Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-28 ng Nobyembre 2022
Larawan kuha ng may akda, Nobyembre 2022.
Sa lahat ng Pasko
nating naipagdiwang
itong darating ay makahulugan:
pagkaraan ng dalawang taon
ng lockdown at social distancing
dahil sa COVID-19,
sama-sama tayo muli magdiriwang
ng harap-harapan o "face-to-face"
sa tahanan at simbahan,
lansangan at mga pasyalan.
Kung tutuusin,
face-to-face ang diwa ng Pasko
kaya nagkatawang-tao ang Diyos-Anak
at sumilang katulad natin upang
Diyos-Ama na maibigin ay personal
na makilala at maranasan
katulad ng isang kapwa
mayroong katawan at kamalayan,
buhay at kaugnayan na tuwina ay
masasandigan at maaasahan.
Gayon din ay pagmasdan,
Disyembre beinte-singko ngayong taon
papatak sa araw ng Linggo:
ito ba ay nagkataon o niloob ng Panginoon
na matapos ang dalawang taon
sa Kanyang kaarawan tayo ay magdiwang
puno ng kahulugan,
namnamin Kanyang kabutihan
sapagkat hindi tayo kinalimutan
o pinabayaan sa pandemyang nagdaan?
Larawan kuha ng may akda, Adbiyento 2021.
Ngayong Kapaskuhan
huwag pabayaang maging ganun lang
ating paghahanda sa pagdiriwang:
abangan si Hesus araw-araw
dumarating, sumisilang sa ating katauhan
kaya mga face masks ng pagkukunwari
ay hubarin at alisin, magpakatotoo
nang si Kristo makitang totoo;
hugasan at linisin mga kamay
maging bibig upang talikuran
mga kasinungalingan at karuwagang
maninindigan sa katotohanan at kabutihan;
mga palad, puso at kalooban
ay buksan upang abutin at tanggapin
bawat kapwa bilang kapatid
kay Kristong Panginoon natin!
Kailanma'y hindi napigilan
pagdiriwang ng Pasko
kahit ng mga digmaan at kalamidad
bagkus mga ito pa nagpatingkad
sa liwanag at kahulugan nito;
hindi pa tapos ang pandemya
kaya ngayong Pasko ng 2022,
huwag kabahan
pawiin agam-agam
lapitan at samahan bawat isa
upang magkahawahan
hindi ng corona virus kungdi
ng tuwa at kagalakan
ng pagsilang at pagliligtas
ni Jesu-Kristo sa ating
puso at katauhan palagian.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-22 ng Nobyembre 2022
Larawan kuha ng may akda, 16 Nobyembre 2022 sa Pulilan, Bulacan.
Nakakatawang isipin
na palagi nating nararanasan
mga pagwawakas at katapusan
nguni't bakit lagi nating kinatatakutan?
Sa dapithapon naroon ang takipsilim,
ang lahat mababalot ng dilim
na kinasasabikan natin dahil
tapos na rin mga gawain at aralin;
batid natin, ano mang kuwento
maski Ang Probinsiyano
magwawakas din;
mahirap isipin, maski tanggapin
kapag mayroong mga gusali na gigibain
lalo't higit mga ugnayan at kapatiran
na puputulin at papatirin
dahil sa alitan at, kamatayan.
Mismo ang Panginoong Hesus
tumiyak sa atin lahat ay magwawakas
hindi upang tapusin kungdi
muling buuin buhay at mundo natin
na mas mainam kaysa dati.
Kaya huwag isandig sarili natin
sa mga bagay ng daigdig na maglalaho rin
katulad ng dapithapon at takipsilim
bagkus ay ating yakapin
bawat wakas na tiyak darating
upang salubungin pagbubukang-liwayway
ng bagong araw ng buhay, pag-asa
at pagpapanibago kay Hesu-Kristo
na sariling buhay man ay nagwakas din
doon sa Krus upang muling mabuhay
at mabuksan Paraiso para sa atin --
ang tunay na katiyakang nakalaan sa atin!
