi ba iyan ay malinaw na pakikipag-kaibigan at kung tutuusin pakikipag-sabwatan sa mga tikbalang?
Ilang parokya pulitiko pinageermano sa kanilang pista kahit hindi taga-roon sa kanila dahil lang sa konting halaga?
Katulad ng malawakang pagbaha, hindi nating kailangang tumingin sa malayo. Lalo na kaming mga pari at lingkod sa simbahan. Kasama kami at kung tutuusin napakalaki at napakabigat ng pananagutan namin lalo sa Diyos na kasama kami sa kasal ng mga tikbalang na iyan.
Gayon pa man, mas marami pa rin sa aming mga pari ang tunay na lumalaban, naninindigan sa katarungan at katotohanan na hindi kailanman nagpauto sa mga tikbalang at kanilang mga galamay sa simbahan.
Sa susunod na umuulan kasabay na sikat ang araw, subukan nating magpaulan at hayaang dumampi sa ating bumbunan, sa ating mukha ang patak ng ulan upang mapaalalahanang mayroong Diyos na higit na makapangyarihan dapat nating sundin at paglingkuran lamang. Hindi mga tikbalang.
At sinabi niya sa kanila, “Kung gayon, ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos” (Mateo 22:21).
Sa kahuli-hulihan, ano man ang panahon, higit pa rin palagi ang Panginoong Diyos sa lahat na siyang tanging pinagmumulan ng lahat ng ating kinakailangan at pagpapala. Ito palagi dapat naming panindigang mga pari, umulan man nang umaaraw. Amen.
Larawan kuha ni Michael Varcas ng Philippine Star sa Hagunoy, Bulacan sa isinagawang rally ng mga taga-Parokya ni Sta. Ana sa pangunguna ng kanilang Kura Paroko P. Rodel Ponce laban sa flood control scam noong Setyembre 2025.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-2 ng Hulyo 2026
Painting ni James Tissot, “The Palsied ManLet Down through the Roof” mula sa brooklynmuseum.org.
Marami na akong napakinggang kuwento kahawig nitong nasa ebanghelyo isang paralitikong nakaratay sa kanyang higaan buhat-buhat ng apat na kaibigan; nakamamangha sinabi at ginawa ni Jesus sa paralitiko lakasan kanyang loob at pinatatawad na kanyang mga kasalanan.
Pagmasdan paanong nadama at natanto ni Jesus bigat na dala-dala ng paralitikong nakaratay sa kanyang higaan buhat naman ng mga kaibigan.
Tayo ang paralitikong pinatawad at pinagaling; nakaratay sa banig, paralisado, hindi makagalaw, nakabilanggo sa maraming takot at pangamba bunsod ng mga nakaraang pagkakasala at pagkakamali; hindi makausad hindi makahakbang pasulong sa buhay, nananatili sa kahapon at madilim na nakaraan kaya hindi mabanaagan liwanag sa kapaligiran sariling kagagawan kanyang pagkaparalisa na sadyang napakabigat kaya kapatawaran sa kanyang kasalanan iginawad at binitiwan ni Jesus.
Kay gandang pagmasdan eksena at larawan kung paanong binakbak ng kanyang mga kaibigan bubong ng bahay upang paralitiko ay maihugos sa tapat ng kinaroonan ni Jesus: isang paghahayag ng katotohanan sa ating mga naparalisa sa hindi mapatawad na kasalanan, hindi malampasang kabiguan at kamalian o kasawian sa nakaraan kinakailangang magpakababa tanggapin kamalian at kasalanan upang maranasan kapatawaran at kapanatilihan ni Jesus na ating Tagapagligtas. (Tingnan Mt.9:1-8; Mk.2:1-12; at Lk.5:17-26)
Illustration from parentandchildbiblereading.com.
Sa kabilang dako naman,
akin din napakinggan
maraming kuwento at hinaing
ng mga katulad nitong
apat na kaibigan
na bumubuhat sa higaan
ng paralitiko:
Katulad nilang apat,
tayo man ay mayroong binubuhat
na paralitiko,
isang pasanin
alagain
at intindihin
kung inyong mamarapatin
at ipagpapaumanhin
ngunit iyon ang masaklap na
katotohanang dapat nating tanggapin
at lunukin;
Diyos ay nagagalak
tiyak nagpapasalamat
sa mga kaibigan
kapatid at kaanak
buhat-buhat paralitikong
nakaratay sa banig
manhid
at walang pakialam
sa pasanin ng mga
nagmamahal sa kanya;
nagagalit,
naiinis,
hindi lang minsan
nakaisip na sumuko
at lisanin,
bitiwan buhat na paralitiko
ngunit pinili pa rin
tiisin
at manatili
sa pasanin
dahil na rin sa busilak
ng kanilang loobin.
“The Paralytic of Capernaum Lowered from the Roof”, a 5th/6th century Mosaic at Sant’ Apollinare Nuovo, Ravenna, Italy; from christian.art.
Kung ikaw ang binubuhat na paralitiko, gumising sa katotohanan ikaw ay minamahal at pinahahalagahan huwag na hintayin pamilya at kaibigan ikaw ay tuluyang iwanan!
Kung ikaw ang nagbubuhat sa paralitiko, pagsumakitan mo na kanyang kalagayan mahirap gisingin nagtutulug-tulugan; iyong pagmamalasakit at pagmamahal hindi man kilalanin at suklian sa buhay na ito, hahantong pa rin ito sa iyong kapakanan at kabutihan dahil si Jesus palaging kapiling at kasama natin pinagagaan ating mga pasanin.
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na napapagal at nabibigatan sa inyong pasanin, at kayo’y pagpapahingahin ko. Pasanin ninyo aking pamatok, at mag-aral kayo sa akin; ako’y maamo at mababang-loob, at makasusumpong kayo ng kapahingahan para sa inyong kaluluwa. Sapagkat maginhawang dalhin ang aking pamatok, at magaan ang pasaning ibibigay ko sa inyo.” (Mt.11:28-30)
Larawan kuha ng may-akda, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 Hunyo 2026.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-6 ng Abril 2026
Larawan kuha ng may-akda, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 Marso 2026.
