Tapos na ba ang Pasko?

Lawiswis Ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-03 ng Enero 2020
Ikalawa ng Enero
binati ko ng "Maligayang Pasko"
magandang kahera 
ng paradahan sa Trinoma.
Ngumiti at bumati
sabi ng binibini, "Happy New Year!
Tapos na po ang Pasko"
kanyang nawika mula sa munti niyang bintana.
Nagpaliwanag ako
habang kanyang binibilang bayad ko.
"Miss, hindi pa tapos ang Pasko;
kaya may bagong taon kasi sinilang si Kristo!"
Bakit nga ba tayo ganito
turing sa Pasko isang petsa sa kalendaryo
kaya pagsapit na Enero a-primero
akala'y tapos na ito?
Sana'y ating mapagtanto
na isang kuwentong nagpapatuloy
sa pamumuhay nating mga Kristiyano
itong Pasko nang ang Diyos ay maging tao.
Kapag ang Pasko ay tinuring nating 
isang bilang lamang ng mga araw at buwan
maski ilang libong taon pa iyan -
pagsusuma at pagtutuos lamang hahantungan.
Magkano napamaskuhan o
mayroon bang Christmas bonus diyan
mga katanungan pumapailanlang
pagsapit ng Kapaskuhan sa karamihan.
Diwa at kahulugan ng pagsilang
ni Hesus tiyak malilimutan 
kapag sarili lamang ating tiningnan 
kaya ating minamadali pati pagbati ng happy new year muli.
Hanaping muli si Kristo sa Pasko
at tiyak ating matatanto 
di natatapos pagdiriwang na ito
na kailangan nating ihatid palagi si Kristo sa ating mundo!

Tapos na ang Pasko?

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-03 ng Enero 2020

Belen sa Pambansang Dambana ng Birhen ng Carmel, Lungsod Quezon, 30 Disyembre 2019.

Ikalawa ng Enero
binati ko ng “Maligayang Pasko”
magandang kahera ng paradahan sa Trinoma.

Ngumiti at bumati
sabi ng binibini, “Happy New Year!
Tapos na po ang Pasko”
kanyang nawika mula sa munti niyang bintana.

Nagpaliwanag ako
habang binibilang niya aking bayad:
“Miss hindi pa tapos ang Pasko;
kaya may bagong taon sinilang kasi si Kristo.”

Bakita nga ba tayo ganito
turing sa Pasko isang petsa sa kalendaryo
kaya pagsapit na Enero a-primero
akala’y tapos na ito?

Sana’y ating mapagtanto
na isang kuwentong nagpapatuloy
sa pamumuhay nating mga Kristiyano
itong Pasko nang ang Diyos ay maging tao.

Kapag ang Pasko ay tinuring nating
isang bilang lamang ng mga araw at buwan
maski ilang libong taon pa iyan –
pagsusuma at pagtutuos lamang hahantungan.

Magkano napamaskuhan o
mayroon bang Christmas bonus diyan
mga katanungan pumapailanlang
pagsapit ng Kapaskuhan sa karamihan.

Diwa at kahulugan ng pagsilang
ni Hesus tiyak malilimutan
kapag sarili lamang ating tiningnan
kaya ating minamadali pati pagbati ng happy new year muli.

Hanaping muli si Kristo sa Pasko
at tiyak ating matatanto
di natatapos pagdiriwang na ito
na kailangan nating ihatid palagi si Kristo sa ating mundo!

“Kaya May Araw ng Pasko”

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II
Ika-26 ng Disyembre 2018
IMG_2434

 

Ilang araw bago sumapit araw ng Pasko
Nakaramdam ako ng magkahalo na pagkahapo at lungkot
Dahil sa masalimuot at nakakainis na ilang tao at sitwasyon
Sinabayan pa ng maghapong pag-ulan, Biyernes hanggang Lunes.

 

Pilit kong nilabanan mga hindi magandang nararamdaman
Dinagdagan pahinga at tulog, higit sa lahat ang pagdulog sa Panginoon
Upang ilahad sa Kanya lahat ng aking tanong
Na banayad naman Niyang sinagot tila baga sa pag-ambon.

 

 

 

Hindi ba nang isinilang Siya noon, napakagulo din ng panahon?
Noon pa man hanggang sa ngayon,
May mga tao pakiramdam o paniwala na sila ang Kristo –
Tagapagligtas ng mga tao pero kung umasta, diktador at emperador?
bethlehemchristmascitystar
Kunwari’y malasakit sa mga tao ginagawa, 
pero “ego” nila ang walang pagsasawa;
Lahat ng kanilang ginagawa kunwa’y para sa madla
At marami ang natututwa na di alintana pagwasak ng buhay
Pagsira ng pagbubuklod bilang bayan, simbahan, at tahanan.

 

Kay sarap paglimi-limihin itong Panginoong Hesus natin
Likas na dakila at makapangyarihan, piniling maging maliit
Upang itong tao na likas na maliit at laging nagpipilit magmalaki
Mabatid na ang pinakamakapangyarihang puwersa
Ay ang pag-ibig na naroon lamang sa kababaang-loob at kahinaan.

 

 

 

 

Ito ang dahilan kaya mayroong araw ng Pasko:
Upang lagi nating maalala na ang Diyos ay naparito dahil nga sa gulo,
Isinilang ang Kristo sa gitna ng kadiliman dahil gayon ang mundo.
Ibinalot sa lampin at inihiga sa sabsaban
Dahil noon pa man hanggang ngayon, Siya ay tinatanggihan ng karamihan.

