Sunrise, fried rice; sunset, pancet!

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-22 ng Mayo 2025
"Sunrise, fried rice
Sunset, pancet!"
ang aking laging sambit
ngunit ang aking favorite 
ay sunrise
maski wala nang
fried rice kasi maaga
akong gumising; 
sa mga "madrugeño" 
na katulad ko (early riser
sa wikang Kastila),
mayroong kakaibang alindog
itong pagbubukang liwayway 
kung saan ang liwanag ay unti-unting
sumasagitsit na kahit hindi mo
tanaw ang araw
banaag ang buhay
saan ka man lumingon
mayroong sorpresa;
kakaiba ang dapit-hapon
na palaging inaabangan
sa makukulay na tila isang palabas,
sa pagsikat ng araw
papalaoob ang landas na
tinatahak
kayat hindi lamang
ito tinitingnan kungdi 
dinarama sa kalooban.
Kaunti lamang marahil
ang nagpapahalaga
sa pagbubukang-liwayway
bukod sa mahirap gumising
ng maaga, walang masyadong
nakikita ngunit narito ang ganda
at hiwaga ng bawat umaga:
kinikilala ito katulad ng
isang bagong kakilala,
kinakaibigan hanggang
sa hindi mo na namamalayan
iyo nang nakakapalagayan
at maya-maya
ay dadantay
ang katotohanan
kayo ay kailangan nang
maghiwalay;
kaya rin naman
mas marami ang nabibighani
at nahahalina sa dapit-hapon:
malinaw na sa iyo
ang katuturan ng maghapon
na lumipas kaya
iyo na lang inaabangan
paglisan ng mabuting kaibigan
bago balutin ng dilim ang
kapaligiran
sa pagtatakip-silim.
Sunrise,
Sunset
hangganan ng bawat araw
sa ating dumarating
bagama't magkaiba
sa pandama lalo na sa ating
paningin
nagtuturo ng katotohanan
na hindi lahat nakikita
ng mga mata;
gayon din,
naroon palagi ang dilim
sa piling natin
upang higit nating mahalin
at laging hanapin
tunay na liwanag na hindi
napaparam, si Jesu-Kristo
na dumating
sa pinaka-madilim
na gabi ng buong taon
at muling nabuhay
habang madilim-dilim pa
nang unang araw ng sanglinggo;
sa pagbubukang-liwayway
at sa dapit-hapon o takip-silim man,
palaging naroon ang Panginoon
tinitiyak sa atin sa
bawat ngayon
at dito
tuloy lang ang buhay!
*Mga larawan kuha sa aking iPhone16
sa Cabo da Roca, Pundaquit, San Antonio, Zambales
Mayo 14-15, 2025.

Human being, not human doing

Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 10 March 2025
When the devil
first tempted Jesus
"If you are
the Son of God,
command this stone
to become bread"
the devil tempts us too
to forget our being
beloved children of God
by doing everything
and anything
for us to be reduced to
human doing
forgetting we are
human being.
And so, Jesus told
the devil, "One does not live
by bread alone",
he tells us too today
even if we cannot do anything
because we are weak and sick,
even if we fail to do something
because we have forgotten or 
was so afraid,
we are still loved
for God is greater than
our hearts who cannot be seen
yet so true and so real,
fulfilling not just satisfying
than any bread.
Photo by author, Timberland Highlands Resort, San Mateo, Rizal, 08 March 2025.
When the devil tempted 
Jesus the third time,
"If you are the Son of God,
throw yourself down
from here",
the devil tempts us too
to totally forget God
because, after all,
whatever we do,
God still loves us;
of course,
that is true: we are humans
loved and cared
in our being
not in our doing.
And so, Jesus told
the devil "You should not
put the Lord, your God
to the test",
he tells us too today
for us to stop pushing
the limits of morality
and decency,
and simply let
the mysteries of God
and of life wrap us because
they are greater than us,
not problems to be
solved nor principles
to be understood.
Photo by author, 10 March 2025.
Life is a daily Lent,
a journey towards Easter,
a return to our first love,
- God
in Jesus Christ his Son
in whom we have been baptized
and adopted
as his beloved children
as our being and identity:
so let us simply be
our true selves -
his beloved
since the beginning -
loving him totally
in our loving service to others.
This Lent
let us journey in Jesus
in prayer to be one in him;
in fasting to create space for him within;
in alms-giving to be one with
fellow human beings
for we are not
human doings
who cannot do everything
who cannot know
and explain everything
except to wonder more,
to love more,
to appreciate more,
to believe and trust God more.
*Collage are photos of our students last February 09, 2025 spending a Sunday afternoon of love with children with cerebral palsy and family.