Larawan kuha ni Bb. Danna Hazel de Castro, Sagada, Mt. Province, 2017.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-17 ng Oktubre 2022
Larawan kuha ni Dr. Mylene A. Santos, MD, Marso 2022.
"Wala lang"...
mga salitang ating
madalas bitiwan at
mapakinggan
harapan man
o text lamang
nagpapagaan
dahil ramdam
bukal sa kalooban
isang nilalang
naalala, naisip
kahit saglit lamang.
Pero, maniniwala ka bang
"wala lang"
at biglaang sumagi
ka lang sa isipan nang di inaasahan?
Kung talagang "wala lang"
paanong pumasok itong "wala"
sa isipan at bakit kailangan pang
bigkasin at sabihin
sa ano mang paraan
kung "wala" lang naman
sana ay hinayaan na lang
maglaho hanggang malimutan?
Kasi naman ang katotohan
nitong sinasabing "wala lang"
ay malaman at makahulugan
kung nanamnaming lubusan
hindi kaagad maintindihan
nitong puso at kalooban
tunay na nararamdaman
walang ibang alam mausal
kungdi "wala lang" sa pangambang
magkaroon ng ibang kahulugan
at mauwi lang ang lahat
sa kawalan.
Kaya sa susunod
na bitiwan o mapakinggan
mga salitang "wala lang"
huwag paniwalaang wala lang
dahil ito ay malaman
malalim at makahulugan
ikaw ay pinahahalagahan
laging laman ng puso at isipan
hindi sa ano pa man
kungdi sadyang ganyan
bawat tulak ng bibig
ay siyang kabig ng dibdib!
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-30 ng Setyembre 2022
Larawan kuha ng may akda, bukang liwayway sa Lawa ng Tiberias, Israel, Mayo 2019.
Kay sarap namnamin,
kaninang pagkagising
Iyong tugon Panginoon namin
sa mga tanong ni Job
na amin ding dinaraing
sa gitna ng maraming hirap at tiisin:
"Job,
nakalikha ka ba
kahit isang bukang liwayway?
Ang daigdig ba ay ang iyong
naigawa ng tanglaw?
Napunta ka na ba sa
pinagmumulan ng bukal?
Nakalakad ka na ba sa
pusod ng karagatan?
Alam mo ba kung saan nanggaling
ang liwanag, o and kadiliman,
kung saan nagbubuhat?
Ang mga ulap ba iyong mauutusan
sa lupa ay magbuhos ng malakas na ulan?"
(Aklat ni Job 38:12-13, 16, 19, 34)
Inyong ipagpaumanhin
Panginoong namin
kapangahasan Ikaw ay tanungin,
usisain kapag mabigat aming pasanin
kami ay patawarin
katulad ni Job iyong dinggin:
"Narito, ako'y hamak,
walang kabuluhan,
walang maisasagot,
bibig ay tatakpan
hindi na kikibo,
mga nasabi'y di na uulitin"
(Aklat ni Job 40:4-5).
Hinding hindi namin
makakayang sagutin
ni arukin kalaliman
nitong maraming lihim
ng buhay lalo't kung madilim;
sana'y Iyong dalisayin, Panginoon
aking mga paningin, upang Ikaw ay
malasin tulad ng kulay ng hangin!
Larawan kuha ni Bb. Jo Villafuerte, pagbubukang liwayway sa Atok, Benguet, Setyembre 2019.
Lawiswis Ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-28 ng Setyembre 2022
Larawan mula sa commons.wikimedia.org ng painting na “Job on the Dunghill” ni Gonzalo Carrasco ng Mexico noong 1881.
