Alibughang ama ng mga alibughang anak?

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, ika-01 ng Abril 2019

Sisihin aking mapaglarong isipan
Dahil panahon ng halalan
Paano nga kaya kung minsan
Mabaligtad naman takbo nitong kwentuhan?
Mayroong magkakapatid
Ang ama nila ay hindi maintindihan
Hindi nila maramdaman 
Kung sila'y ganan niya na sobrang yabang.
Wala siyang hindi pinapatulan maging kababaihan man
Dinaraan sa mararahas na usapan
Pero kung maiipit sa mga salitang binitiwan
Sasabihin niya na ang lahat ay biruan at kunwari lamang.
Humingi ng paumanhin nang murahin Santo Papa natin
Ngunit nang ang Diyos ang kanyang lapastanganin
Hindi na mailihim kanyang tililing at pagka halimaw na rin 
Nang ang lahat ay ibig patayin maging mga alagad ng Simbahan natin.
Kaibayo pagkakaiba niya sa lahat ng ama
Na sa halip buhayin, lahat ay ibig niyang tokhangin
Masasamang loob at mga makasalanan sa kanya ay walang kabuluhan
Hindi niya alintana kanilang kahirapan dahilan ng kawalanghiyaan.
Sa talinghaga nagdalita ang alibughang anak
Nagtika sa malaking pagkakasala saka nagbalik-loob;
Kumpara sa ating nararanasan, matatagalan pa pagsadsad sa kailaliman
Kaya kahambugan at kasinungalingan hindi matitigilan.
Mas mahirap pala kung ama ang siyang alibugha
Dahil higit sa lahat bago maging ama ang sino man
Kailangan siya muna kakitaan di lamang ng kahusayan at kagalingan
Kungdi higit sa lahat ng kabutihan at katinuan.
Kung paano naluklok ang isang alibughang ama
Madaling malalaman bagama't walang pupuntahan ating sisihan
Mabuti pa'y tingnan ating kalooban sa sinapit nating kalagayan
Di kaya dahil tayong mga anak ay alibughang puno ng pagkukulang?

Pagkakaiba ng Panaginip at Pangarap

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, ika-25 ng Marso 2019

Larawan mula sa Google.
Minsan ako'y nainip 
Walang maisip kaya nanaginip
Sa pagbabaka-sakaling makamit
Sari-saring mithi maging pagngingitngit. 
Sa gitna ng aking mga lakbay-diwa
Aking nabatid malaking pagkakaiba
Nitong panaginip at pangarap
Na tila baga ay iisa.
Kapag nananaginip
Madalas isipa'y nasa himpapawirin
Bahala na kung saan makarating
Basta masiyahan kalooban natin.
Napakadaling managinip
Dahil mga mata lamang ay ipipikit
At dagliang sasagitsit
Mga pantasyang katha ng isip. 
Ang taong nangangarap o yaong may pangarap
Malalim kanyang nilalayon at hinahangad sa hinaharap
Inaapuhap kung paanong matutupad
Kaganapan ng pangarap sa kinabukasan.
Sino mang nangangarap o basta mayroong pangarap 
Kanyang diwa ay tiyak na matalas
Mga mata'y laging nakadilat at gising
Handang abutin at tamuhin mga tanawing siya lamang nakatingin.
Nasasalamin sa buhay natin kung tutuusin
Ang mas hilig gawin natin:
Ang managinip at magising
O mangarap at tupdin misyon natin.
Takip-silim sa Sabbath Reteat House ng mga madre ng Assumption, Baguio. Larawan ng may akda, Enero 2019. Ano ang pipiliin, m,anaginip o mangarap?

Poon, kami’y palayain…

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, ika-18 ng Marso 2019

Panginoong aming mahal
Sa panahong itong banal
Aming dalangin kami'y palayain
Sa mga sala na umaalipin sa amin.
Ito ang iyong misyon at hangarin
Nang iyong sabihin at ganapin yaring propesiya: 
"Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon; 
Sinugo niya ako upang ipahayag sa mga bihag na sila'y lalaya."
Kami Panginoon ang mga bihag na iyon
Alipin ng mga kasalanan at kasamaan
Madalas hindi namim nalalaman
Kaya kami'y tulungan manhid na budhi ay mabuksan.
Kadalasan ika'y aming nalilimutan
Sa aming pagkagahaman sa atensiyon at kayamanan
At kung minsan nama'y tinatalikuran
Sa aming kapalaluan na huwag kaming mapapangunahan.
Marami pang ibang pagkakataon
Hindi ka namin nililingon Panginoon
Dahil lagi kaming nakatuon
Sa mga sariling pagkagumon.
Tulungan po ninyo kami, O Panginoon
Na aming matunton iyong mga panuntunan;
Huwag nawa kaming pakatiwala sa aming mga tuntungan
Dahil ang totoo'y munti lamang ito'ng mundo na aming alam.
Isang katatawanan, laging huli na kung aming malaman
Sa aming mga kasalanan wala pala kaming tunay na kalayaan  
Bagkus pawang mga nalinlang ng sandaling kaligayahan
Kaya't kami'y mga bihag at alipin lamang.
Mga larawan mula sa Google.