**Special thanks to our sister in faith, Nicola who gave us the idea for this poem, the beautiful terms "human being, human doing" from her blog https://eaglesight.blog/2025/03/02/rest-and-replenish/.

Pagsusuri, pagmumuni ng pagdiriwang ng ating kalayaan

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-12 ng Hunyo 2024
Mula sa Colombo Plan Staff College, cpstech.org, 12 June 2020.
Tuwing sasapit petsa dose ng Hunyo
problema nating mga Filipino
nahahayag sa pagdiriwang na ito:
alin nga ba ang wasto at totoo,
Araw ng Kalayaan o Araw ng Kasarinlan?
Parehong totoo, magkahawig sinasaad ng mga ito
ngunit malalim at malaki kaibahan ng mga ugat nito:
kung pagbabatayan ating kasaysaysan
araw ito ng kasarinlan nang magsarili tayo bilang isang bansa pinatatakbo ng sariling mamamayan, magkakababayan;
ngunit totoo rin namang sabihing
higit pa sa kasarinlan ating nakamtan
nang lumaya ating Inang Bayan sa pang-aalipin ng mga dayuhan!
Kuha ng may akda, Camp John Hay, 2018.
Maituturing bang mayroon tayong kasarinlan
kung wala namang kalayaang linangin at pakinabangan ating likas na kayamanan lalo na ang karagatan gayong tayo ay bansang binubuo ng mga kapuluan?
Tayo nga ba ay mayroong kasarinlan at nagsasariling bansa kung turing sa atin ay mga dayuhan sa sariling bayan
walang matirhan lalo mga maliliit at maralitang kababayan dahil sa kasakiman ng mga makapangyarihan sa pangangamkam?
Gayon din naman ating tingnan
kung tunay itong ating kalayaan
marami pa ring nabubulagan,
ayaw kilalanin dangal ng kapwa
madalas tinatapakan dahil ang tunay na
kalayaan ay ang piliin at gawin ang kabutihan kaya ito man ay kasarinlan
dahil kumawala at lumaya sa panunupil
ng sariling pagpapasya na walang impluwensiya ng iba kundi dikta ng konsiyensiya!
Larawan kuha ni G. Jay Javier sa Luneta, 2022.
Kalayaan at kasarinlan 
kung pagninilayan
dalawang katotohanang
nagsasalapungan
kung saan din matatagpuan
ang kabutihan,
paglago at pagyabong
ng ating buhay!

Ka-patid

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-15 ng Enero 2024
Photo by Teresa & Luis on Pexels.com
Kapatid.
Mula sa salitang ugat
na "patid" ibig sabihi'y
putol at hiwalay,
nag-iisa at walang
buhay ni saysay;
sa unlaping -ka,
nababago kahulugan,
nagkakaroon ng kasama
nabubuo ugnayan
di lamang sa pamilya
at tahanan kungdi
saanmang samahan.
Kapatid.
Ito ang tawagan
natin sa isa't-isa
na pinagbubuklod di
lamang ng dugo
kungdi higit sa lahat
ng puso at isipan
na kung mawawala
ang ka-patid,
nawawala katuturan
at saysay nitong buhay
kaya lahat handang
ialay habang may buhay.
Kapatid.
Turingan at diwa
di kayang mapatid
kahit ng kamatayan
dahil ugnayan
magpapatuloy
magpakailanman
di kayang putulin
o tabunan ng libingan
dahil batid natin sa pagpanaw
buhay di nagwawakas
samahan at ugnayan
nananatiling wagas.
Kapatid.
Kaputol.
Ng sarili.
Ng buhay.
Ng mithiin at adhika.
Kadugtong
ng tuwa
pati ng luha
tunay na pagpapala
ng Diyos na may likha
sa ating mga kapatid
at kaibigan upang tayo
ay samahan,
alalayan,
at abangan
sakali man
maunang pumanaw
upang maging ating
pisi at lubid sa langit
na hindi mapapatid.
Rest in peace, Dindo (larawan kuha ng kanyang ika-60 kaarawan, Marso 09, 2018).
Paalam, aking kinakapatid
Fernando "Dindo" R. Alberto Jr.;
ikumusta mo ako sa langit
sa mga pumanaw nating
idolo sa musika,
kami na lamang ni
Toby magdiriwang ng birthday
tuwing Marso dito
habang kayo at ang Ninong
magkasama na
sa buhay na walang hanggan.

