Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-6 ng Mayo 2024
Larawan kuha ng may-akda, Anvaya Cove sa Morong, Bataan, ika-15 ng Abril 2024.
Sana'y dinggin itong aking awit tungkol sa pananahimik na higit sa pagwawalang-imik o kunwari'y pagiging bingi bagkus pakikinig na mabuti sa bawat tinig dahil ang katahimikan ay hindi kawalan kungdi kapunuan; sa katahimikan tayo ay bumabalik sa ating pinagmulan namumuhay tulad nang sa sinapupunan nakikiramdam, lahat pinakikinggan dahil nagtitiwala kaya naman sa pananahimik tayo ay nakakapakinig, nagkaka-niig, higit sa lahat ay umiibig dahil ang tunay na pag-ibig tiyak na tahimik hindi ipinaririnig sa bibig kungdi kinakabig ng dibdib maski nakapikit dama palagi ang init!
Ganyan ang katahimikan, hindi lamang napapakinggan kungdi nararamdaman nakabibinging katotohanan kaya laging kinatatakutan ayaw pakinggan iniiwasan di alintana sa kahuli-hulihan katahimikan ang tiyak nating hahantungan magpakailanman kaya ngayon pa lang ating nang kaibiganin ang katahimikan, matutunang harapin at tanggapin tulad ng sa salamin tunay na pagkatao natin upang pabutihin, dalisayin sa katahimikan pa rin.
Larawan kuha ng may-akda sa Bgy. Kaysuyo, Alfonso, Cavite, 27 Abril 2024.
Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 03 May 2024
Photo by author, Anvaya Cove in Morong, Bataan, 15 April 2024.
How I wish I could strum and sing like Simon and Garfunkel saying hello and listening to the sound of silence that nobody hears, nobody cares; what a lovely commodity now a rarity in the time of Siri, everybody is so afraid of silence when its loudest sound is less than a breath, feebler than a whisper.
How foolish have we become to disregard silence when it is the only sound before we have all become that is why when death comes, in silence we shall return; woe the Walkman that pushed us back to the caves of our own world enslaved by gadgets that muffle our ears and head from the warmth of another soul speaking in silence.
Let us touch and be disturbed by the sound of silence! Listen to its wisdom and truth for it is not emptiness but fullness; embrace silence, feel its warmth to see life's vibrance in its natural sound telling us to trust again so we can love anew that is most true when words are few because the heart is empty, silently awaiting YOU!
Photo by author, Anvaya Cove in Morong, Bataan, 15 April 2024.
The Lord Is My Chef Easter Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday, Memorial of St. Athanasius, Bishop & Doctor of the Church, 02 May 2024 Acts 15:7-21 ><}}}}*> Psalm 96:1-2, 2-3, 10 ><}}}}*> John 15:9-11
Your words today, Lord Jesus, are so dramatic like in the movies when Your disciples twice went silent: "The whole assembly fell silent, and they listened while Paul and Barnabas described the signs and wonders God worked among the gentiles through them. After they had fallen silent, James responded, 'My brothers, listen to me...'" (Acts 15:12-13).
Teach me to be silent, Lord, so that I may listen and hear what others are saying, what You are telling me through others; let me be silent, Jesus, to listen more to You, to experience Your presence, Your love and care, Your mercy and forgiveness, and Your wisdom and direction I must take in this life harassed by so many noises and competing voices to follow.
How interesting that Your great servant and theologian St. Athanasius whose Memorial we celebrate today, the first of the Doctors of the Church who fought the heretics to insist on Your being true God and true man was forced into exile so many times defending You and Your truth as the Christ; how lovely to reflect in those repeated exiles of St. Athanasius he fell silent not because of fear but because of courage by continuing to pray and reflect on Your Person as the Son of God.
Lord Jesus Christ, silence is the domain of trust; hence, teach me most especially to be silent like the saints in order to trust You more so that I can love more like You by remaining close with You, in You always (John 15:9). Amen.
The Lord Is My Chef Breakfast Recipe by Fr. Nicanor F. Lalog II Holy Saturday, 30 March 2024
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, 20 March 2024.