O Panginoong ko,
turuan mo ako na tularan
si Job na iyong lingkod,
tapat at walang pasubali
pananampalataya sa iyo;
katulad ni Job
ako man ay makadaing sa Iyo
ng buong giliw at pagtitiwala
sa dinaranas na hirap at hilahil;
katulad ni Job
ako man ay magsuri at magnilay
sa Iyong kadakilaang taglay,
magtanong at makinig,
manahimik at namnamin
kaysa Ikaw ay usisain;
katulad ni Job
mapagtanto ko mga
katanungan sa buhay ay
hindi tulad ng mga tanong sa paaralan
mga sagot ay kaagad matatagpuan
sa Google o sa computer
o sa pormula ng matematika;
katulad ni Job
hayaan mo po ako na mabalot
ng Iyong hiwaga Panginoon
patuloy na tumugon sa
maraming paghamon
na sa tamang panahon,
ako man ay makaaahon
matatag at dalisay
aking katauhan
matalik ang ugnayan
sa Iyo at sa kapwa nahihirapan;
katulad ni Job
mas nanaisin ko rin
na lumakad sa gitna ng dilim
hindi ka man tanaw ng aking paningin
basta Ikaw ang kapiling
kaysa tumahak sa huwad na liwanag
ng mundo, lugod at bisyo ang gusto!
Hitik sa mga kahulugan ang talinghaga ng mayaman at ni Lazaro noong araw ng Linggo (Lukas 16:19-31). Kaya namang aking napag-isipan ano nga kaya at sumulat si Lazaro doon sa mayaman? Ano kaya kanyang sasabihin?
Isang kathang-isip lamang ang liham na ito katulad na rin ng talinghaga ng Panginoong Jesu-Kristo. Gayon pa man, batay ito sa mga kuwento na aking pinakinggan at pinagnilayan mula sa mga tao na aking nakadaupang-palad sa mahabang panahon bilang pari. Sinikap ko na mahabi kanilang mga istorya ng buhay na parang hibla ng sinulid upang maging isang telon na maglalarawan ng iba’t-ibang mukha ni Lazaro at ng mayaman.
Wala akong pinatatamaan maliban sa maihatid mahalagang mga aral ng naturang talinghaga ukol sa buhay at kamatayan na tila nalilimutan na ng maraming pamilya at mag-anak kung saan maraming mayaman at Lazaro na nakalupasay, pinababayaan at tinalikdan.
Sinabi ni Jesus sa mga Pariseo, “May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat.
Lukas 16:19-21
Larawan ng painting ni Bonifacio de Pitati noong 1540 ng “Dives and Lazarus” mula sa commons.wikimedia.org.
Minamahal kong mayaman,
Ako nga si Lazaro at sumusulat ako sa iyo na manhid at ayaw pumansin sa akin dahil ako ay tadtad ng sugat sa buong katawan, nakakadiring tingnan sa aking karumihan at kawalan ng kagandahang mabanaagan dahil ako ay naiiba sa iyo na kinikilala at maraming kaibigan, malakas at malinis. Kung tingnan.
Mabuti pa ang aso, napapansin ako, dinidilaan aking mga sugat na kailanma'y hindi niya mauunawaan pinagmulan at naging mga sanhi, na pawang mga tao ang may kagagawan.
Isang bagay lang ibig kong ipahayag sa iyo, kapatid ko na mayaman: sapat na bang dahilan na ako ay iyong talikuran at kalimutan dahil lamang sa ilang halaga ng salapi, mga gamit at ari-arian gaya ng kapirasong lupa na higit pa ang sukat sa ating libingan?
Dahil lamang sa magkakaiba nating paniniwala at sa iyong sariling katuwiran na hindi mabitiw-bitiwan ay ipagpapalit mo ako na kapwa tao gaya ng iyong ina o ama, at kapatid?
Madalas, ako si Lazaro yung magulang na kung ituring ng mga anak ay kontra-bida sa buhay nila.
Ikaw iyon, kapatid kong mayaman.