Hindi mabuti ang mabait

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-05 ng Hunyo 2023
Hindi mabuti
ang mabait.
Malaki kaibahan 
ng mabait sa mabuti;
akala ng marami
sila ay magkatulad
ngunit kung susuriin
sila na rin ang nagsasabi
kabaitan ay kaluwagan,
lahat pinapayagan
pati na rin kasamaan;
madalas tinuturing 
ng karamihan kabaligtaran
ng mabait ay mahigpit
na nagpapatupad ng tama
at wasto ayon sa prinsipyo, 
naaayon sa patakaran at kaayusan
na inaayawan ng mga 
nasa kadiliman 
upang maitago kanilang
kabuktutan
at kasamaan. 
Inyong tingnan 
kaisipan ng karamihan:
sasabihin nila mas
mainam ang mabait
kesa mahigpit,
lahat maipipilit
kahit katuwiran ay pilipit;
at ang mapait
kung sakaling iyong
igigiit kabutihan 
at kaayusan,
ikaw ay pag-iinitan
upang kampihan
tinuturing nilang mabait
sa kanila ay sunud-sunuran
walang paninindigan
lahat pinagbibigyan
at pinapayagan
manatili lang sila
sa kapangyarihan!
Wala sa pagkakampi-
kampihan ang kabutihan
di tulad ng kabaitan 
naroon sa maling pakisamahan
ng mga bata-bata at alaga;
minsa'y nagsumbong si Juan
kay Jesus upang pigilan 
nagpapalayas ng demonyo sa 
kanyang pangalan na hindi nila
kasamahan; sila ay sinabihan
ng Panginoon na iyon ay hayaan
sa ginagawang kabutihan sapagkat
aniya, "ang di laban sa atin 
ay panig sa atin" habang mariin
niya silang pinagbilinan 
mabuti pang talian sa leeg 
ng gilingan bato ang sino mang 
sanhi ng katitisuran sa kasalanan
(Mk.10:38-42) na mas malamang, 
siyang napakabait!
Hindi kalaunan
mahahayag kabulukan
at karumihan
ng mababait
na tawag sa mga bubwit
at daga huwag lang 
makapambuwisit,
aamuin, uutuin
ngunit ang katotohanan
sila ay pinagdududahan
at pinaglalaruan lang din
ng akala nilang mga 
kaibigan;
kitang-kita naman
kawalan nila ng paninindigan
kaya lahat pinapayagan
huwag lang masaling
hungkag nilang katauhan
sa palakpakan lamang
nasisiyahan.
Kaya nga, 
paano nga ba ilalarawan
itong katotohanang 
hindi natin matutunan
na magkaibang-magkaiba
ang mabait at mabuti;
pagmasdan kahit saan -
sa paaralan o tanggapan,
sa tahanan maging sa simbahan
palaging kinakampihan
at pinipili, nagugustuhan
ang mabait
kaya ganito ating larawan
bilang sambayanan:
asong kalye
sa lansangan
inaabangan halalan
hanap ay hindi
husay at kagalingan
kungdi kapakinabangan!
Larawan kuha ni Lauren DeCicca/Getty Images sa Laoag City, 08 Mayo 2022.

