Ang pangit sa pagrereklamo

Lawiswis Ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-07 ng Agosto 2023
Larawan kuha ni Dra. Mylene A. Santos, MD, sa France, 2022.

Matapos nating pagnilayan kaibahan ng reklamo at hinaing, ngayon ay masinsinang suriin natin ang sama at kabuktutan – ang kapangitan – nitong pagrereklamo. Bukod sa sinasadya itong pag-isipan upang manipulahin mga tao maging Diyos, ang masaklap na mukha ng pagrereklamo ay naroon ito palagi sa mga taong malalapit sa atin tulad ng pamilya at kaibigan.

Sina Miriam at Aaron ay nag-usap laban kay Moises tungkol sa asawa niyang taga-Cus. And sabi nila, “Si Moises lamang ba ang kinausap ni Yahweh? Hindi ba’t tayo man?” Hindi kaila kay Yahweh ang usapan nilang ito.

Bilang 12:1-2
Larawan kuha ng may-akda sa San Juan, La Union, 24 Hulyo 2023.

Ito ang masakit na katotohanan sa pagrereklamo: ang mga unang-unang nagrereklamo laban sa atin palagi yung pinakamalapit sa atin, iyong mga taong inaasahan natin na sana higit nakaka-unawa sa atin, na sana ang mga tagapagtanggol at kakampi natin, mga nagmamahal sa atin.

Kahapon sa unang pagbasa ating natunghayan paanong nagreklamo mga Israelita laban kay Moises nang sila ay nahirapan at nagutom sa ilang. Dinig na dinig ni Moises kanilang mga reklamo kaya siya ay naghinaing sa Diyos. Dapat sana sina Aaron at Miriam na mga kapatid niya ang dumamay sa kanya subalit sa ating pagbasa ngayon, sumama pa sila sa pagrereklamo laban kay Moises!

At hindi lamang iyon! Nang-intriga pa ang magkapatid laban sa kanilang kapatid. Ginawang isyu nina Aaron at Miriam ang taga-Cus na asawa ni Moises na si Zipporah. Ating napagnilayan kung paanong sa pagrereklamo mayroon palaging panunumbat, panunukat at paghahamon sa mga inirereklamong tao kungdi pati sa Panginoong Diyos tulad sa tagpong ito (https://lordmychef.com/2023/08/07/masama-magreklamo-pananalangin-ang-dumaing/).

Alam naman nina Aaron at Miriam bakit nakapag-asawa si Moises ng hindi Judio dahil nga siya ay tumakas at nagtago sa ilang matapos niyang mapatay isang bantay na Egipsiyo. Sa pagkakataong ito, kanila ring kinukuwestiyon nila pagkatao ni Moises na kapatid nila.

Higit sa lahat, dito ating nakita ang pangit at mabahong katotohanan ng pagrereklamo na bunsod ng simpleng inggit. Tingnan kung paanong kayang wasakin ng pagka-inggit ating pagiging magkakapatid at pamilya!

Nagngingitngit sa inggit sina Aaron at Miriam laban kay Moises at maging kay Yahweh dahil hindi sila makabida sa mga tao. Ibig nilang umepal sa mga tao. Sa mga susunod na kabanata, ganito rin ang kuwento ng mga kalalakihang nainggit sa mga hinirang na propeta ni Yahwen sa ilang. Katulad ni Miriam, sila ma’y pinarusahan ng Diyos.

Larawan kuha ng may-akda sa San Juan, La Union, 25 Hulyo 2023.

Dapat nating matanggap na bawat isa sa atin ay mayroong gampaning papel at misyon sa buhay mula sa Diyos. Huwag nating sukatin o kuwentahin uri ng ating gampanin sapagkat walang maliit o malaking bagay sa Diyos. Ang pinaka-mahalaga sa kanya ay ang ating katapatan sa kanyang iniatas na gawain at misyon. Kung ang ibig ng Diyos na papel natin sa mundo ay tagapagpatay ng ilaw o taga-kaway ng munting bandila tuwing dumaraan ang tren sa crossing, iyon na iyon! Ang ningning at kahalagahan ng bawat gawain ay nakabatay sa Diyos at hindi sa ano pa mang sukatan o pamantayan ng tao. Kaya sa halip mainggit, ating pagbutihin mga gawain natin.

Sa ebanghelyo sa araw na ito ating natunghayan si Simon Pedro “umepal” kay Jesus na naglakad sa ibabaw ng tubig nang hilingin niyang palapitan din siya doon ng Panginoon. At pinagbigyan naman siya ni Jesus ngunit nang maramdaman ni Pedro ang malalakas na hangin, unti-unti siyang lumubog dahil sa takot kaya napasigaw siya sa paghingi ng saklolo kay Jesus.

Madali kasing makita ang ganda ng tanawing naglalakad sa ibabaw ng tubig o masarap siguro maranasan ikaw ay ginagalang ng lahat katulad ni Moises. Pero, iyon na ba lahat?

