Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-28 ng Enero, 2020

Gaya ng karamihan ako ma'y nagulantang nang mabalitaan biglang pagpanaw ni Kobe Bryant.
Hindi makapaniwala tumutulo mga luha pilit inuunawa malagim na balita.
Aking binalikan kahusayan at kagalingan nitong si Kobe Bryant hindi lamang basketball tatak na kanyang iniwan.

Hindi ko maubos maisip noon nang siya'y paratangan pang-aabuso ng isang babaeng kawani ng hotel na kanyang tinuluyan.
Sadyang narumihan kanyang pangalan kaya't sinikap niyang iyon ay lampasan pumili ng bagong pangalan - Black Mamba - taguri sa kanyang katauhan.
Ngunit mga kaguluhan hindi siya nilayuan pagkatalo ng kanyang koponan pati kanyang kasal nalagay sa alangan.

Ngunit sadyang mahusay lumaro sa buhay itong si Kobe Bryant kanyang mga salita pinatunayan, pinangatawanan na ano mang negatibo, kaguluhan o kahirapan daan at pagkakataon ng pagbangon.
Nang siya ay mamatay makulimlim daw ang panahon kadiliman muli siyang sinundan upang bumangon sa piling na ng Panginoon.
Sa kanyang paglisan wala siyang sinabi ano man at marahil kaya tayo nasaktan at luhaan kanyang mga aral ay ginintuang katotohanan tagos sa ating puso at kalooban.

Pamilya at mga kaibigan pahalagahan at mahalin ng lubusan sapagkat itong buhay walang nakaaalam kung hanggang kailan.
Gayun din naman sa buong buhay ni Kobe Bryant malinaw niyang sinabuhay itong katotohanan:
Sa buhay palaging mayroong kadiliman ngunit nasa ating mga kamay pagpapasya kung mananatili sa kapanglawan o tatahakin landas ng kaliwanagan!
it’s hard not to be sad but, knowing he and his daugther will be with our Almighty Father the pain suddenly goes away.
LikeLike