“Kung Mamasukan Sa Atin Ang Diyos”

IMG_2434
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II
Ika-25 ng Pebrero 2019

 

Hanggang ngayo’y hindi ko pa rin mawari
Ang tagpo noon sa baybayin ng Lawa ng Genesaret
Nang ang makapangyarihan Hari ng mga hari
Humiram ng bangka kay Simon na isang hamak.

 

Sa aking pagbubulay-bulay sa tagpong iyon
Sumilay sa aking malay kung paano kaya
Itong Panginoon Hesus ay biglang mag-apply
Upang mamasukan sa atin bilang tauhan natin?

 

 
“Sir…o kaya’y ma’am” marahil ang bati Niyang marahan.
“Ibig ko po sanang mag-apply bilang inyong tauhan
Diyan sa inyong puso at kalooban
Na tila baga laging nabibigatan at sugatan.”

 

“Ang dami-rami mo nang naging mga bossing
Kaya mga utos di matalos pulos naman galos ang iyong tantos;
Subukan mo naman akong ika’y pagsilbihan
Diyan sa iyong puso at kalooban, di kita sasaktan, peksman.”

 

“Hindi ako magpapahinga maski ika’y kapusin ng hininga
Araw gabi ako ang iyong karamay sa lahat ng iyong away
Gagabay sa iyong mga pagpapasya at desisyon na agaw-buhay
Hindi kita bibigyan ng rason para dumaing o manghinayang.”

 

“Sa aking sasahurin, huwag nang alalahanin
Dahil isa lang naman ang aking hiling:
Pangakong ako lang ang iyong mamahalin at susundin
Asahan mo walang tigil na dating ng pag-ibig at pag-ibig pa rin.”

 

Ano pa ba ang ating mahihiling
Kung ganito ang mamamasukan sa atin?
Aba, ay atin nang tanggapin
Itong Panginoong Hesus na piniling maging ating alipin!

DSCF1078
Aming larawan noong Abril 2017 ng pag-iistasyon ng Krus sa Jerusalem patungo sa Simbahan ng Holy Sepulcher kung saan ipinako at muling nabuhay sa Hesus.  Isang napaka-gandang karanasan ng pag-ibig ng Diyos sa atin na madarama mo ng personalan sa Holy Land.

Lead Us Back to You, O Lord, Like in EDSA 1986

edsaMary
God was the true spirit of EDSA 1986; may we find our way back to Him again in our modern EDSA.  Photo from Google.

The Lord Is My Chef Breakfast Recipe for the Soul
Monday, 25 February 2019, Week VII, Year I
Sirach 1:1-8///Mark 9:14-29

O God our Father, today I praise and thank you for the 33rd anniversary of the People Power Revolution that happened at EDSA.

I am proud O Lord of that historic moment in our history because I was there with my sister.

But I also feel so sad today, O Lord, because we have wasted your gift at EDSA.  I feel betrayed by many of our leaders there who have left us.  I feel betrayed by many of the other veterans of that bloodless coup who have left our cause.

EDSA 86 was our moment of Exodus from our own Egypt but due to our many idolatrous ways, here we are as a nation still wandering in the wilderness when EDSA has become the symbol of everything wrong in us.

Help us to return to you again as our Lord and only Master.

Let us turn back to you for more wisdom to finally set our course right on track as a nation, giving priority to the value of every person and of human life.

God our Father, sometimes I really can’t figure out anymore what went wrong with EDSA because I know I also have a part in its failure.

I still do believe in the ideals of EDSA and most especially in you, the God of history.

Yes, like that father of an epileptic, “I do believe, help me in my unbelief!” (Mk.9:24)
Amen.  Fr. Nicanor F. Lalog II, Parokya ng San Juan Apostol at Ebanghelista, Gov. F. Halili Ave., Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan.

edsa1
EDSA today, the image of everything wrong with us.  Photo from Inquirer.net via Google.