Ikaw iyong bata, yung anak na sadyang mayaman sa kaalaman at kahusayan sa maraming bagay ngunit hindi kailanman sasapat ang mga iyan upang tayo ay mabuhay; mahalaga ang mga kapwa, lalo na mga magulang na nagpalaki at nag-aruga sa atin, mga kapatid na kasabay nating lumaki at lumago, nagkamalay sa mundo, kasama at kasalo sa maraming pagkakataon ng buhay.
Walang perfect love maliban sa pag-ibig ng Diyos; ano man mga nakaraan ikaw ay nasaktan kung maari ay lampasan, pag-usapan, at magpatawaran.
Saan mang tahanan, maraming mga desisyon ang mga magulang na hindi nagugustuhan at marahil hindi rin naunawaan hanggang ngayon; sakaling nagkamali man mga magulang, hindi ba ang mga iyon din ang nagpatibay at nagpatatag upang mga anak ay maging mayaman? Bakit sila ngayon ang iniiwan, mga Lazaro na nakalupasay sa pintuan na hindi pinapansin, ipinagpalit sa ego at prinsipyo?
Hindi ito drama dahil ang totoo, darating ang panahon tayong lahat mamamatay.
Huwag nating hintayin tulad sa talinghaga ng Panginoon na malibing at mabaon ang mayaman doon sa Hades; ibig mo ba talaga na tayo ay magkahiwalay hindi lamang sa daigdig kungdi hanggang sa kabilang buhay?
Huwag mo nang hintayin, kapatid ko na mayaman na matanawan ako, si Lazaro kapiling ni Abraham, walang dusa at sakit sa kabilang buhay habang ika'y hirap na hirap, kumakaway, tumatawag gayong kakilala mo naman pala ako. Gayun din naman, kakilala mo rin pala si Amang Abraham --- kung gayon, ikaw ay Kristiyano katulad ko, kilala si Kristo, sumasamba sa Diyos nating Ama! Bakit hindi mo ako nakilala noong tayo ay nabubuhay pa?
Bahala ka kung ayaw mo pa rin akong pansinin; ito na lamang iiwanan ko sa iyo, higit sa lahat: huwag kang umasa at maniwala sa ilusyon na makapagbabago ka pa sa tamang panahon lalo na kung kapani-paniwala ang magsasabi na mayroon nga buhay sa kabila! Ilusyon lang yan na may oras pa upang magbagong-buhay....
Habang maaga pa, magbalik-loob sa Diyos upang siya ay matagpuan at makilala sa mukha ng bawat kapwa, lalo na sa mga Lazaro na tadtad ng sugat ang katawan, nakalupasay sa iyong harapan.
Lubos na gumagalang,
Lazaro
(Mula sa salitang Hebreo
"El 'azar", ibig sabihi'y
"sinagip ng Diyos".)
Larawan kuha ni G. Jay Javier sa Taal, Batangas, 15 Pebrero 2014.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-26 ng Setyembre 2022
Larawan mula sa bloomberg.com ng isang homeless sa New York habang dinaraos noon ang fashion week, 2019.
Sinabi ni Jesus sa mga Pariseo, “May isang mayamang nagdaramit nang mamahalin at saganang-sagana sa pagkain araw-araw. At may isang pulubing nagngangalang Lazaro, tadtad ng sugat, na nakalupasay sa may pintuan ng mayaman upang mamulot kahit mumong nahuhulog mula sa hapag ng mayaman. At doo’y nilalapitan siya ng aso at dinidilaan ang kanyang mga sugat.
Lukas 16:19-21
Alam na alam natin
ang talinghagang ito
na marahil isasaysay muli
sa atin ni Kristo
upang magising ating pagkatao,
makilala sinu-sino
mga tinutukoy
nitong kuwento
na walang iba kungdi tayo.
Tayo ang mayaman
sagana sa pagpapala di lamang
ng magagarang damit at gamit,
pagkain at inumin
kungdi ng biyaya ng buhay
handog ng Maykapal
na sawimpalad ay ating
sinasarili, manhid sa kapwa
sarili ang sa tuwina ay tama.
