Lawiswis Ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-19 ng Abril 2020
Maraming aral sa atin itong COVID-19 ngunit ito muna ibig kong sabihin dahil kung mayroong mga ningning sa gitna nitong dilim na bumabalot sa atin ay ang tila pagkagising sa kahalagahan ng pag-ibig at pagtingin sa bawat kapwa natin. Bago pa man dumating itong social distancing matagal na tayong malamig at manhid sa nasa paligid natin; nagsasarili, kapwa di pansinin nahuhumaling sa texting, gaming, at social media networking. Kaya ngayon nakita natin bagsik at bangis ng COVID-19 hindi malaman gagawin lahat ibig dalawin maski makipag-lamayan gagawin mapadama lang kalinga natin. Nakakatawang isipin na mga microorganism nakapagpagising sa katauhan natin mahalin at pahalagahan kapwa natin buhay di natin matitiyak kung ito'y magniningning o magdidilim, papanaw sa lilim. Panatilihin sa puso at kalooban natin isang buhay hindi kayang himayin biliangin man o tuuusin dahil maski isang buhay lang ito ay mahalaga at napakarami pa rin.
*lahat ng larawan ay kuha ni g. raffy tima ng gma-7 news maliban yaong una sa ibaba, kaliwa na kuha ni bb. lane blackwater nagpost sa kanyang facebook ng kabutihang loob ng mga nagpapanic buying sa isang supermarket nang mapansin ng isang babae ang kakaunting pinamili ni manong na mukhang hirap sa buhay; lahat ng namimili ay nag-ambag sa kanya ng iba’t ibang de lata at pangangailangan kaugnay ng banta ng covid-19.