Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 11 October 2020
Photo by Ms. Anne Ramos, Good Friday “motororized procession” of Santo Entierro in our Parish during COVID-19, 10 April 2020.
Lately I have noticed
since month of August
when we have a spike of the virus
I have felt heavy and serious
as Sundays have become
more like a Good Friday
with the streets and church seats
both empty; nobody seems to be happy
or Sundays have become more lazy?
How I miss the people I always see
wondering if they are safe and healthy
or maybe so wary just like me.
Sometimes I still feel
how everything is surreal
will I make it to next year
enjoying life without fear?
I have been wondering
if the Lord is still hanging
or have they crucified him again?
Life in the midst of COVID-19
has become more challenging
listening to silence so deafening
when God does not seem to be caring;
but, deep within
there is that calming
during Good Friday
that Easter Sunday
is surely coming:
keep on believing, keep on praying
if Sundays look like a Good Friday
this may only mean one thing, that
Jesus is with us suffering COVID-19!
Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 08 October 2020
Pope Francis delivering his “Urbi et Orbi” before an empty St. Peter’s Square in Rome, 27 March 2020 at the height of COVID-19 pandemic. Photo from Vatican Media/AFP via Getty Images.
In the beginning
we were counting
the days of quarantine
but when COVID-19
spread with so many dying
then we realized this is not just passing
but could be staying
leaving the world in a standstill
shaking our very core and being
bringing us back to God
praying, surrendering everything
to him as our sole grounding.
Finding God
during this quarantine
is indeed a blessing
directing us to look within
to examine our being
where every healing must begin;
Any sickness is a dis-ease
a lack of order
when things are not pleasing
because of sin and wrong-doing
exactly what we are now seeing
with COVID-19.
Photo by Mr. Jay Javier, May 2020.
Consider the following:
Long before social distancing
we have always been so far away
even from those with whom we stay
foregoing all the loving,
replaced with twitting or texting;
When we were growing
we were taught to keep our hands clean
but we have pushed it to the extreme
refusing to dirty our hands
forgetting to work with honor and dignity
keeping them free from stains of dishonesty;
Of all the most disturbing
during this quarantine
is the mask that cover our face;
but, why be fazed, objections raised
when we have long erased
to see in every face
that tremendous grace
of God's trace?
In the midst of this calamity
when air became pollution-free
we rejoiced at Nature's beauty;
the remedy for every malady
is not found only in the pharmacy
but right in our hearts when we see
everything and everyone in harmony.
Oh how I long when that day shall be
when everyone is free with nothing to worry;
at ease shall we carry within the peace and serenity
of one big family living cleanly in God's mercy.
Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 02 October 2020
Photo by author, resthouse in Silang, Cavite, 22 September 2020.
Methinks the saddest thing of this pandemic
is not in the restrictions it had imposed on us
from social distancing to other methods of quarantine
but more on the restrictions we have within
when we can be more loving and kind with others
then still choose to be harsh and brash.
We wash our hands to be clean
but the virus of sin clings deeper than skin
when forgiving or apologizing
can wash away that sting
of any guilty feeling within.
Even if we have to maintain social distancing
it does not mean we have to be apart;
it would be wonderful and most amazing
to everyone's part if we can let our hearts
sing the feelings deep inside like
"I love you, I miss you, I care for you"
than wring all the aching
and sufferings we are enduring.
Lastly, always put on your masks
for everyone's safety
but let us trust and bask
in the warmth of our humanity
to keep our sanity.
In this time of COVID-19
when death is no longer lurking
but closing into our very being,
let us be more of feeling than of thinking,
loving and caring, affirming each other
enjoying life together.
Photo by author, antique door of a resthouse in Silang, Cavite, 22 September 2020.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-23 ng Hunyo 2020
Larawan kuha ng may-akda sa Marcos Highway pababa ng Baguio, 2019.
Isang kasabihang
ating kinalakhan
at pinananaligan
dahil sa katotohan:
"Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa."
Sa paglipas ng panahon
napansin ko na mayrooon
tila kulang, hindi sang-ayon
tuon at tugon sa nilalayon
nitong kasabihang kinamulatan noon
na kailangang liwanagin ngayon.
Larawan kuha ng may-akda, Katedral ng Malolos, 2019.