Mula sa Ebanghelyo ni San Mateo noong Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Kristo, ating napakinggan pananalita ng anghel kina Maria Magdalena at ang isa pang Maria na kasama niya, "Huwag kayong matakot; alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala na siya rito..."
Ngunit kagabi pa man ako ay natatakot na sapagkat sa mga marami kong nakita sa social media, tila wala na nga si Jesus rito... mula pa man noong visita iglesia, sa pagpuprusisyon noong Biyernes Santo hanggang sa Dakilang Kapistahan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay:
Wala na nga si Jesus rito dahil hindi lamang natin siya muling ipinako at pinatay sa krus kungdi tinabunan ng ating kapalaluan at kaartehan sa pagdiriwang ng mga Mahal na Araw.
Hindi masama pagandahin at pagbutihin altar ng repositoryo sa visita iglesia ng Huwebes Santo ngunit nasaan si Kristo na dinadalaw at sinasamahan sa pananalangin sa gitna ng kadiliman kung ang nakapupukaw pansin sa mga tao ay ang gayak at mga palamuti na di na natin alintana pagkakahati-hati at pagkakawatak-watak nating mga alagad tulad noong dakpin si Jesus dahil naging paligsahan saan mas maganda ang visita iglesia nawala na nilalayong mailapit ang tao sa Diyos at kapwa gaya ng panalangin noon ni Jesus sa Getsemani, "ut unum sint."
Sakit ito sa maraming simbahan lalo na sa Bulacan na marahil siyang ginaya ng mga korap sa DPWH na kahit buo ang simbahan, gigibain upang pagandahin, punuin ng kanya-kanyang monumento at alaala ng kura kaya wala na ring kalagyan maging ang Diyos sa kanyang tahanan, hindi siya maramdaman daig pa ng walang hanggang mga sobre na ayaw nang lagyan ng laman dahil puro iyon na lang ang tunay na nadarama at iniinda ng mga nagsisimba.
Tapos na mga pagdiriwang ng mga Mahal na Araw ngunit mahalagang pag-usapan at liwanagin ngayon pa lamang mga kalabisan tuwing Huwebes Santo at Biyernes Santo dahil palala nang palala mga ito, tumatanda tayo ng paurong hindi pasulong kaya hanggang ngayon lugmok ating bansa sa kabulukan sa kabila ng maraming mananampalatayang Kristiyano na hindi naman nakita pa si Kristo.
Nakakahiya at nakakasuka kung bakit pinayagan ng ilang pari at obispo pumasok kamalayan ng turismo at pagkakakitaan sa mga pagdiriwang sa simbahan; nasaan mga dalubhasa sa pagtuturo ng liturhiya higit sa lahat ng katesismo na siyang layunin ng mga prusisyon lalo na kung Biyernes Santo? Hindi mo na malaman kung deboto o debobo mga camarero at mga tao sumusunod sa mga karo na pagkakatayog-tayog pilit inaabot mga kawad ng kuryente at telepono na tila baga walang ibang hilig kungdi ang "like" sa social media; walang maramdamang rubdob ng pagkakabighani o "mysterium fascinans" sa pagdaraan ng prusisyon dahil wala nang taglay na ibayong hiwaga ng kabanalan - ang "mysterium tremendum" - bagkus sa halip ay katatawanan, pagtataka at pagkalito hatid ng mga kung anu-anong pinapakita sa karo kaya hindi kataka-taka balang araw bumaba muli isang anghel at sabihin sa mga prusisyon "wala na Siya rito."
Wala na nga si Jesus sa prusisyon dahil kanyang mga alagad ngayon hindi lamang inaantok kungdi tinatamad magdasal kaya nagsasapawan hindi na maintindihan naka-record na pagrorosaryo; nasaan ang pananalangin mula sa puso? ang sakripisyo ng prusisyon?
Wala si Jesus sa MP3 o ano mang naka-record na pagdarasal ng Rosario dahil si Jesus naninirahan sa puso ng nananampalataya na inihahayag sa kanyang bibig at mga labi; pati ba naman pananalangin ibig pa nating pagaangin?
Ang masakit na katotohanan sa maraming prusisyon ginawa itong piknik sa walang tigil na pagkain at pag-inom habang nakahanay mga deboto at debobo kasabay nang walang tigil na pagpitik ng selfie na tila rumarampa kanilang mga Poon!
Nang muling mabuhay si Jesus at napakita sa mga alagad, habilin niya sa kanila ipahayag sa lahat ng bansa Kanyang Mabuting Balita ng kaligtasan;alisin na natin mga bato dumadagan sa kanyang katotohanan, lumabas tayo sa ating yungib ng pagkamakasarili, magnilay at pag-isipan paano muling matagpuan si Jesus na muling nabuhay sa ating magagandang tradisyon na labis nang tinatabunan winawasak ng mga makabagong teknolohiyang hatid ay kababawan alang-alang sa bonggang mga palabas lamang walang lalim, hungkag ang kalooban kung saan malinaw na wala nga si Kristo. Amen.
Larawan mula sa FB ni G. Joey Meneses Rodrigo, 05 Marso 2026.
Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 25 February 2026
Today we celebrate the 40th anniversary of the EDSA People Power Revolution. For four days and four nights, from February 22-25, 1986, what was supposed to be impossible became a reality – a miracle for many of us when we finally deposed Marcos after 20 years of dictatorship through a peaceful, bloodless coup and transition of power into democracy.
