Ikaw ba ang binubuhat o nagbubuhat?

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-2 ng Hulyo 2026
Painting ni James Tissot, “The Palsied ManLet Down through the Roof” mula sa brooklynmuseum.org.
Marami na akong napakinggang
kuwento
kahawig nitong nasa ebanghelyo
isang paralitikong nakaratay
sa kanyang higaan
buhat-buhat ng apat na kaibigan;
nakamamangha sinabi at ginawa
ni Jesus sa paralitiko
lakasan kanyang loob
at pinatatawad na
kanyang mga kasalanan.
Pagmasdan paanong nadama
at natanto ni Jesus bigat na dala-dala
ng paralitikong nakaratay
sa kanyang higaan buhat naman
ng mga kaibigan.
Tayo ang paralitikong pinatawad
at pinagaling; nakaratay sa banig,
paralisado,
hindi makagalaw,
nakabilanggo sa maraming
takot at pangamba
bunsod ng mga nakaraang
pagkakasala at pagkakamali;
hindi makausad
hindi makahakbang pasulong
sa buhay,
nananatili sa kahapon at
madilim na nakaraan
kaya hindi mabanaagan
liwanag sa kapaligiran
sariling kagagawan
kanyang pagkaparalisa na
sadyang napakabigat kaya
kapatawaran sa kanyang kasalanan
iginawad at binitiwan ni Jesus.
Kay gandang pagmasdan
eksena at larawan
kung paanong binakbak ng
kanyang mga kaibigan bubong
ng bahay upang paralitiko
ay maihugos sa tapat ng kinaroonan
ni Jesus: isang paghahayag ng
katotohanan sa ating mga
naparalisa sa hindi mapatawad na kasalanan,
hindi malampasang kabiguan at
kamalian o kasawian sa nakaraan
kinakailangang magpakababa
tanggapin kamalian at kasalanan
upang maranasan kapatawaran
at kapanatilihan ni Jesus na ating
Tagapagligtas.
(Tingnan Mt.9:1-8; Mk.2:1-12; at Lk.5:17-26)
Illustration from parentandchildbiblereading.com.
Sa kabilang dako naman,
akin din napakinggan
maraming kuwento at hinaing
ng mga katulad nitong
apat na kaibigan
na bumubuhat sa higaan
ng paralitiko:

Katulad nilang apat,
tayo man ay mayroong binubuhat
 na paralitiko,
isang pasanin
alagain
at intindihin
 kung inyong mamarapatin
at ipagpapaumanhin
ngunit iyon ang masaklap na
katotohanang dapat nating tanggapin
at lunukin;
Diyos ay nagagalak
tiyak nagpapasalamat
sa mga kaibigan
kapatid at kaanak
buhat-buhat paralitikong
nakaratay sa banig
manhid
at walang pakialam
sa pasanin ng mga
nagmamahal sa kanya;
nagagalit,
naiinis,
hindi lang minsan
nakaisip na sumuko
at lisanin,
bitiwan buhat na paralitiko
ngunit pinili pa rin
tiisin
at manatili
sa pasanin
dahil na rin sa busilak
ng kanilang loobin.
“The Paralytic of Capernaum Lowered from the Roof”, a 5th/6th century Mosaic at Sant’ Apollinare Nuovo, Ravenna, Italy; from christian.art.
Kung ikaw ang binubuhat
na paralitiko,
gumising sa katotohanan
ikaw ay minamahal
at pinahahalagahan
huwag na hintayin
pamilya at kaibigan
ikaw ay tuluyang iwanan!

Kung ikaw ang nagbubuhat
sa paralitiko,
pagsumakitan mo na kanyang kalagayan
mahirap gisingin nagtutulug-tulugan;
iyong pagmamalasakit
at pagmamahal hindi man
kilalanin at suklian
sa buhay na ito,
hahantong pa rin ito
sa iyong kapakanan
at kabutihan
dahil si Jesus palaging
kapiling at kasama natin
pinagagaan ating mga pasanin.

“Lumapit kayo sa akin,
kayong lahat na napapagal
at nabibigatan sa inyong pasanin,
at kayo’y pagpapahingahin ko.
Pasanin ninyo aking pamatok,
at mag-aral kayo sa akin;
ako’y maamo at mababang-loob,
at makasusumpong kayo ng kapahingahan
para sa inyong kaluluwa.
Sapagkat maginhawang dalhin ang
aking pamatok,
at magaan ang pasaning ibibigay ko
sa inyo.”
(Mt.11:28-30)
Larawan kuha ng may-akda, St. Michael Retreat House, Antipolo City, 16 Hunyo 2026.

“Do you want to be well?”

40 Shades of Lent by Fr. Nicanor F. Lalog II
Tuesday in the Fourth Week of Lent, 29 March 2022
Ezekiel 47:1-9, 12 <'[[[[>< + ><]]]]'>   John 5:1-16
Photo from stisidoreparish.org program for baptism.
"Do you want to be well?"
(John 5:6).
How blessed was that sick man
at the Sheep Gate pool called
Bethesda or "house of mercy":
like him, we all want to be well and
healed of our ailments not only in
body but also in mind, heart, and
soul; but, alas, nobody would help
us.
Thank you dear Jesus in passing by,
in coming to our lives daily to heal us,
to wash us of our sins; help us to not 
sin anymore, to match our physical
wholeness with spiritual wholeness.
"Do you want to be well?"
(John 5:6).
Yes, dear Jesus!
Have mercy on us, poor sinners;
heal us and make us well from our blindness 
that prevent us from seeing you and 
from recognizing you as our Savior.
"Do you want to be well?"
(John 5:6).
Yes, dear Jesus, we want to be well
and healed from our paralysis that
prevent us from following you, from
doing your work and from leading 
others to you, the only way, truth,
and life in this world.  
Let us remain in you, dear Jesus;
like the prophet Ezekiel, may we realize
that for as long as we are with you like
the plants and trees by the side of the river,
we shall always be fully alive, bearing fruits,
even abloom despite the drought 
and summer.  Amen.