Paano kung ang tao
gumawa nang gumawa
sa buong pag-asa
sa kanya ang Diyos ay maaawa
gayong kanyang mga ginagawa
hindi naman sang-ayon ang Bathala?
Kay rami nang binuhos na panahon
lakas at talino ngunit hindi nagkagayon
planong nilalayon
kaya luhaang bubulong
luluhod at didipa sa Panginoon
tapunan siya ng awa sa madaling panahon.
Larawan kuha ng may-akda, Tam-Awan, Baguio City, 2019.
Hindi maikakaila
walang hindi magagawa
ang Mabathalang Awa ng Diyos
ngunit ito nga iyong hindi nating alintana
sa marami nating ginawa
ang Diyos ay nabale-wala.
Kaya nga hindi ba dapat
bago pa man tao ay gumawa
sa Diyos maunang humingi ng Kanyang awa
upang mabatid ano ibig Niyang ipagawa?
Ito ang diwa nitong ating kasabihan kung saan nauuna
tuwina "nasa Diyos ang awa", saka pa lamang "nasa tao ang gawa"!
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-03 ng Hunyo 2020
Larawan kuha ni G. Raffy Tima ng GMA-7News, 02 Hunyo 2020.
Nakapanlulumo, napakasakit
dibdib ko'y nagsisikip
sa sobrang hirap at pasakit
sinapit marami nating kapatid
dahil sa makitid na pag-iisip
nitong mga namumuno sa atin;
Niluwagan ang quarantine
mga mall at tanggapan pinabuksan
upang ekonomiya ay buhayin,
pananalapi ay paikutin.
Bukod tanging pinahalagahan
kayamanang napawalan sa lockdown
kanilang tingin nasa salaping kikitain
sadyang tinalikuran pampublikong sasakyan,
hirap ng mga mamamayan, wala silang pakialam.
Ni hindi sila naantig sa mga tanawin
at nang makarating na sa kanilang pandinig
napakaraming daing at hinaing
sa halip na unawain,
mga sisi at kasalanan sa kanila pa ibinaling!
Ano nga bang katauhan mayroon
mga namumuno na puro mga damuho?
Mga manhid at hindi na naaantig
sa pintig ng pulso ng bayan?
Hindi man nila naranasan
at marahil kailanma'y di pagdaraanan
mga hirap na tinitiis ng karamihang mamamayan
wala ba silang kamalayan ng malaking
kaibhan ng hirap at kaginhawahan?
O marahil naisangla na kanilang mga kaluluwa?
Larawan kuha ni G. Raffy Tima ng GMA-7 News, 02 Hunyo 2020.
Noong Linggo ng hapon,
dalawang kabataang dalaga nagsimba
kaya ako'y nagalak nang makita silang kasama;
pagkaraan ng Ama Namin, nahilo at nagdilim
paningin ng isa hanggang himatayin.
Nang aking tanungin baka siya ay gutom
o mayroong iniindang karamdaman,
aking nalaman dalawang kilometro
kanilang nilakad sa kainitan
makapagdiwang lamang sila muli sa Simbahan
na hanggang ngayon ayaw pabuksan
sa kabila ng kahalagahan ng espiritwal na pangangailangan.
Kaya nga napakalaking kahangalan
itong ating nasasaksihan sa gitna ng ating kahirapan
mga pinuno at upisyal kay raming pinag-aralan,
makapangyarihan at karamihan ay nakaririwasa
ngunit katauha'y nakalublob sa pusali ng kapalaluan;
mga batas dapat nilang ipatupad, kanilang niyurakan
walang iningatan kungdi kanilang pangalan;
mga tindahan at tanggapan pinabuksan,
wala namang mga pampublikong sasakyan,
malamang sila'y nagkahawahan sa katangahan
o mayroong ibang pinangingilagan at kinatatakutan
maliban sa mabangis na virus mula sa Wuhan?
Sana'y dumating ang panahon
muling maalala ng mga damuhong namumuno ngayon
mayroong Diyos sa atin ay hahatol
dahil siya lamang ang Panginoon at Hukom.
Hindi na ako nagtataka
ekonomiya kanilang pinahahalagahan
kapwa tao'y kinalilimutan, tinatalikuran
mga bahay-dalanginan ayaw nilang mabuksan
dahil walang pitak sa kanilang kalooban
Diyos na makapangyarihan
kaya naman mukha Niya ay hindi nila mabanaagan
lalo na sa mga kapwa na aba at nahihirapan.