Hindi natin alintana mga likas na problema at hirap nakaatang sa kanya-kanyang balikat sa bawat tungkulin sa buhay at sa pamilya, sa opisina at sa pamayanan, o kahit saan man. Katulad ni Pedro nang maramdaman niya napakalakas na hangin nang maglakad sa ibabaw ng tubig katulad ni Jesus kaya natakot siya. Hindi lamang ganoon ang magreklamo at mainggit sa mga tao na ating hinahangaan o tinitingala.

Larawan ni Sto. Domingo mula sa Google.

Ngayong ika-walo ng Agosto ay paggunita kay Sto. Domingo, tagapagtatag ng Order of Preachers (OP) na tinaguriang mga Dominicano.

Batay sa mga kuwento noong ipagbuntis siya ng kanyang ina, nanaginip ito ng aso na tumatakbong may kagat-kagat na sulo, paikot-ikot sa madidilim na kalsada dahil gabi. Saan man magtungo ang naturang aso ay naghahatid siya ng liwanag dahil sa sulo sa kanyang kagat-kagat sa bibig.

Alalaong-baga, ipinalagay na ang sanggol niyang isisilang ay maghahatid ng liwanag sa buong daigdig katulad ng aso sa panaginip kaya pinangalanan siyang Domingo o Dominic na mula sa Domini Canes sa wikang Latin na ibig sabihin ay “Aso ng Panginoon”. At iyon nga ang nangyari sa buhay ni Sto. Domingo: siya at ang kanyang mga taga-sunod mula noon hanggang ngayon sa pamamagitan ng pagtuturo ay naghahatid ng liwanag ni Kristo sa daigdig na balot ng kadiliman ng kasamaan at kasalanan.

Hilingin natin kay Sto. Domingo tayo ay kanyang ipanalanging maliwanagan ating mga sarili upang mapawi lalo’t higit mga dilim ng inggit at pagrereklamo na bumabalot sa atin. Amen.

The dark side of our complaints

The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Tuesday, Memorial of St. Dominic, Priest, 08 August 2023
Numbers 12:1-13   ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>   Matthew 14:22-36
Photo by author, San Juan, La Union, 24 July 2023.
Thank you very much,
God our loving Father,
for continuing to comfort
us, especially those maligned
by many with their complaints
and grumblings; but, 
at the same time, 
grant us the grace too
to be firm and strong that
the darkest side of 
complaints and grumblings
always come from people
closest and nearest to us
like Miriam and Aaron,
the siblings of Moses.

Miriam and Aaron spoke against Moses on the pretext of the marriage he had contracted with a Cushite woman. They complained, “Is it through Moses alone that the Lord speaks? Does he not speak through us also?” The Lord heard this. Now, Moses himself was by far the meekest man on the face of the earth. So at once the Lord said to Moses and Aaron and Miriam, “Come out, you three, to the meeting tent.” Then the Lord came down in the column of cloud… so angry was the Lord against them that when he departed, and the cloud withdrew from the tent, there was Miriam, a snow-white leper!

Numbers 12:1-5, 9
O Lord,
we mean no harm 
to those closest to us 
who complain against us,
grumbling against us at our back;
let us be assured always that 
you know this very well
especially when we strive
to do your will and people
become jealous of us.
For our detractors,
the complainers and grumblers
especially when we are not around,
grant them the courage to be like
Simon Peter to open up with you,
Lord, to come close to you
even in the midst of a storm;
let them feel and experience
the turbulence within,
the pains and hurts
of doing your work.
Like St. Dominic,
let us be your torch-bearer
in bringing light not only
to the dark corners of the world
but to the darkness enveloping
us within like our jealousies
and insecurities, 
especially of those closest to us.
Amen.

St. Dominic de Guzman,
Pray for us!

Masama magreklamo, pananalangin ang dumaing

Lawiswis Ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-7 ng Agosto 2023
Larawan kuha ng may-akda, takipsilim sa Tagaytay, ika-8 ng Pebrero 2023.

Madalas maitanong sa akin ng mga tao kung kasalanan daw ba, o masama, ang magreklamo sa Diyos? Bago sila sagutin, lagi kong hiling na liwanagin muna kung sila ba ay nagrereklamo o dumaraing sa Diyos?

Malaki pagkakaiba ng dalawang salitang ito na tila magkapareho lalo na kung ating uugatin ang kanilang pinagmulang wika na Latin, Pranses, Kastila at Inggles. Marahil dahil sa pagsasalin-salin ng mga salitang reklamo at daing, naiba kanilang kahulugan kaya mahalaga nating maunawaan upang makatulong sa ating wastong pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa at sa Panginoong Diyos.

Hindi po ako dalubhasa sa linguistika o pag-aaral ng mga wika ngunit ibig ko na pagnilayan ang pagkakaiba ng reklamo at daing mula sa kanilang pinagmumulan o pinagbubuhatan. Ang reklamo ay mula sa isipan habang ang daing ay buhat sa puso at kaibuturan ng kalooban. Sa pagkakaibang ito ng kanilang pinagmumulan natin makikita kanilang kasamaan at kabutihan.

Larawan kuha ng may-akda mula sa Jordan tanawin ang ilang ng Israel noong Mayo 2019.

Masama ang pagrereklamo dahil ito ay sinasadya o wilfull sa Inggles. Mayroong malisya at masamang paglalayon bunsod ng maling pag-gamit ng kaisipan o intellect na kung saan pinangingibabawan ito ng kasamaan.

