Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-30 ng Abril 2020
Isang matandang kasabihan itong ating masasandigan na nagsasaad ng katotohanan na hindi nalilikha ating pag-uugali sa panahon ng krisis, bagkus dito ito nahahayag at nalalantad din.
Sa gitna nitong quarantine ng COVID-19, maraming pag-uugali natin ang nabuking: nakilala sino ang may tunay at dalisay na pagtingin at malasakit sa kapwa sariling kaluguran at kapakanan ipinagkait upang madamayan, masamahan higit nangangailangan.
Gayon din naman napatunayan higit kailanman hindi lahat ng kumikinang ay ginto kungdi tanso din naman dahil sa asal at pag-uugali hindi lamang magaspang kungdi kamuhi-muhi, nakakapangiwi!
Sa kaunting halaga o anumang ayuda maaring makuha ipinagpalit ang kaluluwa dangal ay ipagpapaliban matiyak lamang hindi siya malalamang sapagkat sariling kaluguran tanging panuntunan.
Pagkaraan nitong lockdown kawawa mga nanlamang hindi na sila pagkakatiwalaan makitid na isipan, sarili lamang ang tanaw kaya pag-uugali ay gayon na lamang; sa kabilang dako naman, pakatandaan yaong mga sa gitna ng kagipitan nanatili sa atin at hindi nang iwan pasalamatan at ituring na tunay na kaibigan dahil kanilang pagdamay at pag-agapay nadalisay pang tunay nitong kahirapan.




