Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 22 November 2020
Photo by author, Petra at Jordan, May 2019.
"As Jesus approached Jericho
a blind man was sitting by the roadside begging"
So many times I see myself in him
blinded by sins
and false securities
preferring to remain
at the safe side
at home with my comfort zone;
but soon
I get tired of begging
of being blind
deciding to leave the roadside
to finally meet Jesus,
asking him to restore my sight.
O what a scene to behold
of the beautiful journey
that unfolds
only if I go
to the middle of the road
to be with the Lord!
Photo by author, a sycamore tree in Jericho, May 2019.
"At that time Jesus came to Jericho;
but Zacchaeus was short in stature"
So often in life
Jesus truly intends to pass
through wherever we are
only to test
if we would dare
to rise above our selves
to see and meet him there;
the key is to admit reality
that we are always short
in moral standing
but never in humility
if we can truly
forgo everything
then we see its beauty
when from the middle of the road
the Lord looks up to us
calling us to come down
for he had come to be with us!
Photo by Mr. Roland Atienza, 12 June 2019.
This is the most lovely
thing I have heard
the Lord said:
"Those whom I love,
I reprove and chastise.
Be earnest, therefore, and repent.
Behold, I stand at the door
and knock. If anyone hears my voice
and opens the door, then I will
enter his house and dine with him,
and he be with me."
The Lord always comes,
bidden and unbidden,
but, are we open to meet him,
willing to leave
the roadside, climb a tree
if needed or turn the knob
to see and meet him?
Yes, Jesus is always passing by,
do not let yourself be left behind.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-18 ng Nobyembre 2020
Larawan kuha ni G. Jim Marpa, 2019.
"Walang kuwenta"
madalas masambit ng matatanda
sa maraming bagay noong araw
panahon pa ni Kopong-Kopong
kung sino man iyon...
"Walang kuwenta"
ay walang suma,
walang halaga,
walang kabuluhan
kaya hindi na binibilang.
Nguni't kung ating
tutuusin
lahat sa buhay natin
ay mahalaga kaya
mayroong kuwenta ang bawat isa.
Walang
walang kuwenta
sa mundong ito
dahil sa kahuli-hulihan
ang lahat ay kukuwentahin
upang tingnan
kung tayo ay sapat o
kulang sa timbang
batay sa ipinagkatiwala
ng Diyos na biyaya sa atin.
Hindi mahalaga kung
marami o kakaunti
binigay Niya sa atin
dahil iisa pa rin
ang pagsusuma
na Kanyang gagawin:
naging tapat ba tayo
sa atas Niyang gampanin
palaguin, pagyamanin
kaloob Niyang bigay sa atin?
Mapalad
ang aliping tapat,
pinagyaman, pinalago
kanyang buhay at talento
sa langit kanyang makakapiling
itong Panginoon natin!
Ngunit sa aba
na sinayang ang lahat
sa paghuhukom
siya ay titimbangin
at kung kukulangin
magngangalit mga ngipin
sa walang hanggang apoy
siya susunugin.
Pagyamanin
biyaya sa atin
ng Panginoong butihin
na siyang puhunan
din natin
sa buhay pang darating!
Quiet Storm by Fr. Nick F. Lalog II, 09 November 2020
Photo by Dr. Mylene A. Santos, MD, 30 October 2020.
I have always believed
life is more on coming
than on leaving
because
whenever we leave,
we also come.
But,
there is something
about leaving
that makes
it strongly felt
than coming:
from the pain of leaving
follows emptiness -
the angst of still living
when someone is missing.
Most painful part of leaving
is when you are the one left behind;
it is the one who leaves
who actually comes
to somewhere else
while the one left
bears the scars
of leaving,
like grappling
with the unseen
presence
of nothing
but memories
gone
with the one who had left
who might never come again.
But, I think
it is when leaving
is truly hurting
that it turns into a coming -
an arrival
of blessing
of opening
to a new lease on life
and living when we discover
somebody anew
filling what's missing within
not necessarily seen
that together we spin
a new thread in life again.
The other person
gone is never replaced
by a newfound one;
that's the beauty
of every leaving
and coming
when we leave
in order to come
creating a space
for a new one
until it leaves again
to come another one
until finally
we become one in the Only One.
Friendships should depend on nothing like TIME and SPACE. Remove TIME and what we have is NOW; remove SPACE and what we have is HERE. Don’t you think we could meet once or twice between NOW and HERE?