	

When we are lost, then found

Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 17 April 2023
Photo by author, 08 February 2023, Taal Vista Hotel, Tagaytay City.
We all know 
that feeling happening
more often lately
a foreboding of senility?
when we go like crazy
why can't we see suddenly
some things we have
held or kept momentarily
until we sound the alarm
and call everyone
to join in the search
but still nowhere to be found.
It could be the key
or the glasses or the phone
that in exasperation
we say begone
only to make us
forlorn figures
in our own home
or tiny room
but sometimes too soon
other times would take
too long, our lost 
things are suddenly found!
Is it part of the riddle
of that black hole they call
when missing things
suddenly appear
without being sought
much less thought?
But here is the thrill:
when things even persons
are missing,
are we not the ones
who are lost
and waiting to be found?
More than the
naked shouts of eureka
is our profound joy
when missing things
even persons suddenly
appear because the truth
is, we were the ones lost
and could not be found
in our cluttered minds
and hearts shut and closed
by our fears and doubts, 
anxieties and insecurities.
In this life
far wider than the world
where planes still go missing
amid modern technologies
and endless searching,
could it be that we are 
missing our bearings
as beings, forgetting 
God and others when we are
lost to our own beliefs or
locked in our small world
of lies and prejudice?
To find those missing 
persons or things dear to us
it might help if we first lose
whatever is holding us
for the world is so wide
for anyone or anything 
to just disappear 
they surely must be here
awaiting for our hearts 
to be clear until we hear
that sweet voice
giving us peace within. 

On the evening of that first day of the week, when the doors were locked, where the disciples were, for fear of the Jews, Jesus came and stood in their midst and said to them, “Peace be with you.” When he had said this, he showed them his hands and his side. The disciples rejoiced when they saw the Lord. 

John 20:19-20
Photo by PhotoMIX Company on Pexels.com

Ang ating banga, ang panalok ni Hesus, at ang balon ng Diyos

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-14 ng Marso 2023
Larawan kuha ng may-akda, Ikatlong Linggo ng Kuwaresma 2019.
Ang kuwento noong Linggo
ng babaeng Samaritana
at ni Hesus sa balon ni Jacob
ay larawan ng buhay natin
na hitik sa mga palatandaan
napakayaman sa kahulugan.
Tayo ang Samaritana
umiigib sa tuwina
banga ay dala-dala
upang sumalok ng tubig
na papawi sa maraming
nilulunggati nauuwi
sa pagiging sawi;
palaging ubos,
hindi sumapat
upang maampat
pagbuhos at pagtapon
ng inigib na tubig
upang matighaw
maraming pagka-uhaw;
palibhasa laman nitong
ating banga ay mga kasalanan
kaya sa katanghaliang-tapat
tayo ma'y sumasalok
gaya ng Samaritana
upang ikubli
sa mga mata ng iba
ating pagkakasala.
O kay ganda marahil
katulad ng Samaritana
matagpuan sa katanghaliang
tapat itong si Hesus
pagod at naghihintay
sa ating pagdating
upang tayo ang kanyang
painumin ng mga salitang
nagbibigay buhay
at tunay na tumitighaw
sa lahat ng ating pagka-uhaw;
panalok ng Panginoon
ay sariling buhay
sa atin ay ibinigay
doon sa Krus nang
kanyang ipahayag
siya man ay nauuhaw,
isang magnanakaw
kasama niyang nakabayubay
doon din sa krus
sa kanya ay nakiinom
sa Paraiso humantong!
Itong balon ni Jacob
paalala ng matandang tipan 
binigyang kaganapan ni Hesus 
nang ipako siya sa krus
noon ding katanghaliang tapat
ng Biyernes Santo;
sa kanyang pagkabayubay 
at pagkamatay sa krus
siya ang naging balon
at panalok ng tubig
na nagbibigay-buhay
dito na sa ating puso at
kalooban bumabalong;
kung sa bawat pagkakataon
tayo ay tutugon
sa kanya doon sa balon,
atin ding mararanasan
at malalaman na sadyang higit
at di malirip ang tubig niyang bigay 
sinalok ng sariling buhay
upang tayo ay makapamuhay 
ng walang hanggan!  Amen.