Teach us to be silent today, God our Father, as we remember your Son Jesus Christ’s Great Silence – Magnum Silentium – when he was “crucified, died and was buried; he descended to the dead and on the third day he rose again.”
On this Holy Saturday, your whole creation comes to full circle. In the beginning, after completing your work of creation, you rested on the seventh day and made it holy (Gen.2:3).
On the seventh day after completing his mission here on earth, Jesus Christ was laid to rest.
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, 19 March 2024.
Silence and rest always go together.
Let us realize, Father, that to be silent is not merely to be quiet but to listen more to Your voice coming from the depths of our being; hence, silence is not emptiness but fullness with You, dear God. It is in silence where we truly discover our selves and others too.
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, 20 March 2024.
Likewise, to rest is not merely to stop work nor stop from being busy; we rest to reconnect with You to be filled with your Holy Spirit.
You do not rest, O God, because you never get tired; it is us who need to rest so we may continue Your work of creation and, now of redemption and renewal by Jesus Christ.
When we rest, we return to Eden, like the garden where Jesus was buried:
“Now in the place where he had been crucified there was a garden, and in the garden a new tomb, in which no one had yet been buried. So they laid Jesus there because of the Jewish preparation day; for the tomb was close by”(Jn. 19:41-42).
John 19:41-42
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, 20 March 2024.
How beautiful is that image, dear Father, of Your rest and silence in Eden and of Jesus laid to rest at a tomb in a garden: to rest in silence is therefore when we stop playing God as we return to You as Your image and likeness again!
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, 20 March 2024.
God, we are afraid of silence because we are also afraid of the truth, of trusting You; Jesus was crucified because we have always been afraid to trust You and be truthful to You and ourselves.
Teach us to be like the women who rested on the sabbath when Jesus was laid to rest; like them, may we trust You more by being true to ourselves.
The women who had come from Galilee with him followed behind, and when they had seen the tomb and the way in which his body was laid in it, they returned and prepared spices and perfumed oils. Then they rested on the sabbath according to the commandment.
Luke 23:55-56
May your silence and rest reassure us that we shall rise with you again. Amen.
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, 20 March 2024.
40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II Solemnity of St. Joseph, Spouse of the BVM, 19 March 2024 2 Samuel 7:4-5, 12-14, 16 ><}}}*> Romans 4:13, 16-18, 22 ><}}}*> Matthew 1:16, 18-21, 24
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 March 2023.
How lovely, O God our Father that after reflecting yesterday on connections and reconnecting,* we celebrate today the Solemnity of St. Joseph, the most chaste spouse of the Blessed Virgin Mary who gave the name Jesus to your Son in fulfillment of your promise to David; always regarded not only as chaste but most of all with gifted with the virtue of silence the world needs so badly these days, St. Joseph witnessed in his holy life that it is in silence when we make the strongest connections with one's self, with others, and with you, O God because silence is the domain of trust; The most trusting people like St. Joseph are also the most trusting.
Joseph her husband, since he was a righteous man, yet unwilling to expose her to shame, decided to divorce her quietly. Such was his intention when, behold, the angel of the Lord appeared to him in a dream…
Matthew 1:19-20
In this world so filled with many voices including those spoken by machines and robots that compete for our attention, the more we have become fearful of silence because we are afraid of the truth!
To be silent is to be truthful like St. Joseph who embraced and welcomed the whole truth, Jesus Christ; grant us the same grace, Lord, you gave St. Joseph to silently in face and embrace the truth that can be discomforting especially when it it is contrary to our plans and desires; let us not hide in silence our festering anger that sooner or later may explode that could scatter all our plans and relationships. Amen.
St. Joseph, pray for us!
Photo by author, Sacred Heart Novitiate, Novaliches, QC, 20 March 2023.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-06 ng Marso 2024
Larawan kuha ng may-akda, 2020.
Sa lahat ng panahon sa ating liturhiya ng Simbahan, bukod tangi ang Kuwaresma dahil ito lamang ang nagsisimula ng ordinaryong araw, ang Miyerkules ng Abo o Ash Wedensday at hindi araw ng Linggo.
