Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-05 ng Nobyembre 2020
Larawan kuha ni G. Jay Javier, Quiapo, 2020.
Madalas ating buhay
puno ng hiwaga
hindi mo malaman
kung ika'y nilalaro ng tadhana;
simpleng palaisipan
malalim ang kahulugan
habang mayroon namang
bugtong kay hirap dugtungan
upang masaklot
kanyang nilalaman.
Ina ng aking kaibigan noon
pinayuhan ng duktor
maselan na operasyon
gugugol mahigit isang milyon;
tumanggi sila kahit na mayroon
dahil kanilang ina
lampas ochenta na noon!
Kasabay ng panahong iyon
nagkasakit kaibigang kabataan
kailangan din ng operasyon
wala pang kalahating milyon
ngunit dahil walang ipon
hindi malaman
paano magkakaroon.
Madalas sakit ng maliliit
maraming gamot at solusyon
problema nila'y walang pantustos
habang mga nakaririwasa
maraming pang-gastos
sakit naman nila'y walang
gamot ni solusyon!
Sawimpalad
ito'y itinuring hanggang ngayon
bilang bugtong at palaisipan
kaya nanatiling pinagninilayan
sa halip na tukuying
hamon ng sitwasyon
aksiyon ang dapat na tugon!
This is so touching and beautiful Fr. Nick, you’re really amazing po 😭
LikeLiked by 1 person
Ang husay po ng tula ninyo 🙂
LikeLiked by 1 person
Salamuch, Keshy.
LikeLiked by 1 person