Post-Valentine notes

Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 15 February 2023
Photo by Elle Hughes on Pexels.com
It has been 24 hours since
Valentine's Day
and I wonder what happened
with all the flowers
not sold yesterday;
do the lovers still stay
and remain true with
all that they say
to love and behold each
other every day?
The flowers declare
what the hearts convey
but too often they are so
lovely beyond compare
when love is not that easy
because in reality,
love is difficult, even painful
that most likely I would
dare say that a loving heart
is more of thorns than of blooms.
A loving heart is first of all
a listening heart;
a heart that listens in silence,
a heart that hears and feels
 the silent screams and cries
 of a beloved;
many times in life,
when our hearts are tired and weary,
saddled with burdens so heavy,
the most lovely company to have
is a listening heart
where words do not matter
because what we bear are too painful
to bare; just a warm, loving heart
that listens and cares is more than enough.
A loving heart is a heart that sings.
Have you noticed
the loveliest love songs
are those that speak
 of a love lost,
of a love that did not end
happily ever after,
a love hoping against hope
that someday would be
redeemed , if not here, even beyond?
A loving heart is able to sing
only when that heart is scarred
for not being loved in return,
of being disappointed,
even betrayed,
of losing
because a heart that continues to love
in darkness and pains
is the one that truly loves,
creating harmony and melodies,
a song or a poem
that ease and soothe
the many hearts hurting.
When a heart listens in silence
and sings amidst the pain,
then the heart celebrates
in finding love in what is true
and in what is good,
in self-sacrifice and
in self-giving;
only the ones who dare
to love even in pain of losing
one's self can celebrate
because in the end,
love prevails,
love triumphs;
that is why we have
Valentine's day -
a celebration of
how lovers of God and
lovers of fellowmen
overcame death
in giving their hearts,
their very selves.
Not just flowers
and chocolates.

Jopay

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-29 ng Disyembre 2022
*Isang tula bunsod ng nakatutuwa na awitin ng Mayonnaise.
Sino ka nga ba, Jopay?
Ako ay nakikisabay,
nakikibagay sa sayaw at ingay
pero pramis,
ang sarap sumakay 
sa awit sa iyo ay alay!
Jopay, 
gusto ko rin umuwi sa bahay
simpleng buhay 
hawak lang pamaypay
sabay kaway kaway
maski kaaway!
Kung sino ka man, Jopay,
totoo sabi nila sa iyo:
minsan masarap umalis
sa tunay na mundo,
walang gulo -
pero wala ding tao!
Kaya kung ako sa iyo,
Jopay, kakanta na lang ako
sabay sayaw:
spaghetti pababa
spaghetti pataas
ganyan ang buhay, Jopay,
isang magandang sayaw
lalo na kung iyong kasabay
mahal sa buhay 
mga kaibigan
hindi ka iiwan
maski kelan.
Mayroon tayong
isang kasabay
 sa sayaw ng buhay, Jopay:
tunay ka kaibigan
huwag lang siya ang mawawala
tiyak ika'y matutuwa
sa hapis at lungkot
hirap at dusa
hindi mo alintana
mga ito'y nalampasan mo na
siya palagi mong kasama
hanggang sa bahay ng Ama!
Pasensiya ka na, Jopay
ako ma'y walang kasama
at kausap dito sa bahay
sa mundong magulo;
naisip ko lang tumula para sa iyo
at sa mga kagaya mo
palaging masaya sa paningin
pero maraming kinikimkim
saloobin at pasanin
kaya isang taus-pusong panalangin
aking alay sa inyo,
para lumigaya kayo!

*We have no intentions of infringing into the copyrights of this music and its uploader except to share its beauty and listening pleasure.

From YouTube.com

Waiting

Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 11 May 2021
Photo by Dr. Mylene A. Santos, MD, April 2021 at Rhode Island.
I have always been wondering
how would it be when suddenly one morning
we realize COVID-19 is gone
what song shall we sing
as we dance, celebrating its leaving
and our coming out again?
Whom shall I first see
to visit, hug and kiss
telling them how I terribly missed them
in all those months of quarantine
how my heart deep within was longing
to hear them speaking and laughing, and crying.
It would be so joyous but also 
sorrowful and painful as we proceed next
to our loved one's final resting place
to offer flowers and tribute
telling them again 
how we love and sorely miss them.
While waiting for that new dawning
amid this prolonged quarantine
let's keep living one moment at a time
loving and caring, smiling and forgiving
everyone is awaiting something good
may still happen amid this COVID-19.