Seeing ourselves as Jesus sees us

Lord My Chef Sunday Recipe, Fr. Nicanor F. Lalog II
Solemnity of Sts. Peter & Paul, Apostles, 29 June 2025
Acts 12:1-11 ><}}}}*> 2 Timothy 4:6-8, 17-18 ><}}}}*> Matthew 16:13-19
St. Peter’s Square at the Vatican in Rome.

We enter today the 13th week in Ordinary Time with a fourth celebration on a Sunday of another Solemnity, that of Saints Peter and Paul, the two pillars of the Church Jesus Christ established over 2000 years ago.

Sts. Peter and Paul were men of diverse backgrounds with Peter the fisherman, impulsive and so human while Paul the Pharisee was an intellectual converted by an encounter with Jesus on the road to Damascus. Both were flawed as persons yet so loved and called by the Lord – Peter as first leader of his church and Paul as its first missionary to the Gentiles. Their Solemnity reminds us of Christ’s call for us to build his Body, his Church here on earth.

While this celebration is about the two great apostles of Jesus, our readings direct us to God’s goodness and grace in his actions on behalf of the church founded by Christ. Its focus is on God, not ourselves.

Statues of Sts. Peter & Paul, st. Peter’s Basilica, Rome; photos from opusdei.org

Being an apostle of Jesus is not about doing great things or being so good but more of encountering and keeping faith in Christ our Lord. By recognizing ourselves as the church – the Body of Christ as we have reflected last Sunday, all of our actions are indeed God’s actions on behalf of the church because it is through us that the proclamation of the Gospel of Jesus’ death and resurrection is continued and completed in this age.

What is essential is we constantly enter into a conversation with Jesus in prayer not only to tell him things but most especially for us to realize how he sees us!

When Jesus went into the region of Caesarea Philippi he asked his disciples, “Who do people say that the Son of Man is?” They replied, “Some say John the Baptist, others Elijah, still others Jeremiah or one of the prophets.” He said to them, “But who do you say that I am?” Simon Peter said in reply, “You are the Christ, the Son of the living God.” Jesus said to him in reply, “Blessed are you, Simon son of Jonah. For flesh and blood has not revealed this to you, but my heavenly Father. And so I say to you, you are Peter, and upon this rock I will build my church, and the gates of the netherworld shall not prevail against it” (Matthew 16:13-18).

Photo by author at Caesarea, Israel, May 2017.

What really happened at Caesarea Philippi was a close encounter of the apostles with Jesus, especially Simon whom would he called as Peter on that day on.

Very often in most reflections and commentaries, we are told to answer the question of Jesus like Peter in our most personal way not based from what we have read or heard: “who do you say I am?”

Of course, what else can we say but imitate Peter’s answer that seems to be the most correct answer.

But, is it really the best answer? Not really.

Paul later in his many writings will declare similar answers but far more better like when he said “For me to live is Christ, and to die is gain” (Phil.1:21).

Jesus is telling us something else in this scene, as if asking us too, would you want to know “who do I say you are?” What the Lord is actually telling us in this scene is the fact that he knows us so well inasmuch as he knows himself perfectly because he is God. In fact, he had said there was no need for him to have human testimony as the Christ (Jn. 2:25; 5:34).

Photo by author, Sea of Galilee, Israel, May 2019.

What I see more at Caesarea Philippi is Jesus Christ’s omniscience as God who knows everything – even that early he already knew Peter would deny him thrice, that Judas Iscariot would betray him, so on and so forth.

Jesus knows everything about us but he chose to love and believe in us that despite and in spite of everything he knew that could go wrong with us later in life, of how we would fall into sin over and over, STILL – he calls us, he sends us on a mission because he believes in us, he loves us.

Many times in life, we forget the truth about the saints who are just like us, ordinary people with many weaknesses and flaws, imperfections and even idiosyncrasies. What made them stand out and did all those great feats for the Lord was because they were able to see themselves the way Jesus sees them.

That’s the very core of the story at Caesarea Philippi – Jesus made the apostles felt especially Peter how valuable they were, how they were all loved, of how Jesus saw them as his ambassadors later when he returns to the Father.

Bass relief of St. Peter at the Malolos Cathedral, 2019.

Jesus had no need of knowing what people were saying about him because he knew himself so well aside from the fact he surely knew what they were saying about him. Actually, the answers the apostles gave him were for them to know and think about why people wrongly perceived Jesus.

Most of all, Jesus had no need to know what everyone of us is saying about who he is because, again, he knows himself perfectly. Whatever answer others would have given about him would have been surely appreciated and praised by Jesus. What matters most for everyone to realize is the fact that despite Christ’s foreknowledge of Peter’s fall and weaknesses, he still dared to call him to head his church. The same holds true with everyone of us. Jesus wants us to continue building his Body, his church here on earth, to make Jesus more present in us in this world so dark and lost searching for meaning except in Christ.

The same thing is true with Paul when Jesus called him on the road to Damascus to persecute the first Christians. Jesus knew everything Paul was doing; most of all, Jesus knew that even when converted, Paul would still be stubborn and insistent, would eventually quarrel with other disciples like Peter, Barnabas and John Mark but still, Jesus called him and even set him aside for a special mission to the Gentiles.

Bass relief of St. Paul at Malolos Cathedral 2019.

Again in his experiences, Paul saw how Jesus loved and trusted him that even he were the worst of all the apostles of the Lord, he was given such great task of proclaiming the gospel to the ends of the earth at that time. That is why in our second reading we find Paul giving up his whole life in the service of Jesus after experiencing Christ’s tremendous love for him.

Like Peter and Paul, we are all gifted with the same faith in Christ Jesus who challenges us to accept the same mission to continue in this modern time of proclaiming his gospel of love and mercy, of building up his Body the church so that there would be a more humane and just society here on earth as Vatican II envisioned (Lumen Gentium).

Many times when God works in us and through us, we could not believe it as happening like Peter when set free from prison by an angel at night. There are times we are resigned with our situations, of being deserving of the many hardships and sufferings without realizing that there are more bad things we deserve to suffer in this life but Jesus spared us because he believes in us that he sends us to some more missions for him.

Lord Jesus Christ,
thank you for still calling me,
sending me to a mission
despite my many flaws
and imperfections;
thank you for trusting me,
believing me;
let me see myself the way
you see me as someone
worth loving and trusting.
Amen.

St. Peter and St. Paul,
pray for us!

Sacred Heart para sa “cold heart” at “heartless world”

Lord My Chef Daily Recipe, Fr. Nicanor F. Lalog II
Solemnity of Sacred Heart, 27 June 2025
Detalye ng painting ng Sacred Heart of Jesus sa Visitation Monastery, Marclaz, France mula sa godongphoto / Shutterstock.

Nag-senior citizen ako noong Marso at masasabi ko na sa tanang buhay ko, itong 2025 ang pinaka-mainit at maalinsangang taon sa lahat. Mula pa man noong dati, gabi lang ako gumagamit ng aircon ngunit mula nitong Abril, maghapon na ako kung mag-aircon sa silid. Kung minsan nga ay pati electric fan binubuksan ko kapag gabi sa labis na init ng panahon nitong nagdaang tag-araw.

Hindi lamang minsan ko narinig ang maraming nagsabing parang “impierno” ang summer 2025 dahil para sa atin, sukdulan ang apoy sa impierno kaya napaka-init.

Subalit ayon kay Dante Alighierri, isang batikang makata ng Italya noong unang panahon na sumulat ng Divine Comedy, ang kailaliman daw ng impierno ay hindi naman pagka-init-init dahil sa apoy kungdi pagkalamig-lamig parang yelo!

Ayon sa kanyang tula na nobela, ang pinaka-masaklap aniya sa lahat ng kasalanan at kasamaan magagawa ng tao ay ang manlamig ang puso. Magkaroon ng “cold heart” sa Ingles hanggang sa mawalan na ng puso ang mga tao gaya ng sinasaad sa isa pang English expression na “heartless world.”

Larawan mula sa forbes.com 2018, fashion week sa New York.

Ang mga katagang ito na cold heart at heartless world ay mas mainam na huwag nang isalin sa ating sariling wika sapagkat mas mananamnam at mailalarawan natin ang kahulugan sa wikang Ingles kesa sabihing malamig na puso o daigdig na walang puso. Kapag sinabing cold heart o malamig na puso, ito ay patay na puso, walang buhay parang bangkay. O bato. Kapag ang mga tao ay naging ganito, mismo ang daidig ay wala na ring puso, walang pagmamahal, walang awa, walang malasakit, walang pakialam.

Gayon ang kahulugan ng puso para sa sangkatauhan – hindi lamang ito sumasagisag sa pag-ibig at pagmamahal kungdi sa buhay. Sa malasakit, sa kabutihan, maging sa kaalaman gaya ng sinasaad ng English expression na “to know by heart” na ibig sabihin ay makabisado, matandaan.

At paano natin tinatandaan ang mga bagay-bagay? Ito ay ating inire-record na mula sa dalawang kataga ng wikang Latin, re (uliting muli) at cord na mula sa cor o puso. Alalaong-baga, ang tandaan, ang memoryahin at kabisaduhin ay isapusong muli sapagkat dito sa ating puso natatago ang lahat-lahat ng ating alaala at kaalaman maging pakiramdam gaya ng kutob na nagsasaad ng pakiramdam at kaalaman na di maipaliwanag ngunit totoo.