Four decades since then, EDSA 1986 continues to reveal so many valuable lessons that perhaps many of us have forgotten, even disregarded as we were overtaken by its euphoria that eventually waned these last ten years especially in the 2016 election of the most decadent president of the republic only to be capped by the 2022 elections that brought back into Malacanang the deposed dictator’s son and namesake.
One key lesson many of us have forgotten and still disregard these days is the very nature of EDSA People Power Revolution of 1986: it was spiritual in nature, it was God intervening in our history in modern time. Since then, the late Cardinal Sin who was truly a prophet among us in those dark years of the dictatorship has been insisting on this truth: it was the work of God. And it shall continue to be the work of God who continues to call us to join in this journey of EDSA ’86. That is why I find its 40th anniversary slogan so perfect, “Tayo ang EDSA” – we the people of God He calls to be transformed first.
Photo by author, National Shrine of Our Lady of Fatima, Valenzuela City, 25 February 2026.
I must confess that it is only now on its 40th year that I realized deeply the spiritual nature of EDSA ’86. February 25 always happens within the season of Lent, the 40 day journey in preparation for Easter.
More than that journey in time of 40 days, Lent is actually an internal journey within ourselves, into our hearts to be purified from its sins and evil inclinations to be one with God again. Today’s psalm said it so well, “A clean heart create for me, O God, and steadfast spirit renew within me” (Ps. 51:12).
The number “40” in the Bible is very significant, a perfect number closely linked with God and his works like the great flood of Noah that washed and cleansed earth for 40 days and 40 nights; the Israelites wandering in the desert for 40 years before entering the Promised Land; and every prophet fasting and praying for 40 days in the wilderness including our Lord Jesus Christ as we have heard in last Sunday’s gospel.
And that is EDSA@40 – an invitation to return to its very roots, God in Jesus Christ who delivered us led by his own Mother, the Blessed Virgin Mary.
EDSA’86 is our daily Lenten journey of purification and cleansing as individuals and as a nation before we can enter into our “Promised Land” of a prosperous Philippines where justice and the rule of law prevail, where people have more equal opportunities in various aspects of life without the need to work abroad as servants while leaving their loved ones behind. Of course, heaven is the ultimate Promised Land but it is what the Vatican II had always hoped that we could help build a more just and humane society, especially in our country that is overwhelmingly Christian and Catholic in this world.
We ushered in the season of Lent last February 18 with Ash Wednesday and this early in our lenten journey just before our EDSA celebration is God reminding us of his loving presence among us, of his gift in EDSA: the pre-trial confirmation of charges against Duterte’s crimes against humanity started two days ago, exactly within the crucial dates of EDSA People Power. Another dictator, another time. Same benevolence of God to us his people.
Yes, a Marcos had gone back as President and even if I did not vote for him, we are impressed with his character and statesmanship especially with his recent trip to Naga City to meet with his presidential opponent, Mayor Leni Robredo. See how at the many occasions BBM never went down to the level of his detractors even by his sister, in the ways he had handled the many crises that have come his way. He was the one who dared to shake hard the legislative and executive branches about the rampant and shameless flood control scam.
These may be too small to recognize in the face of our gargantuan problems as a nation but these are nuggets of gold worth recognizing, reminding us of God working among us, in people we doubt and even take for granted.
Photo by Mr. Lorenzo Atienza, detail of the left panel of the new stained glass of the National Shrine of Fatima in Valenzuela City depicting the role of the National Pilgrim Image of Fatima in the EDSA People Power Revolution of 1986.
EDSA ’86 is still ongoing, unfolding. Forty years of wandering in the wilderness of political and national ups and downs have clearly been signs from God to remember Him, to return to Him but we have ignored.
I dare say that EDSA waned because we have forgotten God. And every time we forget God, it follows that we also forget others. That is why Duterte rose to power with his supporters relishing his jokes and speeches that smack human dignity especially of women. Even God he had cursed and the Pope, the Vicar of Christ. And the tragedy was how his supporters rejoiced in his insults and harsh words against God and people.
Sad to say too, many of us in the Church were intoxicated with the euphoria of EDSA ’86. Many priests and bishops have since then been identified closely even as enablers of the rich and powerful people of the country primarily the politicians who mostly exploited our people. How we sorely missed Cardinal Sin these last ten years who never turned his back from every attack in the dignity and value of human life and of the family.
EDSA@40 is a call to return to the journey in the wilderness, a call to sacrifice anew, to pray and get closer to God who is the true Spirit of EDSA. And here lies also the most beautiful aspect of EDSA ’86: the presence of the Blessed Virgin Mary as our guide and companion in the wilderness.
Unlike the Israelites who were led by the Ark of the Covenant that contained the two tablets of stones where God inscribed the Ten Commandments, in EDSA 1986 we have the “new Ark of the Covenant” as we pray in the Litany of the Rosary – Mary the Blessed Virgin.
Mary is the “Ark of the Covenant” because she carried in her womb our Savior Jesus Christ. More than the stone tablets of the Ten Commandments in the Old Testament, Mary is the new Ark of the Covenant because she brought forth into the world the Son of God Jesus Christ.
That was exactly what Mary did at EDSA’86 and continues up to now!
Photo by Mr. Lorenzo Atienza, 25 February 2025.
Consider again the work of the hand of God in our history, in EDSA 1986: In 1967, St. Pope Paul VI blessed 50 statues of Our lady of Fatima for distribution around the world. For strange reasons, the one destined for the Philippines ended up in a parish in New Jersey that was kept in one of its rooms until 1984 when it was finally given to Cardinal Sin who brought it into the country to be crowned as the National Pilgrim Image of Fatima (NPI) during the launching of the National Marian Year on December 8, 1984. From then on, the image was brought to various cities in the country for the Marian Year and eventually for the spread of devotion to Our Lady of Fatima.
When Cardinal Sin called on the people to fill EDSA in the evening of February 22, 1986 to protect Enrile and Ramos from the loyalist forces of Marcos out to neutralize them, the very same image was brought to Camp Crame and the rest was history.