Kapuna-puna ang nakaraang Ash Wednesday na pumatak ng Pebrero 14, Valentine’s Day na nangyari din noong 2018. Pinag-usapan ng marami sa social media kung alin ang pipiliing ipagdiwang, Valentine’s Day o Ash Wednesday?
Nakatutuwang isipin na marami pa rin ang sumagot sa survey na pipiliin nila ang mangilin sa araw ng pagpapahid ng abo kesa ang makipag-date sa Pebrero 14; iba ang ipinakita ng mga balita at ng social media kung saan panalo ang mga nagdiwang ng Araw ng mga Puso! At tila gayon nga ang nangyari o marahil, pinagsabay nating mga Pinoy ang dalawang pagdiriwang, di alintana mga panawagan ng Kuwaresma at Miyerkules ng Abo na manalangin, magtika ng mga sala, maglimos, at mag-ayuno.
Kaya nga taun-taon, ito ang laging tanong natin, ano nga ba ang kahalagahan ng Kuwaresma sa makabagong panahong ito na kung saan mga tao ay tila hindi na nag-aayuno, wala nang sakripisyo? Higit sa lahat, paunti nang paunti na mga nagsisimba.
Ang problema natin sa Pilipinas ay hindi pa naman katulad sa kanlurang Europa at hilagang Amerika na marami nang tao ang ayaw maniwala sa Diyos. Halos lahat pa rin ng mga tao sa ating bansa ay naniniwala sa Diyos ngunit naguguluhan marahil at hindi makita Kanyang kahalagahan at kaugnayan (relevance) sa buhay sa gitna ng makabagong panahon na wala nang hindi naiimbento at naso-solusyunan. Bagama’t sasabihan ng marami naniniwala sila sa Diyos, mas tiwala kadalasan ang mga tao sa panahong ito sa agham at teknolohiya.
Narito tatlong bagay na binibigyang-diin sa panahon ng Kuwaresma na makatutulong sa ating matagpuan muli at maranasan katotohanan, kahalagahan at kaugnayan ng Diyos sa ating buhay sa gitna nitong makabagong panahon.
Hindi lahat ay nakikita. Sa panahon ng Kuwaresma, pinag-aayuno din kung baga ang ating mga mata upang ituon ating pananaw at pansin sa ating kalooban at sa mga bagay na hindi nakikita, unang una na ang Diyos.
Kaya walang dekorasyon ang mga altar sa panahong ito, walang mga bulaklak at hangga’t maari wala ring mga halaman. “Bare” wika nga sa Inggles ang altar. Pagdating ng Biyernes Dolores bago mag-Linggo ng Palaspas, tinatakpan o binabalutan ng telang lila ang mga imahen at larawan sa simbahan sa gayon ding kadahilanan – upang tingnan natin mga mas malalim na katotohan ng ating buhay.
Sa panahong ito ng social media, lahat na lang ay ibig ipakita at ipangalandakan maski kasamaan, kabastusan, at kasalanan. Bakit nga ba nang magkasala sina Eba at Adan, sila ay nagtago dahil sa kahihiyan samantalang ngayon ipinagmamalaki pa ng ilan kanilang ginawang kasamaan?
Hindi lahat ng bagay sa buhay na ito ay nakikita at lalo din namang hindi lahat dapat ay ipakita. Wika nga ng Munting Prinsipe o Little Prince ni Antoine de St. Exupery, “What is essential is invisible to the eye; it is only with the heart that one can truly see.”
Lahat na lamang sa mundo ngayon ay palabas, showbiz na showbiz ang dating upang ipagyabang mga kayang kainin at bilhin, puntahan at gawin. Ngunit, sadya bang nagbibigay ng kaganapan at katuwaan mga iyon? Hindi ba mas masarap pa ring namnamin mga sandali nating kapiling ang mahal sa buhay? Kung tutuusin nga, kadalasan o palagi, yaong mga bagay na natatago at hindi nakikita ang siyang pinakamakahulugan, pinakamainam sa buhay.