Higit sa lahat, dito sa ating puso nananahan ang Diyos sa atin gaya ng sinasaad ng dokumento ng Vatican II sa makabagong mundo (Gaudium Spes). Kaya ngayong Dakilang Kapistahan ng Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus, pinapaala sa atin ng pagdiriwang ito ang hiwaga ng katotohanan ng pag-ibig ng Diyos sa lahat ng tao sa lahat ng panahon.

Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob sa atin. Sapagkat noong tayo’y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga makasalanan. Mahirap mangyaring ialay ninuman ang kanyang buhayn alang-alang sa isang mabuting tao. Ngunit ipinadama sa atin ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo ay makasalanan pa (Roma 5:5-8).

Gayon na lamang ang pagmamahal ng Diyos sa atin – hindi masukat gaya ng pahayag ni Jesus kay Nicodemo dahil ito ibinubuhos hindi inuunti-unti, hindi tinitingi. Binubuhos. Palaging marami ang pag-ibig na kanyang binibigay sa atin sapagkat napakalaki ng kanyang puso ni Jesus.

Lahat tayo kasya sa kanyang napakalaking Puso kaya tayo man ay inaanyayahan ni Jesus na lumusong at maglublob sa kanyang puso kung saan ang kanyang pag-ibig ay naghahanap sa nawawala at naliligaw; pag-ibig na umuunawa at umiintindi sa naguguluhan at nalilito; pag-ibig na palaging bukas at tumatanggap sa sino mang ibig manahan, tumahan kung umiiyak sa lungkot at hapis.

Ito ang Puso ni Jesus na sinasaad ng larawan ng isang Mabuting Pastol gaya ng propesiya ni Ezekiel sa Unang Pagbasa at mismong kinukuwento ni Jesus sa kanyang talinghaga sa ebanghelyo ngayon.

Makakapasok lamang tayo sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus kapag atin munang pinasok ating sariling puso kung saan mismo siya nananahan sa atin. Palagi nating sinasabi ang puso ang sentro ng ating katauhan at iyan ay totoo kasi nga doon din nananahan si Jesus.

Subalit dahil sa ating mga kasalanan, sa marami nating hilig at kagustuhan at sinusundang ibang diyus-diyosan, nawawala tayo sa puso ni Jesus dahil ang totoo, nawawala na rin ating puso. Ang pinaka-simpleng paliwanag ng kasalanan na aking ginagamit palagi ay ito: sin is a refusal to love.

Ang kasalanan ay pagtanggi na magmahal. Mula sa salitang ugat na sala na ibig sabihin ay sumala o magmintis o hindi magampanan dapat gampanan, ang kasalanan ay sumala sa iisang atas ni Jesus na magmahal. Sa tuwing hindi tayo nagmamahal, tayo ay nagkakasala. Kapag tayo ay nababad sa kasalanan, nagiging manhid tayo kaya di na tayo makaramdam ng iba at kapwa. ?Dito na manlalamig ang ating puso dahil tayo ay mahihiwalay na sa iba at kapwa, wala na tayong pakialam. Tayo ay napuputol at nag-iisa, hiwalay sa Diyos at kapwa, maging sa ating sariling katauhan kaya madalas ang mga makasalanan ay hindi makapagmahal kasi nga nawawala sa sarili.

At ganyan ang takbo ng daigdig ngayon, kanya-kanya, wala sa sarili tila baga bawat isa kaya lahat na lang dinaraan sa pera-pera. Ang lahat na lamang ay sinusukat, kinukuwenta, tinatantiya katulad ng algorithm sa social media kung saan nakukuha ang marami nating pattern sa buhay gaya ng mga hilig at gusto. Nagiging “commodity” na lamang ang tao ngayon, parang produkto at kasangkapan na ginagamit, binebenta at binibili.

Huwag nating hayaang magpatuloy na lamang ito na ang mundo ay manatiling materyal lamang – malamig at manhid, walang pakiramdam. Ibalik natin ang buhay, ang ating pagkatao na pakikibahagi sa buhay ng Diyos na nanahan dito sa ating puso. Gaya ng talinghaga ni Jesus, ang Diyos ay hindi isang observer na tagamasid o spectator na manonood lamang ng takbo ng ating buhay ng mga tao. Kaya sinugo ng Ama si Jesus sa atin sapagkat mula pa man noon ibig niyang makilahok sa buhay natin dangan lamang ay lagi natin siyang pinupuwera. Lalo ngayon sa makabagong panahon na pilit inaalis na ang Diyos sa buhay ng tao!

Larawan mula sa Pinterest.com.

Sa Sacred Heart ni Jesus, muling nabubuo ang tao sa kanyang sarili at ang sangkatauhan sapagkat ang pag-ibig niya ay pag-ibig na hinahanap ang mga sira at pira-piraso nating sarili upang makumpuni at mabuong muli. Ipinapaalala sa atin ng Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus ang pag-ibig ng Diyos ay hindi isang ideya lamang o dalumat na nakalutang sa alapaap kungdi nakatapak sa lupa – isang pag-ibig na aktibo, marubdob at matalik na nakikipag-ugnayan gaya ng ating mga naranasan noong tayo ay gulung-gulo, litong-lito, nawawala at halos wala nang saysay ang buhay. Buhaying muli ating mga puso upang maranasan tunay na kagandahan ng buhay ng tao, hindi ng robot o makina. Ating dasalin palagi:

O Jesus na mayroong
maamo at mapagkumbabang Puso,
Gawin Mong ang puso nami'y
matulad sa Puso Mo!
Amen.

Saan ka galing, saan ka pupunta?

Lord My Chef Daily Recipe, Fr. Nicanor F. Lalog II
Sacred Heart Novena Day 9, 26 June 2025
Detalye ng painting ng Sacred Heart of Jesus sa Visitation Monastery, Marclaz, France mula sa godongphoto / Shutterstock.

Huling araw ng ating pagsisiyam sa Dakilang Kapistahan ng Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus. Pinangakuan kahapon ng Diyos si Abram na magiging ama ng lahat ng bansa, na magiging kasing dami ng mga bituin sa langit kung gabi ang kanyang mga anak subalit matanda na siya ay wala pa rin silang anak ni Sarai.

Nag-magandang loob si Sarai at sinabi kay Abram na tabihan ang alipin niyang si Agar upang magkaanak sa kanya. Hindi nga nagtagal ay nagdalantao si Agar mula kay Abram at dito nagbago ihip ng hangin. Nagmalaki at hinamak ni Agar ang kanyang amo na si Sarai kaya’t nagalit siya at nagsumbong kay Abram.

Tulad ng sino mang mister, walang nagawa si Abram sa pagkagalit ni Sarai kaya sinoli niya sa kanya ang alipin niyang si Sarai. Gumanti at pinahirapan ni Sarai ang kanyang aliping si Agar na noon ay nagdadalang-tao ng anak ni Abram hanggang sa maglayas.

Pinagmalupitan ni Sarai si Agar, kaya ito ay tumakas. Sinalubong siya ng anghel ni Yahweh sa tabi ng isang bukal na nasa ilang. Tinanong siya, “Agar, alipin ni Sarai, saan ka nanggaling at saan ka pupunta?” “Tumakas po ako sa aking panginoon,” sagot niya. “Magbalik ka at pailalim sa kanyang kapangyarihan,” wika ng anghel. At idinugtong pa: “Ang mga anak mo ay pararamihin, At sa karamiha’y di kayang bilangin” (Genesis 16:6b-10).

Larawan kuha ng may-akda, Pundaquit, San Antonio, Zambales, 15 Mayo 2025.

Maraming pagkakataon sa buhay katulad tayo ni Sarai: sa pagmamagandang loob natin, madalas napapasama pa tayo. Inaabuso ng ilan kabutihang loob natin. Kasi rin naman, madalas tayo pabigla-bigla sa pagdedesiyon lalo na kung pinanginigbabawan tayo ng kapangyarihan na sa una tingin natin ginagamit natin sa kabutihan ngunit di alintana masamang epekto sa ilan.

Sa gitna ng lahat ng ito, naroon pa rin kabutihan ng Diyos. Mabuti na lang na hindi natin siya katulad dahil ang gawi natin kapag sumablay plano natin ay magsisihan.

Patas ang Diyos sa lahat. Kasi mapagmahal siya. Sa halip na sisihin tayo na dahil tayo naman palagi may kagagawan ng problema natin, humahanap siya palagi ng solusyon. Nakita ng Diyos na nakawawa si Agar bagama’t inabuso niya kagandahang loob ni Sarai. Wala siyang kapangyarihan, napakahina bilang alipin. At pagkatapos ay nagdadalantao. Kaya sa kanyang lungkot at hirap ay naglayas at nakita kanyang sariling nag-iisa, nawawala at takot na takot doon sa ilang. Parang tayo.

Ngunit hinanap pa rin siya – at tayo – ng Diyos upang pagpalain.

Tingnan kabutihan ng Diyos: hinahanap tayo at pinagpapala maski hindi tayo mabuti sa harap niya. Bagkus, higit pa nga niyang hinahanap at tila pinahahalagahan ang mga nawawala o naliligaw.

Ang ganda ng tanong ng anghel kay Agar na siya ring tanong sa atin ngayon, “Saan ka nanggaling at saan ka pupunta?”