Mayaman tayo
sa mga pagpapala
ngunit hindi mabanaagan
ni masilayan aliwalas
nitong mukha, ipinagkakait
mga ngiti sa labi, hindi mabati
nakakasalubong upang mahawi
lambong ng kalungkutan,
mapawi pati mga sakbibi.
Ang tunay na mayaman
Diyos ang kayamanan
kanyang nababanaagan
sa mukha ng bawat kapwa
na kanyang pinahahalagahan
kesa sa gamit o kasangkapan;
hindi siya kailangang lapitan
ni daingan sapagkat dama niya
hirap at kapighatian ng nahihirapan.
Huwag tayong pakasigurado
na tayo ay mabuting tao
hindi tulad ng mayaman
sa talinghaga ni Kristo
sapagkat si Lazaro
ang taong pinakamalapit
sa iyo, nakalupasay,
nariyan lang sa tabi mo
nilalapitan ng aso maliban sa iyo.
Si Lazaro ang nanay
at ginang ng tahanan
tadtad sa sugat ang katawan
mula sa paglapastangan
ng mga anak at panloloko
ng sariling esposo;
ang mga lola at lolo rin
si Lazaro na namumulot ng mumo
ng pansin at kalinga mula sa mga apo.
Kung minsan si Lazaro
yaong nagtatrabaho sa barko
o malayong dako ng mundo
gaya ni tatay o nanay, ate o kuya
nasaan man sila, tanging pamilya
ang nasa puso nila
hindi alintana kanilang
pagtitiis at pagpapagal
winawalwal ng kanilang minamahal.
Sino nga ba ako
sa talinghagang ito?
Ang mayaman na manhid
walang pakialam sa kapatid
o si Lazaro nagtitiis ng tahimik
walang imik sa kanyang sinapit
tanging sa Diyos nakakapit
nananalig sa Kanyang pagsagip
upang langit ay masapit!
Lawiswis Ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-8 ng Setyembre 2022
Kapistahan ng Pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, Ina ng Diyos
Larawan kuha ng may-akda, 2019.
O Diyos Amang mapagmahal sa amin,
kay sarap isipin at namnamin pagdiriwang
ng pagsilang ng Mahal na Birheng Maria
na Ina ni Hesus at Ina din namin.
Sa unang tingin marahil tatanungin
bakit ang kuwento sa ebanghelyo ay pagsilang ng Kristo?
Ngunit sa dakilang karunungan po Ninyo, O Diyos Ama
dito Mo ibinalot kagandahan at kabutihan
hindi lamang ng kapistahan
kungdi ng katotohanang hatid nito:
Dumating si Hesus na Anak Mo sa pamamagitan
ng dalawang mabubuting tao ayon sa plano at kalooban Mo:
si Jose na mula sa angkan ni David
na lahi ni Abraham
naging kabiyak ng puso ni Maria
na siyang Ina ng tinatawag naming Kristo.
Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala, sa kanilang ikabubuti. Sapagkat sa mula’t mula pa’y alam na ng Diyos kung sino ang sa kanya; At ang mga itinalaga niya noong una pa ay kanyang tinawag. Ang mga tinawag niya ay kanya ring pinawalang-sala, at ang kanyang mga pinawalang-sala ay kanya namang binigyan ng karangalan.
Roma 8:28-29, 30
Walang pa-chamba-chamba
sa Iyo, O Diyos naming Ama
katulad ng sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma:
bahagi ng iyong dakilang plano ang aming
pagsilang at pagparito upang tawagin at piliin
kay Kristo na pumarito din ayon sa iyong plano;
kaya naman aming dalangin,
matularan namin Mahal na Birheng Maria
sa pagiging masunurin si Kristo ay dalhin
at maibahagi sa mga namimighati at sawi;
higit sa lahat, nawa mahubog din kami
tulad ni Maria sa katauhan ni Kristo na anak niya
upang sa aming kapanatilihan
hatid niyang kaligtasan at kagalakan,
kagalingan at kaliwanagan
laging maranasan!
