“Panaginip o Pangarap?”

IMG_2434
Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II
Ika-08 ng Enero 2019

 

Kung tawagin ito sa Inggles ay dream
Ngunit kung ating tutuusin sa wika nati’y
Kahulugan ay mas malalim.

 

Panaginip kung tawagin
Mga pangitain at gunitain
Nakita natin pagkagising.

 

 

Ngunit kung adhikain o mithiin ang ibig mong sabihin
Bagamat sa Inggles ito ay dream
Sa wika nati’y pangarap ang turing.

 

 

Mga panaginip kadalasa’y basta lamang sumasagitsit
Bagamat bunsod ng ating pag-iisip
Na tila baga laro laro lang sa ating isip.

 

 

Ngunit ang pangarap ay higit pa sa ating naiisip
Dahil ito kadalasan ay nakadikit at malapit
Sa pintig at saloobin nitong puso at damdamin.

 

Mas nagkakatotoo ang pangarap
Dahil ito ay pananaginip ng gising
na bawat mithiin at adhikain ay pilit tutuparin.

 

 

Ngayong 2019 ikaw ba’y mananaginip pa rin
Mga pag-idlip ang aatupagin o ika’y gigising
Upang tuparin mga pangarap nakapako pa rin?
43758068_10156156830637758_5322722531499573248_n
Larawan mula kay G. Raffy Tima ng GMA7-News.  Ginamit ng mga kapahintulutan niya.

“Bagong Taon, Bagong Panahon”

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II
Ika-01 ng Enero 2019

 

IMG_2434

Maraming pong salamat
Mga ginigiliw kong tagatangkilik
Nitong dati kong panaginip
Maisatula aking mga tilamsik ng pag-iisip.

Madalas tuwing bagong taon
Sa pagharap natin sa mga paghamon
Lagi nating tugon ay new year’s resolution
Na kalauna’y mga pangakong nababaon.

Hindi tayo makakasulong taun-taon
Kung parati mayroon tayong mga rason
Alibi at mga dahilan para bigyang katwiran
Iba’t ibang sitwasyon kaya tayo hindi makaahon.

 

49548159_10157026686917996_7763111631847948288_n

Bagong taon, bagong panahon
Bawat pagkakataon ay isang paghamon
Ng pagpapakatotoo sa ating pagkatao
Kung ibig nating lumago, iwanan nakaraan,
Mamuhay sa kasalukuyan, pag-aralan mga dating kamalian;
Mga sugat nating kinasaktan, huwag nang takpan
Bagkus pahanginan sa kasalukuyan upang tuluyang gumaling
Para ating maibaling mga paningin sa mga dapat gawin at ayusin.

Bagong taon, bagong panahon
Pumalaot sa mga dakong di nasusubukan o napupuntahan
Magsagwan kung kinakailangan
Sa gitna nitong ilog ng buhay na walang katiyakan
Maliban sa tahakin landas ng kabutihan at kababaan
Tulad ng pananalangin sa awa at habag ng Maykapal;
Hindi magtatagal lahat ng ating pagpapagal
Sa ati’y dadatal mga dasal nating inuusal.
*Larawan ay obra ng Bulakenyong pintor na si Aris Bagtas; pinili ko ang larawang ito upang maipakita ang pakikibaka ng may tuwa sa bagong taon ng 2019.  Ginamit ng may kapahintulutan.

“Kaya May Araw ng Pasko”

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II
Ika-26 ng Disyembre 2018
IMG_2434

 

Ilang araw bago sumapit araw ng Pasko
Nakaramdam ako ng magkahalo na pagkahapo at lungkot
Dahil sa masalimuot at nakakainis na ilang tao at sitwasyon
Sinabayan pa ng maghapong pag-ulan, Biyernes hanggang Lunes.

 

Pilit kong nilabanan mga hindi magandang nararamdaman
Dinagdagan pahinga at tulog, higit sa lahat ang pagdulog sa Panginoon
Upang ilahad sa Kanya lahat ng aking tanong
Na banayad naman Niyang sinagot tila baga sa pag-ambon.