Sa pagrereklamo, mayroong pagpaplano at pag-aaral sa paglalahad ng hangad na hindi lamang maaksiyunan at solusyunan ang hinaharap na suliranin o katayuan kungdi maungkat pa ang ibang mga isyu ng nagrereklamo. Katulad lamang ito noong tayo ay mga bata pa na bubulung- bulong kapag masama ang loob kung nauutusan.

Sa pagrereklamo, naroon ang isang proseso ng kaisipan at hindi lamang bunga ng emosyon o damdamin na kapag naibulalas na ay tapos na. Naroon palagi ang paghahanap ng butas at kung anu-ano pang mga bagay na maaring isisi at ipula saan man at kanino man.

Kitang-kita ito sa karanasan ng mga Israelita doon sa ilang matapos sila ay hanguin ng Diyos sa pamumuno ni Moises mula sa pagkaalipin sa Egipto. Tingnan at suriin paanong nagreklamo mga Israelita noon kay Moises nang sila ay magutom at mahirapan sa paglalakbay.

Kaya, nagreklamo na naman sila. Ang sabi nila, “Kailan pa ba tayo makatitikim ng masarap na pagkain? Mabuti pa sa Egipto! Doon, isang hingi lamang namin ay mayroon na agad isda, pipino, pakwan, sibuyas, at bawang. Dito walang makain kundi manna.

Bilang 11:4-6
Ang eskultura ng ginawang ahas na tanso ni Moises sa tikin sa lugar kung saan mismo nangyari na ngayon nasa pangangalaga ng mga Paring Franciscano sa Jordan. Larawan kuha ng may-akda, Mayo 2019.

Pagmasdan ang masakit na bahagi ng bawat reklamo, masdan paanong magsalita mga reklamador na tila wala kang nagawang mabuti para sa kanila.

Kadalasan ang problema ng mga reklamador ay hindi lamang sa ayaw na ayaw nila ng hirap at tiisin sa buhay kungdi wala din silang tiwala sa kapwa kaya naman puno sila ng pangungutya at paghahamon. Dito natin mababakas ang malalim na kasamaan ng reklamo na isang uri ng manipulasyon at pambabraso upang maimaniobra at maipilit ang sariling kagustuhan na tanda ng kawalan ng pasensiya sa buhay at ng pagtitiwala sa iba lalo na sa Diyos.

Maraming pagkakataon ang pagrereklamo ay nagiging isang panunumbat, panunukat, at paghahamon maging sa Diyos na maaring ikabunga ng hindi maganda.

Mula sa Bundok ng Hor, nagpatuloy ang mga israelita patungong Dagat ng mga Tambo upang lihisan ang Edom. Dahil dito, nainip sila sa pasikut-sikot na paglalakbay na yaon. Nagreklamo sila kay Moises, “Inialis mo ba kami sa Egipto para patayin sa ilang na ito? Walang kaming makain ni mainom! Sawa na kami sa walang kwentang pagkaing ito.” Dahil dito, sila’y pinadalhan ni Yahweh ng makamandag na ahas at sinumang matuka nito ay nmamatay.

Bilang 21:4-6
Larawan kuha ng may-akda sa Mt. St. Paul, La Trinidad, Benguet noong 2017.

Sa kabilang dako naman, hindi masama, lalong hindi rin kasalanan ang dumaing sa Diyos. Kung tutuusin ay maituturing na isang pananalangin ang ating pagdaing sa Diyos!

Bakit?

Muli, makikita natin ang pinagmumulan ng ating pagdaing na walang iba kungdi puso natin.

Maraming pagkakataon, ang ating pagdaing ay bumubukal mula sa kaibuturan ng ating sarili dahil sa matinding hirap at pagtitiis. Wala kang mapagsabihan dahil labis na ang kawalan ng pagpapahalaga sa iyo ng ilang tao na dapat sana’y kumilala sa iyong mga pagpapagal at, hindi sa anu pa mang dahilan, ay tumanaw ng utang na loob man lamang sa iyong kagandahang-loob.

Kaya naman natural at hindi mo na rin mapigilan pag-uwal mula sa puso at kalooban mga nararamdaman lalo na sama ng loob maging pagtatampo sa ilang tao. At maski sa Diyos na tila baga walang pakialam sa iyo. Pero ganoon nga ba? Hindi!

Dumaraing tayo sa Diyos kahit tila pakiwari natin malayo siya o walang pakialam dahil wala na tayong ibang matakbuhan kungdi siya na lamang. Hindi masama na tayo ay dumaing sa Diyos at ihayag pagtatampo sa kanya dahil pagiging totoo ito sa sariling nararamdaman.

Dito sa nararamdamang ito rin nakatago ang kagandahan nitong pagdaing na isang panalangin din sapagkat sa bawat hinaing, naroon ang pagsusumamo sa Poong Maykapal na siya lamang ang mayroong magagawa sa atin. Hindi magagalit ang Diyos sa atin dahil batid niya kung baga tayo ay “naglalambing” sa kanya katulad ni Moises sa ilang pagkakataon.

