Lawiswis Ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-26 ng Agosto 2019
Mula sa Google.
Ano ba itong pinagsasabi ni Imee na technically wala tayong bayani kasi walang upisyal na sinasabi kung sinu-sino ating mga bayani?
Pati ba naman sa mga bayani kailangan pang gamitan ng technicality?
Kung sabagay, hindi rin masisisi si Imee sa pagsasabi at pag-iisip ng ganiri dahil ito ang nakadidiri: pamilya niya'y yaring nagpipilit kilalanin silang bayani!
Technically, Imee, maski pilitin mo kami kailanma'y hindi magiging bayani iyong dadi lalo na noong kami'y inyong dinale Nobyembre 2016 nang dalhin ninyo siya sa Libingan ng mga Bayani.
Kailangan pa ba ang technicality gayong nauuna palagi pagkabayani maliban lamang kapag wala naman talagang kabayanihang nangyari!
At ito ang higit na nakakadiri sa pinagsasabi ni Imee: hindi maikakaila, huling-huli pineke ng kanyang dadi pagkabayani na hindi naman nangyari at ni walang nakasaksi maliban kanyang sarili?!
Napatunayan ng U.S. Army noon pang 1980's sa masusi nilang pagsasaliksik na isang panloloko at walang katotohanan mga pinangalandakang U.S. war medals ni Marcos noong ikalawang digmaang pandaigdig.
Higit pa sa technicality kungdi historicity ang nagsasabi sino talaga ang bayani sapagkat tiyak na mamumulaklak at hahalimuyak ano mang buti naihasik ng sino man na bayan ang inuna bago ang sarili!