Larawan kuha ni G. Raffy Tima ng GMA-7 News, 02 Hunyo 2020.
Mula nang mag-quarantine
palagi nating hiling
sana'y maibalik dating takbo
nitong buhay natin.
Kung tutuusin bahagi ng sarili natin
ano mang luma laging kinagigiliwan
basta mayroong kinalaman sa nakaraan:
lumang tugtugin at awitin,
naninilaw na mga liham, nalimot na nilalaman;
mga kupas at sepia na larawan,
sinaunang estilo at disenyo
ng mga gamit at damit, bahay at gusali;
lumang radyo, lumang kotse
antik at klasik kung ituring
tibay at husay walang kapantay.
Mga bakas ng kahapon
ayaw nating itapon
bagkus tinitipon, kinakahon
sa isang sulok ng bawat ngayon
upang kung may pagkakataon,
mga ito ay malingon
baka sakaling makabangon
at humakbang pasulong.
Madalas sa atin mga kahapon
tila palaging umaayon sa bawat ngayon
dahil alam na natin nangyari noon:
mga kinalabasan at hinantungan
ng ating pagsasapalaran
hatid man ay tuwa o luha
mga iyon atin nang nalampasan.
Madali at masarap balikan nakaraan
dahil alam na natin ang nagdaan
habang sa bawat ngayon at kinabukasan
tayo ay laging kinakabahan
dahil wala tayong panghawakan
maliban pakikibaka at sapalaran
gaya noong nakaraan
nang tayo ay pumailanglang
sa walang katiyakan.
Kaya nga huwag kabahan
sa kasalukuyan maging kinabukasan;
mahalaga ating matandaan
matutuhan mga aral, kabuluhan, at kahulugan
ng kasaysayan upang itong kasalukuyan
malampasan, mapagtagumpayan!
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-19 ng Mayo 2020
Larawan kuha ng may-akda, tabernakulo na walang laman bago magsimula Misa ng Huwebes Santo, 2020.
Kay hirap maunawaan
at hindi ko mailarawan
matay ko mang isipin
ngayong panahon ng COVID-19
pinaiiral nati'y karahasan
sa halip na kahinahunan
at kabutihan.
Minsa'y aking napakinggan
kaya aking tinunghayan
balita sa telebisyon nang
si Mang Dodong ay nakulong
mahigit sampung araw sa Navotas
nang siya ay dakpin dahil
walang papeles ng quarantine.
Asawa niyang si Aling Patring
di malaman gagawin
dahil ayon sa balita,
walang gaanong napag-aralan
mabuti't tinulungan ng mayroong
magagandang kalooban.
Kayo na mga mayroong pinag-aralan
napakaraming kaalaman at nalalaman
tingnan itong larawan kung pagdududahan
kakayahan at katauhan ni Mang Dodong
na kailangan siyang pahirapan
sa tanging pagkukulang sa panahon ng lockdown
hindi nakakuha sa tirahan sa Kalookan
ng quarantine pass upang makahango ng isda sa Navotas.
Sino ang hindi mababagbag
at mababagabag sa mga kuwento
ng karahasan at karanasang ganito
sa panahon ng pandemya
na sa halip tayo ay magtulungan at magdamayan
nagpapahirapan at nagmamatigasan
sa mga bagay na mapapalampas naman.
Hindi ba puwedeng pagbigyan na lamang
kung hindi naman gaanong kabigatan, kalala ang kasalanan?
Nasaan ang katarungan kapag mga makapangyarihan
pinalalampas, kinakatuwiran taglay na husay at galing
samantalang nagkamali rin naman at masahol pa sa karamihan?!
Larawan kuha ng may-akda.
Hindi sasapat kailanman ating isipan
dapat mabuksan din ating puso at kalooban
dahil ang katotohanan hindi lamang
karunungang nababatid, naikakatuwiran
kungdi isang kapatid nararanasan
nararamdaman bawat pintig ng kalooban,
hangad makatawid sa gutom, mabuhay lamang.