Hindi kaila kay Moises ang iyakan ng lahat ng sambahayan na nakatayo sa pintuan ng kani-kanilang tolda. Nagalit nang labis ang Diyos, kaya nabalisa si Moises. Itinanong ni Moises kay Yahweh, “Bakit ninyo ako isunuong sa ganitong kalaking pasanin? Bakit ninyo ako ginaganito? May nagawa ba akong laban sa inyo? Ako ba ang nagsilang sa kanila? Hindi ko sila kayang alagaang mag-isa. Napakalaki ng gawaing ito para sa akin! Kung ganito rin lamang ang gagawin ninyo sa akin, mabuti pa’y mamatay na ako ngayon din kaysa maghirap nang matagal.”

Bilang 11:10-12, 14-15
Larawan kuha ng may-akda sa may St. Catherine Monastery, Mt. Sinai, Egypt, Mayo 2019.

Tayo ma’y nakapagdrama na rin siguro ng kung ilang ulit tulad ni Moises sa Diyos ng ganito. E, pinansin ba tayo ng Diyos? Siyempre hindi! Bagamat hirap na hirap tayo ngunit, heto pa rin tayo, buhay na buhay!

Ganoon kaganda ang pagdaing – maihinga lang ay naaayos na ang lahat sa atin, gumagaan ating pasanin dahil ang totoo dama natin ang Diyos sa piling natin.

Kapag tayo dumaraing sa Diyos, doon niya tayo tiyak dinirinig dahil doon tayo pinakamalapit sa kanya kay Kristo Jesus doon sa Krus. Tuwing tayo ay batbat ng hirap at sakit lalo na sa mga pula at reklamo ng mga taong tinutulungan at kinakalinga natin, doon tayo nakabayubay sa krus kasama si Jesus at katulad ni Jesus.

Kapag wala tayong narinig kungdi reklamo ng maraming tao sa kabila ng ating pagsisikap para sa kanila, doon tayo nagmamahal na tunay gaya ni Jesus.

Hindi tayo makareklamo kanino man maliban sa Diyos dahil sa ating kaibuturan, batid natin siya lang ating maaasahan. Hindi labi ang nangungusap sa atin kungdi puso at kalooban sa kapangyarihan ng Espiritung Banal gaya ng sinasaad ni San Pablo (Rom. 8:26-27).

Kayo kung ikaw ay pagod na sa bigat ng mga pasanin sa buhay, nabibingi na sa mga reklamo at patutsada ng mga “magagaling” na tao sa paligid mo, chill lang. Okey lang magbuntung-hininga tulad ni Jesus (tingnan Marcos 8:11-13) nang mapuno sa kakulitan ng mga kalaban.

Ibuhos iyong daing, pati luha, sa Diyos na tanging sa ating nakauunawa. Higit sa lahat, nagmamahal at natutuwa dahil sa kabila ng maraming reklamo ng iba, gumaganap tayo sa kanyang misyon at ipinagagawa. Amen.

Larawan kuha ng may-akda sa San Juan, La Union, ika-24 ng Hulyo 2023.

For those burdened with complaints…

The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday in the Eighteenth Week of Ordinary Time, Year I, 07 August 2023
Numbers 11:4-15   ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>   Matthew 14:13-21
Photo by author, San Juan, La Union, 24 July 2023.
God our loving Father,
today I feel so much your
servant Moses in the first
reading, of how your people
endlessly complained and whined
to him, even blamed him, for all
their hardships and difficulties
in the wilderness; of how 
people could be so inconsiderate
many times that after helping
them from their miseries
and freeing them from 
their bondage, they still have
the guts to speak harshly.

How ungrateful and frustrating
indeed, Lord!

“Why do you treat your servant so badly?” Moses asked the Lord. “Why are you so displeased with me that you burden me with all these people? I cannot carry all this people by myself, for they are too heavy for me. If this is the way you will deal with me, then please do me the favor of killing me at once, so that I need no longer face this distress.”

Numbers 11:11, 14-15
Our Father in heaven,
this prayer is for those at
the receiving end with so much
complaints despite all their efforts
at serving them like Moses;
let them complain to you,
let them air their gripes,
let them pour out their anger
to you;
most of all, hear them and
comfort them;
bless them with courage and
assurance they are not alone,
that Jesus is with them
who simply took every pain
especially the news 
of John the Baptist's death; 
most of all, 
keep their hearts open to
the people suffering,
and yes, always complaining
because if ever we feel
like Moses, may we realize
too the great honor and
privilege of doing your work
here on earth.
Amen.

Face-to-Face with Christ’s glory

The Lord Is My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Feast of the Transfiguration of the Lord, Cycle A, 06 August 2023
Daniel 7:9-10, 13-14 ><}}}*> 2 Peter 1:16-19 ><}}}*> Matthew 17:1-9
Photo of the mosaic inside the Basilica of the Transfiguration on Mt. Tabor, Israel (from commons.wikimedia.org).

Today we take a break from our gospel readings to celebrate the Feast of Transfiguration (August 06) that falls on a Sunday this year. The segue fits perfectly the series of parables we heard these past three Sundays that mentioned judgment day at the end of time.