What a beautiful image of the Filipino people so loved by God led by the Mother of His Son, the new Ark of the Covenant in those four days of People Power Revolution. Tanks and guns were silenced, soldiers’ hearts melted in love and compassion for the people armed only with flowers and Rosary beads.
A lot of things have happened these past 40 years since EDSA People Power Revolution. For those feeling low, disheartened, disillusioned… come to the National Shrine of Our Lady of Fatima and experience up close and personal the very image we have in EDSA ’86 who led us to victory. She is always here, always in our hearts, leading us closer to Jesus Christ her Son and our Lord especially when this journey in the wilderness of our nation’s history becomes so tiring and exhausting.
More miracles can still happen when we believe and live the Spirit of EDSA ’86 who is God himself in Jesus Christ. With His Mother and our Mother too! Viva La Virgen de Fatima! Long live EDSA People Power Revolution!
40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Wednesday in the First Week of Lent, 25 February 2026 Jonah 3:1-10 + + + Luke 11:29-32
From cbcpnews.net, 13 May 2022, at the Parish of the National Shrine of Our Lady of Fatima, Valenzuela City; this is National Pilgrim Image of Fatima that was raised by the late Gen. Fidel Ramos at EDSA 1986 People Power Revolution.
Praise and glory to you, O God, our loving Father for the gift of EDSA 1986: what a wonderful reminder to us of your loving presence among us, of your work, and of your call to us all to be one, to journey closer to you in Jesus Christ in peace with Mary His Mother; how wonderful to remember that EDSA 1986 happened in the season of Lent reminding us of the 40 years of the Israelites in the wilderness; so are we now still journeying in the wilderness of independence, of democracy; many times we have stumbled and fall, but we shall rise to continue this journey of purification as a nation, as a people you have called and chosen.
On this 40th anniversary of People Power Revolution that happened in EDSA, I pray only for one thing like the psalmist this day:
“A clean heart create for me, O God, and put a steadfast spirit renew within me. Cast me not out from your presence, and your Holy Spirit take not from me” (Psalm 51:12-13).
EDSA 1986 photo by Mr. Linglong Ortiz.
Create a clean heart in me, O God; let me return to you, O God: EDSA was primarily a call to return to you but many of us were blinded by its many joys of changes like freedom and democracy we have abused these past 40 years; have mercy on us, Lord, let us return to you, create a clean heart in us that we may finally admit our own faults in tarnishing, blurring the glow of EDSA 1986 through these past four decades.
Indeed, many of us in EDSA 1986 have left the journey to follow the path of the devil in the wilderness, pursuing fame and wealth and of course, power; create a clean heart in us, Lord Jesus, so we may return to you like Jonah the reluctant prophet, to simply be your one sign of a prophet continuing the journey towards you.
O God, you have given us with so much in EDSA 1986 but we have given so little; like those four days of February 1986, let us forget ourselves always to give more of our selves and most of all, more of you in Jesus with Mary our Mother. Amen.
Photo by Mr. Lorenzo Atienza, 25 February 2025 procession of first anniversary of the Canonical Coronation of the National Pilgrim Image of Fatime kept at the National Shrine of Fatima in Valenzuela City.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-11 ng Pebrero 2026
Larawan kuha ni Arkitek Philip Santiago, Lourdes, France, Oktubre 2025.
Isa sa mga turo sa amin ni Bp. Almario (+) noong kami ay mga seminarista pa ay huwag na huwag daw kaming maglalagay sa pintuan ng aming silid kapag naging pari na ng “Do not disturb” sign.
Paliwanag niya sa amin ay buhay ng mga pari ang palaging maistorbo at magambala lalo na kung mayroong may-sakit at naghihingalo ano mang oras gaya ng hating-gabi at madaling-araw.
Naalala ko ang turo niyang iyon noong Lunes sa aking homilya tungkol sa ebanghelyo na si Hesus ay “inistorbo” ng mga tao nang tumawid ng lawa at dumaong sila sa Capernaum.
Larawan kuha ng may-akda, Lawa ng Galilea, Israel, Mayo 2017.
Noong panahong iyon, sina Hesus at ang kanyang mga alagad ay tumawid ng lawa, at pagdating sa Genesaret ay isinadsad nila ang bangka. Paglunsad nila, nakilala siya agad ng mga tao kaya’t nagmamadaling nilibot ng mga ito ang mga pook sa paligid; at ang mga maysakit, na nakaratay na sa higaan ay dinala nila kay Hesus, saanman nila mabalitaang naroon siya. At saanman siya dumating, maging sa nayon, lungsod, o kabukiran, ay dinadala sa liwasan ang mga maysakit, at isinasamo sa kanya na pahipuin sila kahit man lang sa palawit ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling (Marcos 6:53-56).
Imagine natin ang eksenang ito: ni hindi na nakapagpahinga man lang si Hesus pagdating sa Capernaum. Ni hindi niya nakuhang bumuwelo. Agad-agad Siya na sumama sa mga tao. Kung ano man mga plano Niya marahil noong mga araw na iyon ay Kanyang ipinagpaliban para sa mga tao, lalo na sa mga may-sakit.
At iyon naman ang totoo kay Hesus – palagi Siyang may panahon sa bawat isa sa atin. Kaya nga hindi naman Siya pumapalag sa mga humihipo sa Kanyang damit upang gumaling sa kanilang mga sakit. Kailanman ay hindi pinigilan ni Hesus mga tao na siya ay istorbohin upang magpagaling, mangaral at magpaliwanag. Minsan nga ay inaya niya Kanyang mga alagad tumungo sa ilang na pook upang mamahinga ngunit wala Siyang nagawa kungdi ang maawa nang makita Niya na nauna pang dumating sa kanila ang mga tao na parang mga “tupang walang pastol” kaya tinuruan Niya at pinagaling mga may-sakit. At pagkaraan ay pinakain pa!