Richard Bach, Jonathan Livingston Seagull (1970)
Photo by Dr. Mylene A. Santos, MD, 07 November 2020.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-03 ng Nobyembre 2020
Larawan kuha ng may-akda, gayak ng aming parokya, Nob. 1-2, 2020.
Madalas aking ipinapalagay
bilang bahagi ng buhay
itong pagmamahal
ako nama'y nakagaganap,
nakatutugon sa hamon.
Nguni't ano nga ba talaga
ang magmahal at kailan ako
tunay na nagmamahal?
Napakadali na maging mabuti
sa iba, magtimpi ng sarili,
magparaya at magpalampas;
mahabag at maawa na kusang
tutulo ang luha,
umakay at sumabay sa mahihina,
magmalasakit maski sa walang sakit.
Kailan nga ba
ako tunay na nagmamahal,
tanong ko sa sarili noon pa man;
maski mga kaibigan
mga pinapayuhan
sa simbahan
o saan pa man
iyan ang palaging katanungan
na ano mang kasagutan
ay siyang buod at kabuuang
kahulugan ng pagmamahal
di lamang ng mga magkasintahan
o magsing-ibig
kungdi ng sino mang nilalang
ng Diyos na pag-ibig.
Noon ay
palagi kong sinasabi
mula sa limitado kong karanasan
na aking inihahabi,
pinagtatagpi-tagpi
sa mga napag-aralan
at napagnilayan
na tunay ka lamang nagmamahal
kapag ika'y nasasaktan
dahil kung wala ka nang nararamdaman
mas malamang
pusong bato
ang nariyan sa iyong dibdib,
di lamang manhid
kungdi patay at malamig.
Hindi natapos
aking pag-aasam
malaman at maranasan
kung kailan nga ako
tunay nagmamahal;
maraming karanasan
aking pang dinaraanan
dahan-dahan, unti-unti
naliliwanagan na
tunay akong nagmamahal
di lamang kapag ako'y nasasaktan
kungdi dama ko man
aking kawalan
sa kakayahang ibsan maliban samahan
kapatid kong nahihirapan.
Tunay akong nagmamahal
kung aking pipiliing mahalin
ang iba kesa akin;
hindi na daraing
kungdi sasarilinin
at aangkinin pati tiisin
mga iyak at hinaing
ng ginigiliw
at kung maari ay pasanin
kanilang mga dalahin.
Sa kahuli-hulihan
batayan pa rin ng pagmamahal
ang masaktan --- kung hanggang saan,
hanggang kailan doon malalaman
yaring lalim at kadalisayan.
Larawan kuha ng mga may-akda, gayak ng altar ng parokya, Nob.1-2, 2020.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-16 ng Oktubre 2020
Pitong buwan na nakakaraan
mula nang kumalat mula Wuhan
corona virus, tayo ay nag-lockdown
nang lumaon pinagaan quarantine
COVID-19 pasakit pa rin sa atin.
Nguni't huwag din namang masamain
maraming aral ipinamulat sa atin
itong COVID-19: pananalangin
at pananalig sa Diyos,
pagpapahalaga sa pamilya at kapwa,
pangangalaga sa ating kalusugan.
Gayon din naman
maraming katatawanan
katuwaan ating naranasan
lumipas na mga buwan
kaya mga ito ating pagparoonan
kesa pabigatan ating mga isipan,
puso at kalooban.
Sa dami at tagal nang hirap ating naranasan
minsan marahil iyong inaasam-asam
makapagpahinga at magbakasyon
at saka sasagi sa isipan na hindi ba gayon
itong COVID-19 ngayon?
Bakasyon at pahinga
kaya nakapagtataka
kapag walang pasok sa eskuwela
at opisina dahil sa piyesta upisyal
gayong wala namang papasyalan
ni pupuntahan
lahat ng araw pare-pareho lang!
Nang magsimula ang lockdown
karamihan hindi naman nahirapan ni kinabahan
bagkus naging engrandeng bakasyunan
kantahan at inuman kung saan-saan
hanggang magkahawahan
nang mabatid katagay sa inuman
walang panlasa, walang pang-amoy
nang maglaon akala mo'y
aping-api, kinawawa at pinabayaan
pinag-aagawan lahat ng uri ng ayuda
pera at de lata
habang ang iba naman ay saganang-sagana.
Ang Pinoy nga naman
maski saan man
basta may kalamidad
hindi pababayaan kumalam kanyang tiyan;
aminin ang katotohanan
parusa nga ba at kahirapan ang lockdown
bakit tayo nagtabaan?