Pagkaraan ng siyam na araw nating nobenaryo sa Sacred Heart, tingnan natin sarili nating paglalakbay sa pananampalataya, ating pinanggalingan at pinagdaanan sa buhay. Naroon ba Diyos sa oras ng ating paghihirap at pagsubok?

Tayo ba ay papalapit o papalayo sa Diyos sa ating buhay ngayon?

Pagmasdan pagkilala ng Diyos sa paghihirap ni Agar. Batid ng Diyos kanyang mga sugat. Sa sariling buhay natin marami ding pagkakataon nagpahayag ng habag at awa ang Diyos sa ating mga hirap na pinagdaraanan.

Ang pinaka-magandang bahagi nito ay ang pagbabalik ni Agar kay Sarai. Ang kanyang pagtitiwala sa Diyos na nangakong mula sa kanyang magiging anak kay Abram ay magmumula ang isa ring malaking lahi. Pati pangalan ng kanyang magiging anak ay Diyos ang nagbigay, Ishmael na ibig sabihin ay “nakikinig ang Diyos.”

Larawan mula sa Pinterest.com.

Ngayong bisperas ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus, walang duda nakikinig ang Diyos sa ating mga poanawagan at dalangin, tangis at panaghoy sa maraming sakit at hirap. Subalit, tayo ba ay nakikinig naman sa kanya?

Mismong si Jesus nagsabi hindi lahat ng tumatawag sa kanya ng “Panginoon, Panginoon” ay maliligtas dahil kung taliwas naman ang ating buhay sa ating pananampalataya. Kaya ngayong araw, balikan natin ating pinanggalingan upang maging maliwanag kung tayo nga ay malinaw pa rin sa patutunguhan, ang Diyos.

O Jesus na mayroong
maamo at mapagkumbabang Puso,
Gawin Mong ang puso nami'y
matulad sa Puso Mo!
Amen.

Kalasag. At impluwensiya.

Lord My Chef Daily Recipe, Fr. Nicanor F. Lalog II
Sacred Heart Novena Day 8, 25 June 2025
Detalye ng painting ng Sacred Heart of Jesus sa Visitation Monastery, Marclaz, France mula sa godongphoto / Shutterstock.

Habang tayo ay papalapit na sa Dakilang Kapistahan ng Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus, ibig ko kayong anyayahang mag-imagine sa dalawang pagbasa ngayong ika-walong araw ng ating nobenaryo.

Napakaganda kasi ng mga tagpo sa Unang Pagbasa na magkausap ang Diyos at si Abram habang sa Ebanghelyo naman ay naroon ang babala ni Jesus sa mga alagad na tigib ng kanyang pagaalala o concern para sa kanila, kasama na rin tayo.

Pagkaraan ng lahat ng ito, si Abram ay nagkaroon ng isang pangitain. Narinig niyang sinabi sa kanya ni Yahweh: “Abram, huwag kang matatakot ni mangangamba man, kalasag mo ako, kita’y iingatan At ikaw ay aking gagantimpalaan” (Genesis 15:1).

Photo by Hert Niks on Pexels.com

Kalasag. Isang panangga ng mga kawal. Shield sa Ingles. Ito ang palaging tangan ng bawat sundalo kasabay ng kanyang sandata upang ipagsanggalang siya sa mga tama ng pana at sibat at kung mayroong malapitang bakbakan, ito ang panangga sa hataw ng mga itak at palakol. nang maglaon, laban na rin sa tama ng bala.

Alalaong-baga, kalasag ang proteksiyon ng kawal.

Ganoon ang Diyos kay Abram. Bilang kalasag niya, ang Diyos ang naging tagapaglaban at tagapagtanggol ni Abram tulad sa eksenang ito nang matagumpay na makipagdigma si Abram sa mga bumihag sa pamangkin niyang si Lot. Pagkatapos ng labanan, dumating ang pari ng Diyos na hari ng Salem, si Melquisidec upang pagpalain si Abram na nagbigay sa kanya ng mga nasamsam niyang kayamanan ng mga kalaban bilang pasasalamat sa tulong ng Diyos.

Kaya ang Diyos bilang kalasag ni Abram ang pangunahing impluwensiya rin sa buhay ni Abram.

Sa tagpong ito, makikipagtipan ang Diyos kay Abram sa unang pagkakataon. Nag-usap sila ng Diyos na parang magkaibigan sa isang pangitain kung saan nagpahayag ng saloobin si Abram ukol sa kayang edad na wala pa siyang anak.

Dito lalong gumanda ang eksena na nakakakilabot din: naghandog si Abram ng mga susunuging alay sa Diyos na tinupok ng apoy na ibig sabihin, tinanggap ng Diyos. Higit sa lahat, pinangako ng Diyos kay Abram na magiging kasing dami ng mga bituin ang kanyang lahi habang ang buong lupaing natatanaw niya ay magiging kanya. Iyon ang pinanghawakang parang kalasag ni Abram sa kanyang buhay. Kaya iyon ang malaking impluwensiya sa kanya.

larawan kuha ng may-akda, Pundaquit, San Antonio, Zambalaes, 14 Mayo 2025.

Imagine natin muli ang eksena ni Abram at Diyos sa gitna ng kadiliman ng gabi nang ganapin kanilang pagtitipan. At pagkatapos, ipasok natin eksena sa Ebanghelyo na katulad kung saan si ay matalik at buong giliw nakikipag-usap sa kanyang mga alagad. Kasama na tayo doon

Tila bagabag si Jesus na nagbababala sa atin sa mga huwad na propeta, sa mga manlilinlang tulad ng mga lobo o asong-gubat na nagkukunwaring tupa. Higit sa lahat, ang kahalagahan sa pagkilala at pagkilatis sa mga bunga ng mga punong kahoy.

Makikilala ninyo sila sa kanilang mga gawa. Napipitas ba ang ubas sa puno ng dawag, o ang igos sa puno ng aroma? Nagbubunga ng mabuti ang bawat mabuting punong-kahaoy, subalit nagbubunga ng masama ang masamang punongkahoy (Mateo 7:16-17).

Kalasag. Tapos bunga at punong kahoy. Anu-ano at sinu-sino nakaka-impluwensiya sa atin lalo na sa makabagong panahong ito?

Nakakalungkot isipin na ipinagmamalaki pa ng ilang kapatid natin ang kanilang pagiging makabago sa pagyakap sa mga kaisipang wokism at “liberated” sa larangan ng sexuality at pag-aasawa gayong salungat ang mga ito sa turo ni Jesus.

Ang bagong kalasag ng maraming tao ngayon ay agham at teknolohiya, pati tao minamanipula sa mga genetic engineering at test tube baby, bukod sa abortion at contraceptives. Marami tayong kinakain at iniinom sa ngayon na genetically modified, mga bunga ng eksperimento sa agham. At ang pinakamalungkot sa lahat, pera-pera na buhay ngayon. Lahat pinepresyuhan maging katotohanan at katauhan.

larawan kuha ng may-akda sa Tagaytay, Abril 2025.

Anu-ano at sinu-sino nakaka-impluwensiya sa atin sa buhay ngayon. Maituturing pa ba nating ating kalasag ang Diyos sa panahong ito na mas pinahahalagahan ang teknolohiya at materyal na bagay kesa espirituwal?

Ito ang babala ni Jesus: tingnan mga bunga nito. Naghahatid ba ng kapanatagan at kapayapaan sa ating sarili at sa mundo?

Maraming nag-aakala na ang sagot sa kadiliman ng buhay ngayon ay ang mga teknolohiya at makabagong kamalayan ngunit ang totoo, lalong naging hungkag ang buhay ng tao, lalo tayong lito at nawawala sa gitna ng maraming nakakaakit na impluwensiya sa buhay. Maraming kalasag tayong ginagamit ngayon na mahuna at hindi maaasahan sa pakikidigma sa buhay.

Walang katulad ang Diyos bilang kalasag. Kay Jesus, doon lamang tayo makapapamunga nang sagana tulad ng puno ng ubas. Maaring salat tayo sa kayamanan ngunit ganap ang ating katauhan kapag ang Diyos ang ating kalasag katulad ni Abram.

Kay sarap pagmasdan tuwing misa ng araw ng Biyernes ang mga deboto ng Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus na mayroong suot na iskapularyo. Hindi ba’t hugis ng kalasag ang mga iskapularyo? Huwag nating ikahiyang isuot at panindigan si Jesus bilang ating kalasag, bilang impluwensiya sa buhay natin. Sa araw na ito, tinatanong tayo ni Jesus sa Kanyang Kamahal-Mahalang Puso kung ano at sino ang nakaka-mpluwensiya atin na siyang kalasag din nating laging dala-dala at pinakikinggan? Pagmasdan din natin ang ating mga bunga sa buhay at debosyon sa Sacred Heart.

O Jesus na mayroong
maamo at mapagkumbabang Puso,
Gawin Mong ang puso nami'y
matulad sa Puso Mo!
Amen.
Larawan mula sa Pinterest.com.

Resist, insist (Ang Solstice, Part 2)

Lord My Chef Daily Recipe, Fr. Nicanor F. Lalog II
Sacred Heart Novena Day 7, 24 June 2025
Solemnity of the Birth of John the Baptist
Detalye ng painting ng Sacred Heart of Jesus sa Visitation Monastery, Marclaz, France mula sa godongphoto / Shutterstock.

