Di alintanang paglapastangan sa mga yumao

Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-28 ng Oktubre 2026
Larawan mula sa inquirer.net file photo, 2022.

Undas na naman at wika nga sa Inggles, all roads lead to the cemetery sa panahong ito upang alalahanin sa pananalangin habang nagtutulos ng kandila, naglalagay ng bulaklak mga pamilya at angkan sa puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.

Siyempre, mayroon din salu-salo doon sa sementeryo habang ang iba naman ay nagtitipon sa kolumbaryo upang gayon din, ipanalangin kanilang mga yumaong mahal sa buhay na isinaabo ang mga labi o pina-cremate.

Mula sa wikang Latin, langit o “sky” ang columbarium habang ang ossuary na halos katulad nito ay libingan naman ng mga buto ng yumao na mula din sa Latin, os o buto kaya yaong sakit sa buto ay osteoporosis kung tawagin. Ang ating kataga na sementeryo o cemetery sa Inggles ay nagmula din sa wikang Latin na hiniram sa Griyego, cemeterion na kahulugan ay “dormitoryo”. Malinaw sa mga katagang gamit sa libingan noon pa man ay nagpapahiwatig ng buhay na walang hanggan na siyang ating tunay na hantungan sa pagwawakas ng buhay sa lupang ibabaw.

Larawang kuha ng may-akda, Anvaya Cove, Bataan, Abril 2026.

Ito ang dahilan mula simula pa lamang ay pinahahalagahan na ang labi ng mga yumaong mahal natin sa buhay dahil mismong ating Panginoong Jesu-Kristo na nagpakasakit at namatay ngunit muling nabuhay ay nalibing din. At dahil doon, pinabanal ni Jesus ating libingan habang inaabangan ang kanyang muling pagbabalik sa wakas ng panahon na kung saan ang lahat ng namatay ay ibabangon niya upang ang kanilang mga labi ay makaisa kanilang mga kaluluwa sa buhay na walang hanggan na siya nating ipinahahayag tuwing magsisimba ng araw ng Linggo, “Sumasampalatay ako sa Espiritu Santo, sa Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal, sa pagkabuhay mag-uli ng mga namatay na tao hanggang sa buhay na walang hanggan.”

Kaya naman itinuturo ng Simbahan batay sa Ebanghelyo at Banal na Kasulatan na pakaingatan at pangalagaan palagi ang mga labi ng mga yumao.

Subalit nakababahala, nakakabagabag itong nauuso na pag-uuwi sa bahay at pagkuha ng kahit kaunting sinaabong labi ng yumao na nilalagay sa kuwintas at ibang alahas bilang remembrance at alaala.

Pinahihintulutan naman ng Simbahan ang cremation noon pa man ngunit ito ay alinsunod sa mga tagubilin at alituntunin dapat tuparin upang matiyak na mapananatili ang dangal at pangangalaga sa labi ng mga yumao.

At pangangahasan ko nang sabihin na malaking kahangalan at paglapastangan sa mga yumao ang nauusong pagkuha ng sinaabong labi upang itago sa tahanan at higit sa lahat, pagparte-partehan ng pamilya mga ito – kahit kaunti – upang ilagay sa alahas tulad ng kuwintas bilang remembrance ng kanilang mahal na yumao.

Juice colored! Anong kalokohan iyan?

Sa halip na maparangalan kanilang mga yumaong mahal sa buhay, kabaligtaran ang nangyayari. Nagiging katulad na lamang ng ordinaryong gamit gaya ng balat ng kendi o talulot ng bulaklak na paalala ng inyong first date ang sinaabong labi ng mahal na yumao. Matay ko mang isipin na nakasabit sa leeg ang kuwintas na mayroong abo ng yumaong mahal sa buhay na dapat ay namayapa na e hanggang ngayon ay kayag-kayag pa rin sa mga pinagkakaabalahan sa buhay pati na sa hirap at tiisin.

Paano kung mahablot, ma-snatch kuwintas na mayroong abo ng inyong yumao? Sana ay maisip ng mga gumagawa nito ang kalapastanganang iyan sa kanilang yumao.

Photo by Pixabay on Pexels.com

Kung tunay nating minamahal mga yumao natin sa buhay, ilagak sila sa mga takdang libingan tulad ng sementeryo at kolumbaryo upang doon kanilang labi ay mapangalagaan at higit sa lahat, maipagdasal at maalala palagi di lamang ng pamilya at kamag-anak kungdi ng bayan ng Diyos, ang Simbahan sa tuwina ay nananalangin para sa mga yumao.