 

 

 

Hindi ba nang isinilang Siya noon, napakagulo din ng panahon?
Noon pa man hanggang sa ngayon,
May mga tao pakiramdam o paniwala na sila ang Kristo –
Tagapagligtas ng mga tao pero kung umasta, diktador at emperador?
bethlehemchristmascitystar
Kunwari’y malasakit sa mga tao ginagawa, 
pero “ego” nila ang walang pagsasawa;
Lahat ng kanilang ginagawa kunwa’y para sa madla
At marami ang natututwa na di alintana pagwasak ng buhay
Pagsira ng pagbubuklod bilang bayan, simbahan, at tahanan.

 

Kay sarap paglimi-limihin itong Panginoong Hesus natin
Likas na dakila at makapangyarihan, piniling maging maliit
Upang itong tao na likas na maliit at laging nagpipilit magmalaki
Mabatid na ang pinakamakapangyarihang puwersa
Ay ang pag-ibig na naroon lamang sa kababaang-loob at kahinaan.

 

 

 

 

Ito ang dahilan kaya mayroong araw ng Pasko:
Upang lagi nating maalala na ang Diyos ay naparito dahil nga sa gulo,
Isinilang ang Kristo sa gitna ng kadiliman dahil gayon ang mundo.
Ibinalot sa lampin at inihiga sa sabsaban
Dahil noon pa man hanggang ngayon, Siya ay tinatanggihan ng karamihan.

 

 

 

Kung ating titingnan lamang mga kaguluhan
At iba pang mga kalabisan sa mundo at buhay natin
Minsan man lamang isang araw maalala natin tuwing Pasko
Ang Diyos ay naparito upang samahan tayo sa lahat ng ito
At kung Siya patutuluyin at pananatilihin sa ating piling
Tiyak ang ibayong biyaya at pagpapala dahil laging Pasko sa atin!
(Mga larawan mula sa Google.)
BethlehemToday

“Ang Tuwa at Galak ng Pasko”

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II
Ika-25 ng Disyembre 2018
IMG_2434
Tiyak at totoo naman ang kasabihan ng lahat
Na Pasko ang pinakamasayang panahon sa buong sangtaon
Dahil sa kapanganakan ng ating Panginoon
Bagama’t hindi naman siyang tuon ng mga pagdiriwang sa ngayon.
Tayo raw mga Filipino ang may pinakamasayang Pasko 
Dahil tayo rin ang pinakamahabang magdiwang nito
Ngunit wala naman sa mga ito kahulugan at diwa ng Pasko
Lalo na kung kasiyahan at hindi katuwaan ang usapan.
Kasiyaha’y kapag mga ngiti ay hanggang labi lamang
Kaya ito ay pansamantala at hindi pangmatagalan o palagian;
Ngunit kung mayroong kagalakan, yaring puso ang nakangiti
Maski sa gitna ng dalamhati at pighati.
Ang ganitong uri ng tuwa ay maari lamang nating mahabi
Kung  ating pinipili sa puso natin maghari at manatili
Itong si Hesu-Kristo na paulit-ulit na sumilang muli
Upang mga kadiliman at kasalanan sa budhi ay mapawi
Maging lubos ang kagalakan na matatagpuan lamang
Sa Diyos Anak na nagkatawang-tao tulad nating hamak
Upang katulad niya tayo’y makapagmahal din ng tunay at wagas.
Ang tuwa at galak ng kapaskuhan ay malayang pagpapasiya o desisyon
Ng sino man na handang magbigay ng silid at puwang sa puso at kalooban
Upang si Kristo ay muling sumilang, maghari at punan ating mga kakulangan
Na akala nati’y matatagpuan sa mga kayamanan at kagamitan
Kungdi sa ugnayan ng pagmamahalan na siyang diwa ng kapaskuhan
Nang unang dumating si Hesus doon sa sabsaban
Upang tayo ay samahan sa landas ng kabutihan at kabanalan.
48046351_342853482932872_3835136835885989888_n (1)
Ang larawan ay isang obra ni G. Aris Bagtas, “Musika ng Liwanag at Gabay” (4×5 ft., 2012 acrylic painting) na tumatalakay sa mabuting samahan ng pamilya at magkakamag-anak.  Araw-araw ang Pasko kung nasa puso palagi ng bawat isa ang pagmamahal at samahan ng pamilya at mga kamag-anakan.