Katulad ng Diyos: “Walang taong nakakita sa Diyos kailanman, ngunit kung tayo’y nag-iibigan, nasa atin siya at nagiging ganap sa atin ang kanyang pag-ibig” (1 Jn. 4:12).
Sa buhay, mas mainam pa rin yung simple at nakukubli, mayroong pa ring misteryo o hiwaga na natatago kaya ang lahat ay nagtataka. At minsan-minsan ay namamangha.
Hindi lahat ay minamadali. Kaya tinatawag na Kuwaresma ang panahong ito ng paghahanda sa Panahon ng Pasko ng Pagkabuhay ay dahil sa bilang na kuwarenta o apatnapung araw mula Miyerkules ng Abo haggang Sabado bisperas ng Palaspas (bagama’t di naman eksakto palagi) na kung tutuusin ay limang Linggo bago ang mga Mahal na Araw. Samakatwid, mayroong paghihintay dahil kailangang makabuo muna ng apatnapung araw o limang linggo.
Ito ang isang bagay na nawawala na sa mundo ngayon, ang paghihintay. Lahat mainipin kaya siguro maiinit ang ulo ng lahat na ultimo mga bata ay stressed out. Minamadali ang lahat na hindi malaman ano at sino nga ba ang hinahabol natin. Lahat ay instant – hindi lang kape at noodles pati pagkakaibigan, pag-aasawa at pagkakaroon ng baby!
Dahil sa teknolohiya, pilit na minamanipula ng tao ngayon ang panahon na madalas ay minamadali kaya marami ang hindi na maranasan ang Diyos pati sariling pagkatao at mga kapwa-tao sa pagmamadali. Hindi kataka-taka, nawawala na rin mga mabubuting ugali ng paghihintay, pagtitiyaga, pagtitimpi at pagpipigil.
Ang lahat na pangyayari sa daigdig ay nagaganap sa panahong itinakda ng Diyos. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; Ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim… Ano ang mapapala ng tao sa kanyang ginagawa? Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa kapanahunan. Ang tao’y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pakaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.
Ang Mangangaral (Qoheleth) 3:1-2, 9-11
Minsan-minsa’y matutunan nating maghintay, magrelax o mag-chill wika nga ng mga kabataan. Masyado na tayong abala sa mga bagay-bagay kaya hindi natin napapansin, namamalayan ang Diyos na nagmamahal sa atin ay kapiling natin. Ang Diyos kabaligtaran natin: maski buong buhay natin hinihintay niya tayong lumapit sa kanyang muli sakaling magpasya tayong iwanan ating mga kasalanan at maling pamumuhay upang sa kanya maranasan ang kapanatagan at kapaypaan. Tinuturuan tayo ng panahon ng Kuwaresma na tumigil at manatili sandali sa buhay, maghintay sa Diyos at kanyang biyayang nakalaan para sa atin.
Katahimikan. Sa lahat ng mahahalagang aspekto ng Kuwaresma, ito ang pinakamahalaga sapagkat hindi tayo makapagdarasal, makapagninilay, o magsisi sa ating mga kasalanan ng walang katahimikan. Bahagi ng paghihintay ang pananahimik.
Naalala ko noong bata kami tuwing bakasyon sa halamanan ng aming Lola. Maraming tutubi noon at lahat kaming magpipinsan ang unahan sa paghuli habang nag-aasaran sa kantang “tutubi tutubi huwag magpahuli sa batang mapanghi!”
Wala ka talagang mahuhuling tutubi kapag ika’y malikot at maingay ngunit sa sandaling ikaw ay pumirmi at manahimik, kusa pang lalapit ang mailap na tutubi.
Iyon ang buhay, iyon ang Kuwaresma. Manahimik tayo upang higit nating mapakinggan ating sariling kalooban na madalas hindi natin pinakikinggan dahil bantad na bantad tayo sa iba’t ibang tinig at ingay sa atin nagdidikta ng nararapat. Kaya madalas tayong lito kasi sarili natin di natin pinapansin. Gayon din naman, sa sobrang pakikinig sa mga sabi-sabi, nag-aaway away tayo kasi hindi nating pinakikinggan kapwa natin. Ang pananahimik ay hindi pagiging bingi kungdi pakikinig na mabuti; ang katahimikan ay hindi kawalan kungdi kapunuan na kahit pinakamahinang tinig ay sinisikap nating pakinggan.