“Bugtong ng Buntung-hininga”

IMG_2434
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II
Ika-18 ng Pebrero 2019

 

Bugtong palabugtong,
ako’y mayroong tanong:
Bakit nga ba sa tuwing ako’y napapabuntung-hininga
Ako’y sinasaway ng iba?

 

 
Walang paliwanag maibigay kanilang mga bibig
Malibang sabihing “a basta… huwag kang magbuntung-hininga!”
Kaya naman sa aking pagtataka,
Lalo pa akong napapabuntung-hininga.

 

 
Kahali-halina kasi itong pagbubuntung-hininga
Lalo na’t bigla kang mayroong nagunita
Kapos sa pananalita, walang mahagilap na kataga
Kung kaya’t humihinga na lang ng malalim.
 
 
Ito ngang Panginoong Hesus natin
Minsa’y napabuntung-hininga rin
Nang siya ay tanungin at kulitin
Ano’ng tanda kanyang maibibigay upang siya ay sambahin.
 
Katulad niya, tayo ma’y napapabuntung-hininga
Kapag tayo ay namamangha o napapatunganga
Sa mga pagkakataong di tayo makapaniwala
Lalo na’t hindi makita ni makuha ng iba mga bagay na kay ganda.

 

 
Sa pagbubuntung-hininga, ano mang buti at ganda
Na ating nakita, sinasariwa ng puso at alaala
Upang pagparoonan at maiwasan
Pakikipag-banggaan sa mga lilong hunghang.

 

 
Maganda at mabuti ang pagbubuntung-hininga
Naaabot katotohanang nakabaon sa kaibuturan natin
Hindi kayang ituring ni sabihin ng bibig natin
Liban nitong puso na parang hanging hininga natin.

DSCF1435
Ang makabuntung-hiningang talon ng Shifen sa Taiwan.  Kuha ng may-akda, 30 Enero 2019.

“Magpa-hinga sa Diyos”

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II
Ika-22 ng Enero 2019
IMG_2434

 

“Goodbye bakasyon, hello baon!”

Nakakatawang sinulat ng aking sacristan
Sa kanyang Facebook matapos ang Bagong Taon
Na tila baga pinaglulubag kanyang kalooban
Sa bakasyong papatapos na noon.
Maraming tao ngayon kapag bakasyon
Batid lamang ay puro selebrasyon
Na hindi nauunawaan diwa ng okasyon
Kaya di maglaon lumilipas lamang ito ng gayon.
lawiswistakip silim
Itong salita na bakasyon ay ating hiniram
Sa wikang Inggles na vacation na ang ugat ay Latin
Na ang ibig sabihi’y walang laman o kaya’y sairin
Upang ma-vacate o mabakante kalooban natin.
Kaya naman ang salin nito sa sariling wika natin
Ay mas malalim at nakahiling sa loobin ng Diyos natin
Noong matapos Niyang likhain lahat sa daigdig natin
Namahinga Siya at tinakda Niyang itong tawagin Sabbath.
Kaya nga kung tutuusin itong pamamahinga
Ay hindi lamang pagtigil sa maraming tungkulin at gawain
Kungdi upang sairin itong kalooban natin
At punuing muli ng hininga ng Diyos na Siyang buhay natin.
Mula nang ang tao ay palayasin sa Paraiso
Dahil sa pagkakasala ng mga ninuno natin
Sariling paningin ay pumangit din kaya’t sa Diyos
Ay nagtago matapos kagatin bawal na bunga sa hardin.
Kaya nga yaring araw ng pamamahinga ay biyaya para sa atin
Dahil kapag ito ay ating ipinangingilin nagbabalik tayo sa Eden
Diyos ay nakakapiling at muling nakakamukha natin
Dahil Espiritung pumupuspos sa atin ay Kanyang hininga rin.
Huwag sana nating limutin di lamang kahalagahan
Kungdi pati kahulugan nitong bakasyon na tayo ay hingahan ng Diyos
Upang mapuno ng Kanyang buhay na siyang gagabay
Sa ating paglalakbay hanggang sa Kanya ay humimlay habangbuhay.
raffysampaloc cove1
*Unang larawan ay kuha ng makata sa Assumption Sabbath sa Baguio; ang ikalawa ay kuha ni G. Raffy Tima ng GMA-7News sa Sampaloc Cove, Subic, Zambales.