Recall how Jesus interpreted his parables especially the separation of the weeds and wheat at harvest time as well as keeping the good fish caught in the net, throwing the bad ones that all evoke of judgement day in the end of time. For Matthew, the transfiguration of Jesus is exactly about the end of time when Christ’s glory is revealed at his Resurrection and ultimately in his Second Coming.

Jesus took Peter, James, and his brother, John, and led them up a high mountain by themselves. And he was transfigured before them; his face shone like the sun and his clothes became white as light.

Matthew 17:1-2
Mt. Tabor, believed to be the site of the Transfiguration of Jesus. Photo from iStockphoto.com.

In the Gospel according to Matthew, major events in the life of Jesus Christ mostly happened on a mountain: his temptation (Mt. 4:8), his inaugural teaching, the sermon on the mount (Mt. 5:1) and the sending of his apostles on their mission throughout the world until the end of time (Mt. 28:16).

Here at his transfiguration on top of the “high mountain” of Tabor we find glimpses of Christ’s explanation of the parable of the weeds among the wheat when he said that “the righteous will shine like the sun in the kingdom of their Father” (Mt. 13:43). See how this transfiguration of the elect at the end of time that was shown to Daniel in the first reading is expressed exactly in the same way as that of the face of Jesus on Mount Tabor that had “shone like the sun” as witnessed by the three apostles. Peter strongly attested to it later as we have heard in the second reading.

Last week in the daily readings from Exodus we have heard how the face of Moses also shone like the sun after he had conversed with God on Mount Sinai and every time he would see God at his tent called the dwelling in their journey in the desert. That is the context why Peter volunteered to build three tents for Jesus, Moses and Elijah during the transfiguration. The Jews have a celebration called feast of booths or tents they called sukkoth. The tent is the dwelling place of God in the wilderness that eventually became the temple of Jerusalem. It was the closest thing they have with God and with heaven. At the transfiguration of Jesus, the three apostles were enthralled at the experience and sight they did not want to go down because it was literally heaven, being with God. The transfiguration event itself for them was the fulfillment of their faith and everything in the Old Testament.

They would realize later that to dwell with God means to continue the journey in Christ, with Christ marked with many ascents and descents happening not just in space or physically but more of the interior kind. That is how we are transfigured, always inside. Right in our heart and soul. That was the deeper meaning of Moses entering God’s dwelling in the desert – of him being one in God, with God – that his face would shone after, prompting him to cover it because people were scared.

Photo from custodia.org, Basilica of the Transfiguration on Mt. Tabor, Israel.

Whatever is found on the face is always a reflection of what is in the heart and soul. No amount of cosmetics and beauty procedures can ever bring out that glow and radiance of anyone’s face beaming with joy and fulfillment, peace and contentment.

The face is the reflection of the depths – or shallowness – of one’s heart and soul. There is an English word used to describe this inner dynamics of the face – countenance. Any change in our countenance indicates something is being transformed within us as a result of our communion with God. That is why we describe some people even we do not know them as malalim or deep, or magaling magdala ng problema because of their countenance. In the same manner, we easily notice something rotting inside a person when despite one’s having good features like flawless skin or aquiline nose, beautiful eyes and the like. This is what the young people would call as “uma-aura” when they pose for FB or IG. Aura is the spirit within evoked by one’s face that cannot be manipulated.

The face of Jesus shone like the sun at his transfiguration primarily because deep inside him is his complete and perfect union in the Father. Jesus would always insist on this reality within him, his perfect communion in the Father from which also flows his total obedience which will reach its highest point at his Passion and Death on the Cross, his own Pasch or exodus.

There at Mount Tabor in his transfiguration, we are shown that Christ’s glory cannot be separated from the Cross. His majesty and triumph shall come from his pasch. And so are we his disciples. That is why the voice heard by the apostles said, “This is my beloved Son, with whom I am well-pleased; listen to him”. From now on, Christ would be speaking of his coming Passion, Death and Resurrection. All his lessons after Mount Tabor are about our participation in his paschal mysteries. Do we listen?

The apostles learned and embraced all these lessons in a process slowly with the guidance of the Holy Spirit after Pentecost. That is why Jesus told them to come down from Tabor to continue their journey to Jerusalem to fulfill his mission. Through them we have believed despite our not having seen Jesus that is how he would appear as “Lord” on the mountain that we the faithful are climbing to participate in the ultimate manifestation of his return at the end of time.

And there lies the good news of this Feast of Transfiguration happening in this dry month of August, often described as ghost month too. As we go through the last half of Ordinary Time’s remaining 17 weeks, may we continue to ascend in Christ, with Christ with his Cross in sharing his paschal mysteries in our daily lives. After the euphoria of Easter Season that had closed on Pentecost Sunday, we are reminded anew this sixth of August to never lose sigh of the Cross of Good Friday as our path to glorious transfiguration of Jesus Christ.

To journey with Christ, listening and obeying his voice is something of the inside and not just of space or place. Discipleship demands persistent practice of the Lord’s teachings and examples as we shall hear from the gospel these coming Sundays.