Napaka-gandang katangian ni Hesus ang kanyang pagtugon sa mga pang-aabala lalo ng mga may-sakit at naghihingalo. Ito marahil ang kaganapan ng ating panalanging “disturb me Lord” sapagkat tunay tayo nagagambala ng Panginoon tuwing kinakilanga at pinaglilingkuran natin ang mga may-sakit at maging iba pang mga nahihirapan sa buhay.
Larawan kuha ni Arkitek Philip Santiago, Lourdes, France, Oktubre 2025.
Kaya naman tuwing ginugunita ang Birhen ng Lourdes sa ika-11 ng Pebrero, atin ring ipinagdiriwang ang Pandaigdigang Araw ng mga May-Sakit. Bantog ang maraming himala ng kagalingan sa pamamagitan ng pamimintuho sa Birhen ng Lourdes. Itinuturing din na mapaghimala ang bukal ng tubig doon sa Lourdes, France na ipinahukay ng Mahal na Birhen sa pinagpakitaan niyang bata noon na ngayon ay Santa na, si St. Bernadette Soubirous.
Itinakda ni San Juan Pablo II noong Mayo 13, 1992 at isinabay sa kapistahan ng Lourdes ang World Day of the Sick upang aniya ay “ating makita sa mga may-sakit ang mukha ni Kristo na sa Kanyang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ay natamo ang kaligtasan ng sangkatauhan.”
Bakit nga ba gayon na lamang ang pagpapahalaga ng Diyos sa mga may-sakit? Dahil lang ba sa sila’y mahihina at walang halos magagawa kaya kailangan nating tulungan at kalingain?
Maraming dahilan ang ating maiisip na pawang mga patungkol sa mga may-sakit dahil nga sa sila ay mahihina, maraming tinitiis at iniindang hirap sa kanilang karamdaman.
Ngunit, marahil hindi sumagi sa ating isipan ang malaking pagpapala na hatid sa atin ng mga may-sakit dahil sa pamamagitan nila ay ating nakikita, nararanasan pagliligtas ni Kristo. Gaya ng sinabi ni San Juan Pablo II, sa kanila ating nakikita ang mukha ni Kristo na nagligtas sa atin sa pamamagitan ng Kanyang pagpapasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay.
Tatlong katotohanan aking napagtanto na biyayang binabahagi sa atin ng mga may-sakit at naghihingalo.
Mula sa inquirer.net.
Personal nating nararanasan si Hesus sa mga may-sakit.
Tunay lamang nating masasabing “Katawan ni Kristo” ang Banal na Ostiya kung nahawakan natin ang maruming sugat at balat ng isang may-sakit, o naglinis at nagpaligo sa may-sakit. Higit itong totoo kapag pamilya natin ang may sakit na inaalagaan at kinakalinga.
May mga pagkakataong tuwing konsekrasyon habang binibigkas ko yung mga sinabi at ginawa ni Hesus sa Huling Hapunan (institution narrative) saka dumarating sa aking gunita mga pasyente na aking hinawakan, hinipo… o nilinisan. Namamangha ako sa biyaya na nagawa ko lahat yun gayong mahina aking sikmura (sabi po ng aking Ina noong nabubuhay pa siya, sa lahat daw ng matakaw ako mahina ang sikmura!).
Mahirap ipaliwanag ni ilarawan aking nadarama sa mga pagkakataon na iyon madalas ako ay naluluha, parang may daluyong sa aking dibdib na biglang gagaan at ang tanging nasasabi ko ay basta ganun yun! Totoo nga sabi ni San Juan Pablo II na ating nakikita mukha ni Kristo sa may-sakit. Ito marahil ay sapagkat sila man nakikita na si Kristo.
Ang mga may-sakit pinaka-malapit kay Kristo.
Sa Ebanghelyo ayon kay San Lukas, tiniyak ni Hesus kay Dimas na “ngayon din isasama kita sa paraiso” (23:43). Hindi sinabi ni Hesus na mamyang alas-tres pagkamatay ko o sa Linggo sa aking pagkabuhay. Ang sinabi ni Hesus ay ngayon din habang sila ay nakabayubay sa krus.
Alalaong-baga, sa pangungusap na iyon ni Hesus, inilalahad niya sa atin ang katotohanan na ang pintuan ng langit ay narito mismo sa lupang ibabaw. Higit sa lahat, pumapasok tayo sa langit kapag tayo naroon sa krus ng pagtitiis at paghihirap. Kaya hindi kataka-taka na natatanaw na ng mga may-sakit at mga naghihingalo ang langit na kanilang pupuntahan maging si Kristo na kanilang hahantungan.
Aking napansin sa marami kong pasyente na naihanda sa pagpanaw, mayroon tila “cycle” na sila at ang mga bantay na pinagdaraanan. Una, yung pasyente ang palaging umiiyak dahil takot o galit sa kanilang sinapit. Sino nga ba hindi matatakot at maiiyak kung malaman mo na mamatay ka na dahil sa iyong sakit.
Ngunit unti-unti habang kanilang natatanggap ang kanilang kalagayan at karamdaman, naiiba ang sitwasyon: ang mga may-sakit ang puno ng tuwa at sigla at lakas ng loob habang ang mga mahal sa buhay ang bagabag at naiiyak. Ito marahil ay sapagkat natatanaw na nga ng mga may-sakit kanilang tutunguhan lalo na kung sila ay naihanda o nakapaghandang mabuti spiritually. Hindi na sila umiiyak dahil batid nilang mas mabuti ang kanilang pupuntahan. Ang mga naiiwan ang kinakabahan at umiiyak dahil walang katiyakan silang nakikita sa buhay. Paano na kapag pumanaw na si itay o si inay o sino mang mahal natin sa buhay? Paano tayo? Hindi natin alam ano susunod sa buhay natin di tulad ng papanaw na sigurado na ang langit!