“Better Days” by Dianne Reeves (1987)

50314420_10217644163392209_7792055717103403008_n
The Lord Is My Chef Sunday Music, 20 January 2019

            It is still Christmas this Sunday here in the Philippines as we celebrate today the Feast of the Child Jesus known as Señor Sto. Niño.  The feast reminds us of the most central teaching of Jesus Christ which is to be like a child for He said that “unless you become like children, you shall never inherit the kingdom of heaven.”

             One distinct quality of being a child like Jesus Christ is to be always filled with love for everyone.  In this age of modern technologies, how sad that we have become more technical than personal that slowly, real love has become so rare among us.  Too often love is not only abused and misused but also misunderstood as mere feelings alone.  No!  Love is always a decision, a choice we make after the interplay of our mind and heart that leads to growth and maturity.  And the more we stand on that decision and choice to love, the more it is deepened and perfected in God.  So often, love is symbolized by the heart but its truest meaning can only be found in the great sign of the Cross of Jesus where we can find the perfect expression of Christian “childlikeness” and Christian maturity when we choose whatever is more painful and more difficult because we have found someone to love more than our self.

            This is the child-like love that Dianne Reeves tells us in her 1987 crossover hit “Better Days” also known as the “Grandma Song” where she spoke of her grandmother not only teaching her but making her experience love that leads to better days.  We find in the song her grandmother somehow portraying to us what we have said as Christian “childlikeness” and Christian maturity so that in the end, she peacefully joined God because she had always been faithful and loving as a child of the Father like Christ.  That is also the challenge to us of this Feast of the Sto. Niño:  to remain children of God even as adults like Jesus Christ.  Or Dianne’s grandmother.  If only we can be child-like like Jesus or Dianne’s Grandma, we can be assured of better days too not only here but in eternity.

Photo by the author, Dominican Hill, Baguio City, 18 January 2019.

Perfecting the Love of God in Our Imperfect Love

the feast of nuestro padre jesus nazareno
The Lord Is My Chef Breakfast Recipe for the Soul
Wednesday after Epiphany of the Lord, 09 January 2019
1 John 4:11-18///Mark 6:45-52

            God our loving Father, we praise and thank you in giving us your Son Jesus Christ who taught us and showed us everything about love.  He is your love, Father, as He is love.  Indeed, “no one has ever seen You.  Yet if we love one another in Christ, You remain in us and Your love is brought to perfection in us” (1 Jn. 4:12)

            Our love is always imperfect.  Only You can love us perfectly.  Remind us always this truth so we stop looking for perfect love among us.  Instead, keep us loving one another even in the darkness of fears and doubts of Your presence when we are so afraid we would lose everything and everyone, when we are afraid of being naked and hungry, when we are afraid of not being loved and forgiven.  Let us always find Jesus Your Son amid the storms of life, like the Black Nazarene carrying His Cross, speaking to us, “Take courage, it is I, do not be afraid!” (Mk. 6:50).  AMEN.  Fr.Nicanor F. Lalog II, Parokya ng San Juan Apostol at Ebanghelista, Gov. F. Halili Ave., Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan.

Photos from Google.

pista-ng-itim-na-nazareno-0261

“Panaginip o Pangarap?”

IMG_2434
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II
Ika-08 ng Enero 2019

 

Kung tawagin ito sa Inggles ay dream
Ngunit kung ating tutuusin sa wika nati’y
Kahulugan ay mas malalim.

 

Panaginip kung tawagin
Mga pangitain at gunitain
Nakita natin pagkagising.

 

 

Ngunit kung adhikain o mithiin ang ibig mong sabihin
Bagamat sa Inggles ito ay dream
Sa wika nati’y pangarap ang turing.

 

 

Mga panaginip kadalasa’y basta lamang sumasagitsit
Bagamat bunsod ng ating pag-iisip
Na tila baga laro laro lang sa ating isip.

 

 

Ngunit ang pangarap ay higit pa sa ating naiisip
Dahil ito kadalasan ay nakadikit at malapit
Sa pintig at saloobin nitong puso at damdamin.

 

Mas nagkakatotoo ang pangarap
Dahil ito ay pananaginip ng gising
na bawat mithiin at adhikain ay pilit tutuparin.

 

 

Ngayong 2019 ikaw ba’y mananaginip pa rin
Mga pag-idlip ang aatupagin o ika’y gigising
Upang tuparin mga pangarap nakapako pa rin?
43758068_10156156830637758_5322722531499573248_n
Larawan mula kay G. Raffy Tima ng GMA7-News.  Ginamit ng mga kapahintulutan niya.