Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-12 ng Hunyo 2019
Mula google.
Tuwing sasapit petsa dose ng Hunyo Problema sa ating mga Filipino Nahahayag sa pagdiriwang na ito Na tila hindi natin tanto kahulugan nito.
Ano nga ba ang wasto, Araw ng kalayaan o araw ng kasarinlan? Parehong totoo at magkahawig sinasaad ng mga ito Ngunit malalim at malaki pagkakaiba mga ugat nito.
Mula sa Wikipedia.
Kung pagbabatayan ating kasaysayan Araw ng kasarinlan ang petsang ito Nang bumukod at magsarili tayo bilang isang bansa Pinatatakbo ng mga sariling mamamayan at kababayan.
Ngunit totoo rin namang sabihing Higit pa sa kasarinlan natamo natin sa petsang ito Kaya nararapat tawaging araw ng kalayaan Nang lumaya ating Inang Bayan sa pang-aalipin ng mga dayuhan.
Larawan mula sa ABS-CBN News.
Maituturing bang may kasarinlan ating bayan Kung wala namang kalayaan linangin at pakinabangan Kanyang likas na yaman lalo na sa karagatan Gayong tayo ay bansang binubuo ng mga kapuluan?
Tayo nga ba ay nagsasarili at masasabing may kasarinlan Kung turing sa atin ay dayuhan sa sariling bayan Walang matirhan lalo na mga maliliit nating kababayan Dahil sa kasakiman ng ilang makapangyarihan sa pagkamkam?
Gayon din naman sana'y ating matingnan Kung tunay itong ating kalayaan Marami pa rin ang nabubulagan at hindi matagpuan Dangal ng kapwa na madalas ay tinatapakan.
Ang tunay na kalayaan ay ang piliin at gawi'y kabutihan Kaya ito ma'y kasarinlan dahil ito'y kakayahang Kumawala at lumaya sa panunupil sa sariling pagpapasya Walang impluwensiya ng iba kungdi dikta ng konsiyensiya.
Larawan mula sa Google.
Kalayaan at kasarinlan kung ating pagninilayan Dalawang katotohanang nagsasalapungan Kung saan mayroong pagtatagpo ng kabutihan Paglago at pagyabong ng buhay tiyak matatagpuan.