Maraming pagkakataon sa iba't-ibang panahon
kapag nabubuksan isipan sa maraming kaalaman
mga kasangkapan pinahahalagahan, kapwa tao nalilimutan
tulad sa mga digmaan at labanan ng kanya-kanyang karapatan
hindi baleng tapakan at yurakan katauhan ng iba
pati sanggol sa sinapupunan
huwag lamang mahadlangan sariling kagustuhan.
O Diyos naming makapangyarihan,
Iyo sanang buksan aming puso at kalooban
upang sa amin Ika'y makapanahan;
Iyong mukha na puno ng awa at kabutihan
sa amin ay mabanaagan, huwag mong hayaan
paghariin kapos naming isipan at baka kami magkaubusan.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-14 ng Mayo 2020
Larawan kuha ni G. Jim Marpa, 2019.
Madalas nating isipin
mapalad o pinagpala
ang taong walang tiisin
buhay ay sagana at magaan
walang pinapasang hirap at sakit
nabibili lahat ng magustuhan:
malaking tirahan, magarang sasakyan
hindi kinakailangan may pinag-aralan
basta't mayaman
wala tayong pakialam
saan nagmula kanyang kaban
na tila di nauubusan kahit baon sa utang.
Huwag nating lilimutin
ang tunay na pagpapala
wala doon sa kayang bilhin
anoman ibigin, pagkain o inumin
o doon sa matatamo sa pagsisikap natin:
kapangyarihan at pangalan, maski pangangatawan.
Ang tunay na pagpapala
nagmumula lamang sa Diyos
hindi materyal kungdi espiritwal
kaya nang mangaral si Jesus sa burol
lahat ay nagimbal dahil kanyang pinangaral
salungat sa takbo at hangad ng sanlibutan.
Larawan kuha ni G. Jim Marpa, 2019
Mapapalad kayong mga aba,
mga nahahapis at mapagkumbaba;
mapapalad din kayong mga mahabagin,
mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos,
lalo na mga gumagawa ng pagkakasundo
at mayroong malilinis na puso.
Mapalad din mga pinag-uusig
at inaalimura,
pinagwiwikaan ng kasinungalingan
alang-alang sa Panginoong Hesus
na di lang minsan tiniyak ang tunay na mapalad
ay yaong nakikinig, tumatalima sa salita ng Diyos.
At sino ang unang tumanggap,
tumalima sa Salitang naging Tao
kungdi si Maria na Ina ng Kristo
na bukod na pinagpala sa babaeng lahat!
Alalahanin matapos niyang tanggapin
bilin ng anghel ng pagsilang niya sa Emanuel
nagmadali siyang dalawin si Elizabeth
nakatatandang pinsang nagdadalantao rin;
pagkarinig sa kanyang tinig
kinasihan ng Espiritung Banal at ang nausal
"mapalad ka sapagkat nananalig kang matutupad
ang mga ipinasabi sa iyo ng Panginoon."
Larawan kuha ng may-akda, Simbahan ng Visitation sa Israel, Mayo 2017.
Ngayong panahon ng pandemya
hindi pa ba natin nakikita
walang saysay at kahulugan
mga inakala nating pagpapala
gaya ng kayamanan at kapangyarihan
o maging kalusugan?
Sa lahat ng panahon na sadyang walang katiyakan
wala tayong ibang kaseguruhan, maaring sandigan
kungdi ang Panginoong Diyos lamang!
Kaya kung ikaw ay magdarasal
laging hilingin tanging pagpapala sa Maykapal
pananalig at paniniwala salita niya di naglalaho parang bula.
Larawang kuha ng may-akda, Linggo ng Bibliya, 26 Enero 2020.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-10 ng Mayo 2020
Larawan kuha ni G. Jay Javier, Abril 2020.
Kapansin-pansin
mga pangyayari sa quarantine
nang tila kalusin ng COVID-19
mga kalabisan sa buhay natin
tulad nitong social distancing.
Kung tutuusin
ang sinasabing new normal
ay aral ating tinalikuran
ngayon ay naging sampal
sa ating pagiging hangal
sa di pagpansin sa ating kapwa
dahil tuon ng ating mga paningin
ay mga bagay na maningning
animo'y ginto na kumakalansing
ngunit malansa nang amuyin
dahil tanso lang rin!
Larawan kuha ni G. Jay Javier, Abril 2020.
