Pasko… na naman?!

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-25 ng Disyembre 2020
Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.
Pasko na naman.
Yan palaging sambit ng karamihan
minsan hindi maintindihan
palaging inaabangan
pero kapag nariyan na
parang tinatabangan
inaayawan
maski kinaiinisan.
Kapag natutuwa, nakangiti mga labi
sabay sabi, "(Yehey!) Pasko na namann!!!"
Pero kung nagagalit, mata'y nanglilisik:
"Pasko na naman!?!"
Kapag nagtataka, nagugulat,
mabilis pagbigkas, sa dulo umiigkas
"Pasko na naman???"
At kung walang pakialam,
malamlam mukha, halos ibulong
"Pasko na naman."
Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.
Iisang pangungusap
nababago dating
kung saan ang diin
kung bigkasin
batay sa damdamin
nababago ibig sabihin
ngunit kahulagan
at aral nananatili pa rin.
Hindi maililihim
sa likod ng mga katagang
"na naman"
nararamdaman
panghihinayang, pagsisi
tila mayroong gustong aminin;
ang iba naman pilit walang kibit
dahil sa sakit at pait na sinapit
kunwa'y walang pakialam
Pasko kinakalimutan.
Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.
Pasko ay higit pa sa petsa
pera, damit at mga regalo
magarbong pagsasalo-salo;
Pasko ay pagparito sa mundo
ng Diyos na nagkatawang-tao
pangalan ay Jesu-Kristo
upang iligtas tayo
mahango sa pagkakasala.
Mababago pagbigkas
pagbati ng "Maligayang Pasko"
ngunit kahulugan mananatili
magpakailanman
ang pag-ibig na walang hanggan
ng Diyos na atin unang nagmahal
gumawa ng paraan
kaya sumilang sa sabsaban
sa ilalim ng malaking kadiliman
Kanyang Anak upang tayo samahan, damayan!
Larawan kuha ni G. Marc Angelo Nicolas Carpio, Pasko 2020 sa aming parokya.

One thought on “Pasko… na naman?!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s