 

 

 

Kung ating titingnan lamang mga kaguluhan
At iba pang mga kalabisan sa mundo at buhay natin
Minsan man lamang isang araw maalala natin tuwing Pasko
Ang Diyos ay naparito upang samahan tayo sa lahat ng ito
At kung Siya patutuluyin at pananatilihin sa ating piling
Tiyak ang ibayong biyaya at pagpapala dahil laging Pasko sa atin!
(Mga larawan mula sa Google.)
BethlehemToday

“Ang Tuwa at Galak ng Pasko”

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II
Ika-25 ng Disyembre 2018
IMG_2434
Tiyak at totoo naman ang kasabihan ng lahat
Na Pasko ang pinakamasayang panahon sa buong sangtaon
Dahil sa kapanganakan ng ating Panginoon
Bagama’t hindi naman siyang tuon ng mga pagdiriwang sa ngayon.
Tayo raw mga Filipino ang may pinakamasayang Pasko 
Dahil tayo rin ang pinakamahabang magdiwang nito
Ngunit wala naman sa mga ito kahulugan at diwa ng Pasko
Lalo na kung kasiyahan at hindi katuwaan ang usapan.
Kasiyaha’y kapag mga ngiti ay hanggang labi lamang
Kaya ito ay pansamantala at hindi pangmatagalan o palagian;
Ngunit kung mayroong kagalakan, yaring puso ang nakangiti
Maski sa gitna ng dalamhati at pighati.
Ang ganitong uri ng tuwa ay maari lamang nating mahabi
Kung  ating pinipili sa puso natin maghari at manatili
Itong si Hesu-Kristo na paulit-ulit na sumilang muli
Upang mga kadiliman at kasalanan sa budhi ay mapawi
Maging lubos ang kagalakan na matatagpuan lamang
Sa Diyos Anak na nagkatawang-tao tulad nating hamak
Upang katulad niya tayo’y makapagmahal din ng tunay at wagas.
Ang tuwa at galak ng kapaskuhan ay malayang pagpapasiya o desisyon
Ng sino man na handang magbigay ng silid at puwang sa puso at kalooban
Upang si Kristo ay muling sumilang, maghari at punan ating mga kakulangan
Na akala nati’y matatagpuan sa mga kayamanan at kagamitan
Kungdi sa ugnayan ng pagmamahalan na siyang diwa ng kapaskuhan
Nang unang dumating si Hesus doon sa sabsaban
Upang tayo ay samahan sa landas ng kabutihan at kabanalan.
48046351_342853482932872_3835136835885989888_n (1)
Ang larawan ay isang obra ni G. Aris Bagtas, “Musika ng Liwanag at Gabay” (4×5 ft., 2012 acrylic painting) na tumatalakay sa mabuting samahan ng pamilya at magkakamag-anak.  Araw-araw ang Pasko kung nasa puso palagi ng bawat isa ang pagmamahal at samahan ng pamilya at mga kamag-anakan.

Ano Nga Ba ang Inaabangan sa Pasko?

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-20 ng Nobyembre 2018
IMG_2434
 
Minsa’y nagmisa ako sa aming mababang paaralan
At sa aking panimula aking nausisa mga bata
Kung ilang araw na nga lang ba ang Pasko?
Nag-uunahan, nakangiti na tila baga bumabati
At kasali sa laban o bawi, buong galak nilang sinabi
“41 days before Christmas!”
Ako’y nagulat, kanila pala’ng inaabangan
Araw ng Pasko kaya’t bilang nila kung ilang araw na lang
Habang ako nama’y nagulantang sa gayong katotohanan.
Bakit nga ba tayo sabik sa araw ng Pasko?
Ano nga ba ating inaabangan
Palagi tayong mayroong countdown?
Kung ang Pasko ay isang petsa nga lang,
Bakit hindi na lang tayo magbilangan
Bagong Taon pa lamang?
Madalas sa ating karanasan
Tayo ma’y natitigilan kinagabihan ng Pasko
Lalo na’t nagkaubusan ng pagkai’t mga pamaskong pinaghandaan.
Ito nga lang ba ang dahilan at kahulugan ng Kapaskuhan?
Lahat ng kaabalahanan at kapaguran sa paghihintay
Di malaman kung napasaan?
Kung ating pagninilayan diwa ng Pasko
Araw-araw itong maipagdiriwang kung sa puso natin sumisilang
Itong si Hesus at hindi sa sabsaban.
Higit sa petsa ng Kanyang kapanganakan
Ang Pasko ay isang kaganapan nang makialam
Sa ating kaguluhan ang Diyos na walang hanggan;
Kanyang pinunan, ating kakulangan
Binigyang saysay buhay nating walang kabuluhan
Upang tayong sinilang sa kasalanan, magkaroon ng kabanalan.
Mamuhay tayo’ng lagi sa Kanyang kapanatilihan
Upang ngayon pa lamang ay maranasan hatid Niyang kagalakan
Kesa ito’y abangan at malibang sa pagbibilang ng petsa at buwan.
BelenJohnHay2
Larawan ay kuha ng may-akda, Belen ng Manor House sa Camp John Hay, Baguio, Nobyembre 2017.