Sikapin nating pag-ugnayin ating Nobena sa Sacred Heart at ang Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni Juan Bautista sa liwanag ng ating pagninilay kahapong bisperas nito ukol sa “summer solstice”.

Sa paglalahad ng personalidad at misyon ng Panginoong Jesus, palaging naroon si Juan Bautista bilang kanyang tagapaghanda ng daraanan gaya ng ating narinig sa propesiya ni Isaias sa unang pagbasa. Kaya naman maging sa kanilang kapanganakan ay hindi maiwasan ang ugnayang ito: isinilang sa petsang ito si Juan Bautista panahon ng “summer solstice” habang ang Pasko ng Pagsilang ni Jesus ay panahon ng “winter solstice”.

Mula sa wikang Latin ang salitang solstice na pinagsamang sol o araw/sun at sistere o paghinto na sa Ingles ay to stop o to stand still. Kapag mayroong solstice, humahaba ang araw dahil tumitigil pansamantala sa pag-inog ang daigdig upang tumutokn sa araw kaya kapag summer, ito ang pinaka-maliwanag habang kung taglamig, ito pinaka-madilim.

Kaya kagabi sabi natin, pinaaalalahan tayo na tumigil din upang katagpo muli ang Diyos. Mula sa salitang sistere nagbuhat ang Ingles na desist – stop o tigil.

Ngayong Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni Juan Bautista, tinatawagan tayo ng ebanghelyo at maging ng Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus na tayo ay mag-resist ,”lumaban” o “tumutol” at mag-insist, magpilit.

Nang ikawalong araw, dumalo sila sa pagtutuli ng sanggol. Zacarias sana ang ipangangalan sa kanya – gaya ng kanyang ama – nugnit sinabi ng kanyang ina, “Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.” “Subalit wala isa man sa iyong mga kamag-anak ang may ganyang pangalan,” wika nila. Kaya’t hinudyatan nila ang kanyang ama at itinanong kung ano ang ibig niyang itawag sa sanggol. Humingi siya ng masusulatan at sumulat ng ganito: “Juan ang kanyang pangalan.” At namangha silang lahat (Lukas 1:59-63).

Larawan kuha ng may-akda, St. Scholastica, Tagaytay, Agosto 2024.

Hindi sapat na tayo ay tumigil sa mga gawain natin o mag-desist upang makatagpo ang Diyos. Katulad nina Elizabeth at Zacarias, kailangan nating mag-resist upang labanan ang mga salungat sa plano ng Diyos at mag-insist sa ebanghelyo at mga turo ni Jesus.

Lalo na sa ating panahon ngayon na laganap ang kasamaan at kasalanan na tila baga inaayunan na ng lahat dahil sa social media. Normal na ngayon ang magmura at magsalita ng mga kalaswaan. Hindi lamang iyon, dahil sa internet at AI, talamak na rin ang mga kabastusang usapan at larawan na madaling makita ng lahat lalo ng mga bata. Higit sa lahat, dahil sa laganap at mabilis na pagkalat ng mga larawan at impormasyon, marami ang nahahalina na tanggapin at sang-ayunan mga kaisipang banyaga na tinuturing makabago gayong malinaw na mga mali at salungat sa kabutihan at mga turo ni Jesus tulad ng abortion at diborsiyo at same sex marriage.

Pagmasdan ang mariing resistance – pagtutol – ni Elizabeth nang makialam mga tao nakisaya sa kanila na pangalanang “Zacarias” ang kanyang sanggol: “Hindi! Juan ang ipapangalan sa kanya.”

Painting ni Anton Raphael, pangangaral ni San Juan Bautista sa ilang; mula sa wikipedia.org.

Kaya ba nating sumagot nang gayon sa mga paglapastangan sa Diyos at pagbatikos sa Mahal na Birheng Maria? Isa sa mga palaging sinasambit sa nobena sa Sacred Heart ay ang paglapastangan ng marami sa Banal na Eukaristiya at sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus. Naipaglalaban ba natin sa pamamagitan ng mahinahong pagtutuwid. Nakakalungkot madalas nahihiya tayong magdasal lalo na bago kumain sa mga restaurant at fastfood! Kay gandang namnamin ang conviction ni Elizabeth kaya mariin siyang tumutol sa panukalang Zacarias ipangalan kay Juan.

Ang pagtutol o resistance ay mabuti kung ang ating tinututulan ay kasamaan at kasalanan. Nang lumaki na si Juan Bautista, palagi siyang tumitigil (desist) sa ilang upang manalangin at mamuhay ng payak di tulad ng gawi ng maraming tao noon maging ngayon. Katulad ng kanyang ina, mariin ding tinutulan ni Juan Bautista mga kamalian at kasamaan noon. Kaya siya nakulong ay dahil tahasan niyang sinabihan si Herodes na mali ang ginawa nitong pag-agaw at pagsama sa dating asawa ng kapatid niyang si Felipe. Sa kanyang pangangaral, hindi natakot si Juan Bautista na tawaging mga lahi ng ulupong kanyang kababayang namumuhay sa kasalanan bilang tanda ng kanyang pagtutol at paglaban sa mga kalabisan ng lahat.

Gayon din naman, napaka-halaga na mayroon din tayong pag-insist – pagpipilit, paninindigan baga – para sa tama at mabuti katulad nina Elizabeth at Zacarias. Ito ang halimbawa ni Zacartias nang isulat niya bilang pagsang-ayon di lamang kay Elizabeth kungdi sa Diyos mismo na “Juan ang ipapangalan” sa anak nila.

Nang mangaral si Juan Bautista sa ilang, pinanindigan niya lahat ng tama at mabuti kaya naman sa siya man ang unang naghandog ng kanyang buhay sa katotohanan katulad ni Jesus nang papugutan siya ng ulo ni Herodes sa salang pagsasabi ng totoo. Sa panahon natin hindi pa umaabot sa mga pagpaparusa maliban sa panlalait ang ating hinaharap sa paninindigan sa tama at mabuti tila hirap na hirap na tayo. Bumoto lang ng tama sa pagwawaksi sa mga corrupt at mamamatay tao, hindi natin magawa. Paano pa ang manindigan sa ibang turo ni Kristo?

Larawan kuha ng may-akda, Angels HIlls Retreat House, Tagaytay, Abril 2025.

Pagmasdan natin. Sa isang simpleng pagsusulat lamang, nabago si Zacarias at muling nakapag-salita nang kanyang ipagpilitan kalooban ng Diyos na Juan ang ipangalan sa sanggol. Higit pa roon, nabago ang kasaysayan ng mundo dahil sa pagpipilit niya sa pangalang Juan sa kanyang anak, natupad lahat ng propesiya sa tagapaghanda ng darating na Kristo.

Sa tuwing tayo at nagdedesist, resist at insist ng tama at mabuti laban sa kasamaan at kasalanan, tayo ay nagiging pagpapala ng Diyos na siyang kahulugan ng pangalang Juan. Kapag nagkakagayon, tunay nga nating naihahatid sa pagdating sa mundo ngayon si Jesus na pilit binubura, inaalis ng marami sa buhay sa mundo ngayon na pinapanginoon ay salapi at kapangyarihan.

Ngayong ika-pitong araw ng nobena sa Sacred Heart at Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni Juan Bautista, hinahamon tayo ni Jesus na huwag maging bantilawan – indifferent – o sala sa init, sala sa lamig sa ating pagiging alagad niya. Ating i-resist ang masasama at kasalanang laganap at mag-insist di lamang sa pagtuturo kungdi sa halimbawa sa ating pamumuhay ng ebanghelyo ni Kristo.

O Jesus na mayroong
maamo at mapagkumbabang Puso,
Gawin Mong ang puso nami'y
matulad sa Puso Mo!
Amen.

*Ang ideya ng SOLSTICE ay aking hinalaw mula sa pagninilay naman sa mga panahon ni Sr. Renee Yann, RSM sa kanyang blog na aking sinusundan; napakaganda ng kanyang mga lathalain at bakas ang kanyang kabanalan at karunungan. Tingnan sa link na ito: http://lavishmercy.wordpress.com

Tag-Araw, Tag-Ulan (Ang Solstice)

Lord My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Sacred Heart Novena Day 6, 23 June 2025
Detalye ng painting ng Sacred Heart of Jesus sa Visitation Monastery, Marclaz, France mula sa godongphoto / Shutterstock.

Sigurado, sasabihin ninyo ako ay kumakanta na naman sa pagninilay dahil sa ating pamagat na “Tag-Araw, Tag-Ulan” mula sa awitin ng yumaong si Haji Alejandro noong aming kabataan ng 1977.

Bata pa lamang po ako ay mahilig na ako sa radyo at tugtugin kaya hindi ko maiwasang maugnay palagi maski sa pagdarasal ang maraming awiting aking nagisnan.

At heto na nga po ang titik ng awit ni Haji na noon ay tinaguriang “kilabot ng mga kolehiyala” di lamang sa kanyang porma kungdi sa ganda ng boses at mga tema ng pag-ibig sa kanyang musika katulad ng “Tag-Araw, Tag-Ulan”:

Tag-araw, sa may dagat namasyal
At pagdilim, sa may baybay humimlay
At nagyakap, sabay sa pagsabog ng alon
Sabay sa paghuni ng ibon, saksi ay liwanag ng buwan
'Di ba sabi mo pa, na wala pang iba
Na ako ang una sa pagmamahal mo, sinta?