As COVID-19 virus wanes that we resume most of our activities minus the many protocols before while still being cautious and careful, may we face our inner issues in Christ and the Holy Spirit to be transfigured in him. Amen. Have a blessed week ahead. It is a Sunday, celebrate Mass with others in your Parish, pray for those still suffering from the effects of typhoon Egay and Falcon.

Painting of the Transfiguration by Italian artist Duccio di Buoninsegna between 1308 and 1311 from commons.wikimedia.org.

Our home Nazareth

The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Feast of St. John Marie Vianney, Patron of Priests, 04 August 2023
Leviticus 23:1, 4-11, 15-16, 27, 34-37   ><}}}*> + <*{{{><   Matthew 13:54-58
Photo by author, Manila Cathedral Sacristy, 07 July 2023.
Praise and glory to you,
God our Father for the gift of
St. John Marie Vianney,
our Patron Saint, 
your priests!
Oh what a glorious day
is this day falling on a
First Friday, 
a day special to the 
Most Sacred Heart of Jesus,
our Eternal Priest.

Thank you,
thank you,
thank you, Lord.
From the very start
as we have heard from
the Book of Leviticus 
in the first reading,
you have set special 
days of celebrations
to remember you and
your saving works;
at its service are
your priests.
Always.

But, no...  
We are not the center 
of your festivals, Lord,
but your mere servants;
how sad that since then
in the wilderness
down to your Temple
up to our own time
in these beautiful churches
we celebrate the Holy Mass,
we your priests have
consciously or unconsciously
turned attention and focus
onto ourselves.

Mea culpa, mea culpa,
mea maxima culpa!
Forgive us your priests
for playing God,
O merciful Father.
Help us to keep coming back
to Nazareth like your Son Jesus;
let us get lost in the hiddenness
and silence of Nazareth;
let us be at home with you
in the obscurity and nothingness
of Nazareth;
let us welcome too the 
rejections of Nazareth
like Jesus our Eternal Priest.
In all these 25 years as a priest,
my prayer to you dear God 
remains the same:
Lord, you have given me
with so much
and I have given you so little;
teach me to give more
of myself,
more of YOU.
In Jesus' name.
Amen.
St. John Marie Vianney,
pray for us priests!

Stop & Go. In God, with God.

The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Thursday in the Seventeenth Week of Ordinary Time, Year I, 03 August 2023
Exodus 40:16-21, 34-38   ><}}}}*> + ><}}}}*> + ><}}}}*>   Matthew 13:47-53
Photo by author, San Juan, La Union, 24 July 2023.
God our Father,
it is undeniably true
that days are getting 
faster and shorter;
life is quickly passing
without us really realizing;
how crazy we have become
working so hard eight to
ten hours a day, five days
a week only to enjoy life
in less than 24 hours;
we are all in a hurry in a 
rat race that has no winner,
wishing we could be older
too soon only to wish later
how we could be young again.
Help us to center our lives
in you again like when your
people were in the wilderness;
let us be aware and mindful
of your presence in our midst
like your tent:
"Whenever the cloud rose
from the Dwelling,
the children of Israel
would set out on their journey.
But if the cloud did not lift,
they would not go forward;
only when it lifted
did they go forward"
(Exodus 40:36-37).
Let us be discerning,
Lord, in our moves,
in our lives "like the head
of the household who brings
from his storeroom
both the new and the old"
(Matthew 13:52);
lead me, Lord,
and do not let me be
led by the world,
by my desires,
by my ego
and pride.
Amen.

Face-to-face with our face

The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday in the Seventeenth Week of Ordinary Time, Year I, 02 August 2023
Exodus 34:29-35   >><)))*> + >><)))*> + >><)))*>   Matthew 13:44-46
Photo by Mr. Jim Marpa, 2019.
God our loving Father,
let our face reflect your
glory and majesty,
your love and mercy
like Moses as described
in our first reading today.

How lovely
and awesome too
that after meeting
with you face to face,
the skin of Moses'
face was radiant
that they were afraid
to approach him;
very clearly
you have left traces
of you on his face
whereas we on the other
hand, despite our
coming to you,
listening to your word,
and receiving your Son
Jesus in the Eucharist,
our face remain the same?

More sad is how
we could not find
or refuse to recognize
your face on everyone's face
especially those nearest
to us like family and friends;
despite our
coming to you,
listening to your word,
and receiving your Son
Jesus in the Eucharist,
our face could not reflect
the joy of finding you, Lord,
like a hidden treasure
buried in the field or
a fine pearl finally
found by a merchant.
God our Father,
let us face squarely
our problem with our
face; it is not merely
the skin nor its lines
nor its glow that
creams and cosmetics
may hide for sometime;
like you and Moses
meeting face-to-face
in your tent,
may we realize
whatever is found
in our face is a reflection
of what is truly inside 
our hearts,
when there is union
of life and love
that happens
in our union in you
through Jesus Christ.
Amen.

It’s been raining in Manila, hindi ka ba nilalamig?

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-01 ng Agosto 2023
Larawan kuha ng may-akda, RISE Tower, Our Lady of Fatima University, Valenzuela City, 28 Hulyo 2023.

