Lawiswis ng Salita ni P. Nicanor F. Lalog II, Ika-01 ng Abril 2020
Pamangkin. Ibig sabihin ay "para namang akin": mga anak ng iyong kapatid kaya para mo na ring anak sila kung ituring. Pinsan. Ibig sabihin ay "kapisan" sa higaan o sa banig doon sa bahay na matanda dahil magkakapatid inyong mga magulang. Kapatid. Ibig sabihin ay "kadugtong" na kung wala ang isa ikaw ay "patid" at tiyak nag-iisa. Kabutihan din sa COVID-19 mayroon tayong quarantine kaya't asikasuhin pamilya natin linangin at buhayin pagsasamahang nakalimutan na yata natin.