At ang buhay nating dal'wa ay nagbunga
Ng makulay na pag-ibig na dakila
Ngunit, bakit ngayong umuugong ang hangi't ulan
'Sing lamig ng gabi ang mga halik mo?
Ni wala nang apoy, titig mo sa akin
Naglaho ba ang pagmamahal mo, sinta?
Larawan kuha ng may-akda, La Trinidad, Benguet, 12 Hulyo 2023.

Hanapin na lamang po ninyo sa YouTube.com ang awit ni Haji na “Tag-Araw, Tag-Ulan” dahil ngayong ika-anim na araw ng ating Nobena sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus ay bisperas din ng Dakilang Kapistahan ng Pagsilang ni San Juan Bautista, ang tagapaghanda ng Kristo.

Bukod tanging siya lamang at si Jesus ang ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng pagsilang bilang Dakilang Kapistahan o Solemnity, ang pinaka-mataas na antas ng selebrasyon sa Simbahan. Palaging pinag-ugnay ng mga ebanghelista lalo ni San Lukas ang buhay at misyon nina San Juan Bautista at Panginoong Jesus na magpinsang makalawa.

Bagama’t ating ipinagdiriwang din ang pagsilang ng Mahal na Birheng Maria tuwing ika-walo ng Setyembre, ito ay Kapistahan lamang o Feast. Kaya kung inyong napapansin, ang kapistahan kadalasan ng mga Santo at Santa ay petsa ng kanilang kamatayan dahild doon sila pumasok sa buhay na walang hanggan.

Marahil sa bahaging ito nagtataka na kayo nasaan ang kaugnayan ng ating introduction na awitin ni Haji na “Tag-Araw, Tag-Ulan” at nina Jua Bautista at Jesu-Kristo at ng Kanyang Kamahal-Mahalang Puso? Heto po mga kaugnayang iyon:

  1. Isinilang si Juan Bautista panahon ng summer solstice, ang pinakamahaba at pinaka-maliwanag na araw sa buong taon tuwing Hunyo habang si Jesus naman ay isinilang ng winter solstice, pinaka-mahaba at pinaka-madilim na araw tuwing Disyembre upang ipakita kanilang ugnayan: dala ni Juan Bautista ang liwanag ni Kristo na siyang liwanag sa gitna ng malaking kadiliman ng mundo.
  2. Ang salitang “SOLSTICE” ay mula sa wikang Latin ng pinagsamang mga kataga na “SOL” (araw o sun) at “SISTERE” (tigil o hinto, stop o stand still gaya ng “to desist/resist” sa Ingles) na kung saan pansamantalang tumitigil o humihinto ang mundo at tumututok sa araw kaya pinaka-maliwanag din ang araw na iyon. Ayon sa PAGASA, naganap ang summer solstice ng 2025 sa bansa noong Sabado, ika-21 ng Hunyo bandang alas-10:42 ng umaga;magaganap ang winter solstice naman sa ika-21 ng Disyembre, 2025 ganap na alas-11:03 ng gabi na siyang pinakamahaba at madilim na araw naman.
  3. Yung awit ni Haji ay “summer solstice” sa Pilipinas na kung saan ating nararanasan ang tag-ulan sa tag-araw, hindi ba? Sa awit ni Haji, nagtataka siya bakit huminto ang kanilang pagmamahalan na tila lumalabo na kanilang samahan katulad ng malakas na ulan sa gitna ng sikat ng araw.
Larawan kuha ng may-akda sa St. Paul Spirituality Center, La Trinidad, Benguet, 06 Enero 2025.

Ang ganda ng larawan, hindi ba?

Subalit, hindi ba ganyan din kadalasan ugnayan natin sa Diyos, parang malabo na di maintindihan? Alalaong-baga, itinakda ng Diyos na natural na tumigil (sistere) pansamanatala ang mundo sa harap ng araw (sol) upang magkaroon ng SOLSTICE upang pahabain at paliwanagin ang araw minsan kada Hunyo at dagdagan ang dilim ng gabi minsan kapag Disyembre upang mabalanse ang init at lamig sa daigdig. Kapag walang solstice, maaring masunog at matusta siguro ang mundo! Kaya mahalaga ang solstice na siya ring panawagan ng Diyos sa ating lahat ngayon.

Dumating si Juan Bautista upang magkaroon ng sosltice kung baga upang tumigil at magisis ng mga kasalanan at magsuri ng sarili upang magbalik sa Diyos sa pamamagitan ng pagkilala at pagmamalasakit sa kapwa.

Ito rin ang kailangan natin sa buhay ngayon, ang pagtigil at pananahimik. Tingnang paanong pinatahimik ng anghel si Zacarias na ama ni Juan Bautista. Katulad niya tayong mga tao ngayon. Puro tayo mema – memasabi lang. Puro kuda ika ng mga bata. Lahat iniisip natin maski problema ng Diyos, problema ng mga kung sinu-sino.

Napansin ko sa aking pagiging chaplain dito sa unibersidad, maraming mga bata ngayon ang “over-thinker” pero hindi na man “critical-thinker”.

Senyales ng kawalan ng pagtitiwala maging ng pananampalatay ang pagiging overthinker – lahat kasi inaalala at kinatatakutan. Madalas mga overthinker ay manipulator at control freak din. Wala kasing tiwala katulad ni Zacarias na ang lakas ng loob hamunin ang angel sa tanong niya kung paano niya matitiyak na totoo ang mabuting balita sa kanya ng pagkakaroon ng anak gayong baog at matanda na si Elizabeth na kanyang may-bahay?

Sa kabilang dako naman, pagmasdan ang kusang pananahimik o pagtigil (sistere) ni Elizabeth sa loob ng kanilang tahanan ng anim na buwan nang siya ay magdalantao kay Juan Bautista. Puno siya ng tiwala at pananampalatay sa Diyos katulad ng kanyang pinsang si Maria na pagkaraan ng anim na buwan ay babalitaan din ng anghel ng pagsilang niya sa Kristo.

Katulad din niya si Jeremias na tinawag at hinirang ng Diyos sa unang pagbasa upang maging kanyang propeta. Bagaman ipinakikita ng tagpo ng unang pagbasa ang pagkakahalintulad ng misyon nina Jeremias at Juan Bautista bilang tagapagsalita ng Diyos, ipinakikita rin sa atin ang attitude niya na tumigil at tumalima sa atas ng Diyos.

Larawan kuha ng may-akda, Cabo de Roca, Pundaquit, San Antonio, Zambales, 14 Mayo 2025.

Sa kuwento ng pagsilang ni Juan Bautista, ipinakikita sa atin kung paanong ang Diyos ay pumapasok sa ating panahon at buhay upang isagawa ang kanyang pagliligtas. Subalit malinaw din sa kuwentong ito ang pakikipag-isa ng tao tulad nina Zacarias at Elizabeth maging ni Jeremias upang maganap plano ng Diyos kay Jesu-Kristo.

Ito ang misyon na ipinagpapatuloy ng Simbahan gaya ng pagninilay at paliwanag ni San Pedro sa ikalawang pagbasa. Kung titingnan natin, madalas parang malabo ang Diyos, parang tag-ulan sa tag-araw na tinatawag tayo sa misyon kay Kristo gayong kay rumi natin sa kasalanan, kay daming kapintasan. Madalas pa nga ay tumatanggi tayo o naghahamon gaya ni Zacarias.

Subalit isang bagay ang malinaw: hindi titigil ang Diyos hanggat hindi tayo napapatigil din upang makinig at sumunod sa kanya. Sa araw na ito, hiling sa ating ng Sacred Heart ay magkaroon ng solstice – huminto at tumigil pansamantala at itutok ating tuon at sarili sa alab ng apoy ng pag-ibig ni Jesus sa atin.

O Jesus na mayroong
maamo at mapagkumbabang Puso,
Gawin Mong ang puso nami'y
matulad sa Puso Mo!
Amen.

*And ideya ng SOLSTICE ay aking hinalaw mula sa pagninilay naman sa mga panahon ni Sr. Renee Yann, RSM sa kanyang blog na aking sinusundan; napakaganda ng kanyang mga lathalain at bakas ang kanyang kabanalan at karunungan. Tingnan sa link na ito: http://lavishmercy.wordpress.com

Re-membering Jesus, Body & Blood

Lord My Chef Sunday Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Solemnity of the Most Holy Body & Blood of Christ, Cycle C, 22 June 2025
Genesis 14:18-20 ><}}}}*> 1 Corinthians 11:23-26 ><}}}}*> Luke 9:11b-17
Photo by FlickrBrett Streutker from catholic365.com.

From the highest truth of our faith last Sunday which is the Blessed Trinity in one God, we now celebrate in the resumption of Sundays in Ordinary Time the Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ.

This feast highlights our faith in God who truly exists and had come to us in Christ Jesus, the Second Person of the Holy Trinity. In Christ through the Sacrament of the Eucharist he established at the Last Supper, we are given the “taste” of heaven literally speaking under the signs of bread and wine that become his Body and Blood we share. This was his command on that Holy Thursday evening to always remember him as St. Paul tells us in the second reading, the oldest account of the institution of Eucharist:

Brothers and sisters: I received from the Lord what I also handed on to you, that the Lord Jesus, on the night he was handed over, took bread, and after he had given thanks, broke it and said, “This is my body that is for you. Do this in remembrance of me.” In the same way also the cup, after supper (1 Corinthians 11:23-25).