Advent Is The Joy of Persons

48363133_2022338281220522_1767266466916204544_n
The Lord Is My Chef Simbang Gabi Recipe-1
Advent-3, Year C, 16 December 2018
Zephaniah 3:14-18//Philippians 4:4-7//Luke 3:10-18

          Christmas is undeniably the most joyous season of the whole year.  And we all know the reason because it is the birth and coming of our Savior Jesus Christ.  Unfortunately in practice, we always forget Jesus Christ and we get focused on the gifts and decorations that delight our senses but leave us empty within.  When we forget Jesus Christ as the reason of the season, then we altogether forget the persons around us, forgetting that the greatest gift we can always receive is the gift of our personhood, the gift of another person we journey in life.  One rejoices because of a person.  Only persons can bring joy and only persons can rejoice.

          You must have seen the Christmas short film of Ayala Malls’ “Wishing Tree” where a Lola and her apo celebrate the Simbang Gabi at Greenbelt.  After Mass, the apo would hang his Christmas wish on the “wishing tree” aided by the security guard.  The Lola eventually had Alzheimer’s, had to stay home while her apo went alone to Simbang Gabi.  As usual, the apo who had grown up into a young man went to hang his Christmas wish but this time, instead of asking for toys, he simply wrote “Make Lola happy again.”  The security guard saw his wish and had a brilliant idea of gathering from the mall’s CCTV records the joyful memories of the Lola and her apo at Greenbelt through the years.  On Christmas Eve, the apo went to kiss and greet his sick Lola in her room where he found a Christmas card from Ayala malls.  Inside was a USB with footages of their happy days together at Greenbelt that lit up Lola’s face with joy as if she had suddenly recovered her memories that she rested her head on her apo’s arm.  How amazing that despite her dementia, Lola rejoiced again when she saw the gift of person in her apo, their gift of selves to each other that tells us only persons can bring joy to another person, not money or things or gadgets.

         This third Sunday of Advent which we also call “Gaudete Sunday” or “Rejoice Sunday”, we level up our rejoicing because our joy is not only coming from another person but from the Second Person of the Holy Trinity, the Son of God Jesus Christ!  Such was also the joy of Mary in singing her Magnificat upon experiencing the very person of  God in herself and in Elizabeth, “My soul magnifies the Lord” (Lk.1:46).  Every joy is magnified because of the person of Jesus Christ who revealed to us that our God is not merely an entity but a Person who relates with us and wants that relationship deepened as a true Father to us.  Last week, we reflected how we must create a room or a space within us to let Christ come to us and possess us.  Today, our readings remind us how God shows us Himself and His plans for us through other persons in Christ Jesus.  See how the people were filled with joy upon listening to the preaching by John the Baptizer in the wilderness of Jordan.  Everybody, including sinners like tax collectors and soldiers were asking him “what should we do?” because they felt the joy within of Christ’s coming.  And the good news is that through John, the people of that time including us today found that God is not really asking so much from us:  we simply have to live simple lives of sharing whatever we have, being fair and just with one another.

         To everyone in the crowd, John said, “Whoever has two cloaks should share with the person who has none.  And whoever has food should do likewise.  Tax collectors should stop collecting more than what is prescribed while soldier should stop the practice of extortion, do not falsely accuse anyone, and be satisfied with their wages.” (Lk.3:11, 13, 14)

          Let us rejoice because God is not asking great things from us to experience His coming in Jesus!  We do not have to withdraw to the mountains and wilderness to find Jesus Christ.  All He wants is our complete person with concrete acts of love and charity, mercy and kindness with every person around us who is our brother and sister in Him.  All God wants is our complete person wherein we are faithful and true to Him through others in whatever state of life we are into.  See how all the readings proclaimed during this Season of Advent teach us to realize that God has truly come among us in the person of Jesus Christ so that we can experience Him in our very personhood and among other persons, both in good times and in bad times, in joys and in tears.  Together we all celebrate life’s ups and downs with God Himself in Jesus through the persons who heed His call to love and to serve.  In becoming human like us, God the Son came to proclaim that the Kingdom of God is within us and that the Holy Spirit has been sent to support our relationships with other persons.  It is always a struggle to be a good person most especially among relatives and friends who are supposed to be the first to love and understand us but turn out to do the opposite.  So often, we forget the other person due to many fears within us like being unloved or rejected, going hungry or thirsty, of losing and getting lost.  The prophet Zephaniah tells us in the first reading to cast away all fears and be not discouraged by failures and hurts in life; rejoice because you are so loved by the Lord!  “The Lord, your God, is in your midst, a mighty savior; he will rejoice over you with gladness, and renew you in his love, he will sing joyfully because of you, as one sings at festival” (Zeph. 3:17).  St. Paul reiterates this call for rejoicing, telling us “Your kindness should be known to all.  The Lord is near.  Have no anxiety at all, but in everything, by prayer and petition, with thanksgiving, make your requests known to God.  Then the peace of God that surpasses all understanding will guard your hearts and minds in Christ Jesus” (Phil.4:5-7). 