Halina at paglimi-limihan
pangunahing katotohanan
na ating kinalimutan, iniwan
ngayon ay binabalikan
kahalagahan ng bawat isa
bilang kapatid at kapwa
na dapat mahalin, huwag hamakin
sapagkat itong buhay natin
kaloob ng Diyos na mahabagin
dapat ingatan, di dapat sirain o sayangin.
Ano mang kabutihan maaring gawin
ipadama ngayon din,
huwag hintayin maagaw ng COVID-19
at baka maski sa paglilibing
hindi rin tayo makapaghabilin
ng pabaon na pagmamahal natin.
Larawan kuha ni G. Jay Javier, Abril 2020.
Marami pang ibang kalabisan
na dapat nating pinagsisihan
at ginawan ng paraan upang
buhay sana'y naging makahulugan;
sa ating pagpapaliban,
inabutan nitong pandemya
na siyang kumalos sa punong salop
upang ipamukha sa atin
ang tunay na kapangyarihan
ay wala sa lakas at karahasan
kungdi naroon sa kahinaan at kawalan
tulad ng virus mula sa Wuhan -
hindi natatanawan ngunit bagsik
ay napakalupit, lahat ng bansa
napahinuhod, napilitang dumapa
hanggang ngayon hindi makapagsimula.
Larawan kuha ni G. Jay Javier, Abril 2020.
Paano tatakbo ating buhay
ngayong quarantine
kung wala mga tinagurian
mga frontliners na tahimik gumagawa, naglilingkod
kahit maliit ang sahod
kumpara sa mga bossing at mga titulado?
Nasaan mga artista at atleta pati na mga kongresista
nagpasasa sa malalaking kita
ngayon hindi makapagpakita?
Ito nga namang tadhana
madalas wala sa ating pantaha ni hindi sumagi sa isip
patutunguhan nitong kinabukasan
puno ng kabalintunaan na alalaong baga
walang maaring panghawakan bagkus pakaingatan
ng sino mang nakatindig, kahit pa nakasandig
tiyak mayroong higit na makadaraig!
Nalimot ko na bilang
ng mga araw at buwan
mula nang simulan
lockdown upang mapigilan
pagkalat ng pandemyang COVID-19.
Madaling tanggapin
mahirap pasanin mga tiisin
ngunit ngayon pakiwari ko
hindi na maaring palampasin
kadilimang bumabalot sa atin.
Kay hirap isipin
sa napakaraming alalahanin
at mga suliranin hinaharap natin
bakit sa panahong ito mayroon pa rin
mga tao lihis ang mga isipan at damdamin?
Dahil sa COVID-19 nabuking ugali natin
panlalamang sa kapwa gawi pa rin
karahasan pinaiiral nang ang ilan ay
makatangan ng kaunting kapangyarihan
hirap na taumbayan, pinagmamalupitan.
Batid namin Panginoon
marami naming kasalanan
noon magpasahanggang ngayon
kami'y baon na baon
tila hindi na makakaahon.
Kagagawan namin ang lahat ng ito
mga lilo na pulitiko binoboto
sa halaga ng ilang daang piso
habang wala namang ibang tumakbo
na matino at mabuting pagkatao.
Marami sa amin
nahirati na sa dilim
ngunit mas marami ang ibig ay dilim
dahil doon kanilang naililihim
mga gawa nilang marumi at karimarimarim.
Hanggang kailan kami, Panginoon
magkikimkim nitong aming damdamin
saloobin nami'y nasasaktan
sa mga patuloy nilang kabuktutan
pati iyong Dakilang Ngalan nilalapastangan!
Larawan mula sa Reddit.com
Buksan mo Panginoon
aming mga paningin
huwag nang hayaang bulagin
ng mga sinungaling
mayroong mga dilang matatalim.
Dinggin mo Panginoon
aming panaghoy
para kaming tuyong kahoy
naluoy,
binaboy at tinaboy.
Ibangon kami, O Panginoon
manindigan para sa katotohanan
ipaglaban kahalagahan ng buhay
malayang makapaghayag
saloobin tulad ng sa nililiyag.
Sa amin ika'y mahabag
Panginoong Diyos naming butihin
itong aming hapis at pait
iyo sanang patamisin
upang ika'y aming hanapin at sundin!