Maligayang kapistahan ng iyong pagsilang,
Mahal na Birheng Maria!
Salamat sa iyong pakikiisa sa plano ng Diyos
pati kami ngayon ay nalapit sa Kanya kay Kristo
na iyong isinilang at hindi ipinagkait kanino man;
Ipanalangin mo kami, Birheng Maria na aming Ina,
huwag mawalay bagkus patuloy na lumapit at kumapit
kay Jesus na aming kapatid;
katulad mo ay amin ding mahalin
at pahalagahan bawat buhay na kaloob ng Diyos Ama,
lalo na mga nasa pinakamahinang kalagayan
sa sinapupunan ng kanilang ina
at sa mga nasa katandaan at banig ng karamdaman.
Ngayong panahon pa rin ng pandemya
aming hiling pa rin ang iyong mga panalangin
Mahal naming Ina, kami ay laging pagpalain!
Amen.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-21 ng Agosto, 2022
Larawan mula sa inquirer.net, 21 Agosto 2021.
Agosto 21, 2022.
Ganito rin noong Agosto 21, 1983.
May kakaibang pakiramdam.
Mayroong nangyayari.
Mayroong nangyari.
At mayroong mangyayari.
Pero, sayang.
Matatagalan na yata na
mayroon pang muling mangyari
na gayong uri ng kabayanihang
limutin ang sarili para sa bayan;
sayang, bakit natin pinabayaan
rurok ng kasaysayan
upang muling ilugmok sa kadiliman?
Gayon nga yata ating kapalaran,
tulad ng ugoy ng duyan itong kasaysayan;
hindi ko maiwasan maramdamam
ni Simoun sa El Filibusterismo
na hindi ko na nga yata maabutan
pagbubukang-liwayway ng Inang Bayan
kaya sa mga nalalabing panahon
nitong kadiliman, maging munting liwanag
upang aking mabuksan mga mata at
kamalayan ng kabataan sa katotohanan;
higit sa lahat,
huwag nang asahan mga karamihan
tularan si Ninoy
talikuran sariling kapakanan
para sa bayan.
At magbakasakaling mayroong
muling matauhan
sa awa at biyaya
ng Diyos na siyang hantungan
ng lahat ng kasaysayan.
“Sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang makahati kayo sa kagalakan ko at malubos ang inyuong kagalakan. Ito ang aking utos: mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.”
Ang Panginoong Jesus noong Huling Hapunan, Juan 15:11-13
Two amusing anecdotes happened with me recently that reminded me of this four-letter word rarely used these days that is so powerful yet very endearing and lovely, and so touching too. It is the word dear we often use in writing letters, at least for my fellow 57 year-olds and above.
Let’s begin with the more recent incident that happened yesterday when I went walking again after a one week break due to toxic schedules. I felt funny walking yesterday while stretching my arms and moving my head with everyone asking me what have happened that I was absent for so long. When I returned to the parish for a break, I met our Rector Fr. Elmer and told him to write me an “excuse letter” that says, “Dear Everyone: Please excuse Fr. Nick for not being able to walk last week due to pastoral reasons” which I would show whoever would ask me again of my long absence.
That was how I remembered – while still walking – something so stupid when I was in grade 3 after I had asked my dad to write me an excuse letter to my teacher after being absent due to a fever. Despite my failing memory at times, I vividly remembered yesterday that scene of how my dad took his yellow pad and removed the blue cap of his Bic Orange FINE BILLE CARBURE ball pen to write my excuse letter in just a minute which he asked me to read aloud.
That’s when problem arose: I protested to my dad why he wrote the word “Dear” in addressing my teacher!
Hindi ko malaman kung anong katangahan o kalokohan pumasok isip ko nung umagang iyon at hindi ko ma-take sinulatan ng daddy ko yung Grade 3 adviser namin ng “Dear Ms. Legaspi”? Kasi, akala ko noon yung “dear” ay para lang sa asawa at kasintahan. Akala ko nanliligaw daddy ko kay ma’am… Gara ano?