Noong 2016 niliwanag at muling ipinaalala sa isang Instruction ng Offices of the Congregation for the Doctrine of the Faith sa Vatican ang paglalagom ng mga katuruan at alituntunin ng Simbahan ukol sa paglilibing lalo ng mga sinaabong labi ng namatay. Unang-una na dito ang paglagak ng mga ito sa natatanging libingan gaya ng sementeryo at kolumbaryo. Narito ang buong sitas upang kayo mismo ang bumasa sa mga bahagi ng naturang Instruction na pinamagatang Ad Resurgendum cum Christo na ibig sabihi’y “bumangon muli kay Kristo”:

When, for legitimate motives, cremation of the body has been chosen, the ashes of the faithful must be laid to rest in a sacred place, that is, in a cemetery or, in certain cases, in a church or an area, which has been set aside for this purpose, and so dedicated by the competent ecclesial authority.

From the earliest times, Christians have desired that the faithful departed become the objects of the Christian community’s prayers and remembrance. Their tombs have become places of prayer, remembrance and reflection. The faithful departed remain part of the Church who believes “in the communion of all the faithful of Christ, those who are pilgrims on earth, the dead who are being purified, and the blessed in heaven, all together forming one Church”.

The reservation of the ashes of the departed in a sacred place ensures that they are not excluded from the prayers and remembrance of their family or the Christian community. It prevents the faithful departed from being forgotten, or their remains from being shown a lack of respect, which eventuality is possible, most especially once the immediately subsequent generation has too passed away. Also it prevents any unfitting or superstitious practices (#5, Instruction Ad Resurgendum cum Christo).

For the reasons given above, the conservation of the ashes of the departed in a domestic residence is not permitted. Only in grave and exceptional cases dependent on cultural conditions of a localized nature, may the Ordinary, in agreement with the Episcopal Conference or the Synod of Bishops of the Oriental Churches, concede permission for the conservation of the ashes of the departed in a domestic residence. Nonetheless, the ashes may not be divided among various family members and due respect must be maintained regarding the circumstances of such a conservation (#6, Instruction Ad Resurgendum cum Christo).

Larawan kuha ni Santi San Juan ng Manila Bulletin, Angono, Rizal, 31 Agosto 2024.

Malinaw ang paalala ng Simbahan: hindi pinapayagan itago sa tahanan ang na-cremate na labi ng mahal sa buhay. At hindi rin tama na pagparte-partehan ng mga naulila kahit katiting ng sinaabong labi ng kanilang yumao.

Nakakalungkot na mayroong mga pari na sa halip ituro ang tama at nararapat, sila pa nagkukunsinti ng kamalian at kalapastanganang ito sa pagbabasbas ng mga kuwintas na mayroong sinaabong labi ng mga yumao.

Nararapat at napapanahon nang pagbawalan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga punenarya sa pag-aalok sa mga namatayan ng mga sinaabong labi na nilalagay nila mismo sa mga kuwintas na kanila ring binebenta na isa pang dagdag na kalapastanganan sa mga yumao na pinagkakitaan pa!

Mahigpit ding ipinagbabawal ng Simbahan ang pagsasaboy ng mga sinaabong labi sa himpapawirin at karagatan katulad ng mga eksena sa pelikula; walang puwang sa pananampalatayang Katoliko ang mga gawaing ito sapagkat turo nga ni San Pablo, templo at tahanan ng Espiritu Santo ang bawat tao (1Cor.6:19) kaya kahit namatay na ay sagrado pa rin kanilang mga labi kaya mga ito ay binabasbasan pa rin.

In order that every appearance of pantheism, naturalism or nihilism be avoided, it is not permitted to scatter the ashes of the faithful departed in the air, on land, at sea or in some other way, nor may they be preserved in mementos, pieces of jewelry or other objects. These courses of action cannot be legitimized by an appeal to the sanitary, social, or economic motives that may have occasioned the choice of cremation (#7, Instruction Ad Resurgendum cum Christo).

Ngayong Undas, kung mayroon kayong mga sinaabong labi ng inyong mahal sa buhay na nasa bahay pa rin o kahit kaunti sa kuwintas at ibang alahas, alang-alang sa kapayapaan ng inyong mahal na yumao, ilagak na mga ito sa sementeryo o kolumbaryo. Kumausap ng pari para sa inurment of remains upang maging makabuluhan at banal inyong pagdiriwang ng Undas simula ngayong taon hanggang sa magkasama-sama tayo balang araw sa buhay na walang hanggan kapiling ang Diyos at kanyang mga Banal. Amen.

Larawan kuha ni Santi San Juan ng Manila Bulletin sa Angono, Rizal, 31 Oktubre 2024.