Larawan kuha ng may-akda, Basilika ng Manaoag, Pangasinan, 09 Enero 2026.
Napaka-buti ng Diyos.
Kumbinsido ako lalo ngayon mula nang maging chaplain ako sa ospital na napaka-buti ng Diyos, na mahal na mahal niya tayong lahat. Nakatitiyak ako na mas marami pa rin ang nasa langit kesa nasa impiyerno.
Hanggang sa kahuli-hulihan, ibig ng Diyos tayo ay masagip kaya nga naparito Kanyang Anak na si Jesu-Kristo. Ang tanging napupunta lang sa impiyerno ay yaong sadyang ayaw sa Diyos.
Madalas sinasabi sa akin ng mga duktor at nurse dito sa ospital ay “Father hinitay lang po kayo ng pasyente bago pumanaw.” Kasi nga bihirang-bihira mga pumapanaw na pasyente na hindi ko napupuntahan. Ako mismo ay nagtataka: kapag wala ako, walang naghihingalo? At kung mayroon man, palaging inaabutan ko pa kahit na anong layo pa aking panggalingan! Gayun din kung hatinggabi o madaling-araw: nagigising ako maski sa text ng mga nurse kung mayroong mag-request ng pagpapahid ng langis.
Sadyang mabuti ang Diyos at mahal Niya tayong lahat na hindi Siya tatawag ng sino man kung hindi naman sa Kanya uuwi at hihimlay.
Larawan kuha ng may-akda, Chapel of angel of Peace, Our Lady of Fatima University, Marso 2025.
Sa loob ng limang taong pagiging kapelyan ko sa Fatima University Medical Center sa Valenzuela, naranasan ko maraming pagpapala mula sa mga dinadalaw na pasyente na nagpalalim at nagpayabong sa aking katauhan hindi lamang sa aking pagkapari.
Dahil sa kanila, lalong naging makahulugan at makatotohanan sa akin ang bawat pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya kung saan tunay na tunay ngang dumarating si Hesus sa Kanyang Katawan at Dugo.
Totoong nakakapagod ang dumalaw lalo na ang mag-alaga ng may-sakit ngunit mayroong ibang kagaanan ng kalooban itong hatid sa ating katauhan na sagad hanggang ating budhi. Kaya nga, sakali mang pakiramdam natin tayo ay nagagambala o naiistorbo ng mga may-sakit sa kanilang pangangailangan, nawa ating ituring ang mga pagkakataong iyon ay mismong ang Panginoong Hesus nag-aanyaya sa atin ng Kanyang pagpapala na Siya ay maranasan at maka-ugnayan. Amen.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-02 ng Disyembre 2025
Larawan kuha ng may-akda sa San Fernando, Pampanga, Nobyembre 2021.
Napansin ko lang kakaiba itong kapaskuhang darating: tahimik si Jose Mari Chan at inagawan ng eksena ng mga mandarambong sa pamahalaan at kongreso na hanggang ngayon nagtuturuan, nagtatakipan habang pinagpipilitan ng isang ginang kakasya raw ang limang-daang piso upang makapag-diwang ng noche buena sa bisperas ng Pasko ang pamilyang Pilipino.
Kaya sumagi sa aking alaala pamaskong awiting aking kinalakhan:
Kay sigla ng gabi, ang lahat ay kay saya Nagluto ang ate ng manok na tinola Sa bahay ng kuya ay mayroong litsonan pa Ang bawat tahanan, may handang iba't-iba
Tayo na, giliw, magsalo na tayo Mayroon na tayong tinapay at keso 'Di ba Noche Buena sa gabing ito? At bukas ay araw ng Pasko
Mga ginigiliw, atin nang mapagtatanto sa awiting ito diwa ng Pasko: ating pagsasalu-salo ng mga kaloob na biyaya at pagpapala na sinasagisag ng noche buena ng pagkakatawang-tao ni Jesu-Kristo noong Pasko; ngunit, paano nga kung sa halip na tulungan lalo mga maliliit tugon ng pamahalaan ay bigyan ng presyo natatanging pagsasalo-salo ng Pilipino tuwing Pasko?
Narito naman makabagong awiting pamasko naghahayag na walang tatalo sa Pasko sa Pilipinas:
May tatalo pa ba sa Pasko ng 'Pinas? Ang kaligayahan nati'y walang kupas 'Di alintana kung walang pera Basta't tayo'y magkakasama Ibang-iba talaga ang Pasko sa 'Pinas
May simpleng regalo na si Ninong at si Ninang Para sa inaanak na nag-aabang Ang buong pamilya ay magkakasama sa paggawa ng Christmas tree Ayan na ang barkada, ikaw ay niyayaya para magsimbang gabi
Muli mga ginigiliw sa saliw ng awiting ito madarama natin diwa at tuwa ng Pasko: wala naman sa handang noche buena ito kungdi sa samahan at pagbubuklod ng pamilya at magkakaibigan katulad ng pagkakatawang-tao ni Jesu-Kristo na pumarito upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan at mapunan ating kakulangan ng kanyang kaganapan sa pagmamahalan.
Subalit kay hirap maramdaman pagmamahal ni malasakit nino man tulad ng mga nasa kapangyarihan animo mga maligno at impakto ng mga ghost project kaya Biyernes Santo hindi Pasko pakiramdam ngayon ng maraming Pilipino: wala ang mga ginigiliw na ate at kuya may handang iba't-iba dahil sila ay mga nagsipag-OFW na habang ang mga buwitre at buwaya sa Kongreso nagpapasasa sa kaban ng bayan mula sa dugo at pawis ng mga mamamayan na pinagtitiis sa limang-daang pisong noche buena na kahuluga'y "mabuting gabi" nang pahalagahan ng Diyos ang tao sa pagsusugo niya ng Kristo na patuloy sumisilang sa puso ng bawat nilalang tuwing nagmamahalan at nagbabahaginan na pinapaging-ganap sa hapag ng pakikinabang ng Banal na Misa hanggang sa mesa ng bawat pamilya.