Tanging mga tao na kayang manahimik ang tunay na nagtitiwala sapagkat ang katahimikan ang tahanan at lunan ng pagtitiwala. Kaya ito rin ang tinig at wika ng Diyos. Sa ating pananahimik, tayo ay nagtitiwala, naghihintay maski wala tayong nakikita dahil batid natin kumikilos ang Diyos ng tahimik.
Kapag magulung-magulo ang ating buhay, tumigil tayo at manahimik. Pakinggan at higit sa lahat damhin ang sarili at buong kapaligiran upang maranasan kaganapan at katotohanan ng buhay mula sa Diyos na kadalasan ay tahimik na nangungusap sa atin. Madalas sa buhay natin, ang Diyos iyong pinakamahinang tinig na pilit bumubulong-bulong mula sa ating puso. Sikaping tumigil at manahimik, iyon ang pakinggan at sundin at tiyak, ikaw ay pagpapalain.
Sana ay huwag palampasin pagkakataon ng Kuwaresma upang Diyos ay maranasang muli at masimulan natin ugnayang kanyang matagal nang ibig para sa atin. Salamat po.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-28 ng Pebrero 2024
Larawan kuha ni G. Red Santiago ng kanyang anak, Enero 2020, Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan.
Pangunahing hiling ng mga tao sa aming mga pari ay panalangin, na sila ay ipagdasal sa kanilang iba’t-ibang mga pangangailangan. Ito ay dahil inaasahan – at dapat lamang – na kaming mga pari ay palaging nananalangin.
Kaugnay nito ay madalas din silang magtanong paanong magdasal at marami pang iba’t-ibang bagay ukol sa pananalangin. Kaya sa diwa ng panahon ng Kuwaresma kung kailan tayo hinihikayat linangin ating pananalangin, narito ilang mga pagmumuni-muni ko tungkol sa pagdarasal na aking napagtanto at natutunan mula nang pumasok ako ng seminaryo noong 1991 hanggang sa maging pari ng 1998 hanggang sa ngayon.
Una, walang maituturing na dalubhasa o eksperto sa pagdarasal. Tunay nga sinabi ni San Pablo, “tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang di magagawa ng pananalita” (Rom. 8:26).
Larawan kuha ng may-akda, Our Lady of Fatima University, Valenzuela, Nobyembre 13, 2023.
Kaya naman totoo kasabihang sa oras na ikaw ay nanalangin, sinagot na rin ng Diyos iyong mga dasal kasi ikaw ay nagdarasal. Kapag tayo nagdasal, tumugon tayo sa Diyos tawag niyang makaisa Siya. Noong kami ay high school sa seminaryo, iyon unang tinuro sa amin ni Fr. Danny Delos Reyes, aming Rektor: “Prayer is talking to God who has always been speaking to man.” Kaya sa oras na tayo ay nagdasal, purihin ang Panginoon dahil tumalima tayo sa Kanya!
Higit itong totoo kapag ating binabasa at pinagninilayan ang Kanyang mga salita sa Banal na Kasulatan. Sa Banal na Kasulatan, personal nakikipag-usap sa atin ang Diyos gamit ang salita ng tao. Kaya sino mang ibig na tunay lumalim sa buhay panalanign at buhay espiritwal, kinakailangang magkaroon ng personal na bibliya at daily bible guide upang masundan mga pagbasa. Sabi ni San Geronimo, ang kamangmangan sa Banal na Kasulatan ay kamangmangan kay Kristo.”
Ikalawang katotohanang nabatid ko sa pagdarasal ay kaugnay nito: hindi tayo ang susukat at susuri ng ating pananalangin kungdi Diyos. Madalas kasi maranasan natin lalo na sa mga nagsisimula pa lamang manalangin na ikumpara ating mga pagdarasal sa bawat araw kapag ating sinasabi “bakit dati madali at magaan pakiramdam ko”, “bakit ngayon parang hirap ako magdasal” o “parang walang saysay aking pananalangin”.