Hindi lamang iyan:
sa bawat tahanan
mayroon isang tiyak natutuhan
bagong libangan at pagkakitaan
pagluluto at pagbe-bake.
Isang pangunahin kabutihan
nitong lockdown
luminis mga lansangan
umaliwalas kalangitan
kalikasan nabigyan
kapahingahang kailangang-kailangan;
magagandang tanawin
muling nasilayan mula kalayuan
habang sa mga tahanan
laganap na luntian ng mga halamang
inaalagaan at pinagkakakitaan
ng mga tinaguriang plantitos at plantitas.
Mayroon pang ibang mga katatawan
nangyari sa gitna ng lockdown
at quarantine ng COVID-19
ngunit huwag nang pag-usapan
baka lamang pagmulan
labis na hapis at kalungkutan
mga kabalastugan sa pamunuan,
sakim sa kapangyarihan
katanyagan at kayamanan
ngunit walang pakialam
sa bayang nahihirapan
nagsisikap lampasan mga pagdurusa
dinaraan sa katatawan
katuwaan upang mapanatili
katinuan ng isipan
kesa tularan mga baliw
at hunghang na payaso
sa gobyernong ito.
*Mga larawan sa itaas mga kuha ni G. Jay Javier, Mayo 2020; habang ang mga nasa ibaba ay kuha ng may-akda maliban sa ibong dilaw at puting bulaklak na kuha ni Dr. Mylene A. Santos, MD.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-13 ng Oktubre 2020
Larawan kuha ni Bb. Ria de Vera, Agosto 2020.
Pangunahing biyaya
ng Diyos sa ating lumikha
pananampalataya o pananalig
sa Kanya tayo magtiwala;
ngunit hindi natin alintana
itong pananampalataya
katulad ng ano mang biyaya
dapat linangin upang payabungin
pamungahin, at patatagin
hindi lamang magbigay galak sa atin
kungdi makaya nating harapin
ano mang unos sa buhay ang dumating.
Kumbinsido ba tayo
sa pinanghahawakang pananampalataya
kaya nating panindigan di lamang ipaglaban
kungdi ipaliwanag katuwiran at katuturan?
Kung minsan akala natin
itong pananampalataya gamit para kamtin
ano mang hilingin sa Diyos Ama natin
nakakalimutan higit sa lahat ito ay ugnayan
relasyon na dapat pinalalalim
pinaiigting upang maging matalik
pagkakaibigan natin.
Ano mang samahan at ugnayan
palaging nakasandig sa pananalig
sa isa't-isa, palaging makatotohanan
walang kasinungalingan;
tiyak na palaging maasahan
dahil ang tunay na pananampalataya
consistent, hindi pabago-bago
kungdi pare-pareho
saan man at kailan man,
sino man ating pakiharapan
nananatili katapatan
tulad ni Hesus
hanggang kamatayan.
Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 11 October 2020
Photo by Ms. Anne Ramos, Good Friday “motororized procession” of Santo Entierro in our Parish during COVID-19, 10 April 2020.
Lately I have noticed
since month of August
when we have a spike of the virus
I have felt heavy and serious
as Sundays have become
more like a Good Friday
with the streets and church seats
both empty; nobody seems to be happy
or Sundays have become more lazy?
How I miss the people I always see
wondering if they are safe and healthy
or maybe so wary just like me.
Sometimes I still feel
how everything is surreal
will I make it to next year
enjoying life without fear?
I have been wondering
if the Lord is still hanging
or have they crucified him again?
Life in the midst of COVID-19
has become more challenging
listening to silence so deafening
when God does not seem to be caring;
but, deep within
there is that calming
during Good Friday
that Easter Sunday
is surely coming:
keep on believing, keep on praying
if Sundays look like a Good Friday
this may only mean one thing, that
Jesus is with us suffering COVID-19!
Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 08 October 2020
Pope Francis delivering his “Urbi et Orbi” before an empty St. Peter’s Square in Rome, 27 March 2020 at the height of COVID-19 pandemic. Photo from Vatican Media/AFP via Getty Images.
In the beginning
we were counting
the days of quarantine
but when COVID-19
spread with so many dying
then we realized this is not just passing
but could be staying
leaving the world in a standstill
shaking our very core and being
bringing us back to God
praying, surrendering everything
to him as our sole grounding.
Finding God
during this quarantine
is indeed a blessing
directing us to look within
to examine our being
where every healing must begin;
Any sickness is a dis-ease
a lack of order
when things are not pleasing
because of sin and wrong-doing
exactly what we are now seeing
with COVID-19.