Ngunit papaano na kung pera hindi kakasya sa noche buena? Iyan ang masaklap at nakasusuklam ng limang-daang pisong noche buena: hindi ang halaga ng pera kungdi kawalan ng pagpapahalaga nitong nasa pamahalaan sa dangal ng bawat isa lalo ng mga maliliit at aba na sa halip tulungan maka-ahon o maibsan kanilang hirap at gutom sila pa nga ay ibinaon sa presyo na pang galunggong hindi hamon!
Kaya nakakamiss sa gitna ng nakakainis na mga balita si Jose Mari Chan sa kanyang awiting pamasko na maalala nating palagi Sanggol na sumilang sa Bethlehem sa tuwing masilayan mukha ng bawat kapwa nang walang pasubali hindi sa halaga ng salapi!
Whenever I see girls and boys Selling lanterns on the streets I remember the Child In the manger, as he sleeps Wherever there are people Giving gifts, exchanging cards I believe that Christmas Is truly in their hearts
Let's light our Christmas trees For a bright tomorrow Where nations are at peace And all are one in God
Let's sing Merry Christmas And a happy holiday This season may we never forget The love we have for Jesus Let Him be the one to guide us As another new year starts And may the spirit of Christmas Be always in our hearts
Ngayong Pasko marami ang wala maski limang daang piso at marahil itutulog na lang ang noche buena; tayo nawa maging dahilan ng "mabuting gabi" nila upang tunay nilang maranasan pagsilang ng Kristo sa kumakalam nilang tiyan at sikmura.
Larawan kuha ng may-akda sa Dau, Mabalacat, Pampanga, Nobyembre 2022.
Lawiswis Ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-26 ng Nobyembre 2025
Larawan mula sa Catholic News Agency, 22 Nobyembre 2025.
Tawag pansin at higit sa lahat ay nakatutuwa ang pahayag ng Santo Papa Leo XIV kamakailan mula sa Roma na mag-ingat aniya ang lahat sa maling habag at awa.
Nagtipon sa Roma noong isang linggo ang mga bumubuo sa court of appeals ng Simbahan kung tawagin ay Roman Rota na siyang humahawak sa mga kaso ng marriage annulment. Heto yung pambungad na bahagi ng balita mula sa Vatican:
In a firm call to avoid “false mercy” in marriage annulment proceedings, Pope Leo XIV reminded that compassion cannot disregard the truth.
During a Friday audience with participants in the legal-pastoral training course of the Roman Rota, the Holy See’s court of appeals, the Holy Father read a lengthy speech in which he recalled the importance of the reform of marriage annulment processes initiated by Pope Francis 10 years ago. (Mula sa ulat ni Almudena Martinez-Bordiu ng Catholic News Agency)
Noon pa mang mahalal na Santo Papa si Leo XIV, marami na siyang pahayag na nakakatawag pansin hindi sapagkat kakaiba o nakakagulat katulad ng sinundan niyang si Papa Francisco.
Pagmasdan palaging malinaw at ayon sa turo ng Simbahan at kanyang mga tradisyon ang mga pahayag ni Papa Leon. Walang malabo na nagbibigay daan sa maling pagkaunawa o interpretasyon. At sa lahat ng kanyang binitiwang salita, ito ang pinaka-nagustuhan ko dahil totoong-totoo. Hindi lamang sa larangan ng pagsusuri sa mga kaso ng annulment ng mga kasal kungdi sa ating buhay mismo.
Bagaman mahalaga ang maging mahabagin na siyang pinaka tuon ng pansin ni Pope Francis noon, niliwanag ngayon ni Papa Leon na hindi maaring puro na lang awa at habag.
Mula sa FB post ni Dr. Tony Leachon.
Tunay naman na maraming pagkakataon lumalabis ating habag at awa habang nakakalimutan ang katotohanan. Lalo na sa ating mga Pinoy na puro na lang awa at bihira gumana ang batas kaya naman palala ng palala ang ating sitwasyon na nawawala na ang kaayusan dahil bihirang bigyang pagkakataon ang gawi ng katarungan.
Sa tuwing nasasantabi ang katotohanan at nangingibabaw ang pagkaawa, ito ay nagiging maling uri ng habag dahil hindi maaring pairalin ang awa kung walang katotohanan. Ipinaliwanag ni Papa Leon noong isang linggo na palagi sa lahat ng pagkakataon na hanapin at tingnan muna ang katotohanan sa mga bagay-bagay na kinokonsidera ukol sa mga kaso ng sa kasal. Idiniin ng Santo Papa na dapat maunang hanapin at panindigan ang katotohanan dahil ito mismo si Jesu_Kristo na nagsabing “Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay” (Jn. 14:6).
Gayon din sa buhay. Ang maging maawain sa gitna ng kawalan ng katotohanan lalo na namamayani ang kasinungalingan ay maling-mali sapagkat sa tuwing nauuna ang awa at habag kesa katotohanan, nasasantabi rin ang katarungan kung saan mayroong tiyak na napagkakaitan nito. Hindi nagiging patas ang kalagayan kung puro awa at walang katotohanan.
Kasalan sa binaha na simbahan ng Barasoain sa Malolos City, 22 Hulyo 2025; larawan kuha ni Aaron Favila ng Associated Press.
Sa tuwing nauuna ang pagkamaawain sa gitna ng kawalan ng katotohanan, lalo tayo nagiging walang awa o merciless sa dapat kaawaan habang hinahayaan natin ang pag-iral ng kasinungalingan. Balang araw, lulubha at lalala ang kamaliang ito kaya higit na marami ang mahihirapan.