Hindi madaraan sa damdamin o feelings ang pagdarasal.
Malaking pagkakamali na akalain nating mga oras na tayo ay tuwang-tuwang o masarap ang pakiramdam sa pagdarasal ay tama at wasto ang pananalangin na samakatwid ay kinasihan ng Diyos ating pagdarasal. Hindi po totoo iyan.
Magugulat pa tayo na ang katotohanan ay kabaligtaran niyan dahil kung kailan tayo hirap magdasal, mas malamang naroong tunay ang Diyos! Sabi ng aking Heswitang Spiritual Director noon sa Cebu si Fr. Shea, The most difficult prayer period is actually the most meritorious. Kapag tayo ay dumaranas ng hirap sa pagdarasal na kung tawagin ay “spiritual dryness” na parang hindi tayo pansin ng Diyos o kaya hirap lumapit sa kanya, ito ay palatandaan ng paglalim sa pananalangin. At maaring tanda ng pagkilos ng Diyos na tayo ay inaakay sa mas matalik na ugnayan sa Kanya sa larangan ng pagdarasal.
Larawan kuha ng may-akda, Oktubre 2022.
Ikatlo, ang pananalangin ay pakikipag-isa sa Diyos o communion. Kaya hindi naman mahalaga masabi natin lahat ng ibig natin sa Diyos kungdi higit na mahalaga ay ating mapakinggan sinasabi sa atin ng Diyos.
Kaya tayo nagdarasal hindi upang humingi ng humingi sa Diyos ng kung anu-ano kungdi upang Siya ay makaisa, malaman kanyang kalooban para sa atin. Kung tutuusin, hindi na nating kailangan pang humingi sa Diyos ng kung anu-ano dahil alam na niya pangangailangan natin.
Sapagkat alam na ng inyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa ninyo hingin sa kanya. Ganito kayo manalangin: “Ama naming nasa langit…”
Mateo 6:8-9
Samakatwid, ang pananalangin ay upang higit nating makamit ang Diyos mismo! Siya ang dapat nating hangarin palagi sa pagdarasal, hindi mga bagay.
Kapag mahal mo sino mang tao, palagi mo siyang kinakausap, sinasamahan upang makapiling. Siya ang ibig mo, hindi gamit o pera o kayamanan niya. Ganoon din sa pananalangin – kung mahal nating tunay ang Diyos, mananalangin tayo palagi sa kanya upang sa tuwina Siya ay makapiling.
Larawan kuha ni Bb. JJ Jimeno sa Holy Sacrifice Parish, UP Diliman, QC, Mayo 2019.
Ikaapat, ang mga bumabagabag sa ating pagdarasal ay hindi tukso mula sa demonyo kungdi mas malamang, mga tulong at gabay ng Espiritu Santo tungo sa higit na mabungang pagdarasal.
Napansin ko iyan noong dati na kapag ako ay bagabag o aligaga sa pagdarasal, kung anu-anong pumapasok sa aking isipan, kadalasan ang mga iyon ay isyu sa aking sarili na pilit ko iniiwasan o binabale-wala; sa pagdarasal, lumalantad mga iyon na tila baga sinasabi ng Diyos sa atin, harapin mga isyu natin sa sarili bago Siya matatagpuan.
Hindi istorbo ang pagsagi ng sino mang kaaway sa iyong pagdarasal kungdi paanyaya na ayusin inyong di pagkakaunawaan. Kung palaging laman ng iyong isipan ay kahalayan o karangayaan o ano pa man, ang mga iyan ay isyu na dapat mong pagdasalan upang maharap at malunasan.
Hindi nating mararanasan ang Diyos nang lubusan sa pagdarasal habang tayo ay puno ng maraming bara sa espiritu at kaluluwa tulad ng mga tao na mayroon tayong problema, mga nararamdamang poot at galit, kahalayan at iba pang mga pagnanasa. Alisin muna mga bara sa ating espritu at kaluluwa, maginhawang dadaloy biyaya ng Espiritu Santo sa ating sarili at buhay.