My dad, who has always been so cool, simply took off his glasses, grinned at me, impishly smiled and explained that “dear” was the standard salutation in letters. But I was adamantly holding on to my conviction that “dear” had romantic undertones that should not be used in writing excuse letters as I remained seated on our sofa, not touching my excuse letter and making face until my mom came to explain things to me, assuring me that it was ok with her for my dad to write my teacher with “Dear”.
Corny? Weird?
Yes, I am both corny and weird but as I matured – getting more corny and more weird than ever – I have come to keep that love affair with the word “dear” so alive and well with me. I use it to address not only friends and relatives, colleagues and acquaintances, but most especially God in my daily prayer blogs as I have learned that it expresses a special kinship, a special relationship that is so honorable and dignified.
Maybe it is no coincidence that dear is also a synonym for expensive, a direct opposite of cheap. It is very interesting that in Filipino, the words dear and expensive are translated as “mahal”, the opposite of cheap or “mura”. Mahal is love. From mahal comes mahalaga, equivalent to English as valuable and important. Things that are dear and expensive are always valuable.
The same is true when you address anyone with the salutation “Dear” – he or she is loved and valued with respect and honor.
Maybe, one reason we have lost the art of letter writing is not just due to computers and text messages but because we no longer value persons that much unlike before. There is something so special, so touching inside when one receives a letter or a card or even a postcard that makes you feel so good inside because you were thought of, remembered and cared for.
Gladden the heart of someone today by writing him/her with a short note saying hi or anything by starting with the word “Dear”. Try it. It feels good too to the letter writer.
Now, the very first incident that reminded me of the word “dear” happened the other Monday afternoon when I was called to our hospital for an Anointing of the Sick by the family of a patient who was transferred from the ICU to a regular room. Actually, I have visited the patient that Sunday before at the ICU, anointed him with Holy Oil and even gave communion to his family.
When I arrived at the hospital room and saw again the wife seated on a wheelchair, crying like when I saw her at the ICU a day earlier, I realized it was not really the patient who needed me but his wife who could not accept the hard truth her husband was dying. So, I asked the other family members to leave the room as I counseled the wife to let go of her husband, to speak to him and tell him how much she loved him, not to worry about her, and most of all, to forgive him and say sorry as well for her sins to him.
The patient was 80 years old, so thin and pale, dependent on life-support system while the wife was 78 years-old who could barely walk except for very short distances. After a while of crying, the wife told me she was ready to speak to her husband to tell him those words we have rehearsed: “I love you”, “I forgive you”, “I am sorry” and “I now give you to Jesus, go and don’t worry about me.”
While assisting her to the bedside of her husband, I asked her how they called each other and, before answering me, she bowed her head, wiped her nose, and softly said, “dear”.
“Ah, dear po pala tawagan ninyo” as I led her closer to him.
Please forgive me… when I heard the woman told me how they called each other as “dear”, I felt the mischievous child in me giggling, so tickled with joy as I heard the woman almost whispering to her husband, “Dear… I love you”, “Dear…I forgive you for your sins against me”, “Dear… I give you back to God. I’m ok now.” What a kilig moment!
I felt like in a movie with two elderly couples together, the husband at the threshold of eternity with his loving wife calling him perhaps for the last time as “dear”. What a precious moment indeed when the patient responded by opening his eyes, making me wonder how he would say the word “dear” to his wife too!
The following day, the patient died peacefully. Most likely, after hearing again that lovely and assuring word, “Dear” by his wife. How I felt so dearly loved and blessed by God in answering his call to counsel the wife and return to anoint the man with Holy Oil for his final journey back home.
Thank you, my dear friends for bearing with me! Have a blessed, dearly loved week!
Photo by Mr. Chester Ocampo, springtime in Japan, 2017.