Photo by MART PRODUCTION on Pexels.com

Two words I wish to share with you on this Solemnity of the Body and Blood of Christ.

First is the word “remembering” or to remember. A very common word we use often but perhaps never aware of its deeper meaning from its root word “member” which means a part. Literally, to remember means “to make part again”. When we remember a person, an event in life, a thing from the past or long gone or not with us, we make them a part of the present moment.

The Eucharist is the highest form of remembering because literally speaking, we make Jesus a member of our present moment. When we re-remember Jesus in the Eucharist, he truly comes to us in Body and Blood! Truly present with us, in us after receiving him in the Holy Communion. Whenever we remember a loved one or a friend long gone or not with us at the moment, all we have is a memory. They become a member of the present but only in the mind unlike Jesus truly present with us, in us, and before us in his words, in his Body and Blood and in one another celebrating the Eucharist.

Photo by author, Old Jerusalem seen from Church of Dominus Flevit, May 2017.

It is not magic but a work of faith, a gift through and through from God in Jesus Christ. By his dying on the Cross and Resurrection at Easter, Jesus superseded and transcended time and space, sharing with us that sacred reality.

St. John Paul II beautifully called that “cosmic reality” when he described in his encyclical Ecclesia De Eucharistia how he felt transported in time and space when the temporal becomes divine because of God’s true presence anywhere he celebrated the Eucharist. We too experience the same cosmic reality in every Mass we celebrate when we are properly disposed, especially the priest and the servers.

That is why I always demand the highest order from priests and servers in celebrating most solemnly as possible the Holy Mass. I can stand kids playing inside the church but what gets to my nerves are servers talking or moving unnecessarily during the Mass and worst of all, when lectors proclaim the word of God incoherently and wrongly. Lest we forget also the choir members feeling so magaling forgetting they are in the Mass not in a concert that they make it a show, forgetting all about God and the people.

What a tragedy when we priests and liturgical ministers are the ones who forget to re-member Jesus in the Eucharist with our too much attention to ourselves. Exactly like the Twelve in our gospel!

As the day was drawing to a close, the Twelve approached him and said, “Dismiss the crowd so that they can go to the surrounding villages and farms and find lodging and provisions; for we are in a deserted place here.” He said to them, “Give them some food yourselves.” They replied, “Five loaves and two fish are all we have, unless we ourselves go and buy food for all these people” (Luke 9:12-13).


Imagine that scene of how the Twelve have totally “forgotten” the more than five thousand people gathered there with them. They were just thinking of themselves because they were in a “deserted place”. What a disrespect!

Respect is lost and disregarded when there is no remembering of others, when we forget others. Respect is from two Latin words re (again) and specere (to look/see) from which the words spectacle and spectacular came from. Re + specere or “respect” means to look again in order to see!

The Twelve were just concerned with themselves, not only forgetting but without respect at all with the people they have failed or refused to recognize as humans too who get tired and hungry like them. As we have cited in earlier, this continues right in our eucharistic celebrations when priests and ministers celebrate unprepared, unmindful of the sanctity of the Mass.

Remembering is not merely “thinking” of others in our mind and memory.

Remembering is making others present in our very selves!

Remembering is making every-body a some-body by giving our very selves to them to be the Body of Christ. Unless we are able to truly share our very selves in person, in body and blood too, then every Mass will remain merely a rite or a ritual. Worst, an activity we just have to fulfill.

The Eucharist is the summit of our Christian life because of this aspect of remembering Jesus Christ that leads us into a true communion of sharing of persons and experiences, in our joys and sorrows, in our hopes and belief. When this happens, then every remembering becomes a thanksgiving too.

And that is our second word I wish to instill in you today – thanksgiving which is the meaning of the Greek word eucharistia.

When there is a real experience of each others’ presence in love and mercy, kindness and care, justice and fairness, gratitude flows naturally resulting in peace and harmony. It is the whole meaning of our first reading when the priest of God named Melchizidek who was also the king of Salem which means “peace” blessed Abram after winning in a battle.

This short scene is a story of remembering God’s goodness to Abram who thanked Melchizidek by giving him a tenth of everything he had won in the battle. In the Holy Mass, what do we really share from our very selves? Not just treasures but even our very time to give totally to Christ without texting.

Now we see the series and cycle of remembering and thanksgiving in sharing of gifts of self which the Body and Blood of Christ signify to us.

This coming Friday we shall celebrate the third consecutive Solemnity in the resumption of Ordinary Time with that of the Most Sacred Heart of Jesus, a reminder to us all to make Jesus present always in ourselves with others especially at this time the world has been deleting from its every aspect God.

Lord Jesus Christ,
transform me like the
bread and wine
into your Body and Blood
to be offered and shared
with others
especially those
in most need.
Amen.
Photo by Pixabay on Pexels.com

Sana dalawa ang puso…natin?

Lord My Chef Daily Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II
Sacred Heart Novena Day 4, 21 June 2025
Detalye ng painting ng Sacred Heart of Jesus sa Visitation Monastery, Marclaz, France mula sa godongphoto / Shutterstock.

Siguro napakanta kayo sa pamagat ng ating pagninilay ngayong araw na buhat sa 1992 hit ng yumaong si Bodjie Dasig at ng kanyang Law of Gravity na Sana Dalawa ang Puso Ko (ginawa din itong pelikula noong 1994 starring Dina Bonnevie, Alice Dixson at Rustom Padilla).

Usiginanga… kantahin nga natin:

Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana nalilito kung sino sa inyo
Sana dalawa ang puso ko
Hindi na sana kailangan pang pumili sa inyo

Maraming naging bersiyon ang kantang iyon kasi nga bukod sa maganda ang tono, e talaga namang paborito ng maraming “nalilito” sa pag-ibig kungdi sa kungdi sa buhay mismo.

Subalit ang mabuting balita ngayong ikaapat na araw ng ating Nobenaryo sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus ay batid mismo ito ng Panginoon – ang ating kalituhan sa buhay na kanyang tinatalakay sa ebanghelyo ngayon.

“Walang makapagilingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan” (Mateo 6:24).

Larawan kuha ng may-akda, Sacred heart Novitiate, Marso 2024.

Ginamit na kataga sa English translation ng bahaging ito ng ebanghelyo ang orihinal na kataga na “mammon” – You cannot serve both God and mammon.

Kung tutuusin sabi ng mga dalubhasa sa bibliya, walang tiyak na translation ang “mammon” at naging pakahulugan na lang ang kayamanan at pera o salapi. Ayon sa kanila, malawak at kumplikado ang sinasaad ng “mammon” katulad ng ano mang labis (excess) at imbalance o kawalan ng balanse sa mga bagay-bagay na nagdudulot ng pagkakasakit at kawalan ng katarungan.

Alalaong-baga, ang “mammon” gaya ng ano mang labis at sobra ay nakakasama at nakakasira sa ating pagkatao. Maaring ituring ang pagkain at inumin o kahit anong bagay na mabuti ngunit sumasama kung sumosobra. Ang “mammon” ay ano mang bagay na nakaka-addict na ayaw na nating bitiwan hanggang sa malunod o malulong na tayo at malimutan natin ating sarili pati mga kapwa natin.

Totoo naman na kailangan natin ang pera upang makapag-aral, magkaroon ng damit at ng makakain ngunit kapag ito at iba pang mga bagay maging mga tao na ang ating pinapanginoon, ang mga ito ay nagiging mammon. At kung magkagayon, mas malamang na hindi malayo na tayo ay nagkakasala o namumuhay sa kasalanan. Kaya kailangang matukoy natin ang ating mga “mammon” bago maging huli ang lahat at masira na ating buhay sa kasalanan.

Larawan kuha ng may-akda, Sacred heart Novitiate, Marso 2024.

Gayon din naman, hindi pa rin sapat na matukoy lamang natin ang iba’t ibang “mammon” at mga kalabisan sa buhay natin. Mahalaga ring makita ang sitwasyon ng buhay ngayon na kung saan ang Diyos ay binabale-wala at ang mga turo ng Simbahan maging ano mang kabutihan ay pinagtatawanan.

Ito pinakamahirap sa ating panahon ngayon na namumuhay tayo sa gitna ng maraming makabagong teknolohiya na nagbubunsod ng mga kakaibang kamalayan at kaisipan kung saan ang lahat ay sinusukat na lamang sa pera at kapakinabangan. Hindi lamang nangingibabaw ang mga materyal na bagay at lahat ng uri ng “mammon” kungdi wala na rin ang Diyos sa usapan.

Tawag dito sa Ingles ay “dissonance” o mawala sa tono tulad ng sa musika. Hindi ba ganito ang buhay nating ngayon, wala sa tono?

Sa ating pagsisikap na mamuhay ayon sa ebanghelyo, lumago sa espirituwalidad at maging banal gaya ng panawagan ni Jesus sa ating lahat, kitang-kita at damang-dama natin na napaka-hirap nito. Palaging nakasalungat ating mga pahalagahan o values sa pinahahalagahan at patakaran ng mundo na ang gusto palagi ay maging mayaman at makapangyarihan, maging sikat at kilala, maging malaya sa maling paraan kayat ang panawagan ng marami ay diborsiyo at abortion, pati na rin same sex marriage.