         How sad, and how can we rejoice this Advent and Christmas in our country where Christmas is said to be the merriest and the longest when the president and his men especially in the police force rejoice in the death of drug dependents and criminals?  We condemn every act of violence especially to innocent victims but executing their perpetrators, eliminating addicts and criminals will never solve the problem.  How can we rejoice when very clearly justice favors the rich and powerful who can all go free or even be exempted from being arrested simply because of age?  How can we rejoice when telling lies and peddling fake news are the norms of the administration, maligning people and institutions?  The most tragic part of this attitudes of killing, telling lies and injustice in courts is the atmosphere they create among people to lose respect for another person, to fail to see the value of every person rooted in God.  Anyone who rejoices in the death of another person, in fake news and lies can never have true joy because deep inside, they are the most insecured and fearful persons of all who are so afraid to love and to forgive, to accept the truth that they have lost their own value of being a person.  They will never experience Christmas like Herod who ordered the murder of innocent children upon hearing the birth of another person truly greater than him, Jesus Christ.

         This joy of Advent and Christmas in the coming of Jesus Christ is found in the humility of our all-powerful, ever-present, and all-knowing God who chose to be another person among us, so weak and so small even begging us to receive Him.  Doubt no more, my dear reader that no matter what your sins are or your past may have been, whatever may be your state and condition in life today, God is here.  Have a room in your heart for Him, welcome Him for He does have plans for you.  He is also among other persons around you at this very moment, meet Him too among them.  Rejoice and give the person you love with a big, warm hug to feel God’s intense presence on this Rejoice Sunday. AMEN. Fr.NicanorF.LalogII,Parokya ng San Juan Apostol at Ebanghelista, .Gov. F. Halili Ave., Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan.

*Photo is a painting on acrylic canvas by Bulakenyo artist Aris Bagtas, “Triangulo ng Liwanag” exhibited in Washington DC in 2013.  Typical of paintings by Aris is the joy of the Filipino family where there is always the presence of love represented by his vibrant colors.  According to Aris, the relationship among the father, mother and child is everyone’s “triangle of love” in this colorful life we have.  Used with permission.

“Pangangahas ng Puso Kay Kristo”

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-04 ng Disyembre 2018
IMG_2434
Adbiyento… ang apat na Linggong paghahanda sa pagdating ni Kristo
Ngunit kung ating mapagtatanto, umalis ba talaga si Kristo
At dapat nating paghandaan pagbabalik Niyang totoo?
Hindi ba’t lagi naman Siyang naririto at tayo lang ang nalilito
Tuliro sa panahon ng Pasko na ika ng iba Christmas rush kuno
Minamadali ang Pasko pero naiiwan naman si Kristo.
Sa paglipas ng maghapon, ating bang naitatanong
Kung nasaan Siyang ating Panginoon,
Maliban lamang kung tayo’y sumusuong sa mabibigat na paghamon
Dahil mas paniwala tayo sa moderno at usong magugunaw na ang mundo
Habang pilit na sinisiksik sa ating mga isip ng teknolohiya at media
Na wala ng oras, wala na tayong tutuluyan pa kaya ang lahat ay madaliin at pagaanin.

Sa ating pagkahumaling sa ano mang magaling, lahat ay ating sinisikap agad tapusin
Panay naman ating daing na di natin kakayanin gayong lahat ay nalalampasan  din
Dahil taliwas sa diwa ng pagdating ni Kristong Panginoon natin
Pinapaalala ng Adbiyento na bagama’t magwawakas itong panahon natin
May sapat na oras at puwang si Kristo para sa atin
Upang tayo ay Kanyang makapiling, mapuspos ng Kanyang blessing.

Ngayong panahon ng Adbiyento, sana’y pangahasan nating
Suriing maigi yaring puso natin, alamin at timbangin totoong pinakamahalaga sa atin
Pangahasan na damhin at ranasin si Kristong nananatili sa puso at buhay natin
Dahil kung hindi natin ito gagawin ngayon din
Kailan ma’y hindi Siya darating
Kung wala Siyang puwang sa puso natin.