At ikalima, ang pananalangin ay disiplina. Dahil ang pagdarasal ay pagpapahayag ng ating ugnayan at relasyon sa Diyos, kailangan nating maging tapat sa pakikipagtagpo sa Kanya.
Tulad ng mga magsing-ibig, magkaroon ng regularidad na pakikipagtagpo sa Diyos sa panalangin. Huwag humanap ng panahon bagkus gumawa ng panahon gaya ng ating gawi sa mahal natin sa buhay. Iyon ang nawika ng lobo sa Little Prince na kung regular silang magtatagpo tuwing alas-4:00 ng hapon, alas-3:30 pa lamang ng hapon aniya ay mananabik na siya!
Nasa ating sarili kung anong oras tayo makapagdarasal. Ang mahalaga ay kaya nating pangatawanan ano mang oras ating itakda para sa Panginoon.
Pati ang lunan din ay mainam na regular. Napansin ko ito nang maging pari ako, ilang ulit ako bumalik sa Jesuit Retreat House sa Cebu kung saan kami nag-30 day retreat noong 1995 bago magthird year sa theology. Pinilit kong magdasal sa ibang bahagi ng retreat house na hinangad kong pagdasalan noon pero hindi ako napalagay. Ngunit nang manalangin ako sa dating mga lugar na kung saan ako nagdasal noong 1995, sadya namang “mabunga” ika nga sa ilang ulit na balik ko doon noong 2002, 2003 at 2004. Ganoon din karanasan ko nang lumipat ako sa Sacred Heart Novitiate sa Novaliches para sa taunang personal retreat ko mula 2015.
Alalaong-baga, mayroon tayong isang “Bethel” tulad ni Jacob kung saan nagpakilala sa kanya ang Diyos nang tumatakas siya noon sa kanyang kapatid na si Esau (Gen. 28:10-22) at naiman na manatali doon hanggat hindi tayo inaaya ng Panginoon sa ibang lugar.
Hangga’t maari tungkol sa lunan ng pananalangin, piliin yaong tahimik at angkop sa pagdarasal tulad ng simbahan o adoration chapel kung saan maaring magdasal sa harapan ng Santisimo Sakramento.
Bilang pangwakas, alalahaning palagi na personal nakikipag-ugnayan sa atin ang Diyos kaya personal din tayo tumugon sa Kanyang paanyayang makipag-ugnayan tulad ng ginagawa natin sa sino mang kapwa natin.
Sa lahat ng ugnayan mayroon tayo, bukod tanging ang sa Diyos ang pinakamabuti sa lahat dahil kailanman hindi Niya tayo iiwanan at tatalikuran. Diyos lang tanging nagmamahal sa atin ng tunay kaya binigay Niya sa Atin bugtong Niyang Anak na si Jesus na naglapit sa atin sa Kanya sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Sana nakatulong mga ito sa inyong pagdarasal. Kung hindi naman, ay huwag nang pansinin. Sumulat kayo sa akin dito o sa aking email para sa karagdagang mga katanungan o paliwanag (lordmychef@gmail.com).
Patuloy manalangin at yumabong sa Panginoon natin! Amen.
The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II Thursday in the First Week of Advent, Memorial of St. Ambrose, 07 December 2023 Isaiah 26:1-6 ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'> Matthew 7:21, 24-27
Photo by author, San Fernando, Pampanga, November 2021.
Unlike Lent, this Season of Advent is always superseded by too much ado and noise of commercialism as Christmas approaches; there is hardly a hint not even among us in the church of the need to be silent, of the value of silence, and essence of silence in life no matter what is the season.
Although our first reading evokes in us a great feeling of joyful celebrations following the salvation of people, there is still the underlying tone of silence in you and with you, dear God our loving Father, of silent witnessing to your justice and righteousness.