13th Day Devotion sa Our Lady of Fatima University CAS Chapel, Agosto 2023.

Subukan mong ituro o magsalita ukol sa katapatan sa pag-aasawa, ang kamalian ng pakikipagtalik sa kapwa lalake o babae, ang karapatan ng mga sanggol sa sinapupunan at ikaw ay pagtatawanan, lalaitin at kukutyain habang pinagsasabihan ng lahat ng pangalan mula kosnerbatibo o makaluma, Pariseo, at nagmamalinis.

Balikan ating mga pagbasa nitong lumipas na isang linggo na ang mga paksa ay salungat sa gawi ng kasalukuyang daigdig tulad ng pagmamahal sa kaaway, pagiging bukas-palad, at pagdarasal tuwina.

Sa mundo ngayon, ang binibigyang halaga palagi ay kaginhawahan, kung ano ang madali at kalugod-lugod. Ultimo ang pagtanda ay tinitingnang kapintasan at sakit na kinatatakutan kaya lahat ay gustong manatiling bata.

Noon pa man ay napansin na ito ni San Pablo ngunit para sa kanya, walang saysay ang ipagyabang ating husay at galing bagkus dapat nating ikatuwa ang mga sakit at pagtitiis na pinagdaraanan sa ngalan ng Panginoon.

ganito ang kanyang (Panginoon) sagot, “Ang tulong ko ko’y sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya’t buong galak na ipagmamapuri ko ang aking kahinaan upang palakasin ako ng kapangyarihan ni Cristo. Dahil kay Cristo, walang halaga sa akin kung ako ma’y mahina, kutyain, pahirapan, usigin, at magtiis. Sapagkat kung kailan ako mahina, saka naman ako malakas (2Corinto 12:9-10).

Mismong ang Panginoong Jesus ito rin ang naranasan noong siya ay pumarito sa lupa. Hanggang sa Krus hindi siya tinantanan ng diablo sa panunukso, pilit na hinahati kanyang puso at kalooban upang talikuran ang Ama sa langit kasama na tayong mga tao.

Larawan kuha ng may-akda, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 Marso 2025.

Subalit nanatiling matatag si Jesus. Ni minsan hindi niya naisip na sana dalawa ang kanyang puso sapagkat sa kanyang Kamahal-Mahalang Puso, iisa ang nanatiling tuon at laman.

Ngunit pagsumakitan ninyo nang higit sa lahat ang pagharian kayo ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangan ninyo (Mateo 6:33).

Nag-iisa lang ang ating puso dahil nag-iisa lamang tayo sa Puso ni Jesus. Bawat isa sa atin ay kanyang pinakamamahal.

Sa atin bang puso, si Jesus din ang ang pinaka-mamahal? O, nahahati na rin ang puso natin, namamangka sa dalawang ilog?

O Jesus na mayroong
maamo at mapagkumbabang Puso,
Gawin Mong ang puso nami'y
matulad sa Puso Mo!
Amen.

Ang tunay na kayamanan, nakikita ng mata, nakikilala ng puso

Lord My Chef Daily Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II
Sacred Heart Novena Day 3, 20 June 2025
Detalye ng painting ng Sacred Heart of Jesus sa Visitation Monastery, Marclaz, France mula sa godongphoto / Shutterstock.

Kamangha-mangang pakinggan mga obserbasyon ng Panginoong Jesus sa maraming bagay sa ating buhay na nagpapatunay na taong-tao nga siya katulad natin. Nakatapak siya sa lupa at dama lahat ng ating karanasan at pinagdaraanan katulad nitong pahayag niya sa ebanghelyo sa araw na ito na muling tumugma sa ating pagnonobena sa Sacred Heart.

Sinabi ni Jesus, “Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito’y may naninirang tanga at kalawang at may nakakapasok na magnanakaw. Sa halip, impukin ninyo ay mga kayamanan sa langit; doo’y walang naninirang tanga at kalawang, at walang nakakapasok na magnanakaw. Sapagkat kung saan naroon ang inyong kayamanan, naroon din naman ang inyong puso” (Mateo 6:19-21).

Higit pa sa isang obserbasyon, inaanyayahan at hinahamon din tayo ngayon ni Jesus na suriing mabuti upang matapat nating maamin sa sarili kung saan nga ba nakatuon ang puso natin. Ano o sino nga ba ang ating tanging yaman o tunay na kayamanan sa buhay?

Photo by Lara Jameson on Pexels.com

Hindi pa rin mabura sa aking isipan isang katotohanang tumambad sa akin nitong nakaraang Christmas party sa opisina kung saan noong parlor game na “bring me” ay tinanong ng emcee kung “ano ang una mong hinahanap pagkagising sa umaga?”

Sagot ko ay salamin upang mabasa ko ang oras subalit laking gulat ko na ang tumpak na sagot daw ay cellphone!

Nagsurvey ako sa elevator hanggang sa Misa noong hapon na iyon sa chapel maging noong Simbang Gabi sa parokya at ang sagot ng bayan – cellphone pa rin!

Naisip-isip ko, wala bang naghahanap ng tsinelas o kape o ng asawa o ng anak man lang pagkagising kungdi cellphone?

Paano na ang Diyos, may naghahanap pa ba sa kanya tuwing umaga? Siguro kapag mayroon na lang krisis o matinding pagsubok ang tao sa kanyang buhay. Ngunit kung sagana at maayos ang pamumuhay, mga materyal na bagay ating inaatupag marahil, lalo na ang cellphone at social media.

Pagmasdan kung paanong halos sambahin ng mga tao ngayon ang cellphone na pirming dala-dala hanggang sa loob ng simbahan o palikuran. Sa mga sasakyan at tahanan at kung saan-saan, nakakagulat makita lalo mga bata nakasubsob ang ulo sa cellphone. Ang malungkot, isa sa mga unang inaalam ng karamihan ngayon ay kung anong cellphone ang gamit mo dahil dito na sinusukat ang pagkatao lalo na kapag gamit mo ay iPhone 16 Pro-Max! May nagtatanong pa nga kung “fully paid” daw ba iyong Pro-Max?

At hindi biro ang halaga ng mga cellphone ngayon kaya nga para tayong mga baliw hindi lang sa pagbili nito kungdi sa labis na pagpapahalaga. Pagmasdan kapag nawawala ang cellphone nino man – hindi mapakali at parang kiti-kiti sa pagkapkap ng buong katawan at pag-aapuhap sa kapaligiran para matagpuan nawawalang cellphone. Kay saklap na katotohanan subalit halos lahat tayo ay guilty, your honor.

Larawan kuha ng may-akda, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, 2015.

Sa ikatlong araw din na ito ng ating nobenaryo sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus, tayo man ay kanyang inaanyayahan na maging malinaw at matalas ating mga mata upang makita natin higit na mahahalaga sa buhay.

“Ang mata ang pinakailaw ng katawan. Kaya’t kung malinaw ang iyong mata, maliliwanagan ang buo mong katawan. Ngunit kung malabo ang iyong mata, madirimlan ang buo mong katawan. Kaya’t kung ang liwanag na nasa iyo ay kadiliman pala, napakadilim niyan!” (Mateo 6:22-23)

Kapag malabo ating mga mata, kapag mga bagay na materyal lang pinapansin at binibigyang halaga at ayaw nang tumanaw sa malalalim na katotohanan sa buhay, iba ang kahihiligan ng ating puso.

Mananatili tayong salat at dukha sa tunay na kayamanan sa Diyos na tanging sa kanya lamang matatagpuan sa pamamagitan ng ating mga ugnayan sa ating mga kapwa lalo na sa ating pamilya at mga kamag-anak pati na mga kaibigan. Sa ating pakikipag-ugnayan, doon lumalalim at yumayaman ating katauhan sa iba’t ibang karanasan ating napagdaraanan lalo na ng mga pagsubok at dagok sa buhay tulad ng hindi mahalin, tanggihan o talikuran at pagtaksilan, masaktan at mabigo, magkasakit at maghikahos sa buhay, maging mamatayan.

Iyan ang itinuturo ni San Pablo sa unang pagbasa: para sa kanya, ang ipinagmamalaki niyang higit ay ang kanyang mga kahinaan at kabiguan dahil doon nahahayag kapangyarihan at kadakilaan ni Jesus. Taliwas at salungat sa gawi ng mundo lalo ngayon na puro payabangan, pahusayan, pasikatan mga tao lalo na sa social media.

Subalit batid din natin naman ang masaklap na katotohanan na sa kabila ng maraming karangyaan at kayamanan, kapangyarihan at katanyagan, lalo namang naliligaw at nawawala mga tao sa ngayon. Kulang at kulang pa rin ating kagalakan at kaganapan o fulfillment sa buhay.

Wika nga ni San Agustin, “Ginawa mo kami para sa Iyo, O Panginoon, at hindi mapapanatag aming puso hanggat hindi napapahingalay sa Iyo” (You have made us for yourself, O Lord, and our hearts are restless until they rest in you”).