Kung totoo mang ang paulit-ulit na pagkanta at pagpapatugtog ng awiting iyan ang dahilan ng patuloy na pag-ulan na nagbunsod ng malawakang pagbaha mula pa noong isang linggo… Sorry po! Patawad na po!

Hindi pa man dumarating ang bagyong Egay, na-LSS na ako nito na inawit ng grupo na tawag sa kanilang sarili’y Lola Amour. Nakakaaliw at nakakagaan ng loob kanilang musika habang matalinghaga naman mga titik ng Raining in Manila na naglalahad ng pangungulila sa sinta at irog ng isang binata.

Kaya naman ako po ay humabi ng iba pang awiting OPM (Original Pilipino Music) upang pagnilayan kahulugan ng ulan yaman rin lang na ngayon ang simula ng buwan ng Agosto na tinakdang Buwan ng Wika.

Larawan kuha ng may-akda, RISE Tower, Our Lady of Fatima University, Valenzuela City, 31 Hulyo 2023.

Madalas ang ulan ay dala ng bagyo na alalaongbaga ay sumasagisag sa mga unos sa buhay lalo na sa lovelife. Buhos at humahampas na tila sigwa sa dagat ang ulan lalo na kung magulo at masalimuot ang relasyon na humahantong sa masakit na paghihiwalayan.

Ito ang karanasang inawit ng “kilabot ng mga kolehiyala” na si G. Haji Alejandro noong 1978 sa awiting sinulat ni Jim Paredes ng Apo Hiking Society at pinamagatang Nakapagtataka.

Hindi ka ba napapagod
O di kaya nagsasawa
Sa ating mga tampuhang
Walang hanggang katapusan
Napahid na’ng mga luha
Damdamin at puso’y tigang
Wala nang maibubuga
Wala na ‘kong maramdaman
Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba’t di tayo magkasunduan oh
Walang tigil ang ulan
At nasaan ka araw
Napano na’ng pag-ibig sa isa’t isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka saan na napunta

Ganun talaga ang buhay, nakapagtataka; walang tigil ang ulan, hirap kumilos kaya inaasam natin pagsikat ng araw. Pero kapag sobra naman ang init ng panahon at natitigang ang lahat pati ating buhay, hiling natin ay ulan?! Sadya nga yatang mahirap ispellingin itong buhay dahil minsan-minsan ay Umaaraw, Umuulan ayon sa Rivermaya noong 2001. Ngunit ang masakit sa lahat, hindi kayang hugasan ni linisin ng ulan ang sakit at sugat sa pusong nabigo ayon naman sa Cueshe noong 2005:

Iniwan mo akong nag-iisa
Sa gitna ng dilim at basang-basa pa sa ulan
Pero wag mag-alala di na kita gagambalain
Alam ko namang ngayon may kapiling ka nang iba
Tanging hiling ko sayo
Na tuwing umuulan
Maalala mo sanang may
Nagmamahal sayo
Caleruega, Enero 2023 kasama mga kaibigan, Teacher Melody at Teacher Ceh.

Gayon pa man, sa ulan nasusukat pagsasamahan at pagkakaibigan, lalo ng mga magkasintahan gaya ng nasasaad sa Tuwing Umuulan at Kapiling Ka na sinulat ni Maestro Ryan C. Cayabyab noong 1980 at unang nirecord ni G. Basil Valdez.

Kahanga-hanga ang titik at musika ng awiting ito na marahil maituturing nang classic.

Katunayan, tatlong ulit na itong na-cover nitong mga lumipas na taon nina Bb. Regine Velasquez, grupong Eraserheads at G. Noel Cabangon.

Sariwain ang walang kupas na kagandahan at kahulugan ng awiting ito:

Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak
Sa mga halama’t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t’wing umuulan
Kasabay ng ulan, bumubuhos ang ‘yong ganda
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka nang sa piling ko’y lumisan pa?
Hanggang ang hangi’t ula’y tumila na
Buhos na ulan, aking mundo’y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo, ‘di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko’y umaapaw, damdamin ko’y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Napatunayan ko mismo sa aking blog ang walang kupas na appeal ng awiting ito noong ika-11 ng Hulyo 2021 nang iugnay ko sa ebanghelyo ng Linggong iyon. Mula noon hanggang ngayon, mayroong nagsesearch at bumabasa araw-araw sa aking blog na maaring puntahan sa https://lordmychef.com/2021/07/11/tuwing-umuulan-at-kapiling-ka-by-basil-valdez-1980/.

Marahil ay ipinahahayag kasi ng Tuwing Umuulan at Kapiling Ka ang pangunahing katotohanan na hindi lahat ng araw sa buhay natin ay maaraw at maliwanag – not all days are bright and sunny. Naroon din palagi ang kulimlim at pag-ulan. At higit pa sa pag-ulan ay ang pagsasamahan at pagmamahalan ng mga magsing-ibig!

Laging pakatandaan na sa tuwing pagkaraan ng mga ulan ang mga halaman at pananim ay luntian, punung-puno ng sigla at buhay!