Advent1M

*Larawan ay kuha ng may-akda ng kanilang Advent wreathe sa Parokya ng San Juan Apostol at Ebanghelista, Gov. F. Halili Ave, Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan, ika-2 ng Disyembre 2018.

“Kabanalan sa Pagbibilang”

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, ika-27 ng Nobyembre 2018

IMG_2434 

Isang bagay na palagi kong natatandaan
Pangaral ng aking mga magulang
“Huwag kayong magbibilangan,
Iwasan ang pananaghilian, walang lamangan.”
Kaya’t ako ay nasanay bilang panganay
Na gawin na lamang ang lahat ng bagay
Nang hindi naghihintay kung may daramay
Kayanin ang lahat kung di ko naman ikamamatay.
Minsan sa aking pagninilay
Sumaging bigla sa aking malay
Bakit nga ba ang hilig nating magbilangan ng maraming bagay
Pati Pasko ay laging inaabangan ng hindi nalalaman ang kahulugan?
Napakadaling bilangin mga bagay tulad ng
Oras ng maghapon o buwan ng isang taon
Isama mo na rin mga palatandaan ng panahon
Na tila baga lahat ay pwedeng maikahaon.
Ngunit mayroon ba tayong pagkakataon
Matuon sa mga taong nakapaligid sa atin
Upang sila’y bilangin at kilalanin
Mga kabutihan nila sa atin?
Sila ang lagi nating kapiling at nagmamahal sa atin
Nagmamalasakit ngunit di natin pinapansin
Dahil mas natutuwa tayong bilangin mga ipon at pera natin
Pati na sasakyan, damit at pagkaing nakapaligid sa atin.
Palagi tayong nagbibilang ano mayroon o kulang at wala sa atin
Nang di napapansin ano na ba naibahagi natin lalo na sa mga nangangailangan din.
Itong pagbibilang ay gawaing mayroong kabanalan
Kung ang titingnan ay mga kapwa na dapat mahalin, di mga bagay na ibig maangkin.
Kung ating tutuusin, maski ang Diyos na lumikha sa atin
Tiniyak kahalagahan natin nang tayo’y likhain
Bakas Niya’y iniwan sa mukha natin
At pati nga mga buhok natin sabi Niya’y bilang na rin!
RaffySubic
Larawan ay kuha ni G. Raffy Tima ng GMA-7News sa Subic, ika-17 ng Nobyembre 2018.  Ginamit ng may kapahintulutan niya.

Ano Nga Ba ang Inaabangan sa Pasko?

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-20 ng Nobyembre 2018
IMG_2434
 
Minsa’y nagmisa ako sa aming mababang paaralan
At sa aking panimula aking nausisa mga bata
Kung ilang araw na nga lang ba ang Pasko?
Nag-uunahan, nakangiti na tila baga bumabati
At kasali sa laban o bawi, buong galak nilang sinabi
“41 days before Christmas!”
Ako’y nagulat, kanila pala’ng inaabangan
Araw ng Pasko kaya’t bilang nila kung ilang araw na lang
Habang ako nama’y nagulantang sa gayong katotohanan.
Bakit nga ba tayo sabik sa araw ng Pasko?
Ano nga ba ating inaabangan
Palagi tayong mayroong countdown?
Kung ang Pasko ay isang petsa nga lang,
Bakit hindi na lang tayo magbilangan
Bagong Taon pa lamang?
Madalas sa ating karanasan
Tayo ma’y natitigilan kinagabihan ng Pasko
Lalo na’t nagkaubusan ng pagkai’t mga pamaskong pinaghandaan.
Ito nga lang ba ang dahilan at kahulugan ng Kapaskuhan?
Lahat ng kaabalahanan at kapaguran sa paghihintay
Di malaman kung napasaan?
Kung ating pagninilayan diwa ng Pasko
Araw-araw itong maipagdiriwang kung sa puso natin sumisilang
Itong si Hesus at hindi sa sabsaban.
Higit sa petsa ng Kanyang kapanganakan
Ang Pasko ay isang kaganapan nang makialam
Sa ating kaguluhan ang Diyos na walang hanggan;
Kanyang pinunan, ating kakulangan
Binigyang saysay buhay nating walang kabuluhan
Upang tayong sinilang sa kasalanan, magkaroon ng kabanalan.
Mamuhay tayo’ng lagi sa Kanyang kapanatilihan
Upang ngayon pa lamang ay maranasan hatid Niyang kagalakan
Kesa ito’y abangan at malibang sa pagbibilang ng petsa at buwan.
BelenJohnHay2
Larawan ay kuha ng may-akda, Belen ng Manor House sa Camp John Hay, Baguio, Nobyembre 2017.

