Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-20 ng Abril 2019
Larawan mula sa Google.
Ano nga ba ang kabuluhan Nitong mga panata na sinasakatuparan Kung wala namang kahulugan Maliban sa ito'y nakagisnan?
Inyong pagmasdan itong ating mga nakagawian Na pawang puro kaluhuan Puro palabas wala na sa kalooban Kaya nawala na sa atin ang kahulugan.
Pagkakataon sana upang ating masalamin At mapaglalim mga minanang kaugalian natin Ngunit nagiging isang malagim na tanawin Karima-rimarim na pag-uugali ng marami sa atin.
Larawan mula sa GMA News.
Isang kabataan nadismaya sa nakita Nang gawing malaking basurahan simbahan nila Ng mga nag-visita iglesia na walang pakundangan Nilapastangan at sinalaula tahanan ng Diyos.
Hindi lamang iyan sa Antipolo Kungdi maging mula Aparrri hanggang Jolo Eksenang ganyang kagulo Ng mga Katolikong sira ang ulo.
Larawan mula sa Google.
Anong uri nga ba ng pananampalatay mayroon tayo Mga Filipino diumano Katoliko sarado Hindi mababago anila pagiging Kristiyano O sarado isip at puso sa katotohanan ni Kristo?
Ngayong "nakahimlay" Panginoon natin Suriin mga pagkukulang natin Kung bakit mga pagdiriwang at gawain Sa simbahan nawalan ng taginting.
Mga simbahan ba natin maituturing na bahay dalanginan pa rin Kung punung-puno ng mga palamuti, walang katapusang mga pagawain? Puro flat screen at tarpaulin mga dingding Lahat na lamang naka-recording, ang Diyos wala nang dating.
Nasaan na ang marubdob na pakiramdam Kung ang simbahan mistulang tindahan At ang masaklap na katotohanan minsan o palagian Kay Father walang maramdamang kabanalan.
Madalas nating mapakinggan itong kasabihan Kung ano ang gobyerno, ganoon din ang mga tao; Huwag nating kalilimutan ang katotohanang iyan Sa simbahan ma'y matatagpuan una doon sa mga kaparian.