How lovely that today we also celebrate the Memorial of St. Ambrose, a great bishop and Doctor of the Church whom St. Augustine deeply admired and converted him to Christianity; may we appreciate like St. Augustine the silence of St. Ambrose:
When [Ambrose] read, his eyes scanned the page and his heart sought out the meaning, but his voice was silent and his tongue was still. Anyone could approach him freely and guests were not commonly announced, so that often, when we came to visit him, we found him reading like this in silence, for he never read aloud.
Confessions of St. Augustine
At that time, knowledgeable and learned people read aloud for everyone to be aware of their presence but not St. Ambrose who deeply moved St. Augustine to notice it in his Confessions.
This Advent, teach us O Lord to cultivate the discipline and virtue of silence, especially in doing what is good, in witnessing Jesus Christ who warned us, "Not everyone who says to me, 'Lord, Lord' will enter the kingdom of heaven, but only the one who does the will of my Father in heaven" (Matthew 7:21).
May our deeds speak louder than our words and beliefs. Amen.
The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Tuesday, Memorial of the Presentation of Mary, 21 November 2023
Revelation 11:19a, 12:1-6a, 10ab <*((((>< + ><))))*> Luke 1:39-47
On this Memorial of the
Presentation of the Blessed Virgin Mary
in the temple, we pray, O God,
you make us presentable too
before you like our Blessed Mother.
The words presentation
and presentable connote
things of beauty on the outside:
a presentation can be a show
like a play or a dance
while to be presentable means
to be pleasing to the eyes.
But deep its external connotations
is its inner meaning with
religious roots actually,
like to be dedicated as
being good and beneficial
to you, O God.
Like the Blessed Mother Mary,
teach us to present ourselves wholly
to you, dear God, by believing
in you and your words,
to have that firm faith on what is
not seen and sure or certain,
not carried away by all those
fancy and make-believe
images and promises of the world
based on superficialities
of materialism and consumerism.
In this age when fame and wealth
are the measure of what is good,
may we always choose true blessedness
like Mary who believed your words
would be fulfilled;
in this age when everyone prefers
to listen to outside noise and sounds
especially of media, may we always
choose to be silent like Mary,
listening to your voice O God within,
contemplating on its meaning;
in this age with so many false idols
being followed or with everyone
playing god, may we have the courage
and humility of Mary
to always be with Jesus,
never abandoning him even at the Cross,
standing by his side,
choosing to love and sacrifice,
to bear than complain,
to witness your mercy and majesty,
to be your presence and peace.
Amen.
The Lord Is My Chef Daily Recipe for the Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Memorial of St. Martin de Porres, Religious, 03 November 2023
Romans 9:1-5 ><))))*> + <*((((>< Luke 14:1-6
Photo by author, Camp John Hay, 12 July 2023.
Silence is your language,
God our loving Father;
hence, silence is fullness,
not emptiness;
silence is when we listen
to every sound to discern
and follow your voice within
because silence is within
not without.
How sad that people these days
are afraid of silence,
afraid of listening to your voice
that speaks what is true, good,
and beautiful;
that is why we muffle our ears
with pods and plugs and phones
not to hear your voice coming
from the silent screams and cries
of the sick and suffering;
forgive us, Father, when
we become silent for the wrong reason
of being empty and non-committed,
when we prefer not to speak nor
make a stand in moments we have to
respond to your voice,
remaining silent to ignore
you and those in pain.
Jesus spoke to the scholars of the law and the Pharisees in reply, asking, “Is it lawful to cure on the sabbath or not?” But they kept silent; so he took the man and, after he had healed him, dismissed him.
Luke 14:3-4
Lord Jesus Christ,
so many people especially
children and women are dying
these days while the world remains
silent of the atrocities and killings going on;
like St. Paul in the first reading,
"we have great sorrow and constant
anguish in our hearts" (Romans 9:2);
disturb our empty silence with your
voice and plans to alleviate
the sufferings of those caught
in firefights and hostilities;
do not let our silence be empty
but be filled with you
and your courage and strength
to stand for the value of every life
like St. Martin de Porres who worked
in silence, lived in silence as he silently
listened and obeyed your voice
O Lord.
Amen.