Ano iyong ibibigay sakaling hingian ka ni Hesus ng ano man?

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, ika-13 ng Nobyembre 2018

IMG_2434

Ito ay isang tula batay sa kathang nakatutuwa
Ng makata sa ibang bansa:
            Minsan daw, saysay ni Rabindaranath Tagore,
            Nakita ng isang pulubi pagdaan ng gintong karwahe.
            Nagalak ang pobre dahil makikita niya ang mahal na hari
            Ngunit laking gulat niya nang sa kanya nanghingi
            Itong hari nag ani, “Ano’ng maibibigay mo sa akin?”

Naguluhan ang pulubi at walang nasabi
Bigo at inis sa nangyari, isang butil na trigong inani
Tanging iniabot sa nanghihingi na hari.

Umalis ang karwahe, sumapit ang gabi, at umuwi ang pulubi
Laking gulat at panghihinayang di magkali sa kanyang sarili
Dangan kasi isang diyamante napasali sa marami niyang butil na nahingi.
           
               “Ano’ng dami sana ng mga diyamante ko ngayon
               Kung ako sana’y galante sa hari ng gintong karwaheng iyon!
               Ganito palang kahihinatnan kung pinagsapalaran ko’ng ibigay 
               Noon sa haring iyon mga trigo na aanhin ko pa ngayon?”

Ito kasi ang sitwasyon kapag tayo ay mayroon,
Palaging nanghihingi ating Panginoon
Hindi upang Siya ay magkaroon kungdi upang sa gayon
Ano man tayo mayroon, huwag tayo dito magumon
At gawing bagong pinapanginoon.

Kung ika’y hihingan ni Hesus ng ano man ngayon
Huwag mo Siyang pagdadamutan at baka ika’y manghinayang
Sa pagkakataon na Kanyang palitan iyong iniingatan na wala namang kabuluhan.
Iyong pakatandaan sa pagsasapalaran kay Hesus na tunay na mayaman
Di ka Niya pababayaan ng higit na mainam at makabuluhang kayamanan.
tagore 

*Larawan mula sa Google.

Magtanong Kay Hesus, Sagot Niya’y Nasa Krus

Lawiswis ng Salita//P. Nicanor F. Lalog II//Ika-06 ng Nobyembre 2018

IMG_2434

Madalas ako ay nagtatanong
Kay Hesus na ating Panginoon
Mga sari-saring bagay
Kadalasa’y sumasagitsit sa aking pagninilay.
At sa tuwing ako’y may katanungan
Naroon akong lagi sa paanan ng krus Niyang banal
Kung saan din aking natagpuan itong katotohanan
Na sa bawat katanungan kay Hesus,
Sagot Niya’y naroon din sa Kanyang Krus!
Halika, inyong subukan inyong katanungan
Upang masakyan aking pakahulugan:
         Hesus, ako ba ay iyong mahal?
                 Tingnan Kanyang sugatang katawan, huwag nang mag-alinlangan.
          Hesus, bakit ako’y laging nahihirapan?
                  Pagmasdan kanyang pinasan, ika’y magagaanan.
          Hesus, ika’y nasaan sa aking kagipitan?
                 Bago pa man itong aking pinagdaraanan, naroon na Siyang unang nasaktan!
Laging pakatandaan, ano man ang ating katanungan
Sagot matatagpuan sa sugatang Niyang katawan
Na Kanyang inalay bilang katubusan sa ating mga kasalanan
Na siyang pinagmulan nitong marami nating katanungan.
padrepioresize
*Salamat sa larawan kuha ng dati kong mag-aaral sa ICSB, Arch. Philip Santiago noong Setyembre 27, 2018 sa Simbahan ng San Giovanni Rotondo, Italya kung saan naglingkod si San Padre Pio.  Isa ito sa mga mosaic doon nagsasaad ng malalim niyang debosyon sa nakapakong si Kristo gaya ni San Francisco ng Assisi.  Kapwa sila biniyayaan ni Hesus ng stigmata, mga sugat tulad ng tinamo Niya noon sa krus.