Hindi maaring pairalin ang habag at awa kung mayroong mali at kasamaan. Iyan problema sa ating bansa: lahat na lang kinaawan at pinatawad maski walang pagsisisi ni pag-amin ng kasalanan kaya wala ring napaparusahan ni nakukulong! Magtataka pa ba tayo wala tayong kaayusan at higit sa lahat, wala tayong patunguhan?
Kinabukasan ng halalan noong 2019 habang almusal, nagsabi ng sorry sa akin ang aming kasambahay sa kumbento. Bakita ika ko? Kasi daw binoto niya pa rin si Bong Revilla bilang Senador sa kabila ng pagsasabi ko na huwag iboto; paliwanag niya sa akin ay “nakakaawa naman kung walang boboto kay Bong”.
Hindi ko malaman noon kung ako ay tatawa o magagalit. Sabi ko na lang sa kanya, puro ka awa kay Bong e hayun siya pa isa sa mga maraming nakuhang boto bilang senador, dinaig mga karapat-dapat! Ano nangyari mula noon hanggang ngayon? Sangkot diumano sa mga kaso ng pandarambong si Bong Revilla, hindi ba? Kasi nga binalewala ng mga botante ang katotohanan ng dati niyang kaso ng corruption kay Napoles at higit sa lahat ang kawalan niya ng kakayahan bilang mambabatas.
Ganyan nangyayari sa buhay saan man kapag isinasantabi ang katotohanan at pinaiiral palagi ang awa at habag. Kay rami nating mga mag-aaral na nakakatapos at guma-graduate na walang alam dahil kinaawaan lang ng guro. Tama nga tawag sa kanila, “pasang-awa” pero sino ang kawawa kapag bumabagsak ang tulay o lumalala ang pasyente?
Larawan kuha ng may-akda, 20 Marso 2025, Sacred Heart Novitiate, Novaliches.
Walang natututo ng ano mang aral sa paaralan o sa buhay man nang dahil lang sa awa. Hindi titino ang bansa kapag lalaktawan ang mga batas dahil kaaawaan palagi ang mga lumalabag.
Reklamo tayo ng reklamo na namimili ang batas o selective kung saan mayroong mga pinapaboran at hindi kasi naman mas pinipili natin palagi ang awa kesa katotohanan na mayroong mali o kulang.
Kailan natin haharapin ang katotohanan? Kaya nga sinabi ni Jesus na “ang mapagkakatiwalaan sa munting bagayay pagkakatiwalaan ng higit na malalaking bagay, ang hindi tapat sa munting bagay at hindi rin mapagkakatiwalaan sa malalaking bagay” (Lk.16:10-14).
Hindi tayo nagiging maawain o merciful bagkus ay nagiging walang awa o merciless nga tayo kapag maling awa ang umiiral sa atin dahil malayo tayo sa katotohanan. Katotohanang muna bago habag at awa. Veritas et Misericordia gaya ng motto ng aming pamantasan. Naawa ni Jesus sa mga makasalanan tulad ng babaeng nahuli sa pakikiapid, kay Maria Magdalena at kay Dimas dahil umamin silang lahat sa katotohanan na sila nga ay nagkasala. Gagana lamang ang habag at awa ng Diyos kapag mayroong pag-amin at pagtanggap sa katotohanan. Huwad ang ano mang awa kapag walang katotohanan dahil tiyak wala ring katarungan na umiiral doon.
Walang bansa ang umunlad dahil lang sa awa, lalo na sa maling awa kungdi sa pagsasaliksik at paninindigan ng katotohanan.
Higit sa lahat ay nakakabuhay ng pag-asa ang pahayag ni Pope Leo para sa Simbahang Katolika lalo na dito sa Pilipinas. Nakakahiya at nakakalungkot kaming mga pari na gayon na lang kung makapula sa mga politiko at upisyal ng gobyerno sangkot sa anomalya ngunit kapag kapwa pari ang may katiwalian at alingasngas… ano laging hiling namin maging ng mga tao?
Patawarin. Kaawaan. Hayaan na lang.
Bakit ganoon?
Bukod na ang pari ay dapat larawan ng kabutihan, kami rin siyang dapat tagapagtanghal at tagapagtanggol ng katotohanan. Hindi lang ng awa. Iyong tama na awa gaya ng sinasaad ni Papa Leon. At ng Diyos.
Ang masakit ay, palaging pakiusap at sangkalan ng mga pari ay awa kahit na mali ang ginawa o ginagawa. Kaya malaking aral sa Simbahan ang yumanig na sex scandal noon. At diyan natin makikita walang katanda-tanda ang ilang pari at obispo dito sa Pilipinas: kapag pinag-usapan kaso ng mga paring sangkot sa sex at money scams, kaagad-agad ang hiling nila ay “awa”.
Kawalan ng katarungan at isang kasinungalingan kapag mga kaparian sa pamumuno at pangunguna ng obispo ay puro awa habang winawalang bahala ang katotohanan. Nakakatawa at nakaka-inis maringgan mga pari at obispo nasisiyahan sa mga kuwentong Maritess pero kapag ang paksa ay katiwalian ng isang pari, ni hindi man lamang alamin, suriin kung totoo o hindi upang maituwid. Kaya sa kahuli-hulihan, maraming pari at obispo lumalakad may ipot sa ulo dahil kitang-kita ng iba ang kamalian at kasinungaligan na sila ang ni ayaw tumingin ni umamin.
Sa mga nangyayari ngayon sa bansa, ito rin ang hamon sa amin sa Simbahan: magpakatotoo, huwag pairalin maling awa o false mercy wika ni Pope Leo upang si Kristo ang tunay na maghari sa ating buhay upang makamit tunay na pag-unlad sa lahat ng larangan ng buhay. Ano ang iyong palagay sa sinabi ni Papa Leon ukol sa maling awa? Mag-ingat at baka mayroon ka rin niyon. Amen.