Photo by Mr. Jay Javier, May 2020.
Consider the following:
Long before social distancing
we have always been so far away
even from those with whom we stay
foregoing all the loving,
replaced with twitting or texting;
When we were growing
we were taught to keep our hands clean
but we have pushed it to the extreme
refusing to dirty our hands
forgetting to work with honor and dignity
keeping them free from stains of dishonesty;
Of all the most disturbing
during this quarantine
is the mask that cover our face;
but, why be fazed, objections raised
when we have long erased
to see in every face
that tremendous grace
of God's trace?
In the midst of this calamity
when air became pollution-free
we rejoiced at Nature's beauty;
the remedy for every malady
is not found only in the pharmacy
but right in our hearts when we see
everything and everyone in harmony.
Oh how I long when that day shall be
when everyone is free with nothing to worry;
at ease shall we carry within the peace and serenity
of one big family living cleanly in God's mercy.
Quiet Storm by Fr. Nicanor F. Lalog II, 02 October 2020
Photo by author, resthouse in Silang, Cavite, 22 September 2020.
Methinks the saddest thing of this pandemic
is not in the restrictions it had imposed on us
from social distancing to other methods of quarantine
but more on the restrictions we have within
when we can be more loving and kind with others
then still choose to be harsh and brash.
We wash our hands to be clean
but the virus of sin clings deeper than skin
when forgiving or apologizing
can wash away that sting
of any guilty feeling within.
Even if we have to maintain social distancing
it does not mean we have to be apart;
it would be wonderful and most amazing
to everyone's part if we can let our hearts
sing the feelings deep inside like
"I love you, I miss you, I care for you"
than wring all the aching
and sufferings we are enduring.
Lastly, always put on your masks
for everyone's safety
but let us trust and bask
in the warmth of our humanity
to keep our sanity.
In this time of COVID-19
when death is no longer lurking
but closing into our very being,
let us be more of feeling than of thinking,
loving and caring, affirming each other
enjoying life together.
Photo by author, antique door of a resthouse in Silang, Cavite, 22 September 2020.
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-09 ng Setyembre, 2020
Larawan kuha ni G. Jim Marpa, 2019.
Kay ganda ng paalala
ni San Pablo sa mga taga-Roma
na hanggang ngayon sa ating panahon
gawin nating tuntunin:
"Huwag kayong magkaroon ng sagutin
kaninuman, liban sa saguting tayo'y mag-ibigan...
Ang umiibig ay hindi gumagawa ng masama kaninuman,
kaya't ang pag-ibig ang kabuuan ng kautusan."
(Roma 13:8, 10)
Ano nga ba ang sagutin natin sa bawat isa?
Hindi ba ano mang sagutin ay pagkaka-utang din?
Kung gayon,
tayong lahat ay mayroong tungkulin
at sagutin na bayaran pagkakautang natin
na walang dili iba kungdi pag-ibig pa rin!
Sa lahat naman ng sagutin at bayarin
pag-ibig ang pinakamamahalin at mainam utangin;
hindi tulad ng salapi, pag-ibig ng Diyos ay hindi tinitingi
walang tinatangi, hindi na kailangan pang humingi
kahit ikaw ay mabaon at hindi makaahon
sagot palagi ng ating Panginoon!
Kaya si Hesus pumarito noon
upang tubusin sangla ng pagkakautang natin
sa pag-ibig ng Ama na tinalikuran at tinanggihan
ng mga unang magulang natin;
Sa Kanyang kabutihang-loob
sa atin ay ipinagkaloob buhay Niyang handog.
Pag-ibig ang siyang pumupuno sa atin
siya ring nagpapairal sa atin
dahil ang mabuhay ay umibig;
sino mang hindi umiibig ay patay
parang naglalakad na kalansay
hungkag at walang laman, puso at kalooban.
Kaya naman sumasama ating loob
kapag minamahal natin ay walang utang na loob
dahil pag-ibig ang tanging nasa ating loob;
kapag pag-ibig ay hindi sinuob
upang humalimuyak gaya ng insenso at bulaklak,
ito'y nakukulob, umaantong, sa kamatayan humahantong.
Katulad ang pag-ibig ng tubig sa ilog
mahirap masundan pinagmumulan at patutunguhan
ngunit iyon ang kagandahan at kainaman
habang tayo'y patuloy sa pag-ibig, dumadaloy, umaagos
hindi ito nasasaid dahil ang Diyos ay pag-ibig
at walang hanggan na Siyang ating hantungan at kaganapan.