Ganoon din sa ating sariling buhay. Tumitibay at lumalalim ating pagkatao at mga ugnayan sa mga pinagdaraanang pagsubok. Ang mga unos at ulan sa ating buhay ang nagbibigay at nagpapatingkad ng kulay at kahulugan nito. Kaya naman tinuturing ang ulan bilang biyaya at pagpapala ng Diyos gaya ng sinasaad sa iba’t ibang aklat ng Bibliya lalo na sa Matandang Tipan. Kamakailan ito ay ating natunghayan noong ika-15 Linggo ng karaniwang Panahon (Hulyo 16, 2023) nang inihalintulad ng Diyos ang kanyang salita sa ulan at niyebe:

"Ang ulan at niyebe
Paglagpak sa lupa'y di na
nagbabalik,
Aagos na ito sa balat ng lupa't
nagiging pandilig,
Kaya may pagkai't butil na
panghasik.
Ganyan din ang aking mga salita,
Magaganap nito ang lahat kong
nasa" (Isaias 55:10-11)
Larawan kuha ng may-akda, Katmon Nature Sanctuary & Beach Resort, Infanta, Quezon, Marso 2023.

Ang ulan ang isa sa mga pinakamahusay na talinghaga sa ating buhay. Nasa ating pananaw at disposition kung paano nating titingnan itong buhay at mga kaakibat na paghamon gaya ng mapaglarong awit ng Apo Hiking Society noong aming kabataan ng 1978.

Radyo, TV at mga lumang komiks
Wala nang ibang mapaglibangan
At kung mayro’n kang tatawagan
30 sentimos, ika’y makakaltasan, ah-ha…
Umiindak ang paa sa kumpas ng tugtuging bago
Hanggang kumpas ka na lang at ‘di mo na alam ang tono
Sa paghinto ng ulan, ano ang gagawin?
Huwag nang isipin at walang babaguhin
Mabuti pa kaya, matulog ka na lang
Matulog na nang mahimbing
Pumapatak na naman ang ulan
Pumapatak na naman ang ulan
Pumapatak na naman ang ulan

Ito rin ang siyang sinasaad muli ng Rivermaya sa naunang kanta din nila na Ulan (1994) na ayon sa kanila ay “Hiwaga ng panahon//Akbay ng ambon//Sa piyesta ng dahon//Ako’y sumilong.”

Nawa ating matularan ang ulan, maibuhos ating sarili sa kapwa, lalo sa mga kaibigan at pamilya nang matighaw kanilang pagka-uhaw sa malasakit at pagmamahal. Mula bumbunan hanggang buong katawan, tayo ay maging ulan na nanunuot kapanatilihan (presence) hanggang kalamnan, sagad sa kaibuturan ng puso at kalooban na tayo ay kaibigang palaging maasahan, makakasama sa gitna ng ulan.

Hindi mapipigilan pagpatak at pagbuhos ng ulan. Ito ang hiwaga ng buhay. Ulan ang dumidilig sa tuyot na lupa, nagpapanariwa sa natitigang na sangnilikha. Kung tutuusin, ang buhay ay isang panahon ng tag-ulan.

At sa gitna niyan iisa lang ating masisilungan kungdi si Hesus na ating kapatid at tunay na kaibigan na sa atin ay nagsabi, “Kayo’y mga kaibigan ko kung tinutupad ninyo ang mga utos ko… inaari ko kayong mga kaibigan, sapagkat sinabi ko sa inyo ang lahat ng narinig ko sa aking Ama. Hindi kayo ang pumili sa akin; ako ang pumili at humirang sa inyo upang kayo’y humayo at mamunga, at manatili ang inyong bunga” (Juan 15:14, 15-16).

Hayaan ninyong wakasan ko ang pagninilay na ito sa isang awitin ng Afterimage na sumikat noong 1994, Tag-Ulan. Subukang namnamin mga titik at damhin ang musika na tila baga ang Panginoong Hesus sa atin ang naghehele.

Hanggang sa susunod na pag-ulan, salamuch, kaibigan.

Mula YouTube.com.

Union of life & love

The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Tuesday, Memorial of St. Alphonsus de Liguori, Bishop & Doctor of the Church, 01 August 2023
Exodus 33:7-11, 34:5-9, 28   ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>   Matthew 13:36-43
Photo by author, March 2020.
God our loving Father,
as we enter the brand-new
month of August today, 
your words speak a lot of
"entering" too today:
of Moses entering your
tent and Jesus entering 
the house:

As Moses entered the tent, the column of cloud would come down and stand at its entrance while the Lord spoke with Moses. The Lord used to speak to Moses face to face, as one man speaks to another.

Exodus 33:9, 11

Jesus dismissed the crowds and went into the house. His disciples approached him and said, “Explain to us the parable of the weeds in the field.”

Matthew 13:36
But your entering 
in both instances speak
more of physical space
but a union  of life and love
made possible in Jesus Christ.
Every time we enter
a church and other places
of worship,
we enter you, God,
to dwell in you
who has been dwelling
in us too.
Like St. Alphonsus de Liguori
whose memorial we celebrate
today, transform our lives
in Jesus Christ, let it unfold
according to your Divine plan,
achieving equilibrium in morality
like you, "merciful and gracious
God, kind and forgiving
wickedness, crime and sin;
yet not declaring the guilty
guiltless" (Ex. 34:6, 7).
Amen.