Ngayong ikatlong araw ng ating pagsisiyam sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus, buong kababaang loob tayo dumulog sa kanya at ilahad ating mga pusong dukha at salat sa tuwa at kagalakan, ang ating mga puso na taksil at puno ng kasalanan. Higit sa lahat, atin ding mga puso na sugatan sa maraming sakit at hapis na pinagdaanan. Hayaan nating linisin, hilumin at panibaguhin ni Jesus ating mga puso upang siya na ang lumuklok at manahan dito yaman rin lamang na Siya ang ating tanging yaman. Managing tayo:

O Jesus na mayroong
maamo at mapagkumbabang Puso,
Gawin Mong ang puso nami'y
matulad sa Puso Mo!
Amen.

Pangungusap ng Puso

Lord My Chef Daily Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II
Sacred Heart Novena Day 2, 19 June 2025
Detalye ng painting ng Sacred Heart of Jesus sa Visitation Monastery, Marclaz, France mula sa godongphoto / Shutterstock.

Nakatutuwa itong ating wika. Mabulaklak na kahit hindi ka isang makata minsa’y di sinasadya ika’y nakakatha ng kahit maigsing tula.

Madalas ating mabasa sa mga panitikan at mapakinggan saan man kuwentuhan na tila baga itong puso ay nagsasalita gayong wala naman itong bibig. Mismo ang Panginoong Jesus noon ay nagsabi na “ano man ang bukambibig, siyang laman ng dibdib” (Mt.12:34 at Lk.6:45) upang ipakita ang pagkakadugtong ng puso at bibig tulad ng kaisahan nito sa ating kamay batay sa pagninilay kahapon.

Samakatwid, nangungusap nga itong ating puso. At iyan ang ibig kong pagnilayan ngayong ikalawang araw ng ating pagsisiyam para sa Dakilang Kapistahan ng Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus. Ito ang sinasaad sa ating napakinggan ngayong araw na bahagi ng pangangaral ni Jesus sa mga tao mula sa kanyang sermon sa bundok.

“Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ngn napakaraming salita, gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y pakikinggan sila ng Diyos dahil sa dami ng kanilang salita. Huwag ninyo silang tutularan. Sapagkat alam na ng inyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa man ninyo hingin sa kanya. Ganito kayo mananalangin: ‘Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang pangalan mo'” (Mateo 6:7-9).

Photo by Designecologist on Pexels.com

Isa sa mga madalas na itanong sa akin ng mga mag-aaral dito sa Our Lady of Fatima University bilang kanilang chaplain ay alin daw ba ang dapat nilang pakinggan, sigaw ng puso o sigaw ng isipan?

Palagi kong tugon sa kanila ay ang pabirong paalala na unahin nilang pakinggan lagi ang sigaw ng kanilang mga magulang.

Pagkaraan ng ilang tawanan, saka ko binabalik sa kanila ang tanong sa ibang anyo naman: humihiyaw nga ba ang puso gayong ang pagtibok nito ay napakahina? Hindi kaya sa pakikipag-usap sa atin nitong ating puso, ang ibig nito ay taimtim na pakikinig dahil kung ito ay mangusap, madalas ay pabulong.

Larawan kuha ng may-akda, Atok, Benguet, 27 Disyembre 2024.

Mag-imagine tayo kunwari ay naroon tayo sa bundok sa sermon ni Jesus. Siguradong malakas ang tinig niya sa pangangaral ngunit sa aking pakiwari mayroong indayog ang kanyang pananalita na kung saan minsan-minsan marahil siya ay bumubulong katulad nitong sa pagtuturo niya kung paano tayo mananalangin. Mahigpit ang kanyang bilin na huwag tutularan mga Hentil na napakaraming sinasabi sa Diyos sa pakiwaring sila ay pakikinggan. Hindi natin kailangang maging maingay at daanin sa dami ng sinasabi ang Diyos bagkus higit na mainam ang pananahimik upang mapakinggan sinasabi sa atin ng Diyos. Sinabi na ni Jesus na alam ng Diyos ating pangangailangan bago pa man tayo dumulog sa kanya sa pagdarasal. Kaya tayo nagdarasal ay upang pakinggan kalooban ng Diyos.

Kaya gumagamit ng stethoscope mga duktor at nurse kasi nga mahina ang tinig ng puso natin. At yon ang unang kinakailangan sa pananalangin – katahimikan upang Diyos ay mapakinggan!

Kung ang puso man ay humihiyaw, marahil wala na tayong masyadong alitan at mga kaguluhan dahil tiyak ating maririnig at mapapakinggan bawat pintig ng puso na iisa ang sinasabi kungdi ang tayo ay magmahal nang tunay. Ito ang buod ng “Ama Namin” at lahat ng mga panalangin. Ang pag-ibig ng Diyos sa ating lahat na ating tinutugunan ng pagmamahal sa ating kapwa dito sa lupang ibabaw lalo na sa pagpapatawad sa kanilang pagkakasala sa atin.

Sa Kamahal-Mahalang Puso ni Jesus, doon ay malinaw na inihahayag ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa ating lahat ngunit walang nakikinig dahil mas nahahalina ang marami sa malalakas at maiingay na tinig ng daigdig. Ito yung ikinalulungkot ni San Pablo sa mga taga-Corinto sa unang pagbasa ngayon dahil napakadali nilang nalinlang at napasunod sa mga kakaibang turo ng ibang nangangaral sa kanila. Katulad din natin ngayon na maraming nagpapaniwala at nahahalina sa mga kung anu-anong kaisipan ng mundo gaya ng new age at wokism at iba pang mga ideya na wala nang pakialam sa Diyos at moralidad gaya ng relativism na siyang sanhi ng paniniwala sa same sex marriage at abortion.

Larawan kuha ng may-akda sa Liputan, Meycauayan, Bulacan, 31 Disyembre 2022.

Imagine din natin na first time napakinggan ang panalanging “Ama Namin.” Malamang pabulong at marahang binigkas ni Jesus ang mga titik ng panalanging ito upang tumimo ng higit sa puso at kalooban ng mga tagapakinig.

Kakaibang kaisipan noon iyon sa mga Hudyo sapagkat ang Diyos sa pagkakaalam nila ay makapangyarihan at hindi maaabot doon sa langit. Ngunit kay Jesus, malapit ang Diyos tulad ng sino mang ama sa lupa. Isang personal at mapagmahal na parang tao ang Diyos na pinakilala ni Jesus sa kanila at maging sa atin ngayon kaya mas malamang ay malumanay na malumanay ang pagbigkas ni Jesus lalo ng “Ama naming nasa langit” dahil puno ng pagmamahal at pag-galang. Hindi ba noong una tayong ma-in love ay tahimik din tayo? Hindi natin pinagsasabi yung pers lab natin?

Ayon sa mga dalubhasa sa bibliya, mas mahaba ang tala ni San Mateo sa pagtuturo ni Jesus ng “Ama namin” kesa sa bersiyon ni San Lukas; layunin anila ni San Mateo na ituro ang ating disposisyon sa pananalangin habang si San Lukas naman ang tuon ay naroon sa laman ng ating dasal.

Sa madaling sabi, pagmamahal ang disposisyon nating dapat sa pananalangin di lamang ng “Ama namin” kungdi mismo sa ating pakikipag-ugnayan sa kapwa na siyang paghahayag ng ating ugnayan sa Diyos.

Ang Ama namin at lahat ng pananalangin ay paghahayag ng ugnayan kaya ang mga ito ay dinarama, nilalasap dahil ito ay isang karanasan na pinaninindigan at pinatutunayan sa mabubuting gawa.

Noong bata pa tayo at wala pang kamuwang-muwang sa mga kalokohan at kasamaan ng mundo, napakadali nating napapakinggan bulong ng puso na magmahal, makipag-bati, magsorry, magsabi ng please at thank you, at maging mabuting tao. Subalit sa ating pagtanda, atin nang tinuturuan ang puso natin ng sariling kagustuhan na dapat laging sundin at pakinggan. Magsinungaling kung kinakailangan.

Masaklap na bunga nito ang ating pagkakawatak-watak. Hindi maramdaman ang ating ugnayan dahil maraming ayaw nang magmahal, ayaw nang kilalanin bawat isa bilang kapatid at kapwa sa iisang Ama nating Diyos.

Ngayong ikalawang araw sa ating pagnonobena sa Sacred Heart, matuto tayong muli na manahimik at makinig sa tinig at pintig ng puso natin upang muli tayong makiniig sa Diyos na Ama natin. Kapag muli nating ninamnam ang katotohanang ito, mapagtatanto na rin natin ang ating kapatiran sa iisang Ama kay Kristong kapatid natin.

Sa ating panahong napaka-ingay at kay dami-daming nag-aagawan sa ating atensiyon upang pakinggan at sundin, marahil ay humihiyaw na nga itong puso natin ng pabulong dahil hirap na itong maiahon ang katotohanan ng pag-ibig na ating ibinaon. Pagmasdan paanong palaging kalakip ng debosyon sa Mahal na Puso ni Jesus ang pagtitika sa mga kasalanan at pagbabalik-loob sa Diyos at kapwa. Kasi nga, ang magkasala ay hayagang pagtanggi natin na magmahal. Iyon ang salita at pangungusap tuwina ng puso – magmahal, magmahal, at magmahal pa rin! Manalangin tayo:

O Jesus na mayroong
maamo at mapagkumbabang Puso,
Gawin Mong ang puso nami'y
matulad sa Puso Mo!
Amen.